My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: kibitzer_ako on June 12, 2013, 09:35:47 PM

Title: Batang 90's
Post by: kibitzer_ako on June 12, 2013, 09:35:47 PM
Ano mga na mi-miss niyo mga batang 90's sa panahon natin??
Title: Re: Batang 90's
Post by: fayt on June 12, 2013, 10:00:55 PM
Paglalaro ng text, pog at iba pang laro na wala na ngayon henerasyon..

Sent from my Nokia 5110 using Xparent Red Tapatalk 2

Title: Re: Batang 90's
Post by: dere'k ™ on June 12, 2013, 10:03:36 PM
hahaha ako din mahilig sa cards nuon, tsaka yung jolen... hehe
Title: Re: Batang 90's
Post by: dere'k ™ on June 12, 2013, 10:04:54 PM
tsaka yung paglalaro ng bahay bahayan, lagi tatay role ko nun hihihi...


ngayun wala ng ganun, computer games na nilalaro ng mga bata hehe
Title: Re: Batang 90's
Post by: fayt on June 12, 2013, 10:06:30 PM
Yeah maganda yan bahay bahayan... Though sikat pa rin sya sa panahon ngayon wahahaha

Sent from my Nokia 5110 using Xparent Red Tapatalk 2

Title: Re: Batang 90's
Post by: dere'k ™ on June 12, 2013, 10:08:03 PM
wahahaha sikat ngayon yang bahay bahayab na yan sa mga teenager na tol, hindi na sa mga bata hihi
Title: Re: Batang 90's
Post by: fayt on June 12, 2013, 10:10:00 PM
Hahaha... Wala na lutu lutuan... At palagi tatay at nanay lang ang kasali wahahaha


Sunugang bahay.. isa sa masayamg laruin dahil marami kasali hehehe

Sent from my Nokia 5110 using Xparent Red Tapatalk 2

Title: Re: Batang 90's
Post by: kibitzer_ako on June 12, 2013, 10:14:37 PM
Wala na ngayong nag susuntukang bata pag nag pikunan sa laro hehhehehe
Title: Re: Batang 90's
Post by: dere'k ™ on June 12, 2013, 10:15:58 PM
Hahaha... Wala na lutu lutuan... At palagi tatay at nanay lang ang kasali wahahaha


Sunugang bahay.. isa sa masayamg laruin dahil marami kasali hehehe

Sent from my Nokia 5110 using Xparent Red Tapatalk 2



mukhang yan ang paborito mong laro ngayon tol ah hehe
Title: Re: Batang 90's
Post by: fayt on June 12, 2013, 10:35:58 PM
Wahahaha....  Ngayon ko lang naapreciate yan bahay bahayan na yan ehhj wahaha...

Sent from my Nokia 5110 using Xparent Red Tapatalk 2

Title: Re: Batang 90's
Post by: CONNECTED on June 12, 2013, 10:38:24 PM
miss ko yung panonood ng mga gawa ng japs na mga robot robotan gaya ng maskoman, shaider atbp. saka yung paglalaro ko ng snakes sa 3310 ni mama noon lol >:( >:( >:(
Title: Re: Batang 90's
Post by: Zurca on June 12, 2013, 10:44:13 PM
yung mga anime ng 90s zenki, gundam wing, rayearth, yuyu hakusho, escaflowne, btx, time quest, blue blink, romeo at yung mga ultraman, jetman, masked rider black haha
Title: Re: Batang 90's
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on June 12, 2013, 11:52:31 PM
naku marami poh namimis ko yun taguan sa amin dati

yun taya eh sasakay ng bike papalayo muna papunta sa store na medyo may kalayuan

at magtatago naman kami, hihi pag ako taya dati eh pupunta lang ako sa pader na

doon ko sila titignan kung san sila nakatago
Title: Re: Batang 90's
Post by: razorsharp on June 13, 2013, 12:40:51 AM
ahihihihi.... antanda ko na ata. batang 80s pa ako eh.

pero very memorabol ang 90s saken. nakagradweyt ako ng hayskul, tapos nakapag-college, na-meet ko gf ko, nakapag-trabaho sa salcedo village, kinasal, nagka-anak, unang nakarating kung saan-saang dako ng mundo, tapos two weeks bago matapos ang 90s e nakarating din sa US sa wakas! dun ko inabot ang katapusan ng 90s at ang new year millennium celebration (2000) sa san francisco bay area.     
Title: Re: Batang 90's
Post by: iceprince on June 13, 2013, 11:23:22 AM
90's ha?
tama yung sa teks...jolen din...
larong sipa tapos gamit ay tingga...
block 123 yata...pepsi 7up...
akyat ng puno ng aratilis at kukuha ng kahit ilang baso...
magbike sa park...maglaro ng basketball sa quadrangle ng high school...
pumasok at makita mga crush ko nun...
makinood ng mga "kenkoy" na palabas...cartoons...at kung anu ano pa...

Title: Re: Batang 90's
Post by: mikul8 on June 13, 2013, 01:08:16 PM
 ::) haha, ung patintero, habulang taya, ung pagligo nmen sa ilog tapos dun kame magluluch, sa irrigation d rin nmen pinatawad, magpapalipad ng papagayo (batangenio term for self made saranggola) stroll gamit mga bike nmen, mga palabas like home along da riles, mga anime 2lad ng ghost fighter, dragon ball z at evangelion. paglalaro ng family computer, gameboy at ps1. ::)
Title: Re: Batang 90's
Post by: dh@n on June 13, 2013, 01:37:10 PM
wow batang 90's..nkamiss ung pgpnta s ilog tpos malligo mghapon tpos pguwi my nkaabang ng pamalo ung nanay/tatay q kasi imbis n mtulog lakwatsa ung pinaggawa,at ung pgllaro ng teks,goma,at pogs tpos ung tipo n pati s skul dala dala m ung mga at pg nahuli ng teacher lagot kukunin nia hahaha iyak tawa c boi... :'( >:(
Title: Re: Batang 90's
Post by: serestro09 on June 13, 2013, 03:29:21 PM
nag flash back ung mga laro ko nung 90's hahaha holen,yoyo,tumbang preso , pog , text , lastiko , halos lahat ata ng bata noong 90's nalaro ko wahaha :D
Title: Re: Batang 90's
Post by: Prime™ on June 13, 2013, 06:03:33 PM
Yung buong atmosphere.

Simple lang ang kaligayahan noon, di pa gaano maluho ke bata o matanda.

Malaking bagay na yung kakain kayo sa labas ng family, eh ngayon usual na. Tamad na mag siluto haha.

Basta iba noon. Pag dating alas nueve tulog na kami.

Ang jeep 1.50 ayus na. Baon kong bente more than enough na.

Sine? 20 pesos din. Kaya pag brown out sa bahay, punta sa sine para mag palamig.

Walang cable kaya halos lahat ng artistang pinoy kilala mo. Bawat cartoons na gusto mo panoorin aabangan mo talaga. Kung hindi, out cast ka sa klase bukas dahil ikaw lang ang out of place. Lahat sila daldalan lang ng daldalan dahil sa isang daang porsiento ni Taguro, ikaw useless nobody ka dahil hindi mo napanood. Hwehwehwe. Para kang may ketong.

Di pa gaano masyado ang polution kagaya ngayon. Dati pwede pa walang aircon ang auto kahit papaano pwede pa tiisin pero ngayon sa dami ng sasakyan para ka talagang masasakal sa kalsada.

Oo may pollution noon lalo kung sa city ka, pero hindi ganito katindi.

Jollibee and Mcdo was a magical place for a child like me. Yung playground nila doon with the small balls yung pwede ka mag swimming? Damn that was amazing.

Enchanted kingdom? Perya lang ayus na ayus na kaming mag babarkada.

Pag pasko and galante si erpats star city.

Hindi din katalamak masyado ang mga heinous crimes, kaya nga nauso noon ginagawang movies yung mga massacre and chop chop lady kasi may shock factor pa. Pero ngayon riding in tandem ang balita tuwing umaga.

Sanay na at tanggap na ng mga tao itong ganito.

Which sucks.

Sucks so bad.

Anyway cliche man na pakinggan na mas masaya noon, I honestly feel it was.

Ang cocorny ng damit, ng haircut and todo cheezy ang kanta pero I wouldn't trade those good ol days with this one.






Sent from my iPhone using Tapatalk 2
Title: Re: Batang 90's
Post by: kibitzer_ako on June 13, 2013, 07:19:33 PM
::) haha, ung patintero, habulang taya, ung pagligo nmen sa ilog tapos dun kame magluluch, sa irrigation d rin nmen pinatawad, magpapalipad ng papagayo (batangenio term for self made saranggola) stroll gamit mga bike nmen, mga palabas like home along da riles, mga anime 2lad ng ghost fighter, dragon ball z at evangelion. paglalaro ng family computer, gameboy at ps1. ::)




Papagayo ga o Bulador??nakalimutan mo ang Gerbase hehehe
Title: Re: Batang 90's
Post by: silverado on June 13, 2013, 08:02:32 PM
teks at jolens. tsaka siyempre betamax. kaya kapag nanood ka ng porn sa betamax at nagbrown out, pagpapawisan ka na ng malagkit. alam nyo na kung bakeetttttt. hehehehehe :)
Title: Re: Batang 90's
Post by: fayt on June 13, 2013, 08:06:58 PM
batang 90's ka kapag naalala mo to

Pompoms

(http://t3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSg0Qp3lNH-6HfXech0av-imqVfO1Z7Ns3IuBwfb6LxcQSt0AYnJw)

Glue style na Pulburon

(http://photos-b.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-prn1/546159_411964435502375_1763757451_n.jpg)

Katatakutan sa MGB tuwing bisperas na Araw ng Patay

(http://i45.tinypic.com/2a9czrp.jpg)

Artex Water Color

(http://24.media.tumblr.com/tumblr_m8q4g24KJC1qj8jxxo1_500.jpg)

Rambo Slipper

(http://t3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTbY5jyj5YWlp4JXHvRhuq4jIbJ6w41x9njQRK3dYyX4XgT9lwl)

Contra

(http://t2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRG4GUp6OxupW7ua7qfFpf0z8cRRPug5uiAeTSMeXibejM6Dp3X)

Candy na ginagawa ostsa sa laro

(http://www.spot.ph/files/2009/09/hawflakes.jpg)

Sunny Orange

(http://t0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcT7lW-MoiPzhuRs69h8O8DUi_mC8dfGObN8wL-aaUA1lSRTZ29m)
Title: Re: Batang 90's
Post by: Prime™ on June 13, 2013, 08:09:57 PM
I know all those except the slippers. Ang naalala ko islander haha


Sent from my iPhone using Tapatalk 2
Title: Re: Batang 90's
Post by: CONNECTED on June 13, 2013, 11:06:00 PM
nalulungkot tuloy ako ngayon. lalo na sa post ni @Prime� angdami kong naalala na gusto kong ibalik. yung mga panahong marunong makuntento ang mga tao sa kung anong meron sila, marunong makuntento ang mga bata sa mga simpleng laruan na hindi na kailangang bilhin at ginagawa nalang. gagala sa umaga at pag uwi sa hapon pawis na pawis sa kakalaro at kakagala.  >:( >:(
Title: Re: Batang 90's
Post by: Itachi101 on June 14, 2013, 03:59:23 AM
naaalala ko pa nung nag concert ang bon jovi dito  :P
isa sa terrifying experience ko yun >:(
first ko manood ng rock concert naging riot pa :o
tapos panahon ng anime ng dragon z
samurai x
ghost fighter
slam dunk
at evangelion :-[
i'm honored na Naging member ako ng Generation of Stone Age :D
wlang internet, cellphone at social network bllsh@#!t!!!!!!!!!! 8)
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal