My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: chocomartin on April 25, 2013, 07:24:44 PM

Title: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: chocomartin on April 25, 2013, 07:24:44 PM
Si bf ay may nakatext na isang hottie na ilang linggo na rin at binubulungan na ni satanas.
 *nang magkita sila sa moa

Bf:san mo gusto kumain?
Gf: wala akong ganang kumain ngayon
Bf: (kakabahan at mag bbrainstorm agad ng contingency plan at naghahanap ng rootcause) Bbba.. bakit? May problema ka ba?
Gf: oo pakiramdam ko may mali.. may nakakusap ka bang iba?
Bf: (nagbabalak nang mag cr. Para mabura ang mga mensaheng may bulong ng demonyo) hahaha eh edi siyempre mga kaibigan ko *nagbabanggit na ng sangakatutak na pangalan ng lalake
Gf: pahiram ng celphone mo baby?
Bf: (nag panic attack na at nag pulitiko mode na parang inakusahan na ng grat and corruption) baby ano ba naman yan?! Eto nanaman ba ang usapan? Pagdududahan mo nanaman ba ako? Ulit ulit na lang ito ah? Bakit mukha bakong ganon?!
Gf: ano?! Makikitxt lang sana ako dahil magpapaload ako sa mommy ko! Ano yan?!

Aminin mo kosa, Nasangkot ka na din sa kabalbalang ganito o di kaya'y similar dito. Minsan mas malala pa nga. minsan nga napapaisip ka na kung mangbabarang ba ang iyong gf o anak ng isang nakakataas na tao para may kakayahaan siyang malaman ang mga kasalukuyang Bahong ginagawa mo. Minsan nga naiisip mo baka hindi lang siya basta tao at napapasigaw kana minsan sa loob ng banyo niyo na "umalis ka sa utak ko!!!". pero wag ka mag alala bibigyan natin ng kaliwanagan ang nagagawang kababalaghan na ginagawa ng ating mga gf gamit ang mga simpleng eksplenasyon upang maiwasan na ang mahuli ka muli.. hindi joke lang :-). Baka mayari ako sa mga kosang babae dito. Upang malaman natin kung paano nga ba nangyayari iyon.

1. Erap ka masyado
Sa mas madaling salita. Masyado kang halata. Mas madali pa ang manalo sa 6/55 lotto kesa sa ginagawa mong pagtago. Marahil sayo sa tingin mo hindika namabubuking pero may nakakalimutan ka kaibigan. Masyado nmong binubuhos ang oras mo para sa isang kabulastugan mo at sa pagtago sa kung ano man ang iyong ginagawa ay hindi mo na napapansin ang gf mo. Kaya doon nila nahahalata na hindi lang siya ang kasalukuyang iniisip ng dalawang ulo mo.

2. Masyado kang Erap pa rin
Sa madaling salita ulit. Pikon ka. At ikaw mismo ang nagkakanulo sa sarili mong kaluluwa. Ang taong may kasalanan madaling pumiyok. Dahil agad na tritrigger ang fight or flight mo. Minsan subukan mong pansinin irritable ka pag nag aaway na kayo tungkol sa oras.

3. Miriam defensor ka kung sumagot
Hindi ko na kelangan siguro ielaborate ito? Pero para sa hindi nakakakilala kay madam senator. Para ka nang nag aamok ng away at pwede ka nang ilaban sa international cpurt eh ang tanong lang naman sayo kung saan ka nanggaling kagabi. Pero ang pag sagot mo parang naglitanya ka na na may halong emote pa

Siguro naman nabigyan ko na ang mga kapwa ko kalalakihan ng ideya kung bakit mala psychic ang mga gf niyo. Sana din maisip niyo na ang ganoong gawain ay mali kaya wag nang subukan pa. Dahil kung hindi mali yun edi dapat binigyan ka ng dalawang twitter ni lord para pwede mo pagsabayin ang pag tweet sa gf mo at sa kung sino sino. Oo masarap ang bawal pero dapat laging tandaan Na ang bawal ay nakamamatay tulad ng pagtawid sa commonwealth alak at sigarilyo. Ganun din sa pagmamahal.. namamatay ang pagmamahalan niyo.

Nais kong ipaalala na ito ay aking opinyon lamang at hindi ko sinasabing ito na ang pawang katotohanan  :-\
 Salamat mga PT readers sa oras niyo.. komento Suhestyon O sharing. Mag reply lang po kayo sa post na ito mga kosa  8)
Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: fayt on April 25, 2013, 10:36:32 PM
Tamang hinala ang mga babae

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2

Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: zhen_eillie on April 29, 2013, 10:50:49 PM
kahit stick to one ka, lagi talaga tamang hinala mga babae.  >:(
Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: lordofdarkness on May 08, 2013, 12:29:05 AM
Parang adik lang yan tamang hinala. Pano naman kung ang lalaki nakramdam ng ganyan. Ibig sabihin hindi sya tunay na lalake?
Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: fayt on May 12, 2013, 01:11:46 AM
Pero kakaiba talaga mag isip mga babae.. halos palagi sakto hehe

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Red Tapatalk 2

Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: donsdgr81 on May 15, 2013, 09:48:57 PM
Nasaksihan ko talaga intuition ng mga babae. Naalala ko nung college fiesta ng classmate ko ayaw niya isama GF niya kaya hindi niya sinabi. Grabe ang lakas ng instinct niya nagpunta sa apartment namin dahil kutob niya may tinatago yung classmate ko.
Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: Itachi101 on August 22, 2013, 01:34:58 AM
girls girls
lady lady
women women :-\
Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: Ungas123 on August 24, 2013, 11:34:31 AM
Bwisit nga yang intuition na yan. Hehe


Sent from my iPad using Tapatalk HD
Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: Lost For Words on September 02, 2013, 08:20:39 AM
ilang beses na ako nadale nyan hahaha....salamat sa share sir...
Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: dennis magtulis on September 02, 2013, 12:59:53 PM
natumbok mo brader! dami kagad nakarelate oh!,,hehe

talaga yang intuition na yan eh napakahiwaga, sabi nga nila papunta pa lang tayo pabalik na sila,,minsan nakakalusot tayo pero dahil minsan sa konsensya tayo na rin ang nagkakanulo sa sarili naten,,hehe
Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: tomasmakirot on September 21, 2013, 03:09:21 PM
insecurity lang siruro ng mga babae yan. basta wala kang ginagawang masama.. hehe
Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: BieL on October 04, 2013, 11:22:18 PM
may kasabihan kasi tayo mga pare pag ang babae naka halata na parang may mali sa usual na routine nyo daig pa nyan ang NBI at spy ng army kung pano ka iimbestigahan kaya lagi tayong nahuhuli sa malakas nilang intuition  8)
Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: Vegeta X on October 12, 2013, 02:15:37 PM
Huli ka boy! Nyahaha!

Sent from my O+_8.9_Android using Tapatalk now Free (http://'http://tapatalk.com/m?id=10')

Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: somebody on December 18, 2013, 07:28:37 PM
wahaha,oh dba! may basehan minsan yung hinala namin..lakas talaga namin makaramdam kapag may maling ginagawa partner namin...



Sent from my GT-S5300 using Tapatalk 2

Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: hotandspicy on December 20, 2013, 05:52:51 PM
nyahahahaha....

galing ng mga padale.... si bf ang magaamok niyan... buwaahhhh
Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: radicalerror on January 02, 2014, 10:30:23 PM
isa lang solusyon para ndi mangyari yan.. ipakita mo na mahal mo tlaga ung gf mo at wag ka magbangka sa dalawang ilog hahaha

Sent from the Ethereal Horizon

Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: jamesbond on January 20, 2014, 04:24:55 AM
all the time lagi silang tama....and we can't do something about it..accept na lang natin ang ating fate..panalo na sila..


Sent from my 007 iPhone using Tapatalk (http://tapatalk.com/m?id=1)
Title: Re: women's intuition (men's toughest enemy)
Post by: ThrashMetal on July 17, 2014, 04:49:30 PM
Minsan nagkakamali din sila. Lagi akong napagbibintangan na may. Chix kahit wala naman.

Sent from my mom's ipad using Tapatalk

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal