-
Yung title yan ang problem ko ngayon. Im a Roman Catholic tapos yung girl is a Muslim. Matagal ko na sya gusto and close kami. Schoolmate ko si girl. Madalas din kami magkasama. Nakadorm lang kaming dalawa pero different dormitory kami. Everyday before pumasok hihintayin ko sya para sabay kami mag breakfast and pumasok. Sa lunch kasama nya na yung mga barkada nya pero paguwian hihintayin ko sya sa school lobby tapos ihahatid sya sa dorm nya. Sa gabi magsasabay kami sa dinner. Almost everyday ganyan ang routine namin. Sobrang nagfall ako sa kanya. Marami na nga nagtatanong kung ano na ba ang meron sa amin. Isa syang prinsesa sa kanila. Naikwento nya sa akin na pagraduate namin malamang ikakasal na sya. Fixed marriage daw ang gagawin. Hindi ko pa sinasabi ang feelings ko para sa kanya since ayaw ko naman masira friendship namin. Ano na ang gagawin ko? Patulong naman.
-
well sir kung sinabing naka fix na medyo malabo na yan unless itanan mo siya
kasi mga muslims eh medyo strict sa mga rules and decisions nila at di nila basta basta binabawi ito
true mahal mo siya maybe mahal ka din niya pero wala siya magagawa
sabihin mo man or hindi, well much better na sabihin mo na at tiganan mo reaction niya
malay mo makikiusap siya sa parents niya, there is no harm on that, kung layuan
then she just wasted a nice friendship, and if you care for her respect their tradition
accept that there are things in the world that you can't have
-
Thanks sa reply. Ngayon summer break di pa sya umuuwi sa kanila. Pinupuntahan na lang sya ng parents nya dito sa manila. Madalas na din kami magkatext, meron na din mga simple good mornings sa isa't isa. Nagtatanong kung kamusta na, ano na ginagawa, ano kinain, etc... Ayoko pangunahan ang sarili ko. Sa tingin nyo, maganda bang hintayin ko na lang kung saan aabot itong aming "relationship"?
-
For me parang mahirap yta ang sitwasyon na ganito. Una eh magkaiba kayo nang religion then syempre isa pa nyong iisipin eh mga magulang at relative nyo on both side. Ano kaya magiging reaction nila? Malamang may magagalit. Hindi lang dapat ang isipin nyo ay ang ngayong nangyayari sa inyo kundi and future nyo kung magiging kayo nga. Kakayanin nyo ba. Pagmamahal or practicality. Madaling magsabi pero kapag nandoon ka na eh ganun pa rin kaya ang mangyayari.
-
Thanks sa reply. Ngayon summer break di pa sya umuuwi sa kanila. Pinupuntahan na lang sya ng parents nya dito sa manila. Madalas na din kami magkatext, meron na din mga simple good mornings sa isa't isa. Nagtatanong kung kamusta na, ano na ginagawa, ano kinain, etc... Ayoko pangunahan ang sarili ko. Sa tingin nyo, maganda bang hintayin ko na lang kung saan aabot itong aming "relationship"?
well alamin mo muna kung ano ka ba sa kaya? yun ang pinaka mahalaga
eh baka one-sided lang pala saklap nun, well bag sinabi niya na may feelings siya sayo
then cultivate it, persevere, kaya yan hanggat nanjan pa siya
keep on updating us
-
Thanks sa lahat ng nagreply. Kahapon (April 13, 2013) nagkita kami at lumabas ng kaming dalawa lang. Sinabi ko na sa kanya yung feelings ko para sa kanya bago kami maghiwalay kahapon. Nabigla sya. Akala nya nanloloko lang ako, kasi nga naman mapangbiro talaga akong tao. Medyo natatawa pa nga sya sa akin, pero nung nakita nyang seryoso yung itsura ko ito ang naging usapan namin.
Girl: Seryoso ka ba talaga dyan sa sinabi mo?
Ako: OO naman, kahit lagi ako pabiro, sa ganitong mga bagay seryoso ako.
Girl: Bakit ako?
Ako: Bakit hindi ikaw? Mabait ka, matalino, malambot ang puso, magaling sa piano, maganda ka.
Girl: ....
Pagkatapos ko sabihin yun sa kanya naging seryoso na ang mukha nya
Girl: Alam mo naman na Muslim ako. You know that someday i will marry someone that my parents would pick. Kasama na yan sa tradition namin. Bakit mo sinabi yan sa akin?
Ako: Ang sa akin lang naman gusto ko lang masabi sayo na mahal kita. Parang ang hirap na kasing itago yung nararamdaman ko.
Girl: Sa totoo lang din meron na ako feelings para sayo. Kaso ayokong magkaproblema ka pa.
Ako: Bakit naman ako magkakaproblema?
Girl: Kasi kahit maging tayo alam naman natin na sa future, hindi rin naman magiging tayo talaga. May nararamdaman ako para sayo pero ang hirap kasi na magkaiba din tayo ng religion.
Ako: Pwede naman siguro na maging magkaibigan pa rin tayo. Atleast nasabi na natin feelings natin.
Girl: Oo nga tama ka.... Siguro papasok na ako sa dorm. Masaya ako pero naguguluhan din ako. Sige good night, ingat ka pauwi...
ayun ang kabuoan ng usap namin. Di pa namin ulit napaguusapan yun. Walang pagbabago sa aming dalawa, kung meron man, napansin ko lang na mas sweet sya ngayon araw. Ano sa tingin nyo? Ano na dapat ko sabihin at dapat naming gawin?
-
then just go with the flow dont push it so hard just check on the status quo
pakita mo lang lahat ng tinatago mong nararamdaman sa kanya
mahal mo siya pero di mo pa naman sure kung handa siya na mag give way para sayo
give way na mahalin ka niya kahit magkakaprob later on
-
been there..
alam ko lahat ng pinagdaanan mo... the difference is nalagpasan namin yan...
im a roman catholic before who fell in love to an muslim girl.. at first mahirap.. because for the religion.. may mga tribo na para sakanila lang... like maranao & tausug.. for gods sake mapunta ako sa maguindanao.. na mejo open minded naman sila pagdating sa other religions.. depende sa magulang ng babae.. kung gusto mo talaga well magconvert ka into islam.. & syempre yung DORI.. witch is important sakanila...
payo lang brad...
huwag na huwag mo papairalin ang puso mo pagdating dyan..
lalo na yung mga sinasabi na ITANAN...
reason??>> yung ibang muslim lalo na parents eh mas importante ang rule ng religion kesa sa mga anak nila... may tendency na pareho kayong balikan or worst patayin pa ng AMA mismo ng babae.. been there.. & naranasan ko yan...
goodluck...
-
@ sir rhedzz. ano pa po ang ibang payo pang mabibigay nyo sa akin? Mas nagkakaigihan pa naman na kami ngayon. Ang sa amin lang ngayon titingnan namin kung saan kami aabot. Alam ko mahirap yung sitwasyon ko lalo na royalty pa sya sa kanila. Paano kaya yun, gusto ko ang pagiging Catholic ko. Any help pa po? thanks
-
baka mapatay ka lang dyan or mapatay nang kamaganak niya mismo ang babae
-
magdecide ka. kung gusto mo talaga yung babae. magpractice ka ng religion nila. depende sayo yan.
bata kapa naman. marami ka pa makikilala. at mag-ingat ka kung sakaling maging kayo. baka mawala sayo lahat.
-
magdecide ka. kung gusto mo talaga yung babae. magpractice ka ng religion nila. depende sayo yan.
bata kapa naman. marami ka pa makikilala. at mag-ingat ka kung sakaling maging kayo. baka mawala sayo lahat.
tama si rhedzz... kailangan malaman mo yun background ng pamilya ng babae... lalo na nasabi mo na royalty yun babae...
ang kasal kasi paraan din yan para magkaron ng alyansa ang mga clans at ang isang bagay na masasabi ko sa iyo, wag na wag mo gawing itanan ang babae... baka ang magulang, kapatid at kamag-anak mo eh madamay...
sa ngayon kung nakap-sap na kayo, go with the flow and enjoy the moment... at least kung talgang alang pag asa na maging kayo you are able to enjoy each others company...
-
base on what i read and from what i hear.....from the experience of others.....normally bilang isang nagmamahal at normal ang sitwasyon, i'll encourage you to follow your heart pero dahil hindi normal ang sitwasyon then i will just say na, be content sa friendship ninyo and cherish the time na magkasama kayo because if what you say is true na prinsesa siya then nasa alanganin kayong kalagayan. Kasi kahit maging kayo at mag-muslim ka hindi yun enough para ma-assure na maging kayo unless you belong to a well-known family also at makikita ng parents ng babae na may benefit silang matatamo.
Anyhow, i'm sorry to discourage you pero i still advice you to make the best of what you have now and be thankful, i still believe that Love is stronger than any force in this world....if you really love her just continue to love her we don't know what the future holds for both of you pero kailangang maging matatag ka sa anumang darating....it might be good or the other way around but for sure the experience will teach you to handle it better as life goes by......good luck, i'll pray for you both.
-
Oo nga normal magmahal at sa nagmamahal ang pinagdadaanan mo. But may mga limitasyon din ang pagmamahal like kung dapat ba or hindi.
Lahat pwede.
Pero hindi lahat dapat.
Hindi naman siguro useless kung maprove mo ung gusto mo mangyare.
Walang masama kung susundin mo ang gusto mo.
Pero tandaan mo.
ibang mundo,tradisyon,religion, tao ang papasukin mo.
Sent from my GT-S5830i using Tapatalk 2
-
try mo sabhin yung nararamdaman mo malay mo may gusto rin sayo hinihintay ka lang pala.
-
Salamat po sa lahat ng mga nagbigay ng advice sa problema ko. Pasensya na ngayon lang ulit nag katime magreply. Nagusap na po kami, for our sake, di po kami magrerelasyon. Mahal namin ang isa't isa pero there is more to us than our love. Ayaw po namin magkagulo ang mga pamilya at kamaganak namin. Mas maganda kung magiging bestfriends kami. Mas maayus at mas maganda ang setup namin ngayon kesa sa mga iniisip namin dalawa. Thanks po ulit sa lahat ng mga nagbigay ng advice.
-
Salamat po sa lahat ng mga nagbigay ng advice sa problema ko. Pasensya na ngayon lang ulit nag katime magreply. Nagusap na po kami, for our sake, di po kami magrerelasyon. Mahal namin ang isa't isa pero there is more to us than our love. Ayaw po namin magkagulo ang mga pamilya at kamaganak namin. Mas maganda kung magiging bestfriends kami. Mas maayus at mas maganda ang setup namin ngayon kesa sa mga iniisip namin dalawa. Thanks po ulit sa lahat ng mga nagbigay ng advice.
well thats sad sir pero ganyan talaga ang buhay
mahirap ng ipilit un di pwede at least my connection pa din naman kayo i wish you
more than that pero okay na rin siguro yan sir salamat din sa pag share mo dito
ng situation mo keep it up sir[user]jabar12[/user][/font]
someday makakahanap ka din ng para sa iyo talaga
at nanjan siya na susuporta sa iyo
-
Thats good.. Minsan kasi kelangan mo isipin ang ibang tao na madadamay sa mga desisyon na gagawin mo. its better na ganyan ang setup nyo kesa sa may mangyaring masama.
Goodluck sa inyo.
& goodluck sayo.
Sent from my GT-S5830i using Tapatalk 2
-
Itanan mo sir, wala namang makakapigil sa inyo eh kung gusto nyo ang isat-isa.
-
Salamat sa pagshare ng kuwentong pagibig mo sir jabar, ang sarap gawan ng nobela, di ka nagkamali ng napuntahang site sir kita mo naman kung panu sila mag advise dito as in parang kaibigan talaga, yan ang gusto ko dito.
-
Salamat sa pagshare ng kuwentong pagibig mo sir jabar, ang sarap gawan ng nobela, di ka nagkamali ng napuntahang site sir kita mo naman kung panu sila mag advise dito as in parang kaibigan talaga, yan ang gusto ko dito.
tama nga si sir[user]Johnfitch Mir[/user][/font]
nagpapasalamat kami sa pag share mo ng kwento mo
narito lang kami para tumulong sa mga kagaya mo na narito may problema
wag lang kayong mahiya magpost salamat muli saludo kami sa iyo
-
this is the curse of any religion.. dogmas that curtail basic freedom. how sad sir.