-
what can you say about this
(http://www.pinoycyberkada.com/MGalleryItem.php?id=637)
-
Di ako sang ayon dyan. Kahit marami na umuunlad na probinsya, still di pa rin sila sentro ng kalakaran. Marami pa rin ang naghihikahos lalo na sa probinsya. Kaya nararapat lang na may provincial rate para sa mga naghihirap natin kababayan sa probinsya na makabili ng kanilang pangunahing pangangailangan.
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
-
Hindi rin ako sang-ayon sa provincial rate kasi may mga kalakal na galing ng maynila na mas mahal eh alam naman nating mas mababa ang sweldo sa probinsya. kailangang alisin na ito kasi pareho lang naman ang pangangailangan ng mga tao....halos lahat tuloy ng kompanya nasa probinsiya na wala na....kung ako ang negosyante mas maganda nga naman sa probinsiya kasi you get the same result when they are in manila with less capital in the province....
-
nakita ko lang to sa fb
pero i think one needs to be discussed thoroughly siguro iba iba kasi kalagayan ng probinya eh
-
It's all well and good pakinggan pero meron din naman point bakit may provincial rates.
Una to stimulate the economy noong mga provincia, para ma enganyo yung mga businesses na mag bukas doon sa kung saan saang lupalop.
Pangalawa mas mahal di hamak ang land value sa manila and mga karatig bayan compared sa ibang mga lalawigan. Therefore mas mahal mag start ng isang brick and mortar business.
Pangatlo no matter how ugly or dirty it is, it is still the capital. The center of commerce and trade. Ang yaman ng mga ibang provincia compared sa capital is still no match.
4th mas mahirap ang logistics ng ibang mga business sa province compared sa manila, karamihan inuungkat parin nila mula manila ang mga products to resell.
5th, mas malamang mas malaki ang purchasing power ng mga tao sa manila and karatig bayan compared sa mga nasa province. Mas malakas na purchasing power, mas maganda for commerce. Businesses can afford to pay higher wages.
If piniga kasi natin ng piniga ang mga negosyante gaya ng gusto ng mga makakaliwa, eh malaking problema din. Yes granted there are unscrupulous businessmen, pero paano naman din yung mga maliliit na negosyante.
Ang mas maigi pa, ibaba nila ang presyo ng kuryente at basic goods and services, both businesses and employees ay makikinabang ng malaki.
Presyo ng kuryente dito ay unacceptable. Malaking scam at kalokohan.
-
I have a sideline and it hurts if when I transact with the people outside manila. Dagdag talaga sa gastos nila makipag transact sa akin
-
tama dapat wala na yang provincial rate n yan!
-
What are the criteria for Minimum Wage Fixing?
There are 10 criteria for minimum wage fixing under RA 6727 and one under the Rules of Procedures for Minimum Wage Fixing, categorized into four major groups, namely:
(1) Needs of workers and their families
demand for living wage
wage adjustment vis-à-vis Consumer Price Index (CPI)
cost of living and changes therein
needs of workers and their families
improvements in standards of living
(2) Capacity to pay of employers/industry
fair return on capital invested and to pay of employers
productivity
(3) Comparable wages
prevailing wage levels
(4) Requirements for national development
need to induce industries to invest in the countryside
effects on employment generation and family income
equitable distribution of income and wealth along the imperatives of economic social development
-
Hindi ako sang ayon na alising ang provincial rate. Napakahusay ng post ni [user]primus[/user] so I'll just add my personal experience and opinion regarding the matter.
For the longest time ay sa Manila ako nanirahan at nagtrabaho. Since mid year of 2012 ay pabalik balik ako dito sa Davao and simula pagpasok ng 2013 ay dito ako naka base. Totoong nakakalungkot isipin na mababa ang pasahod dito kumpara sa Maynila. Pero hindi naman totoo na pare pareho lang ang presyo ng mga bilihin kahit saan ka pumunta. Kung mga bagay na inangkat galing Maynila, halos pareho or minsan mas mahal pa dito. Pero madami rin namang mga produkto at mga sagot sa pangangailangan na mas mura sa mga probinsiya.
Kung bibili ka ng bahay sa Maynila, kung may asawa ka at pareho kayong minimum wage ang kinikita, napakahirap na bumili ng bahay. Pero dito sa probinsiya, dahil mababa ang presyo ng mga bahay at lupa ay kayang kaya. Kung dito nga lang talaga ako mag iistay ay bibili nalang ako ng bahay imbis na mangupahan. Pero dahil panandalian lang ako ay nangungupahan ako sa isang medyo lumang hotel na at akalain mo na sa 7.5k a month na upa ko ay fully furnished na ang studio type unit ko. Sa Manila 9k ang upa ko sa condo at yun na pinaka murang nahanap ko, very rare na makahanap ka ng ganun kamura. Hindi pa furnished yun kaya namili pa kami ng lahat ng mga appliances na kailangan namin nung naguumpisa kami ni misis.
Kung sakali man na may henyong magtanggal ng provincial rate, malamang na ang way of living ng mga nasa probinsiya ay magaya sa Maynila. Ang sarap kaya na simpleng namumuhay sa probinsya. Dito kapag weekend at gusto namin mag chill ng pamilya ko sa beach ay 1k lang ang nagagastos ko sa overnight stay namin. Kasama na dun ang pamasahe, pagkain, and accomodation. And hindi pipichuging resort pinupuntahan namin, comparable sa boracay ang ganda ng lugar. Hindi ko na nga masyadong tinipid yung budget na 1k. Mas marami pading cheaper alternatives para mas mapababa pa ang gastusin. Kung nasa Maynila ka, saan makakarating ang 1k mo kung gusto niyo mag outing ng pamilya mo (family of 3)?
Kahapon namasyal kami sa isang maliit na mall na malapit samin at nakakita ko ng mumurahing sneakers na nagustuhan ko. Parang orig na Vans ang dating pero 140 lang ang presyo. Kahit sa Isetann sa Maynila mahihirapan ka humanap ng magandang kaledad sa halagang 250.
Sa Maynila isa sa mga pinaka mahal na form of transportation ang tricycle at pedicab. Yung binabayaran kong kwarenta na pamasahe sa Manila, dito sais lang kasi kahit mag isa ka lang ay aarangkada ang tricycle para ihatid ka at hindi special ang rate. Sa pedicab sa Maynila na kahit malapit lang bente o trenta agad ang singil, dito singko hanggang bente lang. Kung isa ka lang at malapit lang pupuntahan mo ay singko lang sisingil sayo ng pedicab driver.
Sa pinag ggyman ko sa Maynila ay singkwenta ang bayad at extra na trenta kung gagamit ka ng electric treadmill. Dito sikwenta lang at pwede mo na rin gamitin ang electric treadmill sa binayad mo na yun. Yung mga bakal gym nga dito talo talo na sa kinse na per session.
Sa Manila, 250 per session ang pinakamababang nakita ko for mixed martial arts or MMA, dito 75 lang at isa sa mga top teams na yun at well knowned coach na din ang nagtuturo.
Iilan lang po yan sa mga experiences ko dito.
-
Hindi ako sang ayon na alising ang provincial rate. Napakahusay ng post ni [user]primus[/user] so I'll just add my personal experience and opinion regarding the matter.
For the longest time ay sa Manila ako nanirahan at nagtrabaho. Since mid year of 2012 ay pabalik balik ako dito sa Davao and simula pagpasok ng 2013 ay dito ako naka base. Totoong nakakalungkot isipin na mababa ang pasahod dito kumpara sa Maynila. Pero hindi naman totoo na pare pareho lang ang presyo ng mga bilihin kahit saan ka pumunta. Kung mga bagay na inangkat galing Maynila, halos pareho or minsan mas mahal pa dito. Pero madami rin namang mga produkto at mga sagot sa pangangailangan na mas mura sa mga probinsiya.
Kung bibili ka ng bahay sa Maynila, kung may asawa ka at pareho kayong minimum wage ang kinikita, napakahirap na bumili ng bahay. Pero dito sa probinsiya, dahil mababa ang presyo ng mga bahay at lupa ay kayang kaya. Kung dito nga lang talaga ako mag iistay ay bibili nalang ako ng bahay imbis na mangupahan. Pero dahil panandalian lang ako ay nangungupahan ako sa isang medyo lumang hotel na at akalain mo na sa 7.5k a month na upa ko ay fully furnished na ang studio type unit ko. Sa Manila 9k ang upa ko sa condo at yun na pinaka murang nahanap ko, very rare na makahanap ka ng ganun kamura. Hindi pa furnished yun kaya namili pa kami ng lahat ng mga appliances na kailangan namin nung naguumpisa kami ni misis.
Kung sakali man na may henyong magtanggal ng provincial rate, malamang na ang way of living ng mga nasa probinsiya ay magaya sa Maynila. Ang sarap kaya na simpleng namumuhay sa probinsya. Dito kapag weekend at gusto namin mag chill ng pamilya ko sa beach ay 1k lang ang nagagastos ko sa overnight stay namin. Kasama na dun ang pamasahe, pagkain, and accomodation. And hindi pipichuging resort pinupuntahan namin, comparable sa boracay ang ganda ng lugar. Hindi ko na nga masyadong tinipid yung budget na 1k. Mas marami pading cheaper alternatives para mas mapababa pa ang gastusin. Kung nasa Maynila ka, saan makakarating ang 1k mo kung gusto niyo mag outing ng pamilya mo (family of 3)?
Kahapon namasyal kami sa isang maliit na mall na malapit samin at nakakita ko ng mumurahing sneakers na nagustuhan ko. Parang orig na Vans ang dating pero 140 lang ang presyo. Kahit sa Isetann sa Maynila mahihirapan ka humanap ng magandang kaledad sa halagang 250.
Sa Maynila isa sa mga pinaka mahal na form of transportation ang tricycle at pedicab. Yung binabayaran kong kwarenta na pamasahe sa Manila, dito sai lang kasi kahit mag isa ka lang ay aarangkada ang tricycle para ihatid ka at hindi special ang rate. Sa pedicab sa Maynila na kahit malapit lang bente o trenta agad ang singil, dito singko hanggang bente lang. Kung isa ka lang at malapit lang pupuntahan mo ay singko lang sisingil sayo ng pedicab driver.
Sa pinag ggyman ko sa Maynila ay singkwenta ang bayad at extra na trenta kung gagamit ka ng electric treadmill. Dito sikwenta lang at pwede mo na rin gamitin ang electric treadmill sa binayad mo na yun. Yung mga bakal gym nga dito talo talo na sa kinse na per session.
Sa Manila, 250 per session ang pinakamababang nakita ko for mixed martial arts or MMA, dito 75 lang at isa sa mga top teams na yun at well knowned coach na din ang nagtuturo.
Iilan lang po yan sa mga experiences ko dito.
Very good post monde8. Minsan nga parang mas gusto ko pa tumira sa provincia. Kaya pag may out of town kami, gustong gusto ko sumasama. Iba ang vibes compared dito.
+1
-
tama.. ang isa pa sa naranasan ko sa probinsya. honest sila sa lahat ng presyo.
Pag sumasakay ako ng taxi, kung ano nasa metro ko yun ang kukunin nila. kapag hindi sakto susuklian ka nila ayon sa metro. naransan ko to nun nasa davao job trip ko. isang beses nga sumakay ako ng taxi dahil di ako sanay mag jeep (language barrier) malapit lang pala yun pupuntahan ko.. ni hindi umandar ang metro at hindi na nila ako pinagbayad.. kung sa manila mong gawin yan, papatungan pa yan.
Ang isa pa maganda sa probinsya yun mga pagkain mura. Halos masosolve kana sa halaga 30-40 pesos.. Dito sa manila 45 pesos ulam palang...
-
Very good post monde8. Minsan nga parang mas gusto ko pa tumira sa provincia. Kaya pag may out of town kami, gustong gusto ko sumasama. Iba ang vibes compared dito.
+1
mas mura nga mamuhay dito provincia,
pero kung mga gadgets mahirap maghanap hhihihi
madami din benefits ang provincial price eh medyo di lang talaga
naaapreciate masiyado eh ng mga taga dito
-
Mahal ang gadget sa province at huli sa latest ang mga mall sa province..
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
-
Mahal ang gadget sa province at huli sa latest ang mga mall sa province..
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
di naman ganun kamahal kaya lang konti available na options mo sa mga gadgets
-
Ang mahal ng E-cigarrete! haha yung nagkakahalaga ng 2,500 dito sa manila.. 4,500 sa kanila nung napadaan ako sa isang mall hahah
-
Ang mahal ng E-cigarrete! haha yung nagkakahalaga ng 2,500 dito sa manila.. 4,500 sa kanila nung napadaan ako sa isang mall hahah
Hahaha.. tama ka.. mga ganyan bagay bihira lang kasi sa province kaya ganyan kamahal
Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
-
kaya nga nauso ang online shopping eh
sagot sa mga ganyan na problema,
sa transportasyon ayos naman wala ka masyado dahil tama naman at tapat sila
-
Nanood kami kanina ng Iron Man 3 in 3D, 200 lang sa Gaisano Mall.
FYI: Gaisano Mall looks and feels somewhat like Market Market in Taguig. Gaisano din naman kasi mayari ng Market Market.
:D
-
Dapat naman talaga alisin na ang provincial rate na yan, kaya minsan nagkakaron ng "Brain Drain" sa isang province yung mga skilled at mga highly qualified napipilitan pumunta ng manila kaya major problem today is to decongest manila. Hindi naiisip ng mga employer na naka mura sila sa province sa skills sila nagkukulang.
-
Sang ayon ako dito. Pare parehas lang namang naghihirap yung mga empleyado eh. Bakit hindi gawing patas, 'di ba?