My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: dakilang mangangalakal on June 11, 2013, 08:05:24 AM

Title: Nag-aral ka nga Ba? Pero salita at galaw mo daig mo pa ang isang mangmang.
Post by: dakilang mangangalakal on June 11, 2013, 08:05:24 AM
Noong bata ka tinuruan ka ng iyong magulang ng tama sa hindi.

Pumasok ka ng elementarya at kung may kaya ang magulang mo

sa isang catholic o christian school ka nila napiling magbasa.

Sa institusyong ito tinuruan ka na naman ng kagandahang asal at pano magsalita ng tama.

Yung  paggalang at higit sa lahat ang pag mamahal sa Dioys at sa kapwa.

Pagdating mo ng highschool tinuloy ng parents mo na mapag-aral ka sa magandang paaralang pangsecondarya.

Natutunan mo masmahirap pang mga leksyon at higit sa lahat doon nabuo ang pagkatao mo bilang isang binata.

Pagpasok mo sa kolehyo sa paaralan ka na mataas-maningil ng tuition, pribado ika nga,

dahil sa kagustuhang pagkalipas mo lahat ok na.

May masmagandang opportunidad at masmagandang kinabukasan,

ito ang inaasahan ng  iyong mga magulang sa pagtapak mo sa kamunduhan.

Ngayon at nakapagtapos ka na at may trabaho pa.

Nakalimutan mo na yata ang paulitulit na tinuturo sa'yo sa paaralan.

Hindi mo yata na"gets" ang kahulugan ng buhay.

Naaawa naman ako sa'yo kasi "propesyonal" ika nga

pero parang basura lamang ang hinahawakan mong diploma.

Madudumi ang lumalabas sa bunganga at galaw.

Itapon mo na ang iyong mga ala-ala sa kahapong ika'y nag-aral.

Useless din ito dahil ginagawa mo lang ang sarili mong tanga.

Magmura ka sa Filipino, sige itranslate mo pa sa wikang amerikano

para malaman nila na ikaw nga ay tunay na titulado.

Puwes, binababa mo lang ang iyong pansariling respeto

dahil kahit sa FB ikaw ay bastos at basagulero.

Mga iba'y nag"like" sa status mong nagmumura

eh, pano? Pareho mo rin sila parang singaw na lata.

Matanda ka na, Nakapag-aral  at may nag-aantay na kinabukasan.

Sana utak mo ang laman huwag lang mga tansan.

Sana sa susunod na mga araw hindi na kita paalalahanan...

at huwag mo rin paabutin pa hanggang uugodugod ka na o kamatayan.

Ipakita mo na may pinag-aralan ka, hindi ka na bata aking kaibigan.
Title: Re: Nag-aral ka nga Ba? Pero salita at galaw mo daig mo pa ang isang mangmang.
Post by: ¿m☺ÿ on June 11, 2013, 05:38:15 PM
thanks for sharing, magandang paalala ito sa mga kapatid, kaibigan, at ka-PT natin.... ito yung mga lesson na dapat nating huwag kalimutan bilang isang nakapag-aral, titulado, etc....
good job sir  +1k ka sa akin
Title: Re: Nag-aral ka nga Ba? Pero salita at galaw mo daig mo pa ang isang mangmang.
Post by: iceprince on June 20, 2013, 01:31:49 AM
i think this fits the AMALAYER girl...
dapat maging malumanay at huwag pairalin ang bugso ng damdamin...
nice share...
+ k for you sir mickeyboy
Title: Re: Nag-aral ka nga Ba? Pero salita at galaw mo daig mo pa ang isang mangmang.
Post by: Cathrina on June 20, 2013, 01:45:31 AM
Nice share po sir,tama to sa mga showy,,hinde porket mataas ka na sa kalagayan ngayon at pwedi ng magmura at para na ring walang pinag aralan..
Title: Nag-aral ka nga Ba? Pero salita at galaw mo daig mo pa ang isang mangmang.
Post by: Prime™ on June 29, 2013, 04:29:10 PM
It's easy to tell when someone is genuinely smart or educated and when one is simple an insecure pedant. All you have to do is read between the lines, and get to the bottom of their message.

Beyond the big words and fluent language, ano ba talaga ang logic ng sinasabi nila.

Anyway to address what was cited in your post about mga nag mumura sa FB, being louder doesn't mean you're right, lalo na when you are in a debate. Usually debates about societal issues etc, may mga little brain na spectators na mabibilib with what you say kasi ang ingay ingay mo usually mag papalakpakan pa yan. The unthinking majority will praise you and kiss your @ss.

But those silent minority na may utak will know better. The ones who's praise and appreciation really counts will have at the back of their minds deem you as an @ssclown.




Sent from my iPad using Tapatalk 2
Title: Re: Nag-aral ka nga Ba? Pero salita at galaw mo daig mo pa ang isang mangmang.
Post by: dakilang mangangalakal on July 13, 2013, 08:28:04 AM
Salamat sa mga compliments at karma. This is one healthy conversation.

Sent from my NOKIA-5110 with blue back light

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal