Nakakatuwa magbasa ng mga memories niyo of the past.
Nag-join ako around 2008, first job ko yun at maghapon akong online. Marami akong nakilala sa SB at sa forums - pakikipagkulitan pati pagbabasa lang sa mga intelektwal na sagutan lalo sa spiritual board. Nosebleed pero I got to know more about the people.
Feb. 2009 ng napilit ako ni manetski na sumama sa isang EB sa Manila. Walang pupunta sa mga ka-close ko pero pumunta pa rin ako kasi mukhang masaya. Natatandaan ko nagmeet kami ni manet sa Turbina tapos deretso Trinoma sa Crocodile Grille ata yun. Sayang nga di namin inabutan si Sir Jeng. Tapos yun, meet and greet. Dinner. Matagal pa tumambay sa bus stop at di makadecide san kami pupunta after. Dumeretso kami sa Timog tapos wala nakong maalala.
Just to share, nakita ko itong thank you note sa email ko. Not sure kung napost ko dati, pero eto o:
"Manetski - na kabado sa ndi ko pagpaparamdam sa txt at sa SB. haha, salamat sa pagsama. Salamat sa pagiging maingay, funny and accomodating. Thank you for always asking if i was alright, kung 'enjoy ba'? it really meant a lot to me. During the bus ride, maybe u didnt realize it but you sort of familiarized me with the members and what to expect during EBs. Thank you at feeling close ka at nkahawak ka agad sakin pagsakay pa lng ng bus, haha, i felt responsible and accountable sa kung anu mang mangyayari sau (bastos man o hindi haha), nakakatuwa kasi i sort of missed that feeling. Sa uulitin!
Erriol29 - two things: sa pagyayang kumain sa mcdo at sa pagyaya na umuwi na nung nasa jollibee tau. Sayang panira ng tagay ang iced tea, konti lng nainom natin. Wahaha. Nxt time, nxt time.
Randacs - weee anu po bang tawag? Tito, sir, fg? Haha. Cool na cool! Haha, kala ko dati e intimidating pero hindi pala, salamat po. Alam ko nabitin ka rin sa beer. Wahaha
Ms.gienne and Lezaga - aba aba. Wala akong masabi. So totoo pala ang bali balita? Nyaha. Patingin ng pics!!!
Amen - parang nilamutak ka ni manet nung nakita ka a, naawa naman ako. Haha.. Teynks teynks sa pagpunta kahit strict ang parents, nalinawan ako dun sa mga 'issues'
Chups - one thing: tigilan mo ang kakatanong mo ng edad, nakakasama ng loob eh :angry: sarap ba magvideoke? Nyahaha nxt time ulit!
Isay - kahit di kita kilala, haha, salamat sa pagpunta. Mukhang masarap kang kausap, parang andaming ideas jan sa loob. Astig ka, first impression ko un sau, and i know u are.
Kasoy - kropeck naman tinitira mo ha! At iniistraw mo ang san miglight amputa! Salamat sa pagtuturo nung sugal, pampalipas oras. Haha, daya ni kuya oss nanalo, ako nde.
Boogie - boogie! :cow: wahaha. Tatahitahimik pero pumarty mode nung happy birthday na, magkakasundo tayo nyan. Haha
Deathmind - Dith! para kang doktor na nagrarounds sa mga pasyente nya. Haha. Bat ayaw mo ng beer? Popollute ko utak mo, beer is good. Haha. Salamat! Uy, nkasulat nko sa notebook''
Bukod jan, may nakita rin akong FB album kasama si Worshipper, Taonggrasa, Joyskie, Chupz at DeathMind sa Trinoma, April 2009. Ewan ko din anong okasyon nun. Parang short meetup lang kasi tanghali-hapon eh. Di ko rin pala sure kung si TG nga yun o si Boogie hahahaha
Anyway, sabi nga nila, it's fun to cherish the old times pero getting stuck there will get you nowhere. Thankful lang talaga ako na na-meet ko sila at naging part sila ng PT life ko.