My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: zhen_eillie on April 29, 2013, 11:16:31 PM
-
Akala ko ako lang! Un pala meron din pala ibang nabibiktima ng ganiton sistema...Paano kaya kung un lang ang natitira mong pera at malayo pa ang pupuntahan mo...kawawa ka naman....maglalakad ka...(based on my own experience sa isang aircon bus....)
Last Feb 6, 2013 4pm, ako ay sumakay ng bus sa cubao papuntang Robinsons Galleria. Dahil wala akong barya, P100 ang binigay ko sa kundoktor. Binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung P100 na binayad ko sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P. Tuazon (near araneta center)...pinaalala ko uli ung sukli ko sa konduktor...tinanong nya ako, "san ka nga uli baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"......."malayo ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor.
So, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang kundoktor...(luminga-linga lang) parang deadma ba?....
Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight)...tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko...
eto ang sabi nya sa'kin..."Patingin ng ticket mo?.,... sabay inabot ko...
sabi ng kundoktor..."Eh wala naman akong sinulat (note) sa likod ng ticket mo..Tapos hihingi ka ng sukli!!!.... Tarantado ka pala eh!!!!... medyo mag init ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..Tarantado ka rin!!!...Kanina ko pa sinasabi na ung sukli ko at P100 ung binigay ko...
dun na kami nagkasagutan....at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ...."Pre, wala ka namang inabot na isang daan piso eh, tapos hihingi ka ng sukli!!!..
tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya....
eto ang sabi nung driver.... 'Aba pare di ko alam yan...baka wala ka naman talagang binigay na P100 sa konduktor ko...(sa pagkakataong ito...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,,ung driver at ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...
Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung driver na...baba na ako. ..sabi ko..."Buksan mo pinto, bababa na ako at lalampas na ako. Hindi ako makikipagbasagan ng mukha sa inyo sa halangang P88 (sukli)...Sa inyo nalang sukli ko...! (sa pagkakataong ito, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)
Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station) ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila...
So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....
Last May 30, 2013 (Thursday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)... May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at driver....na hindi rin binibigay ung sukli. Sya daw ay galing sa may Timog ....sya ay bababa sa Boni....
Naalala ko ung nangyari sa'kin ....nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...
"Miss...Miss...Singkwenta pesos lang binigay mo sa konduktor...Kitang kita ko"....
Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)....Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong-pareho ng ginawa dun sa babae...
Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningnan ko ung driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor....Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa...
Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...
pag sakay ko ng jeep papuntang Delpan....may "MAMA" na bumati sa akin...sabi nya..."Pare kala ko kanina tutulungan mo ung babae eh...un hindi sinuklian?... "Kasi nakita ko yung mga kakontsaba nong driver at conductor....ung isa...hindi nagsasalita lumapit sa likod mo....kaya ako lumipat din ako ...kasi two years ago naka experience din ako ng ganyan sa may balintawak... SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...kawawa naman...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....kaya nga kapag sumasakay ako ng bus palagi ako my dalang baryang pambayad...
so samakatuwid...hindi lang pala holdaper at snatcher ang titingan mo sa bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????
Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....Paki pasa na lang po...baka makatulong kahit konti.
Kapag nangyari sa inyo to, wag kayo magdalawang isip na kunin ang plate number ng bus at isumbong agad sa police
-
Marami ganyan lalo na sa edsa.. kaya dapat palagi may barya para hindi na pagkainteresan ang sukli..
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent BlueTapatalk 2
-
marami ngang ganyan na konduktor...
-
marami na talagang ganyan na ngayon na panloloko ng konduktor >:(
-
im hoping nakuha mo ang plate number at naireport mo sa ito pulis ...
-
babala lamang po ito para sa ating mga commuter. maging maingat
-
Nabalitaan ko dati yung meron ngang nasaksak dahil sukli. Kasi parang hindi lang sila 3 magkakasama meron pang iba. Mabuti pa na mag MRT kahit siksikan.
-
Naku marami na talaga manloloko sa pinas.. basta pera talo talo..
Sent from my GT-N8010 using Tapatalk HD
-
Dapat sa mga ganyan ginugulpi ng taong bayan. Kung sakaling may masaksihan kayong ganito lalo na kung katabi niyo ang involved at nakita niyo na nagbayad talaga siya at di pa nasuklian, wag po sana tayong magbulag bulagan o magpipi pipihan.
-
mostly yun mga ganyan kawatan sa manila bus lang nanyayare...
.
..
sa ibang bus lalo na yun provincial bus walang manloloko hehe
-
Haaayz. Nakakatakot na talaga magpunta sa Manila ngayon. Buti pa sa probinsya medyo safe pa rin kahit papaano.
-
I'll take note of this one..salamat sa pag share TS..
-
ngayon ko lang nalaman to ha... salamat sa pag-share... tama ang advice dapat mag dala ng barya para wala ng sukli.
-
Sa tingin ko mga dre, dapat kinuha mo yung plate number at name ng bus na sinakyan mo, tapos ipagbigay alam sa pulis at sa ltfrb para mahuli ung mga loko na yun. Minsan kasi hindi alam ng mga bus operator na may ginagawang kalokohan ung mga driver at kundoktor nila.
Tama, dapat palaging may dalang barya palagi.
-
I'm lucky.. hindi nangyare sakin toh... ingat ingat po tayo lage.
-
Thanks for sharing
-
dami talagang gago diyan sa Manila. Buti na lang andito ko sa Davao, takot mga kriminal dito
-
paki check nga muna mga date ng kwentu parang conflict e. anyway bad sila
-
helpful ito... karma sa iyo
thanks for sharing
:-\
-
walanghiyang mga yan, next time na may maka-experience nito huwag na din kayo pumalag kasi baka mapahamak pa, tingnan nyo na lang pangalan at plate number nung bus at i-post dito sa pt para makapagbigay babala.
-
makakarma din yang mga ungas na yan
-
kaya dapat lang bawasan mga bus plying edsa route at pagandahin at dagdagan na lang tren ang MRT 3. at pag may naaksidente na bus at kinakansela prangkisa nila, di ako naaawa sa mga driver/conductor nila kasi nga karamihan manloloko at mga balasubas pang magpatakbo. at ung si claire dela fuente naman pag nainterview, akala mo aping api ung mga hinayupak na mga bus drivers/conductors na mga ito.
-
whoa.. halos 6 years na akong sumasakay sa bus ng magisa pero wala pa akong naeexperience ng ganito. thank god. Ingat kayo sa mga ganitong modus, mga commuters...
Thanks for sharing!
-
kaya ako, lagi ako nagreready talaga ng barya pag aalis sa bahay.
-
salamat at hindi pa rin ako nadadale ng mga kawatan na ganito...
mukha kasi akong goons ;D ;D ;D
salamat sa reminder bossing
so next time pasulatan ninyo ang ticket kung magkano ibinigay ninyo at kuhanin ang plate no. at report sa Police to trap them 8)
-
hassle actually bus kasi daming colurum hinde mo din ma complain kaya patay tayo dyan
-
Ang alam ko lang yung sa kunduktor e.. yung hindi bibigay yung sukli me, happened to me twice
-
ingat ingat na lang sa laging nag bbus. may ka opisina din ako na nabiktima na nyan
-
Tsk tsk tsk...ingat2 nlng sa mga ka PT na sumasakay ng bus
Sent from my GT-I9300 using Tapatalk 4
-
dobleng ingat na lang talaga mga pt
-
Kaya dapat talaga alisto at ingat.. Kaso magaling din talaga ang mga kawatan na yan
Sent from my iPhone using Tapatalk - now Free (http://tapatalk.com/m/)
-
anong bus lines ba ang gumagawa nito?
-
nangyari din toh sa isang friend ko sa fb, pero matapang sya eh, ayun pinicturan nya ung konduktor tapos yun na nga ikinwento nya sa fb yung experience nya.
nakakatakot yung mga ganitong modus eh. buti na lang hindi ako yung commuter na malalayo ang pinupuntahan. kung pupunta man ako sa malayo, gusto ko lagi may kasama hehe. takot din ako eh.
-
cguro nd lang rin sa metro manila ginagawa to. My mga tao talagang mpagsamantala
-
Dapat talaga maging maingat tayo kahit sa mataong lugar gumagawa ng ganyan ang mga loko na yan eh.
-
sh*t, nangyari na sakin to, that was a year ago nung nag-karoon kami ng outing sa tarlac. mga around 2 am na kami nakarating sa cubao, tpus sumakay ako ng bus tpus may mga kasama ako pero hiwa-hiwalay kami ng mga upuan para kanya kanyang tulog. nung dumating yung kundoktor, inabot ko yung 1000, kasi 20 nalang pera ko at iniisip ko kelangan ko ng barya para sa jeep. pagkarating ng boni sabi ko sa konduktor na kukunin ko na sukli ko kasi hanggang guadalupe lng ako, napailing lng sya, then pgdating ng guadalupe siningil ko ulit yung kundoktor ng sukli, nang biglang tumayo ang lalaki sa likod ko at sabi "parang 100 lng yung inabot mo", ayun nakipag-talo ako kasi alam kong 1000 pera ko kasi nag-withdraw ako ng atm at puro 1000 nilabas. sa outing naman namin, ni hindi ako nglabas ng pera... ayun nagising mga kasama ko at pinag-tanggol ko, tpus sinabi sa kundoktor na 1000 binigay ko at sinabing magkakilala kmi..napa-mura yung lalaki sa likod at tumahimik nalang.. buti nalang malalaking tao yung kasama ko..
-
Napadalaw lang ako dito ulit mga kaPT. Naalala ko lang kasi to, dahil kagabi naman ay muntik na ako madukutan sa bus. Buti nalang at alisto ako kung hindi pang 6 na biktima nia na ako don sa loob ng bus.
Papasok ako ng work ko kagabi papuntang Ortigas galing Tandang Sora sa Commonwealth, bandang 10pm. Natyempo na ang nasakyan ko ay Jayross, w/c is madalas ko naman nasasakyan tuwing papasok ako. Umupo ako sa pangalawang upuan pagkatapos ng driver sa bandang kanan na tatlohan ang upuan. Dahil sa lamig ng aircon at senti na sound ni manong driver pinasya kong pumikit muna pagkatapos ko magbayad sa conductor, makalipas ang mga 15 min. naramdaman kung my tumabi sa akin, pero hindi ko naman pinansin, patuloy lang ako nakapikit at nagrerelax sa music. Maya maya naramdam ko sa kanang bulsa ko na gumagalaw ang cp ko sa loob. Nakaslacks ako kagabi dahil meron kamin client visit sa opisina. Sinubukan ko kapain yung bulsa ko gamit ang kaliwa kung kamay, subalit nandon parin naman yung cp ko. Lumingon ako sa katabi ko, isang matangkad pala na mama, maitim at mejo payat. Siguro kung susumahin ay nasa 5''11 - 6ft sya at ako naman ay nasa 5'7 lamang. Sinipat ko ang itsura nia, pero nakapikit din xa. Bumalik ako sa pagpikit at pinagwalang bahala ang una kung naramdaman, marahil ako ay namalik mata lang. Pero sa pangalawang pagkakataon, umaangat na naman ang cp ko sa bulsa ko. Dahil sa gigil ko at kakabibili ko lang ang cp ako na isang buwan ko pinagipunan, ako ay napatayo at biglang kinaliwa ko sa nguso yung katabi ko, sabay sigaw na mandurot to. Nataon naman na meron ng mga police marshall sa bus na nasakyan ko, sila ung mga nagpapagap na pasahero at sumasakay sa mga bus sa EDSA. Huli si mokong! Nagtanong ang police sa mga pasahero at nalaman namin na 5 na pala ang nadukutan nia. Kakaibang karanasan na naman para sa akin.
Magiingat po tayong lahat.
-
Good to hear this kind of story.. nagwagi nnman ang mabuti sa masama .. sana bro sinundan mo pa ng kanan ang walang hiya!
sent from ... ahmmm .. .. .. sorry I forgot .. :D
-
good thing hindi pa naman nangyayari sakin to. konting ingat na lang po pag magco-commute tayo. thanks for sharing.
:)
Sent from my LT26ii using Tapatalk
-
kawawa naman tayong mga maliliit na nagsisiskap mging patas sa buhay.... samantalang ang iba ay nanamantala sa mga taong mahiraplng din naman. at kapwa mahihirap lng din ang kaya nilang gawan ng ganyan. daming mayayaman dyan at mga pulitiong nagpapasasa sa kaban ng bayan.
-
One ticket system ang sagot... mapa mrt, bus o kahit ano... pre paid na lahat
Sent from my GT-I8552 using Tapatalk
-
One ticket system ang sagot... mapa mrt, bus o kahit ano... pre paid na lahat
Sent from my GT-I8552 using Tapatalk
ganito dito sa down under. prepaid ang smartcard para sa bus at tren and you can use it anywhere. at mawawala na ang kundoktor dahil tap na lang sa sensor at log in ka na. if naubusan ng load pwede magbayad sa driver.
most of the time ay lagi ako may barya para di na ako nakikipagtalo sa kundoktor lalo na pag mataon na balasubas ang mokong. :brucelee1:
-
Grabe yan ah. Kawawa naman yung mga taong sakto lang ang dalang pera at walang barya. Nakakapang init ng dugo yung ganyan. Dapat tinandaan mo yung body number ng bus pre saka yung kumpanya. Yan ang masarap ireport sa Tulfo bros.
Sent from my mom's ipad using Tapatalk
-
ganito dito sa down under. prepaid ang smartcard para sa bus at tren and you can use it anywhere. at mawawala na ang kundoktor dahil tap na lang sa sensor at log in ka na. if naubusan ng load pwede magbayad sa driver.
most of the time ay lagi ako may barya para di na ako nakikipagtalo sa kundoktor lalo na pag mataon na balasubas ang mokong. :brucelee1:
Ganyan din sa dubai pde sa train ganun din sa bus ..
Marami nahoholdap na driver napapatay, nasasaktan, nakabangga o nabangga ang dalang sasakyan .. sana sila nalang yun .. sana sila nalang mabuwisan ng buhay ..
Tama si TS .. wag nalang pumalag .. kunin agad ang number at file na ng complain ..
sent via SGBS™ telecom
-
also happened to me, kaya lang nakalimutan ko agad kuhanin plate number, bus name at body number ng bus na nasakyan ko. nov 21, 2013 un nang nangyari ito. sakay ako ng bus from valenzuela, am going to ortigas pero sabi ko sa konduktor hanggang mrt north lang ako. abot ko sa kanya p100 ko, p300 lahat lang pera ko, 3 p100. kaya sigurado akong p100 ibinayad ko sa kanya. sabi naman agad nya, sandali lang daw ung sukli. nung byahe na, antay ko lang ung sukli ko. pero nung nasa lemon square na kami sa muñoz na kami, hingi ko na ung sukli ko. un nga ang sinabi, nasuklian na raw ako. style ko pa raw un. ask pa nya ako ako kung me sulat ung tiket ko sa likod, wala naman nung tingnan ko. nagtalo kami hanggang makarating kami sa may mrt north. sinabihan pa ako ng konduktor na kahit daw ako magsumbong sa opisina nila, di naman daw ako papansinin dun. bago ako bumaba na lang, sinabihan ko ung driver na talagang hindi naman ako nasuklian. at bumaba ako ng bus at charge to experience na lang. alam ko naman sa sarili ko na di ako nasuklian kasi, bukod sa wallet, meron akong coin purse at dun ko nilalagay ang pamasahe ko. kaso nga ung p100 lang ang laman ng coin purse ko bago ako sumakay ng bus na iyon at wala na ngang laman ng bumaba ako.
nung dun na ako sa sadya ko sa ortigas, sabi sa akin ng kausap ko, modus na nga raw iyon ng mga konduktor at driver na rin ng mga bus.
kaya mga ka-pt, ingat po tayo ng husto sa pagbyahe araw-araw.
-
usually maliban sa kunduktor at driver, may mga kasabwat pa yan sila na kunwari pasahero... LOL.. di marunong maghanap ng marangal na trabaho..
-
Usually kilala rin ng mga drivers at conductor ang mga kawatan na iyan. Natatakot lang silang pumalag kasi baka sila ang balikan. Iyong iba naman kasabwat talaga
-
ingat lagi... as much as possible sumakay tayo sa mga bus na maliwanag and company na medyo malaki like taguig and manrose... ung mga maliliit na bus company and old buses ang normally ganyan ang modus dahil mahina sila kumita...
-
Ganito na pala ka-tindi mga bus driver at konduktor ngayon ano? Mas mababait pa pala 'yung ibang nasasakyan namin going to Manila.
May iilang beses na nakakalimutan ng ate ko singilin ang sukli noong siya ay estudyante pa lamang sa tuwing papasok siya ng Maynila from Cavite na noong naranasan ko na ang mag commute papasok sa Manila, napansin kong tila sinasadya ito ng konduktor at kada tanong mo sa kanya ay sasabihin niyang "sir, wala pa pong barya" na parang hinihintay na lang niya makalimutan mo ang sukli. Buti na lang 'di epektib ang mga galawan nila sa akin :-X
May one time naman sa DLTB Buendia, noong nagbago na ang mga route from South Luzon to Manila. May isang pangyayari kung saan, ang ate ko na naman, 'di niya nakuha ang sukli niya kakamamaya ng konduktor eh malaki-laki rin ang sukli. Since ang nanay ko, every week siyang nasa Manila ay itinabi niya ang ticket at kinulit ng kinulit ang management ng DLTB lalo na ang mismong konduktor dahil nakaprint ang pangalan niya sa ticket. Ayun. Nasauli naman. HAHAHA. :))
-
sari sari na talgang modus ang gngawa ngayon para makapanlamang or mkapanloko sa kapwa