My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: Cathrina on June 17, 2013, 09:54:21 PM
-
Ask ko lang po,What's one lesson you learned from your parents?im sure you learned a bunch from them but just share one..thanks!
-
isa sa natutunan ko na nadala ko pag tanda ang pagiging magalang kahit na di sila kagalang galang... =) ::)
-
isa sa natutunan ko na nadala ko pag tanda ang pagiging magalang kahit na di sila kagalang galang... =) ::)
Yan ang tunay na magalang na gumagalang kahit sa mga hinde kagalang galang..hehe nice share po!unang karma para sayo..
-
Ask ko lang po,What's one lesson you learned from your parents?im sure you learned a bunch from them but just share one..thanks!
waaahh saya naman unang karma ko... ahaha..first time thanks Cathrina. :-*
-
waaahh saya naman unang karma ko... ahaha..first time thanks Cathrina. :-*
Your welcome po..hehe kita kits na lang tayo sa ibang board..enjoy!
-
kahit gaano pa kasama ang taong gumawa sayo ng hindi maganda, huwag na huwag kang gaganti sa kanya dahil kapag gumanti ka sa taong gumawa sayo ng masama mas masahol ka pa sa kanya.
-
marami akong natutunan sa parents ko.
eto 5 sa natutunan ko:
1. hardwork
2. hardwork
3. hardwork
4. hardwork
5. hardwork
-
Parent: "Papunta ka pa lang, Pabalik na ako/ kami."
"Magtyaga ka lang at may nilaga din yan"
"Sa hinaba haba ng daan, sa simbahan din ang tuloy nyan"
:D :D :D
-
magmahalan kayong magkakapatid.... yan madalas sabihin ng magulang ko nuon..
-
mas mahalaga ang edukasyon dahil kahit sinong tao sa mundo hindi-hindi niya makukuha sayo yun kahit ano pang mangyari.
-
Ang natutunan ko sa magulang ko is to give help to those in need and less fortunate ones. :)
Sent from my GT-I9500 using Tapatalk 2
-
from my mom! be a good person as you can be.
from my dad! when you are wrong admit it! fight for your right!
-
my parents teach me to take responsibility at early age...being the oldest of the family sinanay nila ako na magdecide para sa mga kapatid ko and even for the whole family(e2 ung nakapagtapos naman na ako ng college and having work sa manila) at hanggang ngayon naman eh nandun pa rin un...
kahet ano mangyari kapatid ko pa rin sila so anything for them kung kaya ko naman d ako nagdadalawang isip...but strict din ako pagdating sa kanila..ako kasi ung taong bago gawin isan bagay eh inaalam ko ung mga possible result and the soltuion to that as well sakaling mangyari ung di inaasahan...
ika nga two steps ahead ako..
-
wag manloloko ng kapwa. maging masikap. igalang ang nakatatanda.
-
isang lesson lang ba? sayang naka pag share na ako ng isa.... hehehe peace
-
paggalang sa mas nakatatanda lalo na sa mga magulang, ang edukasyon ay kayamanan....
:-\
-
P10/kilo palang bigas nun, sabi ni tatay, anak paglaki mo 50/kilo na ang bigas, matuto kang magtipid at mag ipon, wag puro text at jolen at chichirya ang bilin mo sa pera mo.
-
kay ama - maging malawak ang pagiisip ( according to him ako daw pinaka broad minded sa mga anak niya --naiyak ako dito)
kay inay - wag daw sabay sabay ang chicks - hehe,,natawa talaga ako nung nasermonan ako dati..kaya un patago ko na lang ginawa ;D
-
huwag pansinin ang taong inggit at feeling sikat dahil waste of time lang.
-
humayo ka at magpakarami .. lol
pagmano at paggamit ng po at opo sa matatanda ;)
-
ang gumalang sa nakakatanda....
ang kumain dahil marami daw nagugutom na pulubi
-
wag basta basta maniniwala sa mga sabi sabi... maraming namamatay sa maling akala
-
hindi sa parents ko ito nakuha, sa grandparents ko.
* makuntento ka sa kung anong meron ka, yung ibang tao halos wala nung meron ka.
* lagi ka magdadasal, magpasalamat sa lahat ng bagay na natatanggap at mga hindi nakukuha... ( it really helps )
-
Matatapang mga magulang ko.
Probably not to take sh*t from nobody, and be the best that I can be.
Madami sila naituro sa akin, sa business, how to manage people and finances. I'm blessed with good parents.
Sent from my iPad using Tapatalk 2
-
Ive learned na hindi maganda ang maraming anak...
-
Simple lang.... Life goes on.. :)
-
Maganda lahat mga payo ng magulang naten ano?at alam kung kahit saan tayo magpunta dala dala naten mga payo nila..salamat po sa pagshare/reply ninyo.. ;)
-
ipagdasal mo nalang ang mga taong gumawa sayo ng masama dahil hindi nila alam ang ginagawa nila.
-
Maganda lahat mga payo ng magulang naten ano?at alam kung kahit saan tayo magpunta dala dala naten mga payo nila..salamat po sa pagshare/reply ninyo.. ;)
Sabi ng ina at ama ko be HUMBLE (Humility) at wag daw po namin kalimutan na gumalang sa mga matatanda.At laging gamitin ang word na po at opo. Kaya po, ako laging kuma-kain ng upo para di ko malimutan mag -opo! he..he..he.....
-
Sabi ng ina at ama ko be HUMBLE (Humility) at wag daw po namin kalimutan na gumalang sa mga matatanda.At laging gamitin ang word na po at opo. Kaya po, ako laging kuma-kain ng upo para di ko malimutan mag -opo! he..he..he.....
Hmmm thanks po sir ankie sa reply..may humor ka den ha!nice..,kala ko seryoso lage hehe.see you around po..
Ot:
Isa sa mga payo ng mga magulang ko ay maging mabuting tao ..
-
dad - magaral ng mabuti yan ang pinaka magandang regalo na ibibigay nila saken
mom - matuto maging independent at wag umasa sa ibang tao.
-
wag n wag sayangin ang pagkakataon dahil ang oras lumilipas..hindi mu na maibabalik pa..=D
-
tinuro sakin ng magulang ko na, maging bukas ang kaisipan. na maging open sa mga possibilities sa lahat ng bagay. galing talaga ng parents ko. idol ko sila e hehe
-
marami akong natutunan sa parents ko.
eto 5 sa natutunan ko:
1. hardwork
2. hardwork
3. hardwork
4. hardwork
5. hardwork
oo nga. iba raw talaga ang may sipag at tiyaga. :D
-
Siguro iyong mabuhay ng marangal at desente. Tinuruan kaming kahit na mahirap lang ang katayuan mo sa buhay, hindi ito dahilan para manloko ka ng kapwa at mas lalo ng magnakaw ng bagay na hindi naman sa iyo.
Kaya eto ngayon, ultimo piso lang na sobra sa sukli sa akin ni ate sa tindahan sinosoli ko kaagad!
-
Siguro natuto akong magsacrifice para sa family.
-
huwag na wag mangapi ng kapwa.