-
Kung mahilig ka manood ng mga pelikulang pilipino o nakapanood ka na noong iyong kabataan
siguradong alam mo ang mga katangian ng pinoy action films.
Magbigay ng expected scenes o katangian na siguradong makikita sa isang tagalog action film. Mauna na akong mgbigay. Sigurado ang kontrabida may bigote at nakaleather jacket kahit sobrang init! :-X :-X :-X
(http://sonub.com/data/upload/1/post_4811.jpg)
sagot muna bago tingin sa listahan dito
15 Fun Facts About Filipino Action
http://bit.ly/11Slnnp (http://bit.ly/11Slnnp)
-
Yun pulis sa ending na dumadating
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent BlueTapatalk 2
-
maangas ang sagutan ng mga magkatunggali
habang nagbabarilan,
ex. kahit butas ng karayum papasukin ko!!1
-
ung bida isang katerba ang kalaban na puro armado, pero sya isang baril lang .. bawat putok ng bida tama sa kalaban at di nauubusan ng bala .. mga putok naman ng kalaban wala man lang dumaplis sa bida .. lol
-
Halos palagi sila may asset. At ang asset nila usually mga tambay sa kanto.
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent BlueTapatalk 2
-
malimit meron kantahan portion kahit action movie... ::)
-
pinaka epic dito yun nag iisang hand gun niya
tapos lulusob siya sa sangkaterbang goons at di nauubusan ng bala
-
May papasabugin na kotse.
O.T. : FPJ films ang paborito ko
Sent from my HTC One X using Tapatalk 2
-
yun leading lady nila laging super ganda or sixy
-
Kapag tinatamaan ng baril walang dugo.. pag nakipagbugbugan sobrang ng dugo.
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent BlueTapatalk 2
-
ung bida palaging mahirap pero ang lupet ng mga suot nya ..
leading lady palaging nagkakagusto sa bida.. di ba pwedeng crush lang lol
-
laging pinaparampa ang kotse tapos saka sasabog
take note: luma pa
maganda ang sasakyan ng kotrabida samantalang sa bida ay bulok na :o :-X ;) ;)
-
mayroon akong goon na hindi malimutan, palaging andoon sa bawat pinoy action movies nun 90's. Hindi ko talaga alam ang name pero siya lagi un sinasampal ng kontrabida pag may palpak na ginawa mga bataan nya haha.
-
Palaging Naguuwi ng pansit sa nanay o sa pamilya nya. Tapos may dadaan na owner type jype at bigla silang pauulanan ng bala.. mamamatay yung mga kamaganak nung bida tapos mag hihiganti sya. Hahahah
-
ung bida palaging mahirap pero ang lupet ng mga suot nya ..
leading lady palaging nagkakagusto sa bida.. di ba pwedeng crush lang lol
kaya nga tinulungan lang niya yun girl
lovers na agad sila galing hihiihi
-
Most of them have stupid partner.
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent BlueTapatalk 2
-
di mawawala yung six scenes
-
ung bida nagkakasa ng kalibre 45 sa pantalon ..
ung leading lady palagi na lang nakikidnap ng kalaban ..
-
palaging karaibal ng bida sa leading lady eh yun kontrabidang mayabang
-
laging "mga inutil" ang itatawag ng kontrabida sa mga tauhan niya kapag pumalpak.
-
Laging tatanga tanga ang mga "bata" ng kontra bida.
Laging mag kwekwentuhan muna at mag gigirl talk ang bida at kontra bida bago mag barilan.
Laging mag uusap pa ng kay haba haba yung bida at yung nabaril niyang kasama, na dapat una nyang reaction eh tumawag ng ambulansya.
Laging bago nalang ibunyag ang pinaka tinatagong secreto, at malaman kung sino ba ang iyong tunay na mga magulang eh bigla nalang siyang lalagutan ng hininga. Pagkatapos ng ke haba habang pasakalye at build up, pag dating sa punch line wala ng gas. Tigok na.
Pero I love it. Mga FPJ films panalo yan.
-
nag-aaway yung leading lady at yung karibal dahil sa bidang lalake.
-
duguan na ung leading lady nakahandusay pero nakipag halikan pa sa bida at konting chikahan pa hanggang malagutan ng hininga imbes na tumawag ng ambulansya ..
-
Bago kalagan ng tali yun babae, magtitinginan sila in slow motion at minsan maghahalikan muna..
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Purple Tapatalk 2
-
ung mga pinapasabog na kotse, luma at bulok na. (di ba pwedeng pasabugin bagong model na kotse, eh pag titignan mo, mayayaman naman ung mga kontrabida, either big time drug o gambling lord, hehe) >:(
-
laging naka-shades ang mga bata ng kontrabida kaya halatang goons
-
ung bida dukha pero ang lupet ng inumin at pulutan tambak sa mesa .. sa bawat eksena palaging may kainang nangyayari, parang tele serye palaging kumakain hehe ..
-
basta may bigote kalaban
-
lagi me kidnapan, kantahan sa park...
at higit sa lahat, ang huling bakbakan e sa masukal na lugar o abandunadong building or sa walang sasakyan na daan
-
may scene na naghahabulan sa dagat
-
yun pagkatapos ng love scene eh lulusob yun kalaban
-
Madalas ang Kontrabida eh Politician, Si Gov, si Mayor, Si General, pero madalas si Cong.
-
may sayawan at kantahan kapag natapos na nila ang kanilang misyon....
-
habang nagbabakbakan, pag sinabi ng lalaki na wag kang aalis jan eh aalis at aalis parin yung bidang babae sabay mahohostage ng kalaban
-
madalas ang nagiging kalaban ng bida yung amo nyang lalaki tapos ang leading lady eh yung anak ng amo niya
-
laging may patong na pulis at kaibigan pa ng bida
-
may impormanteng taong grasa ang pulis o kaya'y mahirap na tao tapos sa bandang gitna papatayin yung impormante
-
naninigarilyo at nag iinuman bago manggulo
-
Naka maong pants, denim jackets and may bimpo na puti na naka pulupot sa batok ng mga jeepney driver na bida na as if uniporme nila yon.
Sent from my iPad using Tapatalk 2
-
kinidnap ang bidang babae...then ng re reypin na ng kontra bida biglang dating ang bida at suntukan then nanalo siyempre ang bida....ang ending kiss siya ng bidang babae and they live happily ever after...d end.
Oo! Istorbong yon!!!
Sent from my iPad using Tapatalk 2
-
may sidekick na bading yung leading lady at madalas umepal sa usapan nila.
-
kahit sala ang suntok may tunog pa rin .. lol
-
Nakalabas na yung atay bumabaril parin haha
Sent from my HTC One X using Tapatalk 2
-
may impormanteng taong grasa ang pulis o kaya'y mahirap na tao tapos sa bandang gitna papatayin yung impormante
o kaya tindero ng balut- madlas si Berting lAbra to or dencio padilla
-
Palaging Naguuwi ng pansit sa nanay o sa pamilya nya. Tapos may dadaan na owner type jype at bigla silang pauulanan ng bala.. mamamatay yung mga kamaganak nung bida tapos mag hihiganti sya. Hahahah
si anita linda ung nnay dito,,hehe
moral lesson: wag ka maguuwi ng pansit sa pamilya mo
-
mayroon akong goon na hindi malimutan, palaging andoon sa bawat pinoy action movies nun 90's. Hindi ko talaga alam ang name pero siya lagi un sinasampal ng kontrabida pag may palpak na ginawa mga bataan nya haha.
(http://t0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcT2zp6zbxcOS45XY1w2LC_9tyj5uUye1QP9W2949SlzZ8iEOnUw)
siya yata un,,si ben balisong?
-
usually ang plot ay aapihin ang pamilya ng bidang lalake ,,it's either marereyp ang syota,,or me papatayin sa pamilya,,maghihiganti at matatapos sa isang abandonadong bodega
mayaman lage ang kontrabida at lageng me swimming pool na maraming chicks na sixy habang nagiinuman sila ng mga "BATA" niya
pag hinahabol ang leading lady madlas madadapa eto
ang bidang lalake kahit bugbugin hinde umaaray pero pag ginamot ni leading lady ,aaray kagad madampian lang ng bulak na me alcohol
mura lang ang baril kaya tinatapon lang to kung saan saan at madlas makapulot si bidang lalake pag naubusan ng bala
-
madalas may dugo sa ulo na tumutulo. di ko nga alam kung sa baril yun o nauntog lang.
madalas naka jacket mga goons kahit matindi sikat ng araw.
-
yung pinaka what the fak na movie yung hinati niya yung bala habang shinoot tapos naka patay ng dalawang target na magkalayo. mga 80s ata yun