-
Nanonood ba kayo noon ng Meteor Garden?
Sino paborito niyong member ng F4?
Ano mga memorable at favorite scenes niyo?
Share anything related to Meteor Garden.
Umpisahan ko na ng very light.
Na hook ako dati dito. Natyempuhan kong mapanood ang pilot episode and nag click agad sa panlasa ko ang tema. First year college ako nung mga panahong yon. Si Dao Ming Si ang paborito kong member ng F4 kasi astig siya.
Paborito ko mga eksena ni Dao and Shan Cai lalo kapag pinapalambot ni Shan Cai ang matigas na si Dao.
Nakakatuwa din isipin na isang babae ang binubully ng F4.
Kinakanta ko pa nga dati yung song kapag naguumpisa ang yung Meteor Garden eh.
:)
-
sir hulaan q, ung buhok mo nun parang F4 din...hehehe
-
Ang husay mo naman [user]semikotne[/user].
Isang malaking check ng red ball pen sir.
(http://i1280.photobucket.com/albums/a493/kislapmata214/8424_1223391353750_4536561_n_zpsdc673829.jpg?t=1366834981)
:D
-
hahaha, ayos sir... F4 na F4 nga..hehehe!!!!!
-
Try mo search ng mga episodes [user]bella.[/user] Parang kalahati ng buhay mo nawala pag di mo napanood ang Meteor Garden. Charing.
-
Halos napanood ko ang lahat ng version ng f4.. popular kasi kaya no choice dito sa tv.. ang nagustuhan ko yun kina sancai at dao ming... Okay lahat ng portrayal nila . Lalo ka si dao, from basag ulo to lover boy. At nakapag patino lang sa kanya ay si sancai..
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
-
Ano say niyo kay Wazelei?
Siya yata pumapangalawa sa kasikatan kasunod ni Dao. Ako naweweirduhan sa kanya. Masyado kasi tahimik. Lagi pa nakahukot kung maglakad.
:)
-
Actually nun unang meteor garden, si watzelei ang unang sumikat at nagustuham ng karamihan. Sya kasi ang unang love interest ni san cai.. sya rin ang unang member na napasunod ni san cai.. kaso masyado emo sya at masyado sya nasaktan sa past relationship nya.. sayang din kaso mas patok kasi si dao kay san cai dahil bad boy na napatino na isang ordinary girl..
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
-
Haha gustong gusto ko rin ang MG dati nung College ako. Iba kasi talaga yung dating ng story nya eh.. hindi sya focused lang sa isang mag jowa na puro kacheesyhan lang kada episode pinapakita. Alam mo un, yung iba kasi puro heavy drama na nakakaboring na minsan. Sa MG wala akong pinalagpas na episode kahit isa. Hehe.
Pinaka favorite ko rin si Dao sya rin reason kung ako nagpahaba ng hair dati haha.
Ang pinaka favorite ko naman na scene is nung pinabugbog ni Dao sa mga estudyante si San Cai dahil nalaman nyang nag check in sya sa Hotel na may kasamang lalake. Tapos later nalaman ni Dao na set up pala talaga yun. Tapos ayun sinave nya si San Cai. Ang sweeeet! haha.
Nagandahan rin ako sa MG2 kasi dun mo naman makikita yung soft side ni Dao. Nalungkot ako dun sa part na naglilinis na lng sya sa Restaurant tapos nakapulot sya ng coin then nakita sya ni Xi Men.
Dati Kumpleto ako ng mga kanta nila as F4 and as solo artists haha.
OMG i can't believe na sobrang hooked ako sa kanila dati hahaha.
-
Ang nakakatuwa nito, puro guys ang nagrereply sa thread na to lol..
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
-
First year college ako nun lumabas to, langya un labilalabs ko patay na patay sa F4 noon. Ang naaalala ko talaga dito un sigaw ni Shan cai na Daoming Si!!!! Haha.
-
kantahin nyo na..sabay sabay ha... hahaha
http://youtu.be/TJImFTjALkI (http://youtu.be/TJImFTjALkI)
-
Hayy nakakainlove nga naman tong f4 sa mga mata nila..:dreaming:
-
Ang nakakatuwa nito, puro guys ang nagrereply sa thread na to lol..
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
Kahit pano kasi astig naman ang MG bro pero oo nakakatuwa nga na halos puro lalake tayong nandito sa thread.
:D
-
lols karamihan ng naunang reply lalake
oo napanood ko ito inaabangan ko din ito dati
naalala ko noon yun head stand noon nung si lei eh para daw di tumulo luha niya
-
^
napanood ko ata yan haha.
ginawan pa ng tagalog version un theme song nyan.
-
^
napanood ko ata yan haha.
ginawan pa ng tagalog version un theme song nyan.
well meron nga tagalog version nun
uso sa mga videoke hihihihi
-
F4? eto ba tinutukoy nyo?
(http://images02.flixcart.com/cgi-bin/ResizeFk?res=chf&itype=albums&iid=301455)
-
F4? eto ba tinutukoy nyo?
(http://images02.flixcart.com/cgi-bin/ResizeFk?res=chf&itype=albums&iid=301455)
Hehe indian version?
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent BlueTapatalk 2
-
F4? eto ba tinutukoy nyo?
(http://images02.flixcart.com/cgi-bin/ResizeFk?res=chf&itype=albums&iid=301455)
natawa naman ako sa mga indian na toh hihihi +k sayo paps
-
10 years na pala ang nakalipas ???
-
I was crazy on that series..infact i watched it again not long ago sa online..
-
May thread na rin na ganito try nyo po mag search.. si monde pa yata ang ts
Sent from my Nokia 5110 using Tapatalk 4 beta
-
nung kasikatan nyan, napunta kami sa southern leyte ng 2 kasamahan ko, eh dat time tag-ulan so pag napupunta kami sa mga barangay areas dun, (may ginagawa kasi kaming project that time sa lugar na un), medyo naka-sweet shirt kami o minsan pormang city boy nga, so ung mga kadalagahan dun tingin sa amin mga F4 (minus 1), so sumakay na lang kami at nagpakilala kami na kami si Dao-ming Sugat, CamacZe Lie at Xi Mento. ;D
-
Ang nakakatuwa nito, puro guys ang nagrereply sa thread na to lol..
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
Eh paano naman, para talagang tayo si Dao Ming Si. Loverboys. Hehehe.
-
this is funny haha ang dme ng version ng f4