-
Nasa daang matuwid ba ang DPWH?
(http://imageshack.us/a/img202/1663/pinoytoono.gif)
NAPAPANSIN n’yo ba na maraming binubungkal na kalsada ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH)? At napapansin n’yo rin ba na hindi naman sira-sira ang kalsadang kanilang binubungkal? Ilan sa mga binubungkal na kalsada ay sa Roxas Blvd., A. Bonifacio Ave., Quezon Avenue, Quezon Blvd. at marami pang lugar sa Metro Manila. Ang pagbungkal sa mga pangunahing kalsada ay nakasasagabal sa daloy ng trapiko. Humihiyaw ang mga motorista sa inis o galit sapagkat ayaw umusad ang mga sasakyan lalo na sa umaga na rush hour.
Siguro, ginagawa ito ng DPWH para hindi na abutin ng tag-ulan. Mas maganda nga namang maghukay at magbungkal kung tag-init. Kung gagawin nila ito sa tag-ulan baka mas matitinding batikos ang kanilang malasap sa mamamayan. Baka sabihin na bakit hindi ginawa noong tag-araw na bakasyon ang mga estudyante. Tama rin naman sila na isagawa ang pagbubungkal ngayon.
Ang hindi tama ay ang bungkalin ang mga kalsadang maaayos pa. Bakit kailangang tibagin ang mga kalsada na matitibay pa? At kung titibagin, sana nakipag-coordinate sila sa Maynilad at Manila Water para isang beses na lang huhukayin ang kalsada. Ang nangyayari, pagkatapos nilang gawin ang kalsada, saka naman maghuhukay ang dalawang water companies at sisirain ang kanilang sinemento para maglagay ng mga tubo ng tubig. Nangyayari, wala nang katapusan ang paghuhukay at ang apektado ay mamamayan, serbisyo at negosyo.
At habang nagsasagawa ng mga paghuhukay ang DPWH, umalingasaw naman ang umano’y overpricing ng infrastructure projects na isinagawa noong 2011. Ayon sa Commission on Audit (COA) nag-overpriced ng P154.99 million ang mga proyekto ng DPWH. Ibig ng COA na ibalik ng mga contractor ang overprice.
Nararapat maimbestigahan ang anomalyang ito. Tiyak na may kakutsaba ang mga contractor sa mga tiwaling taga-DPWH kaya nag-overpriced. Ang pangyayaring ito ay taliwas sa lagi nang ipinagmamalaki ng Aquino administration na “daang matuwid”. Hindi kailanman matatahak ang “tuwid na daan” kung may mga gumagawa ng kabuktutan sa mga tanggapan ng pamahalaan, particular sa DPWH.
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/03/22/922613/editoryal-nasa-daang-matuwid-ba-ang-dpwh (http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/03/22/922613/editoryal-nasa-daang-matuwid-ba-ang-dpwh)
-
Ang pagkakaalam ng karamihan, ang DPWH ang isa sa pinaka corrupt na dept ng pamahalaan..
>:( >:( >:(
-
grabe yan pag tagulan dun ang bubungkal
-
Minsan daw kasi kasama sa kontrata yung maintenance or something.
Halimbawa, after 10 years kelangan ulit bungkalin or espaltuhan.
Pero yung sa mga bagong gawang kalsada, tas bubungkalin kagad.
Aba ibang usapan na yan! >:(
-
talagang ganyan sila lalo na mga opisyal nila
kasi tito ko nasa dpwh dami nga nila project kung di kulang sa budget eh substandard un ginagamit nila daw
meron pa yun nakita ko noon sa abra isang tulay putol sa gitna pero more than 8 years na kinokontrata yun grabe
-
DPWH - Done Partial Work Hastily - that explains everything.
-
kung bakit ba naman nagkalat ang corrupt sa gobyerno
kya di tayo umaasenso eh kahit anung sipag ng iba kung mas madami ang kinukurakot
wala talaga
-
It's because we have no integrity as a people and no will power to condemn these assholes, that's why. We elect and give positions to people who are popular, actors, boldstars, kamag-anak ni hudas etcetera and stupidly expect them to be straight, honest and proficient on their jobs. We are a bunch of ignorant fools who are drowning in our own vomit.
-
sabagay kahit bumoto ka ng matino
kung ang karamihan eh boboto sa trapo wala rin talaga magbabago
-
Bad trip yan, may favorite part na inaayos then wawasakin ulit....
Pero napakarami namang lugar na wasak na ang kalsada, hindi man lang yun ang ayusin nila.
Sayang ang almost 20% na tax na kaltas sa mga sweldo natin >:(
-
Bad trip yan, may favorite part na inaayos then wawasakin ulit....
Pero napakarami namang lugar na wasak na ang kalsada, hindi man lang yun ang ayusin nila.
Sayang ang almost 20% na tax na kaltas sa mga sweldo natin >:(
tama ka jan kaya nga tinawag na Hokkaido ang baguio
Hukay dito hukay doon grabe sayang ang tax natin
-
hindi na mawawala corruption sa atin >:(
-
RH Law: Batas na binutas
(http://imageshack.us/a/img842/3082/pinoytoond.gif)
APAT na buwan na sinuspinde ng Supreme Court ang Reproductive Health Law. Maraming nagtaka sa biglaang suspensiyon. Pagkaraang pagdebatehan nang pagkatagal-tagal ang batas, sususpendehin lang pala. Hindi maiwasang isipin na may kaugnayan ang suspensiyon sa nalalapit na eleksiyon. Mula nang batikusin ng Simbahan ang mga kandidatong tinagurian nilang “Team Patay” naging mainit na ang isyu sa RH Law. Ipinaskel ang mga pangalan ng “Team Patay” sa mga harap ng simbahan. Pawang mga kandidato ng administrasyon ang kabilang sa “Team Patay”. Ayon sa report, malaki ang epekto sa mga kandidato ng batikos na ginawa ng Simbahan.
Dahil sa suspensiyon ng RH Law, mahihinto ang pagbibigay ng atensiyon sa kalagayan ng mga kababaihan particular ang mga buntis. Hindi sila masusubaybayan at maaring maglagay sa panganib sa oras ng panganganak. Kapag ipasya ng Supreme Court na tuluyang itigil ang batas, tiyak na hindi na makokonrol ang pagdami ng Pinoys. Sa kasalukuyan nasa 94 million na ang Pinoys at patuloy pang dumarami. Ang patuloy na pagdami ay nangangahulugan nang maraming problema: Maraming magugutom, walang matitirahan, walang trabaho, corruption at pagtaas ng krimen.
Hindi napanatili ng Pilipinas ang pagmi-maintain sa tamang dami ng populasyon. Noong dekada 60, halos nagkakapareho ang populasyon ng Pilipinas at Thailand. Pero nang sumapit ang dekada 80, nagsimula nang dumami ang mga Pinoy samantalang ang Thailand ay napanatili ang tamang populasyon. Mahusay sila sa population management.
Nawala ang Pilipinas sa tinatahak na landas sa katamtamang dami. Nawala ang pondo para sa health centers na nagbibigay ng payo sa mga bagong kasal. Nawala ang mga pagtuturo kung paano ang tamang pagpaplano at dami ng mga anak.
Magpasya sana ang Korte Suprema pabor sa RH Law. Mahalaga ito para sa mga kababaihan at sa mahusay na pamamahala sa population.
Susulong ang bansa kapag nasa tamang dami ng tao. Hindi sana mabutas ang batas.
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/03/25/923643/editoryal-rh-law-batas-na-binutas (http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/03/25/923643/editoryal-rh-law-batas-na-binutas)
-
Pabor ako sa RH law.
Responsible parenthood at family planning ang dapat na isiksik sa bawat Pilipino.Madaling gumawa ng anak pero mahirap bumuhay ng anak.Kapag di na kayang buhayin ang mga anak, gobyerno na agad ang sisisihin. Kapag naghirap, gobyerno pa din ang may kasalanan. Kapag nagkasakit, sa gobyerno pa din aasa. >:(
-
pabor din ako dito panahon na rin para masulusyonan ang di mapigilang pagdami ng populasyon
di kailangan maki alam ng simbahan sa problemang ito dahil buong bansa ang apektado dito
para ito sa ikakaunlad ng bansa
-
ganyan po talaga sa daang matuwid...wag ng magtaka.....lalot mag eeleksyon need mag ipon ng pondo ng mga pulitiko kaya kahit masisira palang ang kalsada dapat siraain na bago abutan ng election ban.....
-
sabagay kahit bumoto ka ng matino
kung ang karamihan eh boboto sa trapo wala rin talaga magbabago
Kaya nga ayaw nila mapalitan ang konstitusyon kasi alam ng mga pulitoko na ang karamihan sa mga pinoy ay tanga at mahilig bumoto sa mga trapo. Sayang lang ang pagpunta sa botohan, laro na lang ako candy crush.
-
ganayan talaga eh wala tayo magagawa
dito na lang ako sa PT at mag candy crush naman hihihi
-
sila ang gumagwa ng batas kaya natural na pipiliin nila ang batas na pabor sa kanila..
yung mga lider naman na matino eh di nananalo kaya paulit ulit na lang na kurapsyon. sana ipasa na ang FOI bill, anti dysnaty at anti epal ..
malaking tulong ito sa atin...
-
Tsaka anti-artista. Dapat minimum masteral grad at yung mat experience naman na mamuno please!
Sheth kakainizs!
-
Mahirap isipin kung bakit nananalo pa rin ang mga hunghang na politiko at trapo kahit ilang beses nang ipinagsigawan ni Juan ang pagbabago. Madalas kong makita sa TV ang mga mahihirap, ang mga salat sa yaman, at hirap sa buhay, pero sila at sila rin ang nagboboto ng mga magnanakaw at kurakot sa gobyerno.
Kamangmangan daw ang dahilan natin, pero kung tutuusin, madaming batang botante ang nagpaparegister tuwing eleksyon. Batang botante, mga nag-aaral, o nakapag-aral sa kolehiyo, o kahit highschool lamang. Pero bakit, yung parehong pangalan pa rin ang patuloy na lumilitaw sa mga balota at naluluklok sa munisipyo at plenaryo?
Napapaisip tuloy ako, kamangmangan nga ba talaga ang problema ng mga tao sa Pilipinas? O ang talgang problema ay tayo?
Naalala ko nung minsan kaming mag-usap ng ama ko habang kumakain. Pulitika ang paksa. sabi ko sa kanya, "ang hirap sa pinoy ay madaling makalimot". natawa siya. pero hindi siya umimik at natapos ang usapan namin sa puntong iyon.
Hindi kaya totoo na "makakalimutin ang pinoy"?
I can recall at least a hundred reason why I shouldn't vote the incumbent senators who's running for another term, congressmen and mayor who is up for re-election based on their previous performance and background. I can also point out their lack of skills and knowledge in running a city and a public seat. But the question is, does every Filipino even think these qualifications are important or we are too comfortable with just "raising our middle fingers" and shouting "PAGBABAGO" without actually practicing it, or doing something with our predicaments. We thrive to right the wrong doings of this politicians, but why the hell are they the same people, or family who is always incumbent to those positions.
Maybe it's just true "makakalimutin ang pinoy, kaya nakalimutan na rin nyang umahon sa hirap".
-
(http://sphotos-e.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-prn1/554868_553213851377584_214516457_n.jpg)
tiganan nyo na lang mga kandidato noon at ngayon
-
Nawawala na kasi yun quality ang pagpili natin ng kandidato. Konti na lang pumipili sa mabuti at matapat ma kandidato. Resulta, hindi nananalo ang mga matapat at mabuti kandidato
Sent from my HTC Sensation Z710e using Tapatalk 2
-
Nawawala na kasi yun quality ang pagpili natin ng kandidato. Konti na lang pumipili sa mabuti at matapat ma kandidato. Resulta, hindi nananalo ang mga matapat at mabuti kandidato
Sent from my HTC Sensation Z710e using Tapatalk 2
tama ka jan ngayon yung tinitignan eh kung sikat yun tao
may naibigay na konting tulong sa relief goods etc, or may kamaganak sa pulitika din
yun na ang basehan ngayon kya ang mga simpleng batas sana na makakatulong sa bansa
eh pahirapan na sa pag pasa madami ding sanang batas ang nagawa para sa bansa
kung yung mga totoong may pinagaralan at matinong opisyal ang nasa congreso at senado
-
Kaso ang problem naman sa batas, may batas nga. Hindi nan maimplement. Sagana tayo sa batas para sa mha karapatan natin kaso hindi lang naipapatupad ang mga to
Sent from my HTC Sensation Z710e using Tapatalk 2
-
(http://sphotos-e.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-prn1/554868_553213851377584_214516457_n.jpg)
tiganan nyo na lang mga kandidato noon at ngayon
Like ko to ha ha ha ok yung ngayun mas matatalino ha ha ha...
-
Like ko to ha ha ha ok yung ngayun mas matatalino ha ha ha...
matatalino nga sa harap lang ng camera
-
gumagawa sila ng pera ngayon andami ongoing projects nagkasabay sabay obvious na it's because of the upcoming elections, drain na naman kse pondo nila. Panibagong allocation. zamba area ako, going to manila 5 tulay ang kinukumpuni heavy traffic..
-
pabor ako sa RH law, pabor din ako para sa family planning hindi dahil para kontrolin ang populasyon kundi para maiwasan at makaiwas ang tao sa hindi p handing pagpapamilya. For the record; hindi ako nniniwala na kagaya ng palusot ng gobyerno na ang paglaki ng populasyon ang dahilan kaya naghihirap ang sambayanang Pilipino. In fact hindi ang Pilipinas bansang may pinakamalalaking populasyon sa mundo. No 1 ang China, India, russia andyan ang America na pawang di hamak na mas malaki ng ilang doble ang pop. kumpara sa Pilipinas, Pero ang tanong naghihirap b ang mga bansang yan ng kagaya sa dinaranas na paghihirap ng mga Pilipino? Hindi di b? Tandaan natin sa kasaysayan ng mga bansang umunlad sa mundo, wala ni isa ang umunlad ng hindi nagtayo ng batayang industriya at yan ang wala sa atin....yan ang dahilan kaya sa ibang bansa p tayo ngbebenta ng ating lakas at talino para mabuhay..yan ang dahilan kayat nananatiling naghihirap ang malaking populasyon ng ating bayan..hindi ang populasyon...even pabor ako sa RH law mali lang na isipin na ito ang katubusan ng ating paghihirap...
-
Pabor ako sa RH law.
Responsible parenthood at family planning ang dapat na isiksik sa bawat Pilipino.Madaling gumawa ng anak pero mahirap bumuhay ng anak.Kapag di na kayang buhayin ang mga anak, gobyerno na agad ang sisisihin. Kapag naghirap, gobyerno pa din ang may kasalanan. Kapag nagkasakit, sa gobyerno pa din aasa. >:(
may reason naman din po magalit ang mga tax payer sa gobyerno. alam nyo po ba nakaya nababawasan ang pondo sa edukasyon, pondo sa health at pondo sa basic needs ay dahil napupunta sa ibinabayad sa utang panlabas ng ating bansa. Iyan ang kondisyon sa ating gobyerno ng mga dayuhang multilateral na ahensya sa pananalapi kapalit ng karapatang makautang muli sa kanila. Kaya may privatization para isapribado na at gawing negosyo, (unti-unti hindi man biglaan) ang mga state colleges and universities at mga public hospital. Ipinapasa na sa pribadong sector ang tngkulin ng gobyerno sa mamamayan.
-
sabagay kahit bumoto ka ng matino
kung ang karamihan eh boboto sa trapo wala rin talaga magbabago
ang tingin ko po; corruption is inherent na yan sa society hindi na yan mababago. nagbabago bago lang ang degree ng korapsyon batay sa katangian ng nauupong pulitiko.
-
sila ang gumagwa ng batas kaya natural na pipiliin nila ang batas na pabor sa kanila..
yung mga lider naman na matino eh di nananalo kaya paulit ulit na lang na kurapsyon. sana ipasa na ang FOI bill, anti dysnaty at anti epal ..
malaking tulong ito sa atin...
palagay ko hanggang panaginip nlang ang anti dynasty bill, sino ba namang solon boboto dyan para masira ang mga pangarap nilan habang buhay na nasa pwesto....
-
Sa tingin ko po...trapo or not trapo ang maupo walang mababago sa kalagayan ng ating bansa hanggat walang pagbabagong gagawin sa sistema....pansinin po ninyo yung mga nabobotong matitino later on nagiging trapo narin....nilalamon din sla ng bulok na sistema na kinapapalooban nila....so sistema ang unang need palitan hindi mga lider. that's it!
-
Simple lang ang solusyon, pagawa natin ang time machine, tas paampon n lang tayo sa USA...e di US citizen n tyo, hell yeah!!!
-
palagay ko hanggang panaginip nlang ang anti dynasty bill, sino ba namang solon boboto dyan para masira ang mga pangarap nilan habang buhay na nasa pwesto....
totoo dahil karamihan sa mga officials eh
may sariling dynasty malabo na talaga yan bill na yan
-
Simple lang ang solusyon, pagawa natin ang time machine, tas paampon n lang tayo sa USA...e di US citizen n tyo, hell yeah!!!
Sa kanila na lang magpasakop para marunong ang mamumuno.
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
-
Tsaka anti-artista. Dapat minimum masteral grad at yung mat experience naman na mamuno please!
Sheth kakainizs!
No law can be passed regarding this one, you will have to amend first the constitution to reset the qualifications of the candidate.
-
agree ako kay charliehouse.....the only solution is to amend the constitution.
-
Sisihin ang BoC, NFA at DA sa rice cartel
(http://img545.imageshack.us/img545/7194/h02.gif)
KAHIT na pinatotohanan pa ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na si Davidson Bangayan at si David Tan ay iisa, tumatanggi pa rin ang pinaghihinalaang rice smuggler. Hindi raw siya si David Tan. At kahit pa paulit-ulit na tinanong at binalaan ni Sen. Juan Ponce Enrile si Bangayan, hindi pa rin ito umamin. Walang napiga kay Bangayan kung sino ba talaga siya. Pagkatapos ng hearing, ay inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si Bangayan pero hindi dahil sa pagiging rice smugglers kundi sa pagnanakaw ng kuryente (electricity pilferage). Pero makaraan ang ilang oras ay nakapagpiyansa rin si Bangayan at nakauwi rin.
Sa kabuuan, ang hearing noong Lunes na isinagawa ng Senate Committee on Agriculture ay wala namang narating. Ikalawang beses nang inanyayahan si Bangayan ng committee pero walang napiga. Nakatutok lamang sa pagpapaamin kung si Bangayan at si David Tan ay iisa. At siyempre kung tatanungin si Bangayan kung siya si David Tan, natural na itatanggi niya. Sino ba naman ang aamin sa ganitong tanong? Para bang nagtanong na “ikaw ba ang pumatay sa taong ito?” Siyempre ang isasagot mo ay hindi.
Kaya tigilan na ang pagtatanong kung si Ba-ngayan at si Tan ay iisa. Ang pagtuunan ng pansin ay kung gaano kalawak ang smuggling activities ni Bangayan. Pinatotohanan naman ni Mayor Duterte na si Bangayan nga ay rice smuggler. Hindi ba’t matibay na ebidensiya ito.
Sa halip pagtuunan ng atensiyon si Bangayan, hanapin pa ang ibang rice smugglers. Naniniwala kaming hindi lamang si Bangayan ang nag-ooperate ng ganitong gawain. Marami pang iba at sila ay kinakalong ng mga corrupt na opisyal sa Bureau of Customs. Imbestigahan din ang National Food Authority (NFA) sa isyung ito. Kalkalin ang papel ng Agriculture department. Naniniwala kaming malaki ang sakop nang hindi malutas-lutas na rice smuggling sa bansa. Mahahaba at matibay ang mga galamay. Ang mga ito ang nararapat maputol.
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/02/05/1286722/editoryal-sisihin-ang-boc-nfa-da-sa-rice-cartel (http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/02/05/1286722/editoryal-sisihin-ang-boc-nfa-da-sa-rice-cartel)