My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Current Events => Topic started by: fayt on April 10, 2013, 09:50:41 AM

Title: WEW
Post by: fayt on April 10, 2013, 09:50:41 AM
(http://sphotos-g.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-frc1/598433_454917444567133_1147007334_n.jpg)

Patay ang isang 13-anyos na binatilyo matapos bugbugin dahil sa pagko-komento ng "wew" sa social networking site na Facebook.

Batay sa inisyal na ulat, Nobyembre 16 nang abangan ng suspek na si alyas "Ariong Carriaga" ang biktimang si John Francis Bagaporo mula sa paaralan ng huli sa El Salvador City, Misamis Oriental.

Dito na umano pinagbubugbog ng 18-anyos na suspek ang binatilyo. Sinasabing hindi nagustuhan ng suspek ang komento ni Bagaporo sa Facebook. Kwento ng ina ng biktima, tanging "wew" lang ang sinulat ng kanyang anak sa Facebook page ng kaklase niyang babae, na kasintahan umano ng kaibigan ni Carriaga.

Halos dalawang linggong hindi nakapasok sa paaralan si Bagaporo dahil sa pagkahilo at kahirapan sa paglalakad. Nagsusuka at nilalagnat din umano si Bagaporo dahil sa mga natamong bugbog sa katawan. Ang bumarang dugo sa likurang bahagi ng nag-crack niyang bungo ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Hustisya ang sigaw ngayon ng pamilya ng biktima. Ayon naman sa Misamis Police, patuloy ang pagtugis nila sa suspek.

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Region/Binatilyo,_patay_matapos_bugbugin_dahil_sa_Facebook_comment.html (http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Region/Binatilyo,_patay_matapos_bugbugin_dahil_sa_Facebook_comment.html)
Title: Re: WEW
Post by: Lord Nok Von Hauten on April 10, 2013, 07:26:04 PM
Ayan, yung mga nag facebook diyan, kay kung ako sa inyo dito na lang kayo sa PT mababait pa ang tao...
Title: Re: WEW
Post by: michaelpalermo on April 11, 2013, 02:20:08 AM
sobra nmn ... salita laban s salita nlang sana.. ni reply din nlang sana nang mas wew k...
Title: Re: WEW
Post by: monde8 on April 11, 2013, 04:50:18 AM
Muntik nako mag comment ng wew kaso natakot ako at baka may bumugbog sakin, nyaha.

 :P
Title: Re: WEW
Post by: shadowcircle on April 12, 2013, 09:17:10 PM
Sigh, nakaka disappoint ang mga kabataan ngayon.
Title: Re: WEW
Post by: buddha on April 15, 2013, 02:56:30 PM
Nakakalungkot naman yung mga ganitong balita..
Title: Re: WEW
Post by: cerberus024 on April 16, 2013, 01:27:37 PM
Ang babaw ng dahilan. Ganito na kakitid ng utak ng mga tao ngayon. >:(

Sent from my GT-N7000 using Tapatalk 2

Title: Re: WEW
Post by: servika on April 17, 2013, 12:28:54 AM
grabe naman..nang dahil lang sa wew.buhay na ang kapalit..ano na nangyayari sa mundong ito.
Title: Re: WEW
Post by: makopa on April 17, 2013, 06:40:21 AM
Parang napakababaw na dahilan. Iba na talaga ang utak ng kabataan ngayon nakakabahala pa ay pababa na ng pababa ang edad ng nai-involve sa krimen.
Title: Re: WEW
Post by: melvin_dude007 on April 17, 2013, 11:02:45 AM
isang napakalaking WEW!
Title: Re: WEW
Post by: Dimmu Borgir on April 17, 2013, 11:15:17 AM
haist na lang sa sunod ang comment..

masyadong affected sa facebook comments...

ako nga di na nagpi - facebook.. obsolete na kasi sa akin yun..

PT ROCKS!!!!!!!!!!!!!!
Title: Re: WEW
Post by: bravado on April 17, 2013, 08:28:47 PM
masyado ng bayolente ang mga kabataan ngayon
kelangan ng subaybayan and ginagawa ng mga bata
Title: Re: WEW
Post by: fayt on April 17, 2013, 08:32:41 PM
ang masama pa nyan.. dahil sa juvenile law.. hindi sila makukulong kaya hindi nabibigyan ng hustisya ang biktima
Title: Re: WEW
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on April 18, 2013, 12:09:49 AM
buti na lang bawal one liner dito kaya wala mabubugbog

kawawa naman yan
Title: Re: WEW
Post by: Dimmu Borgir on April 19, 2013, 12:42:56 PM
lalo na siguro pag nag ECM na ako...

 :-* :-* :-* :-* :-* :-* :-* :-* :-*

Nice nice... Solid pt sir ahh hehe

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Blue Tapatalk 2
Title: Re: WEW
Post by: zzgundam on April 19, 2013, 10:43:51 PM
Crazy. Our valuation of human life has fallen so low.
Title: Re: WEW
Post by: Cathrina on April 20, 2013, 09:24:47 PM
Grabeh naman namatay nang dahil sa wew..
Title: Re: WEW
Post by: bong1830 on April 20, 2013, 10:10:26 PM
yun lang binugbog na yung binatilyo??? iba na talaga mga kabataan ngayon :(
Title: Re: WEW
Post by: grabehhhhhhhh on April 21, 2013, 11:52:31 AM
tss parang mga ulaga lang
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal