My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Current Events => Topic started by: fayt on April 23, 2013, 07:13:45 PM

Title: BABALA po sa lahat
Post by: fayt on April 23, 2013, 07:13:45 PM
(http://sphotos-c.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-prn1/s480x480/922829_4634330581037_1276389069_n.jpg)

BABALA: Six Brothers TWP 527!! Tandaan!

Wag na wag kayong sasakay sa taxi na to. May cuztomized lock ang pinto nya at walang bukasan ng window na pwedeng pwede kayong holdapin o worse ma-rape sa taxi na ito. Kakaiba din ang metro nya, P100 per 100 meters! San kayo nakakita nun na walang presyo ang metro at gawa-gawa lang nya ang presyuhan, parang kada-30 seconds ata siningil samin galing NAIA Terminal 2 hanggang Resort's World P400!! Nung napansin kong kakaiba na metro nya tinanong ko na kung bakit walang presyo, at magkano na ba ang natakbo namin, nung sinabi nyang P400 pinatabi ko na sya at bababa na kami ng boyfriend ko na galing abroad nung gabing un. Sabi ko "P200 lang ibibigay ko manloloko ka" hindi sya pumayag, bumaba sya ng taxi inilabas yung mga maleta sa trunk.. binubuksan namin ang pinto at bintana (na walang bukasan sa loob!) pero naka lock na kami sa loob. Tinakot ko na sya pag pagbalik nya at sabi ko nakuha ko litrato nya irreport ko sya, pagabot ko ng P300 (napagkasunduang presyo). Binuksan na nya ung pinto namin at pinalabas na kami.

Sindikato to mula sa NAIA airport!

TANDAAN:
-Neon ang steering wheel
-Walang presyo sa metro
-Amoy putok
-**I-check ang lock. Subukang i-lock at i-unlock ang pinto AT buksan ang bintana bago paandarin ang taxi.
-**Wag lang plate number ang kunin! Picturan muna ang muka bago paandarin ang taxi!
-****Magdala ng baril para mapatay na tong mamang to ng susunod nyang biktima

(Naganap noong April 6, 2013, 2am Sabado)

galing sa fb...
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: ianrockz15 on April 24, 2013, 07:02:33 AM
salama sa babala..
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: ¿m☺ÿ on April 24, 2013, 02:00:25 PM
salamat sa babala
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: Coopernilingus on April 24, 2013, 02:10:13 PM
Thanks for the warning. Madalas pa naman taxi lang ako for convenience. Will just use park and ride the next time I fly.


Sent from my iPad using Tapatalk HD
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on April 24, 2013, 02:15:05 PM
di lang naman yan six brothers na yan eh

madami taxi na ganyan jan sa NAIA airport talagang biased ang metro nila

at madami pa kalokohan na ginagawa kaya be aware and alert on ridding taxi

Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: Modify on April 24, 2013, 02:25:50 PM
Dang....kaya nkktakot din magbiyahe ng mag-isa,,,buti n lng sinusundo ako ng mga magulang ko at kamag-anak....

Salamat s info....

Kpg nahanap ko ang nawawala kong baril,,babarilin ko yan..... >:( >:( >:(
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: Dimmu Borgir on April 25, 2013, 09:55:05 PM
pwede namang ireklamo yan sa lto lalo na at nakunan pa ng picture..

bakit dito pa sa internet tapos sasabihan mag ingat tayo..

kung sa lto yan di nabigyan pa yan ng disciplinary action...

mas epektibo kung tamang aksyon ang gagawin...
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: Lord Nok Von Hauten on April 25, 2013, 10:05:32 PM
tirahin na yang pag nakita...
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: fayt on April 25, 2013, 10:30:23 PM
pwede namang ireklamo yan sa lto lalo na at nakunan pa ng picture..

bakit dito pa sa internet tapos sasabihan mag ingat tayo..

kung sa lto yan di nabigyan pa yan ng disciplinary action...

mas epektibo kung tamang aksyon ang gagawin...

Kung dadaanin sa lto hassle ang proceseso.. at least kung sa online marami magiging aware..

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2

Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: Parabola on April 26, 2013, 01:33:01 AM
Kung dadaanin sa lto hassle ang proceseso.. at least kung sa online marami magiging aware..

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
Amen!!! hehe, ...mas maganda pa rin online, malay mo sa lato may mga lasenggo ding manggaganstso! haha
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: Prime™ on April 26, 2013, 04:29:19 AM
His ass should have been handed to him.

Nakakahiya itong mga manloloko na ito. Kaya ansama agad ng dating sa iba eh. Ke pangit pangit na nga ng airport, ke traffic traffic na nga paglabas mo at ka usok eh sasabayan ka pa nito.

Umpisa palang, kakasakay palang ng taxi galing airport gagawa na agad ng kalokohan. Dapat dito kinukulong. Kahihiyan yang mga yan ng Pilipinas.

Andaming pinoy na honest, nadadamay lang dahil sa mga mandurugas na ito.
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: Decay on April 26, 2013, 05:00:24 AM
May nasakyan na din kami ganyan nun may sinundo akong friend sa Terminal 2 din. Di kami sumasakay sa Airport Taxi na yellow kasi mahal nga ang rate. Tapos pumara kami ng white na taxi. Tinanong ko pa ang driver kung REGULAR ang metro at nag confirm nman sya. Napansin ko din na wla yun presyo sa metro at tanging yun distance lang yun pumapatak (makikita sa ilalim ng regular na metro) saka ko napagtanto na may takip ng electrical tape yun presyo. Hinayaan ko lang sya ihatid sa lugar namin sa Makati. Pag dating dun alam ko na may modus kaya tinanong ko kung magkano, tumataginting na P1800!!! saka nya nilabas ang pricelist pa na  parang Menu sa restaurant. Amphf! Pero iginiit ko na hindi pwede yun... Kaya inabot ko yun metro nya at tinanggal ang takip sa Metro. At lumantad ang tunay na metro na humigit kumulang P300. Kaya yun lang ang binayaran namin. Di sya makapalag dahil may mga nakatambay sa paligid.

Nun ko napagtanto kung bakit may ilang Taxi Drivers (kuno) ang nababalitaang nabugbog, dahil na rin siguro sa kanilang pandaraya sa metro.

Ingat-ingat lang. walang maloloko kung walang magpapaloko.
Walang mabibisto kung walang sikreto! ^__^

NAIA, LTFRB, PNP, DOTC, MMDA, ETC,
HOY GISING!!!!!

Haisxt! Kaasar isang taon na ang nakakalipas pero talamak pa rin pla yan ngaun.
Bad trip!

Hehe kalma kalma din pag may time! ^__^   8) 8) 8)
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: Cathrina on April 27, 2013, 12:37:36 AM
Nakakatakot mag taxi kasi di mo alam kung masama o hinde yong driver..may shuttle naman ang airport ngayon na secure kasi nilagyan nang video camera para e monitor yong driver na baka sisingilin ang mga ihahatid..
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: semikotne on April 27, 2013, 01:46:47 AM
tsk tsk tsk.. kpag ganyan ready nyo n agad ang phone nyo wid camera ng mapicturan ang driver especially ung plaka ng sasakyan at ishare agad s PT or other social media ng di n pagkatiwalaan p ang mga manggagantso n yan...

bsta ingat tau mga ka-pt..
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: bong1830 on April 27, 2013, 03:48:29 AM
matindi talaga pangangailangan, tsk....tsk.... >:(
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: Ry Bak on April 29, 2013, 12:25:33 PM
thanks for the info..
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on April 30, 2013, 08:43:43 PM
madami ganyan sa naia eh kaya tignan tiganan niyo na lang

lalo na kung kadudaduda yun loob ng taxi bago kayo sumakay
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: fayt on April 30, 2013, 08:46:24 PM
Ang una i check sa taxi, kung nabubuksan ba ang 2 pinto.. second siguraduhin driver lang ang nasa loob.

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent BlueTapatalk 2

Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on April 30, 2013, 09:20:14 PM
kung pwede kunan mu muna picture yun taxi pati plaka

at yun driver at sabihin na isesend mo ito sa pulis na kapit bahay mo

para just in case na may masamang balak siya
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: fayt on April 30, 2013, 09:29:26 PM
Pede rin mag act and play kayo. Kunyari tatawag ka sa kamag anak mo at sasabihin mo na nasa taxi ka at sasabihin mo rin ang plate number sa kausap mo. Siguraduhin maririnig ng driver yan para aware sya..

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent BlueTapatalk 2

Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on April 30, 2013, 09:41:37 PM
pwede rin yan pero yun iba kasi di na kinakagat yan bluff na yan eh
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: razorsharp on May 02, 2013, 08:37:11 AM
nakow... malamang may magtutumba ng drayber nato di magtatagal. tsk-tsk-tsk. dapat marangal na trabaho lang...
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: Dimmu Borgir on May 02, 2013, 09:28:29 AM
paano kung wala kang kapitbahay na pulis?

 :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\

 ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;)

kung pwede kunan mu muna picture yun taxi pati plaka

at yun driver at sabihin na isesend mo ito sa pulis na kapit bahay mo

para just in case na may masamang balak siya
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: fayt on May 02, 2013, 09:29:57 AM
paano kung wala kang kapitbahay na pulis?

 :- :- :- :- :- :- :- :- :- :- :- :-

 ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;)

Pang bluff lang po yun pulis na kapitbahay para matakot kahit konti yun driver.

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent BlueTapatalk 2

Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on May 02, 2013, 10:38:44 AM
paano kung wala kang kapitbahay na pulis?

 :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\

 ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;) ;)

kahit wala gagana yan basta bluff lang

or sabihin mo na prangkahan na pag may nangyari sayo eh nakatimbre na

siya sa pulis
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: j4kst0n3 on May 16, 2013, 02:28:59 AM
salamat sa babalang ito.

mangyaring maraming makaliligtas sa kapahamakan dahil sa babalang ito.
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: payazoxiii on August 21, 2013, 10:10:56 AM
salamat po sa babala grabe mga kababayan ntn sa ibang paraan gnagamit ang pgging malikhain
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: EagleEye on August 21, 2013, 01:25:16 PM
salamat dito mga modus talga ng mga tao ngayon oh tsk tsk tsk
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: fayt on August 21, 2013, 01:40:35 PM
salamat po sa babala grabe mga kababayan ntn sa ibang paraan gnagamit ang pgging malikhain

Welcome po sir.. better be aware lang hehe

Sent from my Yahoo using Google

Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: fayt on August 21, 2013, 01:41:05 PM
salamat dito mga modus talga ng mga tao ngayon oh tsk tsk tsk

Yeah... Napakacreative talaga ehh.. salamat po sa pagbisita..

Sent from my Yahoo using Google

Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: jboyzxxx on August 21, 2013, 01:43:18 PM
nakow!! pinoy talaga ohhh..
dapat yan dalhin sa saudi eh... ahahahaha!! :D
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: fayt on August 21, 2013, 06:34:54 PM
nakow!! pinoy talaga ohhh..
dapat yan dalhin sa saudi eh... ahahahaha!! :D

hahaha... ng magtino dapat nga makatikim sila ng batas tulad ng nasa saudi...  ;)
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: Ozymandias on August 21, 2013, 06:41:14 PM
nakow!! pinoy talaga ohhh..
dapat yan dalhin sa saudi eh... ahahahaha!! :D

Di na kailangan sa Saudi, subukan nila yan sa Mindanao ma ambush agad yan  ;D
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: fayt on August 21, 2013, 06:43:12 PM
Di na kailangan sa Saudi, subukan nila yan sa Mindanao ma ambush agad yan  ;D

hahaha. may taning agad buhay nila pag ginawa nila dyan sa mindanao
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: jatet on August 21, 2013, 11:48:38 PM
Thanks po sa warning. I really appreciate it.
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: Coopernilingus on August 21, 2013, 11:58:48 PM
Thanks for the warnng


Sent from my iPad using Tapatalk HD
Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: fayt on August 22, 2013, 10:11:19 AM
Thanks po sa warning. I really appreciate it.

Welcome po sir... Salamat din po sa pagdaan dito..

Sent from my Yahoo using Google

Title: Re: BABALA po sa lahat
Post by: fayt on August 22, 2013, 10:11:45 AM
Thanks for the warnng


Sent from my iPad using Tapatalk HD

Welcome sir... Really glad to help..

Sent from my Yahoo using Google

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal