My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: jabar12 on May 17, 2013, 01:40:49 PM

Title: Fil-Chi & Pinoy love problem
Post by: jabar12 on May 17, 2013, 01:40:49 PM
Kwento ito para sa kaibigan ko. Problema nya Filipino chinese ang girlfriend nya. Stephanie(steph) ang GF nya ang kaibigan ko Greg. Si Steph half chinese. Dad nya 100% chinese pero dito sa pilipinas pinanganak. Mom nya purong pinay. Si greg naman eh halo halo. Meron syang, spanish, chinese, at syempre dugong pinoy. Lumaki si steph sa isang chinese environment. Iisang compound nakatira sila. Magkakasama silang magkakamaganak sa morethan 1 hectare na lupa nila. Si greg naman sa isang 50 sq meter na bahay lang nakatira. In short mayaman si Steph. Si Greg naman di kapos sa buhay, meron silang isang kotse pero hati hati sa pag gamit. Ayaw ng dad at relatives ni steph kay greg. Hindi pa nga ito nakakapasok sa bahay nila steph. Madalas paghinahatid daw nya eh kadalasan sa gate lang ito. Ok naman si Greg sa Mom at younger sis ni steph. Minsan nga kasama sya paglumalabas si steph at mom ni steph. As for family naman ni greg wala silang problema kay steph.

Matanda din si steph ng 2 and half years kay greg. Magkaiba ang religion. Mostly ng chinese ay Buddhist pa din daw specially yung mga pure chinese. Although meron ng ilang na catholic and Christians. Si steph hindi sya Buddhist, Christian sya pero yung Dad nya Buddhist pa din. Si Greg naman Catholic.

Halos typical na mano po ang kwento nilang dalawa. Masaya naman sila pero syempre problema pa din yung ayaw ng family ni steph kay greg. Parehas silang nasa med school. Actually sa med school sila nagkakilala. Any advice para sa aking kaibigan?
Title: Re: Fil-Chi & Pinoy love problem
Post by: adun on May 17, 2013, 02:03:32 PM
ive seen this situation b4. ang guy was barkada ng bayaw ko(pure chinese at mayaman). at ang babae was 100% pinay and average lang. both are nurses abroad. they met siguro sa ospital where they work. at iba din ata religion ng babae. seventh day adventist ata cya. anyway, when they announced na gusto nila magpakasal. the guy's parents were against it. but ang family ng girl has no qualms sa guy. kasi most of them lumaki na sa states eh. pero tinuloy pa rin nila ang kasal. at nagpakasal sila twice.
one was a traditional chinese wedding at ang isa was christian wedding ata.
(sori po. ang tagal tagal na kasi nangyari nun eh.)

ang masaklap nun eh. no immediate family of the guy attended the wedding. except for those relatives na nakapangasawa ng non-chinese. sila lang ang dumalo. but then again a lot of friends were there to support him. at ngayon after 10 yrs, happy pa rin sila.

@ para kay TS
sa kanila talaga yan kung kaya nila ipaglaban ang pag ibig nila.
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal