My Board

Academics => Legal Department => Topic started by: firewater on June 26, 2013, 10:16:35 PM

Title: Formatting of name
Post by: firewater on June 26, 2013, 10:16:35 PM
Although wala pa naman nangyayaring legal implications, curious lang ako kung pano ang tamang format ng name kapag may suffix at isinusulat ng surname first, halimbawa Juan Dela Cruz Jr.
Is it Dela Cruz, Juan Jr. or Dela Cruz Jr., Juan?
This two format appears inconsistently on my school records, licenses, legal transactions, bank records. Parang kung ano lang yun preference nung data encoder, yun ang ginagamit. Pero mas preferred ko ang format na Dela Cruz, Juan Jr.
Any information on this? Thanks in advance
Title: Re: Formatting of name
Post by: karlkutu on July 06, 2013, 02:30:44 PM
Hmmmm....wala pa po ako nakikita sa batas tungkol po sa issue na ito. Saganang akin mas gusto ko rin po yung Dela Cruz, Juan Jr. May "Jr" din po name ko yan  po gamit ko.
Title: Re: Formatting of name
Post by: firewater on July 07, 2013, 06:17:29 AM
Same tayo ng opinion Karl. Saka wala pa naman nga nangyayari sakin na hassle about sa mga pagkakaiba ng formatting sa mga identification cards or licenses ko. Na curious lang talaga kasi ako if it is written somewhere kung pano ba talaga treatment sa mga name with suffix.
Title: Re: Formatting of name
Post by: karlkutu on July 07, 2013, 06:37:23 AM
sir, may isa pang format pala. wag mo ilagay yung "jr" pero ilagay mo yung middle name or initial mo. dapt may distinction between you and your father.
Title: Re: Formatting of name
Post by: j4kst0n3 on November 23, 2013, 11:07:07 AM
Sa mga makabagong "application forms" ngayon, lalo na sa mga foreign companies or government agencies, hiwahiwalay na ang boxes or spaces for:

Prefix/Title: e.g. Mr/Ms/Mrs/Dr, etc
Last Name
Given Name
Middle Name/Middle Initial
Suffix: Sr/Jr/II/III, etc

Sad to say, hindi lahat ng companies or government agencies sa Pilipinas ay ganito ka-comprehensive ang forms.

Pero nagkakaiba pa din kapag pinagsama-sama na para mabuo ang pangalan, depende sa company or government agency.

Sa aking palagay, lagi na lang magdala ng at least dalawang ID para mapatunayan na ikaw nga iyong nakasaad sa ID, kahit na hindi magkapareho ang presentation, e.g., Dela Cruz Jr., or Dela Cruz, Juan Jr.

Maidagdag ko lang, sa Pilipinas, ang Middle Name ay ang apelyido ng Ina. Sa ibang bansa lalo na sa Amerika, maaaring ang middle name ay hindi apelyido ng Ina. Pwede din ito ang pangalawang pangalan ng tao.


Sent from my Nokia 5110 using Tapatalk (http://tapatalk.com/m?id=1)
Title: Re: Formatting of name
Post by: firewater on November 24, 2013, 12:43:51 AM
Thanks sa additional input bro j4kst0n3. Napansin ko na nga rin to sa ibang mga online form na meron na sila combobox kung saan makakapili ka ng suffix ng name. Pero yung iba wala pa rin, tapos pag naglagay pa ko sa name box na may "Jr." mag eerror pa, sasabihin "Names does not contain punctuations".  :(
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal