0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
huh dami nyo pala sa isang klase., meron pala na ganun private schoolpero sir ozy panu yung mga grade 1 students nasa isip na ba nila yung pakikipag-compete sa ibang students? parang di pa yata nila alam yun., sa simula siguro kailangan ang guidance talaga ng teachers para matuto but syempre pagdating ng grade 4 onwards I think dyan palang papasok yung kaisipan nila how to compete with other student nandyan na yung maiinggit sila na kailangan magkaron din sila ng honor / meadal
iba kasi naman ang crowd sa public schools, iba ang students now, di naman sa minamaliit natin ang mga students sa public schools, halos lahat dyan belong to poor families and with ibang character traits, magugulo or iba ang family breeding unlike sa mga prjvate schools medyo iba ang breeding ng students, medyo finesse ng kaunti... so as far as good educational atmosphere iba pa din sa private schools... yun lang, ihanda mo na bulsa mo at tyak magastos... Sent from my 007 iPhone using Tapatalk
Kung di kaya ang tuition fee try nyo sa PISAY (Philippines Science Highschool) pag aralin anak nyo or sa UP Diliman. Kaso pag sa PISAY pipigain talaga matuto mga students dun, specialized public school yun, co-ed at parang college style sila dun. That is according from my female friend na lumipat dun pero galing sya sa exclusive school for girls since matalino talaga siya at laking tipid din.Actually sa private exclusive school ako sa Q.C. nag graduate from gradeschool - highschool. Kahit saan talaga di maiwasan ang mga kalokohan mapa public or private, pero mas masaya pag all boys in a way makikita nila dun ang "brotherhood" friendship. Syempre yung curriculum talaga ang habol sa mga private school at di kayo papabayaan dun. May hot s e x y guidance counselor pa kami noon.In fact dun sa school ko na yun, e Learning na, may tablet na, yung ID daw de swipe for attendance at automatic mag send ng text message na pumasok ang anak nyo sa cellphone numbers nyo. It was something like that na nakwento sa kin ng mga mommies na pinag aaral nila anak dun. Laking changes lalo na sa technology.
as much as possible kung may budget ka, at average level naman ang intellect, try mo mag private school. Yun well known din na private school o yun di basta basta. Kung sa quality education naman mas maayos ang sistema ng education sa private school. Maayos ang facility at environment ng most of the private (well known) schools. Kung mag pupublic school ka at sa tingin mo above average naman ang intellect, dapat sa mga sikat na state universities (college) e.g. UP,PNU etc. or science highschool (secondary level). Iba kasi ang program pagdating sa studies dito sa mga schools na to.
Depende rin kasi mismo sa tao yan Utol. Sa private ka man o public, kung talagang mababa ang IQ, hanggang dun lang talaga ang kaya. Ang pagipunan mo tol, ay sa college. Sa grade school kasi, jan pa nilililok ang husay at talento ng mga bata. Pag nasa college na, jan na talaga magagamit ang kanyang kaalaman. PUBLIC na lang muna. Example ko pala yung pamangkin ko, from grade 1 to grade 4, 1st Honor sya. May pinsan sya na nagaaral sa Private, then naglalaro sila ng DAMATH and Spelling pero talo nya yun. Mas marunong parin pamangkin ko kahit sa public school lang sya nagaaral. Elementary, PUBLIC is OK.
sa case ko naman from private to public yung mga anak ko nung elementary kasi hindi kinaya ng budget, nung nasa private sila ay palagi silang lumalaban sa district school competition. nung mapalipat sila sa public ang mga nakakalaban nila ay yung mga dati nilang kaklase. yung itinuturo sa private ay halos katulad na din ng itinuturo sa public. at yung mga dating nakakalaban ng anak ko sa competition ay naging schoolmate pa nya at ayon sa napuna ko, dahil produkto din ako ng public school, yung mga subjects ko nung high school ay itinuturo na ngayon sa elementary, at sa public elementary school yun. ngayon nasa high school na sila, diretso sila sa another public school pero under ng polytechnic naman. hayun nagbabaklas ng computer, gumawa ng mga electrical projects, etc. which is para sa akin yun na din naman ang mangyayari once na nasa "real world" na sila, or after ng school, na hindi ko nagawa nung nagaaral ako. yup i'm comparing the studies nung time ko at ng time ngayon.in regards sa financial, oo malaki pagkakaiba ng private at public, but yun overall total ng magagastos sa private, around 20k (+/-), hindi naman aabot yung kung sakaling may binebenta na mga yema at pulboron dun sa public school. bawat part ay meron catches kahit pano. may nagsabi sa akin na nasa abroad ako, from private to public ang ginawa ko sa pagaaral ng anak ko, ang sagot ko naman dun sa nagsabi sa akin, ikaw ba ay san nagtapos? sa private o sa public? di ba pareho lang naman tayo na produkto ng public, pero ang laki ng sahod mo ngayon dahil sa naging produkto ka din ng public school.pero syempre kanya kanya naman tayo ng opinyon. at yung pagaaral ng mga bata ay tamang pagusapan ng ama at ina ng mga bata, pero sa opinyon ko uli, kung magkasundo na yung magulang kung san man nila papasukin ang anak nila, like private to public, tapos hindi naging maayos ang outcome ng transfer, mas maganda kung wag ng magsisihan kasi wala naman may gusto na hindi maging maganda ang kinabukasan ng anak, at kaya nga pinagusapan na yun before. hindi healthy na magsisihan kasi after na magkasisihan, yun pa rin ang kahinatnan, walang solusyon, dahil mas pinagusapan yung nangyari dati. so why dwell into past if mapapagusapan naman kung ano yung magandang solusyon sa problema.
mahirap yan kasi hindi naman ibig sabihin na public school ay tamad ang teacher, at hindi din naman kapag sinabing private school ay masisipag ang teacher, kasi case to case basis na lang yan saka kahit san naman meron lalabas na kasong ganyan. siguro ang pinakamaganda mong magagawa tutal naghahanap pa kayo ng maisasagot sa problema nyo, kung sa kaso ko yan, uunahin ko yung pinakamalapit sa bahay, kasi kung maganda yung school na malayo naman na aabutin ng oras sa byahe, masyado naman na mapapagod ang bata, sa byahe pa lang. kung meron malapit na school sa amin, magtatanong tanong ako sa mga magulang ng bata na pumapasok sa particular school, then check ko uli sa ibang school, tanong tanong uli ako hanggang sa makagawa ako ng comparison in between schools, yung pros and cons, at thru that, makakagawa ako ng decision ko. once na nakagawa ako ng decision ko, ipakita ko yun sa asawa ko at sabihin ko sa kanya even the slightest details, pero bago ko sabihin sa kanya kung ano ang napili ko na school kelangan alam nya yun ngang pros and cons, then hintayin ko kung ano ang magiging opinyon nya. pero habang sinasabi ko sa kanya yung bawat detalye, i will see to it na hindi ako biased sa explanation ko. kung masabi na nya ang opinyon nya, saka ko naman sasabihin ang opinyon ko. to play safe with everything, specially sa ganyan na decision, syempre kelangan ko din malaman yung iniisip nya, kasi kahit pano, may alam din sya regarding dun sa schools or topics na definitely ay hindi ko alam. kasi kung sasabihinko agad na yan ang decision ko, tapos bigla sya nakapagbigay ng isang information na hindi ko alam, di ba magiisip na naman ako ng panibago.bro sana makatulong sa iyo yung mga nasabi ko dito
very well tol., maraming salamat..... kaya ko lang naman ito natatanong sa inyo ay dahil marami narin nagsasabi sakin na mas maganda nga raw sa private meron din naman nagsasabi na mas maganda daw sa public..... at una pa man tol nung inilipat ko ang ang anak ko sa public isa yan sa ikinonsider ko, yung malapit na schools lang, and actually ngayon si kumander ang may nais ibalik sa private ang anak ko at hinihingi nya ang opinion ko at yan ang dahilan kung bakit nangangalap ako ng mga info about private and public schools ano ba ang pagkakaiba nila.....
hmmmm pwede ring ganito, kung sa sasakyan, yun bang gusto mong pumunta sa isang lugar using the compared vehicles, Lexus LX470 vs Toyota Land cruiser (same manufacturer), kotse o owner-type jeep, etc. pero di ba ang pinaguusapan lang naman ay yung makarating dun sa pupuntahan. whether luxurious vehicle or ordinary vehicle, it doesn't matter as long as you reach your destination. pero syempre kung ang paguusapan natin ay yung marating ng mga anak natin yung gusto natin para sa kanila in the best way, if transferring your kids to public has been your idea, posibleng yun ang dahilan kaya ang nasa isip ni misis ay maibalik sya sa private dahil it is not her idea at all. if financially capable kayo, to avoid further disagreement, mas maganda ng ibalik sya sa private kasi in the first place, napagbigyan ka na nya before.