My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => Entertainment Industry => Speed Talks => Topic started by: jhentux on May 04, 2013, 10:01:36 PM
-
ano gamit nyo brand ng gasolina at oil sa inyong sasakyan at bakit yun ang pinili nyo?
-
Matipid ako sa Petron XCS. May power, and mas maganda ang konsumo. Sa oil naman, spoiled sakin. Mobil 1 fully synthetic always.
Second best ko sa Gas, Caltex Gold. Suabe at pino ang takbo.
Sa shell pansin ko sakal, and malakas sa gas.
-
sir primus, have you tried petron blaze 100? i want to try it pero may nagsasabi mainit daw ito sa makina.
-
Shell Fuel Save gamit ko dati kaso nag switch ako sa Petron XCS. Sayang kasi SMAC points. Fully Synthetic oil naman gamit ko kasi minsan lang magamit.
Sent from my HTC One X using Tapatalk 2
-
sir primus, have you tried petron blaze 100? i want to try it pero may nagsasabi mainit daw ito sa makina.
I have pero minsan ko lang sinubukan kaya hindi siguro masyado accurate ang opinion ko about it.
Pero yes napansin ko nga na mainit. Maganda ang hatak pero parang mabilis masyado masunog. Regular din akong shell v-power doon sa una kong sasakyan, pero nung pinalitan ko ng Caltex gold mas matipid and mas pino ang takbo.
Baka hindi di nagkakalayo ang effect ng v-power sa blaze gawa ng pareho silang hi-octane. Pero sa v-power hindi gaano worth it.
Highschool pa kasi ako niyan, eh nung mga panahon na yoon eh puro tulin lang ang nasa isip ko kaya paniwalang paniwala naman ako sa commercial ng v-power hahaha
-
Sa Gasoline, Petron XCS gamit ko, sa Diesel (OT ata,hehehe), Petron Diesel Max. Power and tipid ang XCS eh at okay andar ng makina ko, hindi parang pigil.
Sa Engine Oil, Castrol. Been producing engine oils since time immemorial na eh kaya tiwala na ako sa kanila.
-
kung dalawa lang ang pwede pagpilian, Caltex Gold or Petron XCS, ano mas gugustuhin nyo ikarga?
-
kung dalawa lang ang pwede pagpilian, Caltex Gold or Petron XCS, ano mas gugustuhin nyo ikarga?
XCS ako mas nakakatipid and ayos naman ang hatak.
-
kung ano yung sinasabi sa kasa na magandang oil ang ipinapalagay ko ...pagdating naman sa gasolina ... unleaded gamit namin yun kasi ang recommended ng kasa parang yung makina ng sasakyan namin is for unleaded or higher. Just following the advice from them

That's a good rule to follow. Icasa maintain mo if kaya naman, lalo na if bago-bago auto mo. Hassle lang minsan mabagal, kaya pag ganyan gaya ng PMS nonood muna ako cine.
Pero wag lang Rapide. Anything but Rapide.

Alam ko na kung bakit ayaw mo sa Rapide :)
Sa casa naman, madami sila na pinapadagdag sa iyo na kung ano ano. Example is yung fuel additive. Hindi mo naman kailangan yun. Pipiliin mo talaga kung ano lang dapat.Para sa akin, maganda lang casa dahil mahahabol mo sila sa warranty. Kaya kapag wala na warranty, suggest ko na sa labas mo nalang ipaservice pero syempre dapat sa mga trusted naman. Gusto ko sana sa casa please ipakita nila na ginagawa nila sa kotse. Yung makikita mo talaga kung ginagawa o hindi. Hindi mo talaga maalis yung pakiramdam kaag hindi mo nakikita yung ginagawa sa kotse mo.
Sent from my HTC One X using Tapatalk 2
-
Alam ko na kung bakit ayaw mo sa Rapide :)
Sent from my HTC One X using Tapatalk 2
Oo. I avoid them like the plague. Mas gusto ko pa sa tabi tabj kesa jan sa mga yan.
-
Better check your car's manual for the minimum octane rating. Pag di mo kasi naabot yung minimum rating baka kumatok makina mo. Check rin for the maximum ethanol percentage kasi may mga cars which can go as high as 20 to 30 (although 10 lang naman ethanol natin dito sa Pinas). Take note rin na carb engines normally di pwede sa may ethanol.
-
kung ano yung sinasabi sa kasa na magandang oil ang ipinapalagay ko ...pagdating naman sa gasolina ... unleaded gamit namin yun kasi ang recommended ng kasa parang yung makina ng sasakyan namin is for unleaded or higher. Just following the advice from them
You should know that 80% of the staff in casa isn't "legitimately" knowledgable in cars. Proven and tested. I'm guessing that the brand they recommended to you is their own fully synthetic oil?
-
Alam ko na kung bakit ayaw mo sa Rapide :)
Sa casa naman, madami sila na pinapadagdag sa iyo na kung ano ano. Example is yung fuel additive. Hindi mo naman kailangan yun. Pipiliin mo talaga kung ano lang dapat.Para sa akin, maganda lang casa dahil mahahabol mo sila sa warranty. Kaya kapag wala na warranty, suggest ko na sa labas mo nalang ipaservice pero syempre dapat sa mga trusted naman. Gusto ko sana sa casa please ipakita nila na ginagawa nila sa kotse. Yung makikita mo talaga kung ginagawa o hindi. Hindi mo talaga maalis yung pakiramdam kaag hindi mo nakikita yung ginagawa sa kotse mo.
Sent from my HTC One X using Tapatalk 2
If your is a Honda have I got news for you. Go and look for Honda Spa somewhere in tandang sora Quezon City. It's technically a casa under the company of Honda, but difference is you can stand beside your car as it is being serviced. Pwede pa nga kayo magkwentuhan ng mekaniko. Kung illifter ang auto mo, gusto mo sumilip ka rin sa ilalim ng lifter pwedeng pwede.
Para hindi OT:
Fuel: Fuel Save Unleaded Shell
Oil: HKS
-
(http://www.shell.pl/products-services/on-the-road/fuels/v-power-nitro-plus-engine-room/what-is-v-power-nitro-plus/_jcr_content/par/accordion_1/accordionsection_0/textwithimage/image.1188162781.png)
For more enjoyable rides. Shell or nothing. Hind naman nothing. Pero kung may Shell, Shell lang talaga.
-
SHELL NITRO +
sobrang tipid saki nhaha.. civic 2000 sir
-
Shell Fuel Save Unleaded.... matipid at maganda hatak may libreng coke pa. :)
-
guys, ask ko lang kung ganyan din sa lugar nyo. caltex silver (unleaded) gamit ko kasi walang shell dito sa lugar namin.
nagpa-gas ako kahapon, nakapaskil ay P52 ang per liter. pero dun sa may pump nakalagay P45 per liter lang. ngayon umaga napadaan ako sa petron, ganun din. promo daw nila, P45.40 ang per liter.