My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => Entertainment Industry => Sports => Topic started by: GHOST PROTOCOL on May 10, 2013, 10:17:19 PM

Title: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: GHOST PROTOCOL on May 10, 2013, 10:17:19 PM


Naniniwala si coach Freddie Roach na dapat nang magretiro ni eight division boxing champion Manny Pacquiao kapag muli pa itong natalo sa susunod na laban.

Sinabi ni Roach sa ESPN na siya mismo ang magsasabi kay Pacquiao na magretiro na kapag natalo sa laban kontra kay Brandon Rios sa Macau sa Nobyembre 24.

Paliwanag ng batikang coach, kapag tatlong beses na sunod-sunod na natalo ang boksingero, nangangahulugan lang na tapos na ang kaniyang panahon.

"If you lose three in a row it's your time. He's up there in age, I've got to keep a close eye on him. It's part of my job to protect him. I will do the right thing, I don't want him to be a stepping-stone," aniya.

Ayon pa kay Roach, sisiguruhin niya na hindi babagsak si Pacquiao sa pagiging "stepping-stone" ng mga boksingerong nagnanais umangat.

Hunyo nang nakalipas na taon nang talunin si Pacman ng Amerikanong si Timothy Bradley via split decision.

Pagsapit ng Disyembre, muling sumabak sa ring si Pacquiao ngunit natalo naman ito kay Juan Manuel Marquez via sixth round knockout.
http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Sports/Roach:_Pacquiao,_dapat_nang_magretiro_kapag_muli_pang_natalo.html (http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Sports/Roach:_Pacquiao,_dapat_nang_magretiro_kapag_muli_pang_natalo.html)
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on May 10, 2013, 11:56:31 PM
well it's about time na sabihin niya yan

tama siya manny lost it so yan na lang ang natitira para mapreserve ang honor niya
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: fayt on May 11, 2013, 07:27:10 AM
Tama naman si roach.. mag retire na sya.. nakuha na rin naman nya ang pangarap nya. Pag natalo, it is time to call it a day.

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Red Tapatalk 2

Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: Prime™ on May 11, 2013, 08:35:04 AM
It's all about the money.
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: Zurca on May 11, 2013, 11:15:39 AM
It's all about the money.

yup, para sa akin nung natalo siya ni marquez nagretire na siya eh. siguro etong fight na to pambawi niya sa ginastos nila ngayong election.
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: jaycee on May 11, 2013, 11:26:00 AM
Agree... also i think, in this fight dehado si Pacquiao, why? mas bata si Rios at mas agresibo though i wouldn't take away Pacquiao's capabilities pero if you check his last two fights you'll notice manny's killing instinct and power diminished a lot.. Pero still Manny pa rin ako... Mabuhay ka Manny!
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: nil699 on May 11, 2013, 06:56:35 PM
sana dito sa pinas ang farewell fight niya!
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: ambsey on May 11, 2013, 06:58:58 PM
Dapat mag retire na sya.. pero sana makita natin sa na panalo bago magretire..

Sent from my GT-N7000 using Tapatalk 2

Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: Prime™ on May 11, 2013, 08:07:27 PM
yup, para sa akin nung natalo siya ni marquez nagretire na siya eh. siguro etong fight na to pambawi niya sa ginastos nila ngayong election.

Oo. Pwede nga. Pati ata si jinky at kapatid niya pinatakbo nya eh.
Magastos na mag dynasty ngayon. Kailangan kumayod.
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: ¿m☺ÿ on May 11, 2013, 10:46:31 PM
para sa akin, noong pinasok niya ang politika dapat naretiro na siya..... its hard to maintain two different profession.... a person can only take much pressure before it affect the other.
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on May 11, 2013, 11:36:24 PM
well wala talagang lalake ang kayang magfocus sa dalawang bagay ng sabay

masyado siyang ambisyoso eh di niya kaya na pagsabayin yun politika, born again, at boxing
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: fayt on May 11, 2013, 11:49:41 PM
Its a mans thing.. single process lang kaya natin. Di natin kaya makapagfocus sa maraming bagay..

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Red Tapatalk 2

Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on May 11, 2013, 11:59:07 PM
eh matigas din ulo ni pacman eh

his opponent only focus on one thing it's beating him

and what do manny think of?

his political career, tv guesting, the pot money of the fight,

his prayer meeting, boxing training, the local tv station that will air his fight

and a lot more so how he can focus on the fight?

 why not retire right?
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: Prime™ on May 12, 2013, 04:31:21 AM
Ganyan talaga pag napapaligiran ng mga bolero. Nagiging oblivious kana sa realidad.

Anyone remember the story of "The emperors new clothes"?

Kakasipsip ng kakasipsip ng mga tao sa kaniya eh, naka hubad na pala siya at mukhang praning. Di niya napansin dahil walang nag sabi sa kaniya ng totoo.
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: Zurca on May 12, 2013, 08:18:15 AM
Ganyan talaga pag napapaligiran ng mga bolero. Nagiging oblivious kana sa realidad.

Anyone remember the story of "The emperors new clothes"?

Kakasipsip ng kakasipsip ng mga tao sa kaniya eh, naka hubad na pala siya at mukhang praning. Di niya napansin dahil walang nag sabi sa kaniya ng totoo.

nice comparison, sa dami ng nakapaligid sa kanya eh lahat na lang gusto niyang gawin.
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: fayt on May 12, 2013, 09:28:02 AM
Hindi na tuloy sya nakakapagisip para sa sarili nya . Kaya yan, kengkarot ang takbo ng boxinh nya.

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Red Tapatalk 2

Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on May 12, 2013, 05:39:59 PM
well tignan na lang natin kung ano

mangyayari after ng laban niya
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: wonderland on May 13, 2013, 06:56:13 AM
nakakaboraot na tingnan si manny lalo na sa training, dami asungot nkabuntot, dapat sila lang ni roach.
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: muksiw on May 13, 2013, 07:30:15 AM
Tama, mahirap na ibalik ang tip-top shape nya gaya nung wala pang pulitika, showbiz, religion, atbp. Unless quit nya yung ibang pinagkakaabalahan - na malayo nya naman bitiwan.
:o
At nakakainis nga talaga mga tagapayo ni Pacman, mga abusado talaga.
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: salvediaz on May 27, 2013, 10:55:47 AM
walang duda, manny still is the best...he has still the skills, look how he was beating marquez until that single punch...
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: Zurca on May 27, 2013, 11:20:43 AM
i don't think he's the best, nawala na ung pound for pound title niya at talo din siya sa last 2 fights niya (kahit na controversial decision at lucky punch daw lol), but kaya niya uli maging best kung makapagconcentrate siya sa training (no distractions or other bs).
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: fayt on May 28, 2013, 07:21:30 AM
Dapat nga ngayon palang nag retired na sya.. wala na kasi sya masyado focus sa laro at praktis. Sana may manyari kakaiba sa laban nya ngayon kundi wala na...

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Red Tapatalk 2

Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: candygaga on May 28, 2013, 08:09:45 AM

sana ibalik din nya ung suot nyang rosary everytime na may laban siya  :(
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: salvediaz on May 28, 2013, 12:54:57 PM
wala namang kinalaman ang rosary sa outcome ng laban ni idol...tingin ko inalat lang talaga...kanya na eh nawala pa...
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: gab on May 28, 2013, 02:22:05 PM
I don't think he should retire..pag natalo pa ulit sya..lot of reasons to tell..pera pera na lng yan..

Sent from my GT-I9500 using Tapatalk 2

Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: dere'k ™ on June 03, 2013, 06:22:04 PM
what if manalo siya ngayon? so ibig sabihin pwedi pa talaga si idol? haha

pero kung ako dapat na tlaga siya mag retiro, every entrance has an exit... dapat tangapin na nya yun, matagal tagal na rin naman siyang namayagpag sa larangan ng boxing eh.... cguro naman hindi na makakalimutan yun ng tao besides siya palang yung may walong tittle db.
Title: Re: Roach: Pacquiao, dapat nang magretiro kapag muli pang natalo
Post by: Zurca on June 03, 2013, 10:16:43 PM
kahit manalo siya, dapat na siya magretire. wala na din siya makalaban, ang tagal nila makahanap ng kalaban niya. si marquez ayaw na, si bradley ayaw na din kahit lumaki na yung offer sa kanila. i don't think papalagan pa siya ni mayweather. kung super impressive yung magiging panalo niya sa next fight, yung tipong 1st round 30 sec KO may pagasa pa lol.
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal