My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: monde8 on April 25, 2013, 11:49:14 PM

Title: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: monde8 on April 25, 2013, 11:49:14 PM
Iba't iba ang katangian ng bawat tao. Kesyo nasa bahay, eskwela, opisina, lansangan, o kahit dito sa PT ay marami tayong mga nakakasalamuhang iba't ibang klaseng tao. Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?

Ako pinaka ayoko yung mga know it all. Yung tipong sa lahat ng bagay ay may naisasagot. Ikaw na ang walking Google na alam ang lahat ng bagay.

Maraming klase din ng know it alls. Isa ay mga akala mo libro sa pagka by the book ng mga kaalaman. Pero halatado naman na puro theory lang ang alam at hindi naman nagagamit sa tunay na buhay. May mga know it alls din na tamang poser lang. Kunware maraming alam pero ang totoo ay puro wento lang at wala namang wenta.

Hanggang dito na lang muna. Dagdagan ko nalang next time.

Share din kayo.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Parabola on April 26, 2013, 12:01:36 AM
Haha parang ganito ba yun? ay oo ako rin...ay oo alam ko din yan, ay oo meron din ako niyan mas maganda pa...mali kadiyan ganito yan...hehe
Pinaka ayaw ko naman yung epal mkabara lang, saka yung mga hunyango.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: monde8 on April 26, 2013, 12:11:19 AM
Lakas mambasag ng trip ng mga ganyan eh noh. Wala naman kasing masama kung may alam pero wag namang over exaggerated na tipong ang sagot lang nila ang tama o superior. Pwera nalang siyempre kung talagang field or specialization nila ang usapan. Yung iba wala namang experience sa mga pinagsasabi nila pero kung makakwento eh akala mo napagdaanan na ang pinagsasabi.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Cathrina on April 26, 2013, 01:01:49 AM
Wow..strike to my lungs po...yong sobrang suplado/suplada na wala sa lugar .....
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: monde8 on April 26, 2013, 02:18:31 AM
[user]Cathrina[/user] pano pag pogi naman yung suplado? haha

 :)
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: fayt on April 26, 2013, 02:20:03 AM
Dito nakakaasar lang na mapagpanggap na may alam yun pala may loop hole ang mga sinasabi..

Sa mga nakakasalamuha tao, nakakaasar yun mga taong mataas ang tingin sa sarili nila. Wala pa naman nararating..

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: mindanaocraze on April 26, 2013, 02:31:10 AM
kunwari may alam pero wala naman
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: monde8 on April 26, 2013, 03:07:54 AM
Dito nakakaasar lang na mapagpanggap na may alam yun pala may loop hole ang mga sinasabi..

Sa mga nakakasalamuha tao, nakakaasar yun mga taong mataas ang tingin sa sarili nila. Wala pa naman nararating..

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2

Tama bro. Kung tutuusin okay lang naman magyabang ng kaunti kung may ipagyayabang ka naman na based sa results at hindi puro sabi sabi lang.

kunwari may alam pero wala naman

Bogus ang peg.

opinion ko lang po ito ha....
Para sa kin kung matalino at magaling talaga ang isang tao..ibibigay lang niya ang kanyang opinion sa isang topic in the simplest way na hindi na kailangan maging sarcastic at i attack ang commento ng iba at ng nag umpisa ng topic.  Other people will appreciate you more if you can comment this way.

May kasabihan nga na....

"People don't care how much you know until they know how much you care."
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: 10reason on April 26, 2013, 03:29:28 AM
eto sakin

douchebag
k.i.a. (know it all)
walang respeto
kups
feeling sikat
bully
frenemy

ps:TSE!
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: monde8 on April 26, 2013, 04:44:28 AM
In fairness dito sa PT hindi talamak ang mga bully. Sa isang pinanggalingan kong forum site ang daming bullies. Tipong kung bagong sign up ka palang eh hindi mapapansin mga post mo. Minsan pa dami nang off topic na sila sila lang nagkakaintindihan.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Prime™ on April 26, 2013, 04:52:49 AM
Yung mga mapanlamang and mga mandurugas. Ayaw ko nyan.

Ayaw ko din ng mga racist and mga irresponsableng tao gaya ng irresponsableng magulang etc.

Basta pag naramdaman ko dishonest and disingenous ang isang tao, mapa intellectually or sa paghahanap buhay iniiwasan ko yan. Ayaw ko nakikipag kaibigan sa mga manloloko.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Prime™ on April 26, 2013, 04:59:17 AM
In fairness dito sa PT hindi talamak ang mga bully. Sa isang pinanggalingan kong forum site ang daming bullies. Tipong kung bagong sign up ka palang eh hindi mapapansin mga post mo. Minsan pa dami nang off topic na sila sila lang nagkakaintindihan.
 

Hahaha wag mo intindihin yan mga ganyan. Basta gusto mo mag respond and sa tingin mo relevant naman sa topic eh go ahead. May pagka rude nga naman talaga yung iba.

Pag nakaramdam ako ng ganyan iniiwanan ko, and matabang na ako mag reply sa mga bagong thread ng OP na yon. Iniisnab ko din hahaha
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: monde8 on April 26, 2013, 05:13:39 AM
Yung mga mapanlamang and mga mandurugas. Ayaw ko nyan.


Ito ang iniiwasan ko lalo sa mga tao na serbisyo at specialty nila ang binabayaran.

Eto po sample ko:

Nung unang dalawang beses na nagpa tattoo ako eh akala ko mahal talaga ang magpa tattoo. Pero nung pangatlong beses akong nagpatattoo ay nakahanap ako ng artist na mura lang sumingil kahit pa madalas siyang mag 1st placer sa mga bigating tattoo competitions. Naka dalawang ulit ako na nagpa tattoo sa kanya bago siya nagibang bansa. Nung nagibang bansa siya ay hanap uli ako ng bagong tattoo artist at kadalasan ay mga taga sa presyo ang nahahanap ko. Sa pagiging patient ay nakakahanap din naman ako ng mga artist na mahusay gumawa pero makatarungan din mamresyo. Yung huling tattoo ko two months ago dito sa Mindanao, 6k sinisingil sakin nung unang artist kong napagtanungan. Sa kabutihang palad nakahanap ako ng isa pang artist na walang sapak sa utak, 1.5k lang inabot ang pagpapa dutdut ko.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: fayt on April 26, 2013, 06:45:38 AM
In fairness dito sa PT hindi talamak ang mga bully. Sa isang pinanggalingan kong forum site ang daming bullies. Tipong kung bagong sign up ka palang eh hindi mapapansin mga post mo. Minsan pa dami nang off topic na sila sila lang nagkakaintindihan.

May ganun palang forum site.. buti dito ang first kong forum site kung saan ako active. Sumasali ako sa forum site para makakuha ng info at phindi ganito na ginagawa ko sa pt na masyado active.

On topic.

Ayoko rin ang hari ng palusor.. yun tipong huling huli mo na lulusot pa.. and worst, aawayin kapa para mabaligtad kung ano ang sitwasyon nya..



Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2

Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: 10reason on April 26, 2013, 08:19:07 AM
Wow..strike to my lungs po...yong sobrang suplado/suplada na wala sa lugar .....

buti na lang hindi ako sobrang suplado, sakto lang hehehe.... ;) ;) ;)

dagdag ko narin to.

isa pa sa pinakaayaw ko eh yung katamaran ang pinapairal na kahit alam ang topic eh nakukuha pang magtanong kaya madalas kong nahihiritan ng ganito:

"Malaki ka na, I-Google mo nalang!"

"Igmg (I-Google mo, G@^&!"

"Don't ask me, Ask Mr.Webster!"
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: bong1830 on April 26, 2013, 01:24:48 PM
ayaw ko yung nakakasakit ng damdamin, hindi alam na nasasaktan na pala nya yung tao...
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Cathrina on April 26, 2013, 01:33:36 PM
buti na lang hindi ako sobrang suplado, sakto lang hehehe.... ;) ;) ;)

dagdag ko narin to.

isa pa sa pinakaayaw ko eh yung katamaran ang pinapairal na kahit alam ang topic eh nakukuha pang magtanong kaya madalas kong nahihiritan ng ganito:

"Malaki ka na, I-Google mo nalang!"

"Igmg (I-Google mo, G@^&!"

"Don't ask me, Ask Mr.Webster!"

Ok namn magsuplado/suplada lalo na sa mga taong nakakairita .
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: monde8 on April 26, 2013, 10:28:02 PM
buti na lang hindi ako sobrang suplado, sakto lang hehehe.... ;) ;) ;)

dagdag ko narin to.

isa pa sa pinakaayaw ko eh yung katamaran ang pinapairal na kahit alam ang topic eh nakukuha pang magtanong kaya madalas kong nahihiritan ng ganito:

"Malaki ka na, I-Google mo nalang!"

"Igmg (I-Google mo, G@^&!"

"Don't ask me, Ask Mr.Webster!"

So true yan pards. May iba kasi na nagtatanong just for the sake na may maitanong.

ayaw ko yung nakakasakit ng damdamin, hindi alam na nasasaktan na pala nya yung tao...

May kasabihan nga na....

"Be kind to everyone you meet for because for all you know they might be fighting a hard battle that you know nothing about."
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: 10reason on April 26, 2013, 10:37:14 PM
Ok namn magsuplado/suplada lalo na sa mga taong nakakairita .

so true mam lalo na sa panahon ngayon maraming bagay ang pwede sumira sa araw mo di ba?

So true yan pards. May iba kasi na nagtatanong just for the sake na may maitanong.

nakakainis pa naman yung ganon di ba?



Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: monde8 on April 26, 2013, 11:58:21 PM
Oo pards parang yung mga nagtatanong ng medical questions despite the fact na komunsulta naman na pala sa doctor. Mas may tiwala pa sa online community kesa sa doctor niya.

Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: 10reason on April 28, 2013, 08:17:58 AM
idagdag ko narin to, ang isa pinaka-ayaw ko yung demanding, akala mo mamatay kapag hindi mo binigay yung gusto niya kagaya na lang nung experiecen ko sa kabilang site dati nung nagpost ako sa adult section ng story kakabasa palang nila nangungulit na agad tapos kapag nabitin panay ang demand  :o hiniritan ko nga ng ganito:

"hindi niyo naman hawak ang oras ko kaya huwag kayong mag-demand basta-basta"

ayun tumahimik yung mga demanding tapos ni-report ko pa hehehe.... ;) ;) ;)
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: kokoBware23 on April 28, 2013, 08:49:31 AM
yung masyadong insensitve, hirit ng hirit hindi nya alam nakakasakit na siya, tas yung mga bullies.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on April 30, 2013, 03:45:00 PM
yun manyakis, arogante at makapal ang muka sarap imudmud sa simento niyan
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: fayt on April 30, 2013, 04:38:50 PM
yun manyakis, arogante at makapal ang muka sarap imudmud sa simento niyan

May pinanghuhugutan?

On topic:

Moody o masyado sensitive.. di rin maganda..

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent BlueTapatalk 2

Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: zkhiel on April 30, 2013, 06:46:08 PM
mga taong plastik at epal! haha
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Modify on April 30, 2013, 08:18:45 PM
Sa mga taong maxadong magaling na kung na kala mo alam ang lahat kaya lumalabas na isa rin xang epal at kulang s pansin. Katangian rin ito ng taong malakas mang-bully.

At isa pa sa ayaw ko yung mga taong matatas ang ere, ayaw nmn mamansin kala mo naman kung sinong sikat.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: reza on July 17, 2013, 11:28:17 AM
pinaka ayaw ko ung mayabang, matapobre...
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: the_hemorrhage on August 02, 2013, 12:17:36 AM
Pangit na nga, maarte pa. Kaloka. Haha.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Libra1969 on August 03, 2013, 11:25:24 PM
ayaw ko yung taong mayabang at di humble.  Punctual akong tao kaya inis din ako sa mga taong sobrang late sa mga commitments at darating na walang apology.  gheesh.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: 10reason on August 04, 2013, 03:29:08 AM
idagdag ko narin to:

isa sa pinakaayaw ko sa tao yung sinisiraan ako, isama mo pa yung mga inggitero.


Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: ¿m☺ÿ on August 04, 2013, 05:34:46 PM
ang ayaw ko rin sa tao ay unang-una inggitero, mahangin pero wala namang laman, negative thinker, at backstabber
 :-\
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: trafficjam on August 19, 2013, 11:56:23 PM
Sakin siguro yung mga taong binibida yung sarili. Kelangan nila na malaman ng mga tao kung ano ginawa nila. Kakapikon mga ganun. Mga insecure. LOL
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Soujiro Seta on August 20, 2013, 12:12:29 AM
masyado pasikat sa kht anong bagay..hehe kapag meron nagtanong sakin at hindi ko alm cnsb q hnd q alm..d gaya nun kinaiinisan ko grabe talaga..hindi alam sasagot pa..haha feel na feel eh..
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: jatet on August 20, 2013, 12:04:44 PM
Ako yung pretentious. Yung jolog tapos nagpapanggap na mayaman. O kaya yun dating jolog tapos biglang yaman.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Pinoymasterp on August 20, 2013, 12:21:14 PM
OC. ok lang maarte, pero pag sobra na, nakakainis
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Pinoymasterp on August 20, 2013, 12:21:54 PM
tchaka lalo na yung mga know it all rin tulad ng sinabi mo, kasi nakakapikon yung pagka deliver nila eh
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: pandinox on September 03, 2013, 12:18:44 AM
yung mayabang saka mapanlait,  >:( >:( >:( >:(
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Soujiro Seta on September 03, 2013, 01:26:42 AM
Mayabang at masyadong makwento na akala mo andameng alam..hehe kapikon sobra yung ganyan..tropa ko ganyan kapag nagstart magkwento di na kame naimik..feeling alam lahat ng bagay kahit mali mali na cnsb haha
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: witherwind on September 05, 2013, 09:26:23 AM
The super sensitive types -- sobrang iritable ako sa kanila. Yung hindi marunong sumakay sa mga biro at pakiramdam lagi silang minamata ng iba.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: ladyvirus01 on September 05, 2013, 12:28:58 PM
A conceited, insensitive, low iq, no sense of humor and paki alemera at paki alemiro  super irritated ako sa people na mga ganyan and manhid pa pala hihi i forgot duh!
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: arthas™ on September 05, 2013, 01:28:56 PM

A conceited, insensitive, low iq, no sense of humor and paki alemera at paki alemiro  super irritated ako sa people na mga ganyan and manhid pa pala hihi i forgot duh!

Lakas ng patama. Para akong natamaan ng isang bulalakaw sa ulo.

OT: Mayabang.


Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: tomasmakirot on September 21, 2013, 04:02:14 PM
tatanga tanga at hambog..mahirap pag kumbinasyon pa nito.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Asiong Salonga on September 22, 2013, 03:25:14 PM
mga nagkukwento ng hindi naman totoo makapagyabang lang haha
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: kyris on September 23, 2013, 06:47:02 PM
ang ayaw ko ay yung sobra ka serious at hndi makisabay sa group or barkada
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: comsci91 on September 25, 2013, 03:32:08 AM
yung nag gagaling galingan yun pala wala namang alam hehe yun sir ang pinaka ayaw ko.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Tracertribe on September 27, 2013, 06:40:28 AM
Tao Na di marunong o di yata alam ang word Na respect!
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: jackfruit_99 on September 30, 2013, 04:54:56 PM
ayaw ko yung sa taong tatanga tanga...yung parang laging nalilito...
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Tracertribe on September 30, 2013, 11:14:50 PM
PLASTIK! at IPOKRITO! Mga taong nagmamalinis..
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: radicalerror on October 03, 2013, 01:37:50 AM
ung mga taong di mo tinatanong pero kinekwento pa din nya ung buong buhay nya sa sayo hahahaha
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: LimitLess™ on November 04, 2013, 04:20:43 AM
Yung mga plastik at mga babaeng maaarte na wala naman sa lugar ..
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Itachi101 on November 04, 2013, 01:13:53 PM
pAgiging stubborn mayabang pasaway at pikon
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: airwalk on November 15, 2013, 04:28:03 AM
ung hindi marunong lumingon. kapag nagawan mo ng favor, ok sya. pag ikaw naman. ang may favor. wala na.
Title: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: honeysuckle on November 15, 2013, 06:57:47 AM
Sinungaling at gumagawa ng sarli nyang guni-guni na malayo sa katotohanan.
Title: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: honeysuckle on November 15, 2013, 11:32:18 AM
Snob, namimili ng mga kausap at feeling superior.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: lovemarie on November 15, 2013, 11:39:18 AM
Snob, namimili ng mga kausap at feeling superior.

naku pareho tayo mars dyan! bad trip na ugali lalo na yung feeling superior sa lahat haayyy!
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: dennis magtulis on November 15, 2013, 11:59:32 AM
naku pareho tayo mars dyan! bad trip na ugali lalo na yung feeling superior sa lahat haayyy!
Apir mars! Ahaha

OT
Poser.

hinde ako ganun ah! hehe

OT: yung malakas mambitin,,ampfff ;D

seriously, yung mga self - righteous >:(
Title: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: honeysuckle on November 15, 2013, 12:56:02 PM
OT: yung malakas mambitin,,ampfff ;D
>> pards, hindi ako ito. Ahaha

seriously, yung mga self - righteous >:(
>> Ahemmm

OT
Walang isang salita. Matigas ang ulo.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: cloe on November 15, 2013, 01:51:52 PM
mga wannabes, pretenders, know-it-alls, mashado bilib sa sarili at manlalait :)
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: lovemarie on November 15, 2013, 03:12:17 PM
hinde ako ganun ah! hehe

OT: yung malakas mambitin,,ampfff ;D

seriously, yung mga self - righteous >:(

waaahhh lagi ata kita binibitin noh? ahaha...

OT : yung mga nagmamalinis  >:(
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: fayt on November 15, 2013, 11:23:55 PM
 ayaw ko yun erratic ang behavior, feeling maganda, feeling maraming naghahabol, at bipolar.

Sent from my Yahoo using Google

Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: arthas™ on November 15, 2013, 11:39:26 PM
Ayaw ko sa sobrang bait. Gusto ko yung nananakit. :))


Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on November 15, 2013, 11:41:16 PM
isa lang maidadagdag ko dito

yun taong assuming yun lang

sent from abacus using babytalk 12000
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: fayt on November 15, 2013, 11:50:53 PM
isa lang maidadagdag ko dito

yun taong assuming yun lang

sent from abacus using babytalk 12000

Ouch..... Hahaha

Ot

Palengkera

Sent from my Yahoo using Google

Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: arthas™ on November 15, 2013, 11:56:45 PM

isa lang maidadagdag ko dito

yun taong assuming yun lang

sent from abacus using babytalk 12000

Yari kayong mga assuming.

OT:

Ayoko sa tanga. In fact libreng maging tanga wag lang aaraw arawin.


Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on November 16, 2013, 12:12:13 AM
kasi pag nag assume or may assumption..

ikaw ang magiging masama dahil baka isipin nila

nagbigigay ka ng false hope or paasa lang

sent from abacus using babytalk 12000
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: dennis magtulis on November 20, 2013, 06:31:05 PM
waaahhh lagi ata kita binibitin noh? ahaha...

OT : yung mga nagmamalinis  >:(


that's why I hate you so much! ;D
lika nga dito, kiss kita ;)

OT: badtrip ako dun sa kasama ko sa training kanina - epal sobra, di niya alam tinitira namin siya ng harapan dipa makahalata ;D
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: lovemarie on November 20, 2013, 09:36:28 PM

that's why I hate you so much! ;D
lika nga dito, kiss kita ;)

OT: badtrip ako dun sa kasama ko sa training kanina - epal sobra, di niya alam tinitira namin siya ng harapan dipa makahalata ;D

sows! kundi pa love na love mo ako hihihi...

OT : bad trip din ang isang taong cold-hearted
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: arthas™ on November 20, 2013, 09:39:51 PM
Yung tipong ok na ang usapan as in plantsado na. Then final minutes before the plan execution e aatras. Sarap hambalusin. Don't ever commit pag alam na di kaya. Isip isip din pag may time.


Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Taho Tyrant on November 28, 2013, 02:02:59 AM
Kung ano yung ayaw ko na ugali ko, yun ag.pinakaayaw ko sa.ibang.tao


Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: 69family on November 28, 2013, 02:21:58 AM
yung ugaling pag may kailangan sya sayo naalala ka niya....pag wala sya kailangan dedma ka lang sa kanya....
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Aekhuban on November 28, 2013, 10:37:10 AM
sinungaling, mahina ang ulo at manggagamit.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: lovemarie on November 30, 2013, 10:52:54 AM
sinungaling at mapagpanggap. hindi magiging masaya ang mga taong ganito.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: magbubukid on November 30, 2013, 01:05:43 PM
Matapobre at mayabang. Kunwari class at mayaman pero bagoong din pala ang ulam!!!  
 >:( >:( >:(
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Lucifer on November 30, 2013, 01:59:03 PM
Ayaw Ko Yung Taong Ang Lakas Ng Boses Pag Nagsalita, Yun Bang Gusto Niya Marinig Ng Iba Kahit Wala Naman Paki. Boisterous Yata Term Dyan. Sakit Sa Tenga.  >:(  >:(  >:(
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: somebody on November 30, 2013, 10:16:05 PM
yung mapagpanggap.. well sino ba naman ang may gusto nung mga fake dba??? made in china na tao..hahaha..
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: lovemarie on December 01, 2013, 08:54:43 PM
yung mapagpanggap.. well sino ba naman ang may gusto nung mga fake dba??? made in china na tao..hahaha..

hay naku mars apir!!! i hate japeyks so much >:(
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: somebody on December 01, 2013, 09:52:34 PM
hay naku mars apir!!! i hate japeyks so much >:(

may kakilala ka bang japeks mars?hahaha

OT:
Ayoko rin sa mga taong mapagmataas... mga feelingerang froglet..grrrrrrrrrr
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Prime™ on December 02, 2013, 05:58:16 AM
Yung maraming ayaw. Gusto ko yung laging positive. Good vibes man. Good vibes.

Happy happy joy joy.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: somebody on December 05, 2013, 02:29:06 AM
Isa sa ayaw ko yung selfish... andami kong na eencounter na ganyan lately...tsk tsk
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Itachi101 on December 05, 2013, 02:57:15 AM
basta sa akin yun pa rin yung mga mapride at stubborn na ugali
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Choke on December 07, 2013, 11:44:37 AM
yung mga tipong gusto hulaan mo kung ano ang nasa isip nila..
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Sleepaholic on February 18, 2014, 05:43:19 AM
Kiss and tell
User friendly
All talk no walk
Feeler
Know-it-all
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: fayt on February 18, 2014, 10:57:17 AM
Kiss and tell
User friendly
All talk no walk
Feeler
Know-it-all

ouch sayang naman... kala ko pwede na ako ehhh  :P

ot:

masyado maarte
pabago bago....
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Troll Montero on February 18, 2014, 02:32:48 PM
ayoko sa matapobre,  ayoko sa hapaslupa, ayoko sa mahinhin mamaya dutin pa yan....
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: ladyvirus01 on February 19, 2014, 04:12:47 AM

ouch sayang naman... kala ko pwede na ako ehhh  :P

ot:

masyado maarte
pabago bago....

Haha ninja moves si faytski ah

ot: small mind, discuss people
     narcissistic
     bipolar
     back fighter

     


Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Troll Montero on February 19, 2014, 05:26:41 PM
ayoko ng mala maja salvador... kase baka mag dialog ng "Mahal ko si Troll! Akin siya, akin lang siya!"  i mean ayaw ko sa madamot lol
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: crashtest on February 23, 2014, 09:58:05 AM

madamot, masumbat. major TO! :)

Sent from my LT26ii using Tapatalk


Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: darqsphere on March 06, 2014, 04:24:39 PM
 C:-) yung saksakan at ubod ng yabang!... tapos kapag nasubukan yung ipinagyayabang nya eh tae naman pala.... edi lumabas din na sinungaling!.....  >:(
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: dennis magtulis on March 14, 2014, 04:34:06 PM
me nalala lang ako

ayaw na ayaw ko sa mga taong hunyango/balatkayo
kala mo kung sinong birhen, eh sing dumi din pala ng san juan river kung magisip

judgemental pa,,saying things as if you already knew the person

tsaket lang  :(
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: honeysuckle on March 26, 2014, 09:08:19 AM
Chismoso. Parang FAGGOT lang.


Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: somebody on March 26, 2014, 02:10:49 PM
Chismoso. Parang FAGGOT lang.


Sent from my iPhone using Tapatalk


Hahaha..same tayo Mars,yung dinaig pa si Boy Abundat sa paggng chismoso..

Mahangin din dinaig pa yung bagyo.haha




Sent from my GT-S5300 using Tapatalk 2

Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: hyperactivebastard on March 29, 2014, 05:58:52 PM
tanga at mabagal mag-isip at mag decide.
walang sariling opinyon, nakikigaya lamang sa iba palagi.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Aero13 on March 31, 2014, 03:16:54 PM
*Mayabang (Pero wala naman talagang ipagyayabang)
*Kiss and Tell
*Insensitive
*Chismoso
*Taong problema lagi ang binabanggit sa iyo.
*Walang tsaga
*Tamad
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: honeysuckle on March 31, 2014, 09:10:25 PM
Mabagal. Mabagal mag drive. Maglakad. Hayss


Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: somebody on April 02, 2014, 04:50:46 AM
Yung kaugali ng Prof kong kalbo,.sa sobrang talino ang weirdo ng pag.iisip.,





Sent from my GT-S5300 using Tapatalk 2

Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: monde8 on April 02, 2014, 05:06:31 AM
Isa din sa mga pinaka ayoko yung mga tao na hindi umaakto ayon sa ganda. LOL
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: fayt on April 02, 2014, 09:54:12 PM
Isa din sa mga pinaka ayoko yung mga tao na hindi umaakto ayon sa ganda. LOL

nyahahaha... magpopost sana ako ng ganito naunahan mo ako.....  :suka3: :suka3:

ot.

yun sinasayang yun talino sa mga walang kabuluhang bagay... Sana akin na lang yun braincell para magamit ko.  :sipol:
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: monde8 on April 03, 2014, 12:26:45 AM
Masyado ba harsh kung ayaw ko yung tao na tatanga tanga? Yung tipong pag may tinanong ka at sinagot ka nila eh parang out of this world ang mga pinagsasabi.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Parabola on April 03, 2014, 06:34:37 AM
Mga taong nagmamarunong na kala mo lahat ng bagay ay alam niya, yung tipong pag nagkukuwento ka biglang sasabat ng 'ay ako din ganito ganyan, dapat di ganito dapat ganyan'.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: cherdZ on April 03, 2014, 06:49:08 AM
Iresponsible
Disrespectful
Sinungaling
Plastic
Walang delikadesa

sent from Cherdie's phone.. ü

Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Mark Yap T. on April 08, 2014, 08:56:32 PM
ayoko yung hambog, tsaka malabo kausap... tapos nagpapa asa lang.... eh wala naman palang guts!
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: grabehhhhhhhh on April 10, 2014, 11:03:08 PM
people who doesn't accept that they're wrong, and is close minded. hirap nilang kausapin.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: fayt on May 05, 2014, 03:42:19 PM
eto kanina may naencounter ako kanina... one of my officemates...

kung ano ano pinagsasabi sa iba o sa lahat na nandun pero nun kinonpronta na sya nun person na sinasabihan nya ayun.. jolly jolly na parang walang nanyare.. in short tiklop.. magaling magsalita o magparininig sa kanya ng kung ano ano pero in the end wala rin pala masasabi.....

entertainment  ang nanyare kanina hahaha....
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: crashtest on May 08, 2014, 05:41:02 PM
plastic.
yung maayos pag nakaharap ka then pagtalikod mo..

 >:(

Sent from my LT26ii using Tapatalk
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: razorsharp on May 13, 2014, 12:45:29 AM
malaking bagay saken ang punctuality. well OK lang ma-leyt ka sandali pero yung kung may usapan kayo ng alas dos tapos alas dos y'media e tulog ka pa pala  >:( :brucelee1: >:( :brucelee1: >:( :brucelee1:
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: antonfrancis on May 13, 2014, 10:29:43 PM
Maingay. Yung tipong sigaw nang sigaw. Naiinis talaga ko pag ganon.
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: Kolehiyala™ on May 13, 2014, 10:32:53 PM
sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling,
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: razorsharp on May 14, 2014, 12:13:43 PM
sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling, sinungaling,

e yung tinatawag na "magaling mambola?" seym category din ba yun ms. kolehiyala?  ;D
Title: Re: Ano ang pinaka ayaw mong characteristic ng isang tao?
Post by: icarus on May 14, 2014, 12:16:34 PM
yung pagiging untrustworthy ng tao.

tapos kapag sya ang hindi pinagkatiwalaan ay galit na galit
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal