My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: iceprince on June 02, 2013, 02:55:41 AM
-
May mga bagay tayong hindi kontrolado...lalo ang pag-iisip ng ibang tao...
Nabgyan ka na ba ng maling label/pagkakakilanlan...maari mong ipaliwanag pero paano kung madami na silang nang-aakusa sayo o marami nang naniniwala?
So naranasan mo na ba? And ano ang ginawa mo?
-
Dahil ako ang nagsimula ng sinulid na ito, ako na mauuna...
Pinakamalaking panghuhusga ay nung bumagsak ako sa 2 subjects ko sa 1st year college...at nagstop muna ng pag-aaral...
Marami ang nagulat lalo na sa mga kamag-anak ko at kaklase kung bakit ang isang katulad ko ay nagkaroon ng problema sa pagpasa...
Inakala nila na hindi na ako makakabalik...dahil naging problema din ang tuition...
Kinailangan kong magtrabaho para maihanda ang sarili ko sa desisyon na ulitin ang mga bagsak na subjects at patunayan na mali ang akala nila sa akin...
Ngayong nalagpasan ko na yun...isang magandang halimbawa na kahit anu pa ang sabihin ng iba tungkol sayo...kailangan mong lumaban...ang sarili mo din ang siyang kailangan para mas maging matatag sa mga pagsubok...
:-\ :-\ :-\
-
Oo naman.
Ang tanong me pakelam ba ako? Hahaha
Manigas sila. Eh sikat ako eh, pano ba yan? Hahaha!
-
Umaga sa MRT:
siksikan dahil sa rush hour at hindi sinasadyang sa harap ko ay may isa babae na nakatalikod sakin at dahil sa sobrang siksikan hindi maiwasan na magkakiskisan. kaya ang ginawa ko, nilagay ko yung body bag ko sa front ko para hindi sya tamaan ni totoy. pero ito ang hindi ko inaasahan...
babae: (tumingin sakin ng masama sabay irap)
ako:(puzzled ako dahil tinakpan ko naman si totoy dahil alam kong mararamdaman nya dahil may morning erection pa ko)
nang biglang:
babae: hoy! kanina ka pa ha!
sa ganitong pagkakataon, mahirap hindi magsalita para ipagtanggol mo ang sarili mo. kaya nasabi ko...
ako: miss, sorry ha...siksikan kasi eh, tsaka hinarang ko naman yung bag ko para hindi ka mabastos...
babae: kunwari ka pa(pabulong)
dito na naubos ang pasensya ko:
ako: miss hindi kita babastusin, promise. wag kang mag-ilusyon, hindi ako gwapo pero hindi naman din ako papatol sayo...may lane para sa mga babae bakit dito ka namemerwisyo.?(mahinahon parin bilang respeto narin sa kanya)
nagtataka parin ako minsan sa mga babaeng ganito. galit na galit pag nadikitan pero dun naman sa general lane pasok ng pasok? alam naman nilang maraming lalake dun diba?
-
Madalas sa mga mall nahuhusgahan ako ng mali ng either mga empleyado ng botiques or mga kapwa mall goers.
Since sa opisina kasi ay laging nakapantalon ay madalas na naka shorts, tshirt, and running shoes lang ako pag nagpupunta sa mall. Para presko mas madalas na naka board shorts ako. Si misis simple din pumorma kapag lumalakad kami.
So minsan we get weird looks from other mall goers na mga mahilig mag judge based sa kasuotan ng tao. Madalas na gumagawa nito ay yung mga kuntodo kung pumorma kung mag mall.
Sa mga salesman or sales ladies din minsan hindi masyadong accomodating kapag nakitang simple lang ang suot mo. Kapag ganun ay natatawa nalang ako sa kanila dahil hindi dapat ganun ang attitude ng sales people. Kapag shopping mode ako lalo kapag mga mamahalin ang bibilin ko ay mas sinisimplehan ko ang suot ko na minsan naka halos pambahay at flip flops lang. Sinasadya ko yun para mapahiya ang mga sales people na huhusga sa porma ko. Sige husgahan niyo ichura ko na mukhang walang pera pero in the end ako talaga ang bibili sa inyo at hindi yung mga inaasikaso niyo na todo postura pero wala namang mga intent to buy.
-
ako naman kanina lang nangyari napag kamalan ako na nag tratrabaho sa national bookstore ng isang ale at tinanung kung may kopya pa daw ba ako ng isang libro na di ko naman din narinig kasi naka earphone ako at malakas yung tugtug kaya yung ale nilakasan yung boses at tinapik ako at dun ko lang narining na may hinahanap sya sabay pinagtinginan kami ng mga tao... sabay ngiti na lang ako at sabi sori po di po ako nagtratrabaho dito... at yung mukha nyang galit biglang nag iba, sabay tawa na lang sya sa ginawa nya at nag sori... hahaha share ko lang din
-
Naalala ko din tuloy isang nakakatawang pangyayari na napagkamalan ako ng mali. 60th birthday ng ermat ng bespren na ginanap sa Kowloon sa West Ave. Medyo late nako dumating kaya pagpunta ko dun ay medyo naligaw ligaw pako sa paghahanap kung saang function room ang celebration. Tinext ko na si bespren at nagreply naman na wait ko lang daw siya sa baba at samahan ko daw siya na magyosi sandali. While waiting for him bigla ba naman may lumapit na matrona sakin at tinanong kung D.I ako. Palibhasa naka long sleeves and neck tie ako dahil yun ang dress code sa party kaya napagkamalan tuloy akong dance instructor. Kalerkey.
:D

hahaha...
puede din pala tayo dito sir monde8...rumoronda muna ako sa ibang sections...
tsaka na ako babalik dun...silip silip lang...
OT: madalas yung mga ganyan na pagkakamalan ka dahil sa damit...tsaka cyempre base na rin sa mga isip ng tao...
sa jeep nga or fx...akala ng mga katabi ko magnanakaw ako...malaki daw bag ko eh...
sasama pa ng tingin...todo todo ang kapit sa mga bag nila...
sigurp dahil medyo pinapawisan ako dahil late na...
pero wag ka...nang nilabasan ko ng ipad...tameme ang mga nakatingin...
nakinood pa sa ipad na dala ko...
kasi nman meron bang tamang tao na magnanakaw,
tapos maglalabas ng ipad para ipanakaw?
kailangan din minsan, ipamukha mo pa na mali ang akala nila...hahaha
-
madalas yung mga ganyan na pagkakamalan ka dahil sa damit...tsaka cyempre base na rin sa mga isip ng tao...
sa jeep nga or fx...akala ng mga katabi ko magnanakaw ako...malaki daw bag ko eh...
sasama pa ng tingin...todo todo ang kapit sa mga bag nila...
sigurp dahil medyo pinapawisan ako dahil late na...
pero wag ka...nang nilabasan ko ng ipad...tameme ang mga nakatingin...
nakinood pa sa ipad na dala ko...
kasi nman meron bang tamang tao na magnanakaw,
tapos maglalabas ng ipad para ipanakaw?
kailangan din minsan, ipamukha mo pa na mali ang akala nila...hahaha
sa sinabi mong yan sir naalala ko tuloy yung pinagkamalan din ako sa jip na di nagbayad porket may balbas at parang adik pumorma ginawa ko dumukot ako sa bulsa ko at nung nakita ko na may 100 pesos binayad ko sa kanya at sabay sabi ko na keep the change baka wala pang kinita may mapag bintangan ka pa na iba kawawa naman sila... (sa totoo lang nanghinayang ako sa 100 huhuhu :'().. at sobrang liit nga naman ng mundo taga samin pala yung mokong na yun.. ngayon kainuman ko pa, kaya lage naming biruan yung 100 pesos na yun...
-
ako rin dahil sa pananamit ko ng simple madalas akong mahusgahan lalo sa mga mall kasi i always a simple short and a shirt then sandals.... but i don't mind them, kasi ayaw ko rin namang mapansin lalo kapag naghahanap ako ng mabibili kapag kasi mukhang walang pambili hindi ka masyadong lalapit ng mga saleslady or salesman, ayaw ko rin kasing tinitingnan ako at inaalok ng kung anu-ano while i'm looking for something that i really like....
-
Yeah just recently so disgusting! So annoying! So judgemental! But i remain silent coz i know what is really who am i, i put on my mind that someday they realized kng ano mga ginawa nila.... Hoping that before they judge "salamin muna sila at tgnan ang sariling muta" baka kailangan na maghilamos .. Anyways kinalimutan at pinatawad ko na siya/sila... Dont want to ruin my whole life to those people not existing anymore.
-
oo naman, yung dati kong x, hinuhusgahan ako na maraming nakaka usap sa chat or sa fb samantalang siya lang naman kausap ko, yun pala siya ang may karelasyong iba... hahaha
-
sakin many times.. hehehe lalo na sa wife ko... she always...suspecting me... na my girlf friend ako which is magkasama kami 24/7.. so funny! suspecting too.. na meron pa kami communication ng x ko... which is di naman ako nag cecellphone to avoid argument... di na ako nag ccp.. FB oo Pt oo.. pero sa ngyon tumigil na sya... kakasar ung ganun anu...
sometimes.. friends and relative accusing me too.. as playboy... hahahaha yeah maaring pagtawanan nyo ko,,, I know' im not a kind of guwapo person hehehe.. but have a good heart... really...ssssshhhhhhssshsh!
siguro dahil lot of friends lang ako kaya ganun... siguro din minsan makikita nila ung mga tropa gaanu ka close... kaya ganun sila mali agad iniisip nila.. sakin... maalaga lang talaga ako sa mga kaibigan.. or mapagmahal lang ako...

sometimes kc sir sa pagiging close mo sa isang tao na mimiss interprte ka bawat kilos at galaw mo binibgyan ng kahulogan in short they assume
pero bilib ako sa mga lalake na despite of everything loyal pa rin sila sa asawa nila at duna ako salute sir +k sau
-
oo naman, yung dati kong x, hinuhusgahan ako na maraming nakaka usap sa chat or sa fb samantalang siya lang naman kausap ko, yun pala siya ang may karelasyong iba... hahaha
ganun pala ang storya behind sa pagkatao mo sir imbudo...at least kung hindi dahil sa x mo...magiging imbudo ka ba ngayon dito sa PT?
??? ??? ???
-
ganun pala ang storya behind sa pagkatao mo sir imbudo...at least kung hindi dahil sa x mo...magiging imbudo ka ba ngayon dito sa PT?
??? ??? ???
tama ka sir ice may malaking utang na loob tayo sa x nya dahil kung wala si x wala din si sir imbudo... hahahaha
-
oo naman, yung dati kong x, hinuhusgahan ako na maraming nakaka usap sa chat or sa fb samantalang siya lang naman kausap ko, yun pala siya ang may karelasyong iba... hahaha
. Relate relate (^_~) tama ka imbutido ganyan husga skn yun si ano na ano ni ano :))
-
Nung College freshman pa ako, meron kami classmate who was up there in age compared to us.
Nasa late teens early 20s kami noon, and that person was pushing 40. It's not old by my standards nor should anyones. 60 is the new 40 these days. I find what that person did commendable.
Anyway I befriended that person, okay siya. I remember this one prof who are close to these girls na campus crushes and may crush ata sa akin yung dalawa ewan ko, she told me na baka daw ma turn off sila sakin kasi they find this person kinda annoying. It's better na layuan ko daw. I was like wtf??
I told my prof if they will judge me by the company I keep, and didn't even find it necessary to take the time to know what I am about, what makes them think I would be interested in establishing any kind of relationship with any of them?
Must be one of the stupidest godd*mned thing I have ever heard.
That person was a good person. Just misunderstood. Edi lalo ko kinaibigan. Ayaw ko pinapangunahan ako.
Btw hindi ko sila niligawan. Sa ibang school ako kumuha. Harharhar!
Let them judge as much as they want. My life was awesome then, it is awesome now. I am a happy guy.
So yeah. Wag kayo pa down sa ibang tao. Be your own biggest fan.
Sent from my iPhone using Tapatalk 2
-
Most of the time i am misjudged / misunderstood. Pero wala akong pakialam sa judgement nila asar talo. Ang importante alam ko at masaya ako sa ginagawa ko at wala akong napeperwisyo ;D ;D
-
Ako nung una sa townhouse namin sa QC. Kala nung guard kung sino lang ako. Ikli kasi ng short ko tapos luma pa ang shirt. Buladasin ko rin sana eh.
-
wow...ako pala may gawa nitong thread na ito...
akalain mong marami din palang nahusgahan ng mali dito sa PT...
anyways, tama kayo...just be yourself at wag pansinin ang sinasabi ng iba...
ipakita mo lang na mali ang sinasabi nila...at gawin kung saan ka masaya...
:-X :-X :-X