My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => Entertainment Industry => Sports => Topic started by: salvediaz on May 28, 2013, 01:06:15 PM
-
Bakit kaya hindi gaano sikat ang football o soccer sa pinas hindi katulad ng basketball? Eto ay medyo nakalulungkot kasi pinakasikat ang football/soccer sa buong mundo...
-
gusto kasi nating mga pinoy ng action packed at high scoring na laro kaya di masyadong sikat sa atin ang football although maaksyon rin naman ang football matagal parin kasi makascore at minsan hindi pa nga na kakascore plus ang influence sa atin ng america na di rin masyado mahilig sa football/soccer

Plus 1 to.
Dagdag ko lang kasi sa wala naman magandang lugar sa football. Di tulad ng basket ball na makapaglagay ka lang ng ring okay na. Kahit masikip pa ang lugar basta may ring makakapaglaro na ng basketball. Sa football hindi. Kailangan mo malawak na field which is hindi common dito para makapaglaro ka ng football
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Red Tapatalk 2
-
Ewan ko. Di ako masyado mahilig sa pareho eh.
Pero malamang kasi napakadaling laruin niyan dito. Ultimo sa kalsada pwede, kaya malamang madami nakaka relate.
Sa schools din I remember sa varsity lagi basketball.
Parang di pa gaano uso noon sa mga schools ang baseball and soccer unlike these days sa mga private schools with space to spare.
-
may lugar naman dito na sikat ang football gaya sa bacolod sikat na sikat ang football dun
-
may lugar naman dito na sikat ang football gaya sa bacolod sikat na sikat ang football dun
ha?. ??? Tol indi man di sikat ang football siguro sa labas lng ng bacolod. ;D
-
may lugar naman dito na sikat ang football gaya sa bacolod sikat na sikat ang football dun
Pede nga dyan dahil malawak ang area.. sa manila, halos private schools lang ang may football fields.. mahirap din magimprovised ng lugar compared sa basketball.
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Red Tapatalk 2
-
Ewan ko. Di ako masyado mahilig sa pareho eh.
Pero malamang kasi napakadaling laruin niyan dito. Ultimo sa kalsada pwede, kaya malamang madami nakaka relate.
Sa schools din I remember sa varsity lagi basketball.
Parang di pa gaano uso noon sa mga schools ang baseball and soccer unlike these days sa mga private schools with space to spare.
pwede naman mag laro ng football sa basketball court footsal tawag diyan yan nilalaro namin kapag kulang kami ng players at walang field mas maliit ang bola at fast paced ang laro dahil walang offside
-
Saka sa tingin ko dahil na rin sa mentality at exposure ng mga Pinoy sa US. Alam naman natin na mas sumusunod tayo kung ano ang pinasisikat ng US.
Eh ang football/soccer di ganun kalakas ang following sa kanila kaya di rin tayo naging ganun ka-interesado.
Sayang nga eh. Ito ang ilan sa mga sports na kakayanin ng mga Pinoy na talagang makipag sabayan kasi di naman to nadadaan sa laki/tangkad ng player, kundi sa talent at team work talaga.
-
Malaking bagay ang media sa pagsikat ng isang sport. Dito kasi sa atin walang ibang tinututukan ang
media kundi basteball. Tingnan nyo sa news, ultimo
inter-barangay kino-cover ng media. Paano sisikat ang ibang sport kung ganyan? Parang basketball lang tuloy ang alam nating laro. Kulang sa exposure ang ibang sport.
-
dagdag na rin natin na kulang talaga ang support ng sport bodies na responsible sa pag develop ng mga athletes.
tignan nyo, ngayon lang nagkaka interest sa football/soccer. ang masakit nga lang karamihan bandwagoners lang. mas interesado pa dun sa mga foreign born players kesa sa laro talaga
-
hindi masyadong sikat kasi unang-una: hindi lahat ng lugar sa Pinas ay may naglalaro ng football; 2, masyadong malaki ang court na kailangan para maglaro nito at walang magtatayo ng court kung walang masyadong naglalaro; 3,wala kasing gaanong media exposure ang foot ball kasi walang mag-sponsor kasi hindi siya sikat...at marami pang iba
-
Maganda ang pagsikat ng Azkals. Nagkainteres ang maraming pinoy sa soccer. Ang media ang dapat sisihin dito. Puro basketball lang ang nirereport sa news. Ultimo inter-baranggay nahahanapan ng space sa diyaryo. Samantalang halos walang balita kung ano na resulta ng Wimbledon or French Open. Media here sucks!

i agree 100%, magaling ang mga Pinoy sa basketball but compare to the size of other nation, medyo dehado tayo but that doesn't mean ganun na lang....why not go for sport na hindi nakukuha sa taas at laki ang laro like soccer...i mean masyadong nakatutok tayo sa basketball, maybe its time para pasikatin ang ibang sport na may potential....and it will happen only thru media......
-
gusto kasi nating mga pinoy ng action packed at high scoring na laro kaya di masyadong sikat sa atin ang football although maaksyon rin naman ang football matagal parin kasi makascore at minsan hindi pa nga na kakascore plus ang influence sa atin ng america na di rin masyado mahilig sa football/soccer
tama...
wala nang gana ung iba manood ng football....
-
kaya hindi sikat dahil sa poor exposure and baba income nila
-
mahal rin mga equipment ng football a decent cleats (spike shoes) would cost you around 2-5k at noon pa yun nun naglalaro pa ako way back early 2000's buti ngayon marami ng korean surplus makakakita kana ng maayos pa na mga sapatos
-
noon pa kasi dahil nga sa impluwensya ng mga Kano, sa basketball tayo nalulong. Sa Luzon nga madalang ako makakita sa mga municipality na may mga football field, meron lang basketball court. Makakita ka man, sa mga big city lang na may mga malalaking unibersidad na may maluluwang na playground.
But sa mga bayan sa Iloilo karamihan may football field, mahihilig kasi mga ilonggo sa football, di nga ba galing dun ang ibang member na ating National Team aka Azkals gaya ni Caligdong at Araneta.
-
Mainit, wala masyadong support from our government, pag walang pera makukuha hindi susuportahan, pag walang pogi hindi susuportahan.
Sent from my HTC One X using Tapatalk 2
-
:-\ lahat ng observations ng mga nag-reply sa thread na ito where all correct... lahat may punto.... cguro para sa akin just to simplify things, ang basketball kasi pwedeng laruin ng solo na satisfied yung player kahit walang kalaro, shooting shooting lang okay na while ang football eh malabo masiyahan ng mag-isa......
-
hindi po kc eto basta basta nalalaro sa lansangan
-
sa may bandang Iloilo sikat ang football o soccer.....
dati naman nung nasa elementary pa ako baseball ang sikat. At nung high school ako napalitan ng basketball...
8)
-
Ang tagal kasi bago umiskor tapos takbo lang ng takbo.
-
US kasi ang sumakop sa atin. Kaya ang mga sports natin e basketball o volleyball.
Tignan mo ang India, mga brits ang sumakop uso na kanila football at cricket. Lalo na yang cricket na di ko maintindihan.
Ganun din sa australia.
Mas sikat pa nga ata ang softball/baseball sa atin kesa football lalo na sa palarong pambansa.
-
siguro dahil minsan nakakainip ito.. gusto natin babakan eh boxing , basketball, o hindi natin nakagisnan ito di tulad sa europe at latin america
-
kasi kahit sa kalye pwede lagyan ng court pag may dadaan na sasakyan pwede itigil yun football kalangan malawak na space walang ganun dito lalo na sa panahon ngayon
Football sa oob ng basketball court? natatawa ako haha buti na lang yun court namin naghigpit na di ako makakakita ng ganyan
-
di rason ang malawak na spasyo para mka laro ng football sa brasil lansangan di ang ginagawa nilang court at dyan na uso ang futsal.....
masyado lang talaga tayo na inpluwensyahan ng mga kano kaya basketball ang nakahiligan natin mga neighboring ASEAN nations natin na briton ang nag colonize sikat na sikat sa kanila ang football like malaysia, indonesia at singapore
-
In fairness medyo nagkaka interest. tignan niyo mga commercials ngayon. yung "sige sa mancha, football yung sport. yung tiger cracker, football yung gamit
-
hindi kaya ang usapin ng pitch ay madaling solusyunan kung me hilig talaga sa football?
-
Ang hilid kasi ng pinoy eh Basketball at Boxing hahaha
-
Sa world games wala tayong chance sa basketball dahil height ang labanan pero sa football bilis ang kailangan.nakakapagtaka lang bat parang ang bagal pa rin ng kilos nating mga pinoy compare sa other asean countries?

Football player ka rin ba? Kasi di lang naman speed ang kailangan para magcompete. Kaya di pa makapasok sa World Cup ang Azkals kasi kulang pa sila sa experience playing together. Lahat ng nasa Top Rank ng Fifa World Ranking atleast 10 years na magkakasama yung National Team nila. Kulang din sa exposure sa international competition. Football ay di parang basketball na kailangan lang ng isang Big man to anchor the team ala Marcus Douthit.
On Topic: Madaming reasons kaya di sikat sa Pinas, at tama lahat ng mga previous comments. Kaya sumikat lang ngayon ang Football dahil sa Media. Azkals had a good run sa AFC cup and it's a start para sumikat sa Pinas.
-
Agree ako na tayong mga Pinoy mahilig sa fast action at high scoring game. Kaya of all the major American sports, hindi ako nanonood ng baseball. Ang bagal!
-
slow pace yung game
mababa ang scoring margin
at mainit sa pinas
-
Pero tandaan natin na ang Football (ung mga tangang Amerikano lang tumatawag ng soccer dito, kasi iba football nila doon), ang numero unong laro (team sports) sa buong mundo. . . poor second lang basketball dito.