Back in 2000 (yes 17 yrs ago) me nakilala ako sa yahoo chat na taga dito lang din malapit sa lugar ko, alam niyo na ang story na nagkakilala, naging magkaibigan at kalaunan nanligaw at naging kami. Now, hindi ko alam na Bible Baptist pala sila kaya nung unang dalaw ko sa bahay nila agad akong hinarap ng mama niya at sinimulan ang interrogation. Nalaman nila na Catholic ako and instantly tinawag nila akong unbeliever at pinakiusapan na huwag nalang daw ituloy ang relasyon namin dahil hindi daw ito magwowork. Gusto kasi nila katulad sa religion nila ang magiging bf ng anak nila at anya sa sis niya pastor daw dapat.
Hindi kami nakinig basta itinuloy namin ang relasyon namin at sa tuwing pumupunta ako sa kanila me sermon at nagpaparinig sila sa akin pero inignore ko lang ito. Sa katagalan natanggap nanila ako dahil maganda naman talaga ang ipinakita ko sa anak nila pero nilunok lang din nila ang mga sinabi nila dahil nung sinabi nila sa akin nung first visit ko sa kanila na parang santos sila dahil nasa ganung religion sila turns out yung ate niyang nagsabi ng pastor ang ipapares sa sis niya naging kabit. Not to slander their reputation pero ganun talaga ang nangyari. Yung gf kong yun cheated on me for so many times na yung nanay na niya ang nahiya sa akin.
Simple lang naman ang punto ko sa karanasan ko, we maybe stand on the opposite side of the religion but it's not about who you believe that makes you who you are, but your actions. They may claim to be a saint and me an unbeliever but turns out I am more of a saint to them because ako yung niloko ng anak nila nang hindi lang once pero multiple times pa at harap-harapan ko pang nakita ang anak nilang dinala ang lalake sa apartment nila. No, it's not about religion that defines who you are, but your actions and your perspective in life.