My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: fayt on April 08, 2013, 10:31:09 PM
-
Kung meron kayo power na gumawa at ipatupad yun batas. Anong batas na gagawin nyo para maregulate ang Political Dynasty.
Sent from my HTC Sensation Z710e using Tapatalk 2
-
Sakin okay lang naman ang political dynasty lalo na kung hindi naman sila nandaya para mapunta sa pusisyon. Kung taong bayan naman ang naghalal at naglulok sa kanila at kung maayos naman ang pagsisilbi nila ay cool lang sakin ang political dynasty.
-
Nothing for me.
Tao dapat ang magbago.
Tao may kasalanan why the country is in the state that she is in.
-
ok lang yan for me, as long as hindi corrupt at may magandang output
-
Para sa akin, basta capable yung kandidato sa tinatakbuhan niyang posisyon, walang problema. Yung track record lang ang pagbabasehan ko, hindi yung pagsayaw-sayaw, o kung kaning pamilya ka galing. Basta ginagawa nila tungkulin nila, iboboto ko sila.
-
Ang masasabi ko lang dito sa political dynasty eh basta galing kang rich and famous family eh pwede ka na >:( pero bakit nga ba may politcal dynasty? dahil din naman satin kasi tayo nag dedesisyon kung sino i boboto natin eh but in the end we repeat the same mistakes we've done.
-
Di at di mawawala yang political dynasty habang politika ang umiiral sa karamihan sa atin. Mahilig tayo magpaanod sa utang na loob, etc. etc.. Ipalagay mong dukha ka, walang pinag aralan. Taggutom ang pamilya mo, sino iboboto mo, yung nagbigay ng mumurahing sardinas at expired na noodles sa yo, o yung mabuting tagapamahala?
-
Napaka simple minded din kasi ng mga voters satin e. Inuuna nila yung popularity (ay anak ni ganito, bida sa pelikula, nakikisama to, idol ko to) at yung nagbibigay sa kanila ng libreng pagkain / pera kesa sa kandidatong karapatdapat maging presidente.
Sent from my HTC One X using Tapatalk 2
-
pass the anti dynasty law ...
& also an updated law that candidates must have a better educational qualification...
and a candidate must have at least experience in public service.. In this way, we can assure that they will start from lower position not unlike today..
that if u are inside a jail, you are not qualified to run..
in this way, we will have a better candidates who is more qualified than today..
-
Wala problema basta nasa tuwid na daan..wag lang gaya ng sa maguindanao na kulang na lang maging SK eun mga kabataan sa pamilya nila..
-
Poliyical dynasty ay nangyayari sa atin bansa kasi marami sa mga pulitiko ay ayaw ng bitawan ang kanilang kapangyarihan kaya ang ginagawa ngayon ay ang kamag anak,kapatid o kaya'y mga angkan nila isinasalin upang hindi maagaw ang kanilang kapangyarihan sa gobyarno.Okey lang yon basta gawin nila ang nararapat para sa bayan.
-
mahirap talaga yang political dynasty pag tumatagal sa pwesto kahit sino nadedemonyo
-
pass the anti dynasty law ...
& also an updated law that candidates must have a better educational qualification...
and a candidate must have at least experience in public service.. In this way, we can assure that they will start from lower position not unlike today..
that if u are inside a jail, you are not qualified to run..
in this way, we will have a better candidates who is more qualified than today..
I agree with this, for example ang daming law graduates na nagpakahirap magtapos makapasa lang sa Bar Exam at after years of experience gusto na nila maging PUBLIC SERVANT, at maganda yung background, qualified pero sila yung mga natatalo sa election. Tapos pag may kalaban silang sikat na Actor, Anak ni Senator na Artista dati, e wlang laban na, o kaya Anak ni Vice President pero walang experience patay patay na. So to be fair din sa ibang candidates, sana mas mapansin ng mga botante yung background ng iboboto nila, hindi by name.
-
just one word fits it corruption only
-
ok lang din sa akin ang political dynasty basta yung paglilingkod sa mga tao na lagi nilang sinasabi ay gagawin talaga nila hindi yung pagpapayaman dahil sa kaban ng bayan.....
-
ok lang naman wala namang problema, basta may utak naman at political will, pagkatulad naman ni bong gabilla na napaka ubod ng liit ng utak sing liit ng tarugo nya eh dapat may hiya siya sa sarili niya dahil incompetent siya
-
okay lng sa aking kahit ano.. pag tunay sila na public servant ok na..
-
kaninong panahon ba nauso yang political dynasty na yan? sa tingin ko kasi kaya nangyayari ito ay dahil sa dami ng incentives na natatanggap ng mga nasa puwesto. hinahatak ng mga nasa puwesto ang asawa, anak, kapatid, pinsan bayaw etc. para maging masagana sila. kaya may tinatawag na kamag anak incorporated eh.
-
May batas na against political dynasty.... pero madaming lumulusot na politicians...
Kung ako gagawa ng batas'
"Aalsin ko lahat ng benefits at paraan para mangurakot mga politiko, Like PDAF, Dap, allowances etc."
Tingnan ko lang kung may maghangad pang mag Dynasty pag totoong serbisyo na sa Bayan ang usapan.