My Board

Academics => Accounting and Business Department => Business => Topic started by: monde8 on March 22, 2013, 06:59:51 AM

Title: Ano Iyo Nikosho?
Post by: monde8 on March 22, 2013, 06:59:51 AM
Mga ka PT share niyo naman dito kung anong uri ng negosyo ang meron kayo para magkaron ng info ang mga ibang ka PT natin at may mapagtanungan kung sakaling gusto rin nilang pasukin ang ganung larangan o kung pareho ng industry ay pwede magbigayan ng tips kung paano mas mapapalakas ang negosyo.

Maliit man o malaki ang business mo ay ishare mo. Kumikita man o hindi ay share padin. Makakatulong ito para magkaron tayo ng info dito kung anong mga business ang patok at hindi.


Umpisahan ko na:

Ang aming munting negosyo ay personalized tshirt printing. Wala kaming physical store at bagkus ay online lang nagbebenta. Mahilg kasi ako sa mga tshirt na may mga cool na designs or medyo green na mga messages kaya naisipan ko na bakit hindi nalang ako ang gumawa ng mga sarili kong shirts para mas makatipid. At the same time ay maraming mga natutuwa sa mga tshirts na binibili ko kaya naisip ko na dahil natutuwa sila sa taste ko ay may market kung ako mismo gagawa at magbebenta.

Ang initial na pinuhunan ko para sa printer at heat press machine ay nasa 13k kung tama alala ko.

Sa pricing namin na napakababa lang ay around 50-80 pesos ang kinikita namin per shirt. Sa opisina lang ay nakaka at least 10-20 orders ako per week kapag medyo mahina and orders so kung sa sampung order lang at sikwenta ang kita ay may extra 500 na agad na kita for the week. Not bad dahil part time lang naman na ginagawa ito, kapag may order lang. Tapos wala naman akong upa na binabayaran dahil online nga lang.

Ito nalang muna but I'm willing to share more info kapag may nangailangan.

Btw you see na hindi ako nag promote ng business ko dito but merely sharing lang. I'm not sure kung ano rules ng PT for promoting pero kung pwede naman ay okay lang sakin as TS kung magpromote kayo ng sa inyo. And oo nga pala kahit naman magpromote ako ay hindi ko kayo mabebentahan ngayon dahil I'm currently away kaya sarado muna ngayon ang aking munting negosyo.



Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: lot on March 23, 2013, 09:32:30 AM
     Magandang negosyo nyo po bossing monde. Maliit ang initial na puhunan at parang side line lang. Pwede rin siguro yan sa tindahan namin, kasi sa amin naman po ay school supplies. May pwesto po kami sa palengke, dati gusto ko po ay hardware, pero mas ok ang school supply kasi lahat ng bahay ay may estudyante, besides consumable ang school supply. May 3 lang po kaming kasama sa store kasi may groceries din, at si Mrs lang ang cashier.
     Matrabaho rin kasi at least 2 times kami namimili sa city ng mga supplies kasi minsan mahal din sa mga ahente. Medyo may kalakihan pa ang puhunan, kasi yong rights lang ay P300k na tapos yong mga paninda pa. Pero kumikita naman po kasi kami ang cheapest price in town. Sinusunod ko po kasi ang kasabihang " ang mga pinoy daw ay laki mata, liit kita, samantalang ang mga singkit ay liit mata pero laki kita"
    Nakakatuwa kung bandang hapon na kasi napakaraming estudyante ang namimili at siksikan.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: bohica on March 23, 2013, 10:20:45 AM
I sell drugs.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: hemorrhage on March 24, 2013, 09:21:44 PM
Nice! I'm still thinking of a small business since hindi naman enough ang sweldo ko from my job lang. :D
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: monde8 on March 26, 2013, 12:07:02 AM
     Magandang negosyo nyo po bossing monde. Maliit ang initial na puhunan at parang side line lang. Pwede rin siguro yan sa tindahan namin, kasi sa amin naman po ay school supplies. May pwesto po kami sa palengke, dati gusto ko po ay hardware, pero mas ok ang school supply kasi lahat ng bahay ay may estudyante, besides consumable ang school supply. May 3 lang po kaming kasama sa store kasi may groceries din, at si Mrs lang ang cashier.
     Matrabaho rin kasi at least 2 times kami namimili sa city ng mga supplies kasi minsan mahal din sa mga ahente. Medyo may kalakihan pa ang puhunan, kasi yong rights lang ay P300k na tapos yong mga paninda pa. Pero kumikita naman po kasi kami ang cheapest price in town. Sinusunod ko po kasi ang kasabihang " ang mga pinoy daw ay laki mata, liit kita, samantalang ang mga singkit ay liit mata pero laki kita"
    Nakakatuwa kung bandang hapon na kasi napakaraming estudyante ang namimili at siksikan.

Thanks for sharing sir. Maganda nga din yang business niyo. Ang importante naman kasi talaga is may produkto ka na tatangkalikin ng mga mamimili and in your case ay angkop dapat sa market.

I sell drugs.

Ayos. Big business yan sir basta wag lang makakalaboso.

Nice! I'm still thinking of a small business since hindi naman enough ang sweldo ko from my job lang. :D

Tama sir. Sa panahon ngayon kailangan talaga ang extra income.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: roskie21 on March 26, 2013, 10:10:23 AM
natawa naman ako don sa drugs.. pa score kame ts kung nag titinda ka ahaha
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: monde8 on March 26, 2013, 10:33:27 PM
Coke ba yan o mary jane?

 :P
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: bohica on March 27, 2013, 10:44:10 AM
Coke ba yan o mary jane?

 :P

Ritemed.  Biogesic.  Metformin.  Ano drugs ang gusto mo?
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: bohica on March 27, 2013, 10:44:47 AM
natawa naman ako don sa drugs.. pa score kame ts kung nag titinda ka ahaha

Ano kailangan mo?  Kung hindi OTC, basta magdala ka ng reseta.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: monde8 on March 27, 2013, 11:19:09 PM
Anak ng kisame, drugs nga. Legit naman pala.

 :)
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: toshka on March 28, 2013, 04:22:45 AM
dati we sell accessories, napalago naman namen kaso tinamad na si mom.

gusto ko na rin magstart ng business, inshallah makakasimula din.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: monde8 on March 28, 2013, 05:38:25 AM
Ah mabenta din yan ah. And kung masipag at magaling magmarket ay malaki din ang kita. Friend ng misis ko ganyan din business.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: Hashishtemasu on March 30, 2013, 10:11:57 AM
I sell drugs.

Sir, if I may, I suggest you invest in manufacturing from your profits. As I've heard from the guy who gave us a drug abuse seminar, drug lords get at least 100K from a single lab. On an off day.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: bohica on April 01, 2013, 11:47:06 AM
Sir, if I may, I suggest you invest in manufacturing from your profits. As I've heard from the guy who gave us a drug abuse seminar, drug lords get at least 100K from a single lab. On an off day.

I will let Pfizer, Roche, Unilab and Pascual do the manufacturing.  Magbebenta na lang ako.  If you need drugs, PM me.  :)
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: satsalanam on April 03, 2013, 08:07:30 PM
my business is selling car.. buy and sell..
nag simula sa isang unit.. now.. 6 units na mga sir..
puhunan ko is.. 150k..
now kumikita na ko ng 500k...
ayun patuloy ko pading pinapaikot.. kaso tiis lang pag tulog ang mga buyer..
ayun lamang po mga sir/mam.. na ishare lang po.. :)
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: monde8 on April 04, 2013, 12:40:54 AM
Thanks for sharing tarubantilag.

May tropa din ako na buy and sell ng auto ang negosyo. Same din feedback niya na malaki ang kita pwera lang kung matumal ang bentahan.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: satsalanam on April 05, 2013, 05:56:51 PM
Thanks for sharing tarubantilag.

May tropa din ako na buy and sell ng auto ang negosyo. Same din feedback niya na malaki ang kita pwera lang kung matumal ang bentahan.

yun nga sir.. pero pag dagsa naman ang buyer.. halos mawalan kana nang
unit.. ayun.. sana makilala ko friend mo sir.. or baka nag kita na kami
kasi dami ko na namit na buy and sell. kaya pasahan kami ng mga buyer pag walang yunit..
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: monde8 on April 05, 2013, 11:03:15 PM
Sige sabihan ko siya sir. Pasalihin ko dito sa PT para may new friends tayo dito.

 :-X
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: toshka on April 05, 2013, 11:42:31 PM
intteresting yung mutual funds and stocks exchange. pero kulang pa ang knowledge ko.

ang mga naginvest sa smdc ayun kumita na.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: monde8 on April 06, 2013, 12:56:12 AM
Interested din ako sa mutual funds. For as low as 10k you can start investing in mutual funds. Kaso ang sabi sa napanood ko sa tv (di ko lang maalala kung anong program yun) before investing daw sa mutual fund ay dapat meron kang emergency fund which is equal to 2 or 3 months of your monthly budget. I guess the logic there is only invest if you have enough money to do so at hindi yung tipong yun lang ang extra mo then iinvest mo.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: lot on April 07, 2013, 12:31:21 AM
May iba pa po kaming negosyo.. hollow blocks factory & water tanker truck,
yon pong isa naming truck ay pinalagyan ng tanke ng tubig may volume siyang 26 drums na tubig, binibili rin po namin ang tubig sa halagang P200/tank tapos dinideliber namin sa pinakamalapit P1300, pag medyo malayo ay tumataas rin po ang presyo. May mga sinusupply-an po kaming mga swimming pool ngayong summer, then sa mga barangay ay nagreretail kami P5/container.. maganda po ang negosyo kaya lang seasonal, pag tag-ulan ay madalang ang order.
P1300 benta ng tubig
- P200 sa tubig
- P100 sa driver
- P400 sa diesel(maximum)
---------
P600/trip ang net
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: smplengcoboy on April 10, 2013, 10:45:52 PM
my business is selling car.. buy and sell..
nag simula sa isang unit.. now.. 6 units na mga sir..
puhunan ko is.. 150k..
now kumikita na ko ng 500k...
ayun patuloy ko pading pinapaikot.. kaso tiis lang pag tulog ang mga buyer..
ayun lamang po mga sir/mam.. na ishare lang po.. :)

Gaano kabilis mo naibenta ung una mong kotse. Do u have connections? Ska, in 1 yr ilan ang nabebenta mo?


 8) 8) 8)
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: iamamorion17 on April 11, 2013, 01:18:04 PM
gusto ko pa ulit magtayo ng isa pang negosyo kaya nghahanap pa ako ng ideas,kaya tnx sa article na 'to:)
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: neronacs on April 11, 2013, 01:46:50 PM
salamat sa mga info mga ka pt, ofw ako at balak ko ng magresign next year at magnegosyo nalang...
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: monde8 on April 11, 2013, 11:11:01 PM
gusto ko pa ulit magtayo ng isa pang negosyo kaya nghahanap pa ako ng ideas,kaya tnx sa article na 'to:)

Hintay pa po tayo ng ibang mag share ng mga nekosyo nila.

salamat sa mga info mga ka pt, ofw ako at balak ko ng magresign next year at magnegosyo nalang...

Mahusay pong ideya yan. Make the money that you earned to work for you in return.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: semikotne on April 27, 2013, 12:56:44 PM
So far ala pa business but i have list na after q ma-study ung market pguwi q ng pinas..

Now, I'm investing in stock market to enhance me to become risk taker.  In doing business kc u have to take risk so in stock market, napra2ctice q cya.   Im not a trader, im an investor sa stock market...  Im buying blue chip companies (big companies) only and once i got 15-20% gain, binebenta q na..profit is profit ika nga... 

So far i change my strategy to long term.. I buy a company n i know undervalue then i stick to it until i have enough quantities.  Once i got 3-5 companies (with enough shares na) and i know very good for long term, bi2li nman aq ng companies for trading where in can get 15-20% gain...
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: 2low4drag on April 29, 2013, 10:22:58 AM
Ayos pala buy and sell.. Wala naman bumabalik kung may sira or problem sa papers?
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: Burning_icE on May 18, 2013, 09:19:32 AM
Mutual Funds , na try ko lang recently. 50k ko in less than 3 months eh 2k mhgit ang kita. wala kasi ako idea sa stocks kya sa BPI mutual funds na lang ako. ayos
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: yuria on June 25, 2013, 08:26:39 PM
ako dati nagbebenta ako ng mga cellphone accessories bilang sideline. natigil lang ng medyo naging busy na sa work, at isa pa nagpapadala naman si bf ng katas ng saudi.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: monde8 on June 25, 2013, 11:38:15 PM
Mutual Funds , na try ko lang recently. 50k ko in less than 3 months eh 2k mhgit ang kita. wala kasi ako idea sa stocks kya sa BPI mutual funds na lang ako. ayos

Pwede na lalo at wala namang physical work or even appearance involved pero kumita ng 2k.

Also considering this kapag medyo lumaki na ang kaban at pwede na maglagak ng pondo na hindi kakailanganin.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: pogingsimarun on June 26, 2013, 06:41:41 PM
salamat sa thread na ito..sana marami pang makapag share para magkaroon kami nang idea on what bussiness to go in..ofw po kasi ako kaya very much interested in this thread..thanks..
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: monde8 on July 26, 2013, 05:58:27 AM
Kung tutuusin ang dami kong gustong ibenta. Kahit simpleng almusal or meryenda lang na niluluto ng misis ko na sarap na sarap ako eh sinasabi ko sa kanya lagi na tiba tiba kami kapag binenta namin yon.

Para po sa mga nagiisip ng mga negosyo magandang tip din po na go into a nature of business na ma eenjoy niyo at magagamit niyo po ng lubos ang inyong mga talents and capabilities.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: theshepherd on August 05, 2013, 01:11:39 AM
Ang pinakamabilis na produkto today ang ang pera. Lahat ng negosyo ay kelangan ng pera. Simpleng pagbili ng kendi o yosi ay kelangan may pera. So why not let yourself involve in how the money moves. If you open a store/shop, it only operates during a certain time of the day. Not unless if you open a 24/7 store/shop. Like mcdo, 711, etc. So what happens during the dead hours? Wala, walang kita. But the question is, can majority of the people afford a 20M+ franchise? Every second may pera na tumatakbo, pinapadala, tinatanggap, inihuhulog no matter what time of the day. So, if you can, get a business that doesn't sleep. That works 24/7 day and night. Holiday or weekend.




Peace out!

Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: zappieboy on December 12, 2016, 02:35:12 PM
Online business o mas kilala sa tawag na ''solopreneur''. Sell valuable information or products online.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: monde8 on November 06, 2018, 02:14:54 PM
Buhayin natin ulit ang thread na to mga kakosa. It may inspire and help others na mga nagbabalak magumpisa or magdagdag ng business.

Ako po I've been busy lately and started a new business. I've been working sa call center industry for more than a decade already kaya in the past 1 year and six months, I started my own company. To those na nag iisip on how to start a BPO company, for you to have an idea on the intial budget that you need, I would recommend an initial capital of Php500k. You may start with 5-10 agents and depende sa opex and income generation ng company, your 500k can give you a 3-6 month head start. Though take note that if you can't make it work within 3-6 months, goodbye na. If you make it work though, 2x to 4x ng opex ang potential income.
Title: Re: Ano Iyo Nikosho?
Post by: zappieboy on July 09, 2020, 09:50:30 PM
Online Business! Generating money through sales funnels and offering a solution to people's problem.
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2024, SimplePortal