My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: trafficjam on April 14, 2013, 09:56:09 PM

Title: About Your Underperforming, Inexperienced Boss
Post by: trafficjam on April 14, 2013, 09:56:09 PM
Hello mga pt members, gusto ko lang sana mag rant at humingi ng payo sa inyo about sa boss ko.
We were both hired 2 weeks apart. So halos sabay lang kami pumasok sa company. Nung una ok naman siya. Pero unti unti napansin ko na parang wala syang alam. IT programmers kami, web dev to be specific. Ang problema, experience nya e more on proprietary software, pero ang ginagamit namin sa office e open source. napansin ko lang na wala sya masyadong alam about web applications. para sa mga nakakaintindi, bibigyan ko kayo ng example. hindi nya alam pano kunin ang value ng isang html element with the use of javascript. simple lang yan diba. meron pa, a couple of months ago, may isang project siya. solo lang niya ginagawa. tapos sabi nya sakin, aralin ko yung isang code na nabasa niya sa internet. edi inaral ko naman. madali lang naman. aba e nung matapos ko na aralin, hiningi yung code ko. at kinopya nya at inapply dun sa ginagawa nya. ok lang sana e. kaso ang problema, hindi pa rin niya maintindihan kung ano yung ginagawa ng code. panay ang tanong sakin kung ano to, para saan to, ganito ba yan.

to make it short, napansin kong wala talaga syang alam. and to think, boss ko siya. hingi naman sana po ako ng payo sa inyo kung pano ko ihahandle tong sitwasyon na ito. di ko ma-imagine kung pano siya nag survive noon sa previous work niya. ito pa, last na ah, di siya marunong gumawa ng html tables, ang dahilan niya "tinatamad", pero sa nakikita ko, di lang niya alam papano. nabisto ko siya nung isang beses, di niya alam lagyan ng value yung isang html element. grabe talaga ang kabobohan niya. ano ba gagawin ko dito? please help po.
Title: Re: About Your Underperforming, Inexperienced Boss
Post by: fayt on April 14, 2013, 10:49:53 PM
Di kita mabibigyan ng payo dahil parehas tayo ng sitwasyon sa trabaho. Ang boss ko wala alam sa position nya. Hindi niya kayang magdecide. Kung may decision making kami pa nag dedecide para sa kanya..

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2

Title: Re: About Your Underperforming, Inexperienced Boss
Post by: trafficjam on April 15, 2013, 08:50:09 PM
yun nga brad e. nakakawalang gana lang pumasok sa trabaho pag ganyan e.
Title: Re: About Your Underperforming, Inexperienced Boss
Post by: fayt on April 15, 2013, 09:35:10 PM
Tama ka... Ako naallergy ako sa boss ko. Parang aso kasi, walang desisyon making at sunod sunuran lang sa presidente. Kulang na lang ipag hele ang presidente sa sobrang sipsip hehe..

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2

Title: Re: About Your Underperforming, Inexperienced Boss
Post by: jake10 on April 16, 2013, 12:32:37 PM
report mo na pre., un lang ang solution.... para malan ng company kung anung gagawin... and wag mo nang hintayin na maymangyaring di maganda at naku baka madamay ka pa... aksyonan na yan  >:(
Title: Re: About Your Underperforming, Inexperienced Boss
Post by: edz04 on April 17, 2013, 01:21:40 AM
He is not suitable for the job, better report..
Title: Re: About Your Underperforming, Inexperienced Boss
Post by: grabehhhhhhhh on April 21, 2013, 04:43:33 PM
lalabas din ang baho nya hintayin mo lang. malalaman at malalaman din ng mga taong nagwowork dyan sa company nyo
Title: Re: About Your Underperforming, Inexperienced Boss
Post by: trafficjam on April 28, 2013, 12:46:33 AM
lalabas din ang baho nya hintayin mo lang. malalaman at malalaman din ng mga taong nagwowork dyan sa company nyo

the best po itong reply niyo sir. yun nga po sana ang inaasahan ko. kaso may dilemma, para lumabas ang baho niya, dapat di kami mag perform as a group. kaso damay naman kami dun sir. e gusto ko lang naman magtrabaho ng matino sa abot ng makakaya ko. gusto ko sana sadyain na tagalan ang mga project, or mali mali ang gawa. kaso ako naman ang sabit nun. pero pag inayos ko naman, edi natakpan lang din namin yung kabobohan niya kasi maayos ang gawa, abot sa deadline. haaaaay :( anyway to update you naman, nakameeting niya pinaka boss namin, at nabalitaan ko na medyo nabisto kapalpakan niya sa ibang bagay. sana tuloy tuloy na para matuluyan na. salamat po sa mga reply. ano pa po kaya mga naiisip niyo?
Title: Re: About Your Underperforming, Inexperienced Boss
Post by: runner on May 09, 2013, 11:29:04 AM
 8) sa kahit anong kumpanya...may mga tao talagang pinagpala..na kung titignan mo nasa position na hindi naman sila bagay o walang alam...

kaya madalas ang sarap nilang batukan... :D haharap sa meeting na walang alam...sabay tingin sayo kung ano sasabihin nya  :-\
Title: Re: About Your Underperforming, Inexperienced Boss
Post by: fayt on May 09, 2013, 12:36:31 PM
8) sa kahit anong kumpanya...may mga tao talagang pinagpala..na kung titignan mo nasa position na hindi naman sila bagay o walang alam...

kaya madalas ang sarap nilang batukan... :D haharap sa meeting na walang alam...sabay tingin sayo kung ano sasabihin nya  :-\

pinpoint... exactly na nanyayare sa boss ko dito.. ikaw iipitin during meeting.. ikaw maprepressure
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal