My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: monde8 on June 07, 2013, 12:24:18 AM
-
Kung nagkakalabuan ang mag asawang may anak at ayaw na nilang isalba ang relasyon, mas mabuti bang maghiwalay na sila or magsama pa just for the sake of the kids.
Here's where I'm coming from:
One of my best buds called me up and was asking for advice. Matagal niya nang nirereklamo ang pagiging masyadong masungit at emosyonal ng wife niya. A few days ago ay narinig niyang pinapagalitan ng wife niya ang kanilang anak. Four years old palang anak nila pero sobrang verbal abuse ang pagpapagalit ng ina. Malumanay na sinabihan n best bud ang wife niya to take it easy on their baby pero bandang huli ay siya ang napag buntunan ng init ng ulo at kung anu anong bagay na ang hinalungkat para lang makahanap ng butas kay best bud ang misis niya. This is not something new sa kanila. Kadalasan nagtitimpi lang si best bud but this time ay sumosobra na daw dahil pati anak nila ay nakakawawa na sa ugali ng wife niya.
So he asked me for advice whether to spend time apart muna sila ng wife niya or kung status quo lang na nagsasama sila pero tamang mind your own business nalang silang dalawa. Ang problema kasi kapag naghiwalay sila ay kung maginsist wife niya na kunin yung bata, hindi niya naman maipagkatiwala dahil nga baka kawawa naman yung bata kapag inatake ng sumpong ang wife niya. Kung magsasama naman sila, no matter how they try to ignore each other ay mahirap padin dahil siyempre bata pa ang baby nila and ofcourse they are both hands on sa baby.
The advise I gave him was to think things over first and weigh the pros and cons of both actions.
Ikaw [you], ano ipapayo mo sa best bud ko if you were in my shoes na tibakbuhan niya for advice?
-
actually maganda ang advise mo to weigh the pros and cons kasi hindi talaga dapat basta gagawa ng desisyon lalo na't may involve na bata.... kasi kung hihiwalayan niya ang misis niya automatic mapupunta sa nanay kasi hindi pa siya more than 7 at wala silang laban doon....
Anyhow ang advise ko sa kanya is be more patient tapos kapag nagagalit ang misis niya, huwag niyang sabayan kasi mas lalo lang itong lala.... ang best talaga is kapag hindi mainit ang ulo ng misis niya at kausapin ito ng malumanay.... kasi yung mga sinasabi ng misis niya kapag galit ay bugso lang ng damdamin.....at ganun din siya.... dapat pag-usapan nila kung ano ba ang problema kung bakit umiinit ang ulo ng misis niya.... minsan kasi dapat sensitive tayo sa damdamin ng partner natin hindi yung damdamin lang natin.... hindi naman siguro basta na lang magagalit ang misis niya ng walang dahilan....
Advise ko rin na huwag komprontahin ang misis niya at sawayin ito kapag pinapagalitan ang anak nito.... kasi hindi maganda sa bata na marinig na nag-aaway ang magulan nila.... ang pinaka-maganda is kapag natapos pagalitan ang anak nila eh kausapin ito at bigyan ng support para hindi magkaroon ng trauma....lagi nya itong gawin hanggang magka-isip na ang bata..... ang kagandahan nito is, mas mapapalapit sa kanya ang anak nila....na kung dumating ang pagkakataon na talagang feedup na siya at gusto niya talagang hiwalayan ang asawa niya at papapiliin yung bata kung kanino sasama eh siguradong sa kanya ito sasama....
at siyempre kung sa ligalidad natin kukunin, depende sa abuse na naranasan ng bata pwede naman siyang kumunsulta sa DSWD kung talagang hindi na niya matiis ang ginagawa ng asawa niya....may certain rules kasi ang child abuse verbal man o physical
i still believe in the sanctity of marraige, kung noon minahal niya ang misis niya kahit hindi niya ito masyadong kilala, dapat mas lalo ngayon na nagsasama sila sa iisang bubong na mas kilala na niya ang misis niya......
-
Mukhang may mas malalim na dahilan kung bakit ganyan si misis nya. Better to talk first. If hindi makuha sa one on one, seek help. Family members muna before asking outside help. Symptoms na lang iyang nakikita niya, ang root cause ang dapat malaman.
If the marriage can be saved, then do it. Remember that "love" is a decision, not just an emotion. The best pa rin siyempre na buo at masaya ang pamilya. Hindi pwedeng buo lang or masaya lang, ang kailangan ay sabay.
-
Mukhang may mas malalim na dahilan kung bakit ganyan si misis nya. Better to talk first. If hindi makuha sa one on one, seek help. Family members muna before asking outside help. Symptoms na lang iyang nakikita niya, ang root cause ang dapat malaman.
If the marriage can be saved, then do it. Remember that "love" is a decision, not just an emotion. The best pa rin siyempre na buo at masaya ang pamilya. Hindi pwedeng buo lang or masaya lang, ang kailangan ay sabay.
i agree.... naisip ko rin yung cause na mas malalim na dahilan at hindi talaga makukuha ang full story sa isang tao lang dapat both sides of the story... ang hindi talaga tama isa why idadamay o bakit sa bata ibubunton ang nararamdaman ng misis niya yung anak nila na walang malay.....i mean 4 years old, traumatic pa sa bata yun...
-
Mahirap to brad.
Pero personally, para sa akin. He needs to man up and take control of his wife and the situation lalo na when his kids are taking the brunt.
If ako yan, I'de tell her to shut up and be a wife to me, and be my childrens mom.
If hindi na niya kaya, then let's call it quits dahil wala na yan pag ganyan.
Pero if you think you're up for the job, umayos ka kung ayaw mong mag hiwalay tayo.
Dami dami jan nangangarap mabuo ang pamilya nila. May mga single moms jan na tinakbuhan. And tayo buo, pero you decided to be an ass?
Take it or leave na yang situation na ganyan for me bro.
-
oh relate ako dito... sometime sumuko na ang kalooban ko sa...kanya.. because ang conflict namin dalawa sobrang selosa.. sya sa akin... and then habang patagal ng patgal ang relasyon namin llong lumalala.. just because of that stupid nsecurity.. and jealous...
alam mo monde... dumating na sa punto na ayaw kona kasi fo what for pa ang pagsasama namin kung di rin naman kami mag kasundo.. sa lahat ng bagay... un nga lang inisip ko naman ung baby ko.... ayaw ko naman danasin nya.. ung maghihirap sya pag wala ako.. alam ko din kasi na maaring papabayaan nalang sya ng knyang ina... or something maging worst pa ang buhay nya... nanaig pa din ang aking awa sa anak ko na wala syang makakagisnang ama..
alam mo ang ginawa ko.. hheheheh kakatawa nga eh.. kung kilan ginawa ko nalang ng actual saka nya ako tinigilan.. hehehehe.. hen kinausap ko sya ng masinsinan... na kung pwed pa namin maisalba ang aming relasyon... kasi sabi ko nga sa knya.. kung mammbabae ako.. di mo malalaman at siguradung di mo magugustuhan.. gagawin ko.. or itigil na namin ang pagsasama kysa nman puro sakit sa kalooban lang mangyyari sa amin...
and beside that... i always pray n sana mabago nya un.. sometime na i post ko na din dito. sa sobrang galit ko... noon...
ang masasabi ko lang dito eh kung kaya png isalba ang relasyon gawin.. pagusapan nyong dalwa.. kakakawa ung bata.. sakin kasi iniisip ko palang napapiyak na talaga ako...
i love my child.. so ang ginagawa ko ngun.. tried to get back the love na binura nya sakin.. imagine 9years akong nagtiis.. pagusapan na di kayo magkahiwalay kawawa ang bata.. promise
-
Matutunan mo munang intindihin at mahalin ang sarili, ang buhay ay dapat umiikot sa lahat di lang sa iisang tao lang.
-
:-\ isama sa pagdesisyon ang mga bata... or kung masyado pang maliliit ang mga bata eh di humiwalay ka na lang sa wife mo then paglaki ng mga bata saka na lang i-explain... kapag weigh ng pros and cons eh hindi ka makakapag-decide nyan kasi you will be thinking of the children... eh paano yun... papayag ba kayo na naglolokohan na lang kayo sa iisang bubong? pero sana bago gumawa ng desisyon eh mag-usap ng masinsinan ang couple... baka ma-save pa ang marriage... huwag daanin sa init ng ulo... hinay hinay lang...
-
mas okey kung magsasama pa sila, puede naman yun... ganyan din tatay at nanay ko, ewan ko lang kung nag sesix pala sila...
-
hiwalayan agad?! sobra naman, i´m after saving whatever can still be saved, noong nabasa ko yung title- i thought kung wala na talagang love then i don´t think it´s right to keep such a relationship pero upon reading, hindi ko nga rin lang alam the whole story and just basing it sa problemang kinakaharap nila na nabanggit eh para namang mababaw na mauwi sa ganun na lang...mali nga ang ginagawa ng misis towards her child pero there are measures to deal with it, simply putting an end to the relationship won´t give justice...i don´t think it´s neither right na lumaki ang bata without a mother...maaaring mailayo nya nga yung bata from trauma but hey! there´s also trauma growing up with a single-parent or in a motherless home, i think
-
I may not know the whole story but as far as I can sense it may mas malalim nga na reason behind the the mode of your friend’s wife.The best way to do in my opinion is to call his wife’s attention regarding this matter.but good timing is a factor.why not he invite his wife for a private dinner & just talk about the sweet memories they have been having together before and that’s it..after a week invite the wife again to another place for dinner date then this time talk about the problem in a very responsible manner. They are mature enough to understand the good parenthood.The husband should open the conversation by telling her wife that because he loves her so much that’s why he is doing this in order to fix the fragile family that they just put up together. Explain the pros and cons of emotional outburst on their innocent child and it’s chronic impact on the childs growth and development.Then try to ask what is wrong?did the husband has done anything wrong ?let the wife talk..let her speak out of any thing that bothers her, the things that she keep within herself the husband should encourage her to let it out.We all knew that there’s a certain big reason behind those emotional outburst. stress ?maybe.Infidility? maybe.Threat?maybe.So, it’s very important for the two to talk about this matter then work a plan together how to sort things out for the best solution. Marriage is a process.Maybe the wife is deprive of attention from the husband kasi yung attention ng husband ay napunta lahat sa bata..kaya parang naging rival nya yung bata kaya ganun nalang yung outburst of emotion nya sa bata.maybe,masabi natin napakababaw na dahilan yung ganung scenario pero it can be.May mga taong ganyan yung personality.You should try to study and know your partners weaknesses para mapaghandaan mo at baka magulat ka nalang that they suddenly shows Mode na hindi mo nakikita sa kanila before.lastly, for me the best thing the husband should do is to pray and ask God to guide him sa lahat ng gagawin nya to keep his family intact.
-
Was browsing this part of the forum and came across this old thread of mine.
Update ko lang what happened sa friend ko.
Good news na they were able to sort things out. Ang nangyari ay kagaya ng sabi ni Prime na he needs to man up. He talked to his wife about it in a calm but authoritative way. The wife cried and medyo na hurt sa sinabi ng friend ko. Ilang araw din daw hindi pinagkikibo si friend. But after 2 days, the wife apologized and said that she realized her mistakes.
Every now and then nagkakaron padin ng mood swings ang misis ni friend pero sa kabutihang palad ay nagpapaawat na siya ngayon kapag nasasabihan.
Communication is the key.
-
I'm glad happy ending ang chapter na ito sa buhay ng best bud mo.
Logically thinking:
For me kasi, hindi dapat bina-base in love, alone, ang pag aasawa. Dapat commited ka more than anything.
Commitment means staying loyal to what you said you were going to do, long after the mood you said it in, has left you.
For better or for worst nga diba. Wether may kids na involved or wala, married couple are liable on each other.
Kung hindi na maganda ang behavior ng asawa, wag agad isisi sa kanya. Lalo lang ka lang manlulumo at magiisip na iwan sya. Wag mo rin sabihin na magbago sya. Bakit? Your just putting more stress on the relationship on that way.
Bago ka mag isip ng masama sa kanya, thinking of your own contribution sa behavior nya. Remember since nagpakasal kayo, masmalaki na ang impluwensya nio sa isa't isa. Meaning, kung ano man ang behavior nya, that was more of the result of how you treated your partner all through out your relationship. And on how you let your partner treat you all through out the relationship.
At kung may contribution ka sa current behavior nya, so most likely may pwede ka rin i-contribute to change that behavior.
Think of what you can do first, instead of waiting na may magbago. Or instead na mag point finger at pairalin ang pride.
And on top of it all... haluaan ng maraming prayers. Nasa Kanya ang awa, nasa tao ang gawa. Believe me, it can do wonders. ^_^
im no expert, so feel free to possibly correct my input. :D
sent from Cherdie's phone.. ü
-
Wow [user]cherdz[/user] very nice reply. I super like it. I personally got reminded of certain things about marriage with the things that you said. This will be very helpful sa mga ibang ka PT natin na posibleng pinagdadaanan or pagdadaanan ang ganitong phase.
-
Wow [user]cherdz[/user] very nice reply. I super like it. I personally got reminded of certain things about marriage with the things that you said. This will be very helpful sa mga ibang ka PT natin na posibleng pinagdadaanan or pagdadaanan ang ganitong phase.
Glad to know that. Sana mga makatulong sa marami. Isa kasi ito sa mga bagay na madalas makalimutan sa pagdaan ng panahon :)
sent from Cherdie's phone.. ü
-
kung hindi na masaya sa pagsasama at hindi na sincere ang samahan, wala na din ang tiwala. best thing to do is to break it up. staying in a bad and unhappy relationship only for convenience will bring more problems.
-
Ngayon ko lang nabasa to. haha.
Nakakalungkot lang na may nag susuggest na hiwalayan. Personally, I think na hindi dapat option ang paghihiwalay sa marriage (Pwera na lang siguro kung nag cheat). Kaya dapat naka base ang marriage sa "LOVE" hindi kung anong ibang dahilan. Meron at meron times na magiging down ang relationship. Kelangan maging matatag sa mga sitwasyon tulad nyan. Sabihin mo sa tropa mo to act like a man. Siya dapat ang magtaguyod at prumotekta sa pamilya nya. Hindi yung tipong humihingi ng payo tungkol sa ganyang bagay (unless may other motives).
Sa asawa naman nya, baka may pinagdadaanan lang etong psychological, emotional or stress lang. Be more patient and understanding. Ganyan talaga mga babae (sumpungin). Baka may ginagawa ka date na hindi mo na ginagawa ngayon. Spend more time with her. Show and tell her how much you love her. Make her the happiest women in the world.
-
tama yung advice mo na pag isipan muna ang pros and cons sa mangyayari kapag mag hiwalay sila. ang masasabi ko lang dapat alamin muna nung friend mo bakit nag change ang ugali nang asawa niya.may pag kukulang ba siya .. or may tampuhan ba sila na d nila ma express sa isat isa ... or kailangan na ipadama yung maliligayang sandali noong bago pa sila mag kasama ... ciguro ... opinion ko lang ha .. hinahanap nung wife niya ang romance... ulitin ulit noong lalake ang panliligaw .. pag wiliing pa siyang i save ang relasyon nila.. at kung nandoon pa yung love ...
-
Most of the time for the kids lang nmn tlga
Sent from my GT-I9505 using Tapatalk
-
ayos na pala... haaaysss... one relationship that was saved... glad to hear it...
-
Maghiwalay na lang. it would be confusing for the kids to see their parents live under one roof but behave as if miles apart.
-
Talagang dapat iprioritize yung mga bata. kahit di na kayo inlove, dapat unahin niyoyung mga anak niyo. Di na kayo high school no.