My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => Introduce Yourself => Shout Out => Topic started by: dimple on March 17, 2014, 03:33:55 AM

Title: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: dimple on March 17, 2014, 03:33:55 AM
CONGRATULATION

To all of us ... Congrats and Thank you for being a part of this family!!! Kahit ilang beses tayo nawala bumabangon pa rin ang nag iisang tambayan ang PINOY TAMBAY!!! Kahit na anong issues and problema tulong tulong pa rin hanggang sa huli... hinde nyo kami iniwan...Salamat po sa inyong lahat sa mga supporta at contribution.. to all the staff and members kayo na po ang pangalawang pamilya namin!! Sa lahat ng STAFF, ugat at founder ng PT from the old PT and still up to now sa mga hirap at pagpupuyat... sa aking co admin of PT and admin of my life admin aDiDas SALAMAT sa muling pagtatayo sa site na to alam ko ang hirap mo!!! Kuddos to u and to all of us!! MABUHAY tayong lahat!!

Lets makes history Please share us your message for this Anniversary This will be the time capsule of our site!!!  :-[

I love you all!!   GROUP HUG!!!!!  :-*

THANK YOU [YOU]
Title: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: jamesbond on March 17, 2014, 03:42:08 AM
it's nice to be a part of the first anniversary....PT has been my family, my friend and my close friend...it gave me comfort when i was down and out, i can tell him what i feel about something or on someone... a lot can be said about this forum.. maraming pa-epal, papansin, but through it all kasama sila sa mundong ginagalawan ng isang forum site...  So in behalf of my GNDs, una na kaming magpapalista sa PT GUEST BOOK hahaha..
(http://img.tapatalk.com/d/14/03/17/esejysar.jpg)
Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: toshka on March 17, 2014, 04:12:11 AM
Happy Anniversary PT :)

Thank you sa lahat ng bumubuo ng PT from admin, staffs, members and lurkers. It's good to be part of this online community. Nawa ay di kayo magsawa sa pagsuporta.

Looking forward for more years to come. Cheers!
Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: IORI™ on March 17, 2014, 05:03:39 AM
Happy anniversary PT! Its been a year na pala nun kinalinga mo kaming mga "banned of brothers" .. binigyan mo kami ng pagkakataon makapag labas ng sama ng loob at nirespeto bilang isa sa mga kapatid sa loob ng iyong bahay .. nagkaroon kami muli ng pag kakataon na makatulong at maka pag bigay saya sa abot ng aming makakaya ..

Sa lahat po ng bumubuo ng Pinoy Tambay ... Maraming maraming salamat po!! We "banned of brothers" salutes you!!

(http://img.tapatalk.com/d/14/03/17/sasa9yhu.jpg)

Sent from my Excite 450q using Tapatalk

Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: Kurimasu on March 17, 2014, 06:37:33 AM
In behalf of the PT BULALO Community, we are greatfully greeting you a Happy Anniversary. May we have more anniversaries to come. Enjoy!!!!


(http://img.tapatalk.com/d/14/03/16/raga5agy.jpg)

Sent From My Sharona Using Tapa King... /m/...

Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: fayt on March 17, 2014, 03:20:46 PM
Whoooaa..... ang sarap nyan sir kuri..... yummy  :-[ :-[

OT:

Sa dami ng online forum na nasalihan ko dito lang ako naging active. Bakit? dahil isa rin ako sa mga member na nakapagregister nun kakaactive lang uli ng PT matapos eto magsara. At feeling ko magiging isa ako sa pioneer ng mga ibat ibang threads dito sa PT dahil kabubukas lang neto at wala pang masyadong miyembro na nagshshare (pasensya na... feeling lang naman lol). Hanggan sa nun naging active ako sa site, dito na ako nakikipaginteract o minsan nakikipagusap na sa ibang active na miyembro ng PT. Hanggan sa nakagiliwan ko na magpost/magshare/etc ng kung ano ano information na nakikita ko rin naman sa net. Ayos yun feeling na may nakakaappreciate sa mga threads mo at minsan naman nilalangaw depende kung gaano kaganda ko patok sa panlasa ng mga member dito sa site. Ayos din sa pakiramdam na may nagreresponse sayo na member or meron interaction between members of the group. Nandyan din yun parequest request ko sa site related ng kung ano ano na minsan granted or minsan naman hindi kung masyado ambisyoso ang aking kahilingan. At yan na nga naging hero member which is wala rin naman pinagbago dahil kung ano ang nakikita ng regular member, yun lang din nakikita ko. Kaya for me, wala rin naman pinagbago mula noon regular member ako hanggan sa naging hero member ako maliban lang sa badge.

Nandito rin na nakakilala ako na ibat ibang uri na personalidad ng mga miyembro. Yun iba dito gwapo, o minsan naman feeling gwapo. Yun iba feeling mataray o minsan naman mataray talaga. Nandito rin yun mga matatalinong forumer na nagbibigay  ng kakaibang insights sa topic. Nandyan din yun mga sarcastic na member which is for me nakakatuwa magbasa ng mga ganitong comment dahil napapaisip ka muna bago mo magets ang kanilang mga reply. Nandyan din yun mga pa cool dito sa site pero hindi mo alam kung ganun din ba sila sa tunay na buhay. Nandyan din yun mabait at magalang pero masama pala sa labas (parang ako to ahh...  who knows?  lol). Nandyan din yun mabait at kinagigiliwan mong member sa una pero parang bulkan nun nagalit. Nandyan din yun mga magagandang member ng PT at syempre nandyan din yun mga feeling maganda o feeling seksi na member dito sa site. At nandyan din yun nagdudunung dunungan pero wala palang alam (ouch!)

Dito ko lang din nakita na pagtatalo mula sa walang kakwentang kwenta bagay ay pwede rin lumaki dahil sa walang kakwentang kwentang rason ng bawat miyembro na sangkot dito. Nandyan din yun mga nabuo lovers online na minsan pang matagalan o minsan sandalian lang. Nandyan din mga kwentong kalandian ng ilan mga member na kagigiliwan mong basahin. Nandyan din yun mga pantasya na sa isip mo lang pero nanyayari pala sa iba. Dito lang din ako updated sa mga naglalabasan scandal na nababalita pa sa tv. Dito rin sa site na to ang mga author ng malulupit na erotic stories na nagbibigay aliw sa ating kaisipan.

Sa one year palang ng PT, masasabi kong maraming nanyare na UPS and DOWNS sa site. May mga nawala member at napalitan naman ng iilang active member. Nandyan din yun pagkakamali ng iba na nagresulta ng pagkakabanned o pagkakatanggal ng badge (ehem! lol). Marami pa rin ako makikilalang member ng PT. Marami pa ako makakameet siguro dito. Marami pa ako mababasa na kakatuwang mga reply o comment. Marami pa din ako mababasa na mga erotic stories. Marami pa rin ako kakaining bigas para pumantay o makilala dito sa site. Marami pa ako makikilala mga member na makakasundo ko o minsan naman makakasamaan ko ng loob. Depende yun kung paano nyo ako pakikitunguhan. For me, naka one year ako na masasabi kong wala ako nakasamaan ng loob. Nakakalungkot sa ibang member na wala, pero wala na rin ako magagawa sa kanila. Pag pasensya nyo na kung may nakasamaan ako ng loob dito. Pagpasensyahan nyo na rin kung may idea kayo na taliwas sa akin.  Patuloy pa rin ang life inside and out ng PT.

happy anniversary PT

more to come!!!

iyon lang po
fayt
Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: Kolehiyala™ on March 17, 2014, 03:55:10 PM
HAPPY ANNIVERSARY  PINOY TAMBAY... kahit matagal na ang PT sa dating bahay dito sa bago natin bahay ako naging kilala at mas naging active... dito ako nagkaroon ng maraming buddy pati mga nawala dahil sa pagka-ban naging friends ko din kaya nakakamiss din sila... marami din tayong dinaanan na controversies lalo na para sa amin sa venus room kaya nakakapanghinayang din ang samahan doon, sana maayos din ang lahat... naging ghost town tuloy ang venus room hehe...   Again HAPPY 1ST YEAR ANNIVERSARY PT sana tatagal pa ito ng todo hehe... Sana ipadala yung Shirt na price ko para makapagpapicture na suot yun hehe


(http://thumbnails109.imagebam.com/31504/36b414315031395.jpg) (http://www.imagebam.com/image/36b414315031395)
Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: Lord Nok Von Hauten on March 17, 2014, 03:56:50 PM
Wala po akong masabi basta, yeheyyy birthday ng PT!

Sent from my Lenovo A3000-H using Tapatalk

Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: Troll Montero on March 17, 2014, 05:37:33 PM
Mabuhay! Hello ebilibadi, ako po si Troll Montero taga tondo, manila i am 6 years old (lol), may kasabihan po tayo na ang batang makulet pinapalo sa puwet, i thank you.

Happy Anniversary sa Pinoytambay... More power sa Admin at sa mga brader and sister nating mahilig mag post at mag share, pati sa mga member nating mahilig magbasa lamang at hindi mahilig mag  mag post at mag like.. Mabuhay!
Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: bohica on March 17, 2014, 05:48:26 PM
(http://www.fhm.com/imgs/631/400/0/original/Full201105161440284862738_audrina-patridge-bikini-girls.jpgx)

Happy birthday PT.  Congratulations to us all!

I wish everybody had a grand time.  I did. 

Let us work together to make PT better.


Title: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: ladyvirus01 on March 17, 2014, 06:26:42 PM
Happy 1st year Anniversary ka-PT  more more years to come!!! let's move on....Let bygones be bygones!
Thank you so much guys!!
(http://img.tapatalk.com/d/14/03/17/desede9y.jpg)




Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: Heathcliff on March 17, 2014, 10:57:33 PM
 
it's been years...i saw different kinds of people here, mostly, passers by...while a few chose to stay out of loyalty...most members, drifted away...but i guess, it doesnt end there...does it? People come and people go...oh yes they do...but it doesnt stop them though....from returning, retracing their steps...reminiscing...and eventually....giving it another try...TO STAY.

I have been a part of this place I fondly call..."MY SECOND HOME" ...unfortunately, i didnt felt that way before....I was just an onlooker, a regular poster...a passive member...But as the days passed on...I came to know people...here is where i have harboured such immeasurable feelings of joy, love...and even  disappointments ., but above of it all..."friendship". i'd say..."one of a kind" I may be "naive" or too sentimental...or even..too idealistic, But this HOME, is where i felt something really special...something that will make YOU close your eyes...and say, " THERE'S GOT TO BE SOMETHING, GOOD OUT THERE..STILL" Though LIFE is not all perfect and rainy days could still cast a gloomy cloud on our skies...

...this place will always be that special "somewhere" ...wherein you could find a secret cozy place to snuggle in with your thoughts, or just simply stay...and share a few laughing moments...

i dont want to continue my mushy talk here...i just want to wish and blow a special candle for you ...HAPPY BIRTHDAY MY HOME!

...wish ko lang marami ka pa sanang puso at kaluluwang mapasaya...wish ko lang, marami sanang makatagpo pa sayo...at manatili na den sana sila....kasama ko...kasama namin...LAHAT!

you already reached your MILESTONE , IN BEHALF
 OF ALL THE MEMBERS HERE...THANK YOU SO MUCH FOR GIVING US A SECOND HOME!
 :-X :-X :-X


Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: amutog on March 18, 2014, 12:49:54 AM
happy anniversary PT!!!

shout out na din sa admin, modz at staff thank you sa inyo at nanatitili pa din buhay ang PT kahit ilang beses ng bumagsak pilit nyo parin itinatayo..kaya maraming thank you sa inyo!!!!!

Sent from my Spark XM730M using Tapatalk

Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: serestro09 on March 18, 2014, 01:40:28 AM
(http://th02.deviantart.net/fs71/PRE/f/2012/216/5/4/happy_anniversary___digitized__by_mikodaskitty-d59lk44.png)   :D :D ;D ;D ::) ::) :-X :-X :peace: :peace: :-\ :-\ :-* :-* :)) :)) ^-^ ^-^ >:D >:D :hi1: :hi1: :penge: :penge: :) :)
Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: mikul8 on March 18, 2014, 02:30:15 AM
Its been a year pla nung sumali at maging active ako sa forum site. Dati rati passer by lang ako, hanap dito check doon, nlungkot man ako na nawala ang mga dating inaabangan ko sa site na to may nagain nmn ako na masasabi kong panghabang buhay ko maalala, dito ako una naging active na forumer, nakatalsik laway ika nga sa batangenio sa mga forum topics tungkol sa ano ano, hangang naging active sa chat at nakakilala ng mga taong maiituring kong kaibigan, karamay at inspirasyon sa araw araw, nging habit na ang pagsilip at ngaun nga lageh ng active (petiks sa work pra magpt). Maraming salamat po sa lahat ng bumubuo at kapamilya, kapuso, kabarkada, kaninja at kung anu pa mang "ka" yan ng pt.

Happy anniversary pinoy tambay looking forward for more and more eternity!

Experiment 626 aka stitch

Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: rolper on March 18, 2014, 02:50:53 AM
happy 1st anniversary PT
wishing you many many more anniversaries to come.
Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: zzgundam on March 18, 2014, 05:59:14 AM
Happy Anniversary to PT! Glad to be a part of this family.
Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: aDiDas on March 18, 2014, 07:35:22 AM
Sa kauna-unahang pagkakataon bilang isang ordinaryong myembro ng PT ngayon lang ako nakaranas ng anibersaryo. Nagumpisa ako bilang newbie pero hindi sila nagsecelebrate ng anniversary siguro dahil walang nakakaalam ng eksaktong date.

So nagpapasalamat ako sa lahat nang nagplano, nagpakapuyat, at nagpursige para matuloy itong anibersaryo ng PT. Mula sa mga staff, ECM, hangang sa newbie maraming salamat sa inyo.

Sa mga staff na walang sawang tumulong magmoderate ng ating bahay para mapanatiling malinis at maayos ito, sa mga ECM natin na hindi ko expected na magiging support sila instead of magiging dagdag pribilehiyo sa kanila ang pagiging ECM. at sa mga hacker na pumupuno ng log natin salamat sa inyo dahil natutunan ko pano gagawin kung umaatake kayo. At sa mga myembro ng PT salamat at patuloy nyong sinusuportahan ang bahay natin at ang pagrespeto nyo sa mga staff dito salamat po dahil yan lang ang sinasabi ko sa kanila kapalit nang paghihirap nila sa bahay na ito dahil wala akong pera para ipasahod sa kanila.

Sana magpatuloy pa tayo at magkaroon ng madaming anibersaryo.

Masasabi kong mas nahihirapan ako ngayon kesa noon pero mas masaya ako ngayon sa kinalabasan ng bahay na ito. dahil mas madami ang myembrong nakikibahagi sa anumang proyekto meron ang PT. mas madami ngayon ang nagsasabi ng ideya nila para sa site.

Sana masaya ang lahat at abangan ang gaganapin nating pagpiprisinta ng mga nanalo at mga parangal batay sa buong taon nyong pamamalagi dito sa PT.
Title: Re: PT ANNIVESARY GUEST BOOK!!
Post by: kylun on March 18, 2014, 07:40:03 AM
wohooooooooo.....1yr na ang PT!!!!! matagal na akong member ng bahay na ito...ito ang libangan ko simula ng mag trabaho ako d2 sa gitnang silangan 6yrs ago...nakakalungkot man na nawala ang lahat ng pinaghirapan ntn ng mga nag daan na taon pero ok lng un..gnun tlga ang buhay..ang importante plgi tyong bumabalik d2 sa ating bahay..salamat sa mga admin na muling bumuo ng bahay na ito sa lahat ng modarator at xempre sa lahat ng members...active ka man o hnd bhagi n tyo ng bahay na ito..dapat  alagaan ntn pra hnd n ito mwala ulit...muli ang ang aking pg bati ng maligayang unang anibersaryo PT!!!! :) :) :)

Sent from up above from far far away...
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: tonistork on March 18, 2014, 12:02:31 PM
HAPPY 1ST Year ANNIVERSARY beloved PT. ;)

Sana madami pang years tayong i-celebrate. Sa mga Admin, mga writers/contributors at sa lahat ng members, CHEERS. :peace:
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: hctub on March 20, 2014, 02:10:29 PM
Congrats PT/PC admins/mods/members... Maraming thank you sa inyo for keeping PT/PC community alive and strong....  :-X
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: 2lisan on March 20, 2014, 02:50:34 PM
"Happy 1st Anniversary PT"

maraming maraming salamat po sa mga bumuo nito.

saludo po ako sa inyo.
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Zurca on March 20, 2014, 02:50:52 PM
Happy Anniversary PinoyTambay!

(http://www.creatingarts.org/images/1year.png)

Congratulations to the Admins, Staffs, Mods and to all members! Cheers!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: touch go on March 20, 2014, 03:40:09 PM
 ngayon ko lang to nakita , absent kasi ako nung mismong araw ng anibersaryo :-X yahooooo., happy anniversary sa ating lahat....

salamat sa PT,  sa pagkupkop sa akin dito, inakala ko noong una na hindi ako magiging masaya dito ngunit nagkamali ako. kumpara sa dating bahay na kinabibilangan ko noon, doble ang naging kasiyahan ko dito na ngayon ay kabahagi ninyo sa pagdiriwang ng unang anibersaryo..... more power pinoytambay

(https://www.mediafire.com/convkey/8b5f/z52sficm83g9af26g.jpg)
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: lalakesop on March 20, 2014, 07:12:23 PM
congratulations! one year ng nagbibigay saya sa mga taong tulad ko. meron nang bahay na matatakbuhan! dito lahat puede huwag lang makaksakit at makaksira ng ibang members... salamat sa sa PT!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: 2013rev2013 on March 20, 2014, 10:45:55 PM
more events, more sharing, more happy moments pa... :sipol: :sipol: :sipol:

happy BDAY sa tambayan natin!!!   :-X :-X :-X :-X
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Parabola on March 21, 2014, 03:21:40 AM
Happy Anniversary. Maraming salamat sa Admin at sa mga staff, at sa mga kaPT, partikular na kela Mam Cathrina, Sir Fayt, Sir Monde, Mam Rai, Sir IORI at Sir Imoy, marami akong natututunan dito, napasaya ako at nakapaglabas na din ako ng mga saloobin ko dito na di ko kayang sabihin kahit sa pinakamatalik kong kaibigan . Naalala ko dati ilang taon na din pala nakalipas, pabasa basa lang ako dito, lalo na sa tagalog section, haha, lumang cp pa gamit ko, magloload ako ng P50 tapos magregister ako para maunli yung internet nun nang 1 day, susulitin ko yun, magpupuyat ako para maraming mabasa, naaasar ako pag may mga pics akong di mabuksan kasi kailangan ng 20 post ata yun, hehe, adik lang. Nanghinayang ako dun, kung nagpost na ako noon pa, mas madami sana akong nakasalamuha dito.
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: kingjames24szupladoh on March 21, 2014, 11:33:00 PM
(http://t3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQqi-5oIk5qfnt9MOJx9L-tFSEsyIHz_7BoJpH5_lF9zAWZWIVpF9dAWXE)


congratulations po sa mga bumubuo nitong ating tahanan  ;) kampai po sa ating lahat (http://t1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQi51BJNfMVdwBcH0rPsTj5KR3JAbgYz3zYQmFUqP66yW0IVHoVGHuA-kIq)
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: escape_artist on March 24, 2014, 03:18:00 AM
Greetings to all ...

Just to greet each and everyone especially admin adidas for his unending dedication to the forum. I salute you tol.  And also to all other staff and members.......

HAPPY ANNIVERSARY and wish this forum will remain online forever.

God bless all.........



i SHALL RETURN
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Chrollo on March 24, 2014, 08:17:17 PM

HAPPY ANNIVERSARY PINOY TAMBAY!!!!

Hindi siguro masasabi ng mga salita ang sayang naidulot ng PT sa buhay ko.
I'm thankful  for that unknown reason and consequences that drive and made my way here in this website..More Power po sa lahat ng Active Members mabuhay po tayo!!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: sako23 on March 26, 2014, 05:16:12 AM
Happy 1st Anniversary mga ka PT!!!
Maraming Salamat po sa lahat ng member at lalong lalo na sa mga Admin.
Sa mga stories author at provider maraming Salamat din po sa inyo!!!

 ;) ;) ;)

Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: vash stampede on March 26, 2014, 06:27:45 AM
 :-\ :-\ :-\ :-\


                 HAPPY BDAY mga ka PT... Maraming salamat sa mga bumubuo nito at meron tayong site na mabibisita para makapagrelax at magenjoy sa mga magagandang storya na mga likha ng ating mga manunulat... Nawa'y magpatuloy ang magandang hangarin ng mga bumubuo nitong website na ito... MORE POWER GUYZ!!!!!!!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: firewater on March 26, 2014, 10:39:06 PM
Happy anniversary mga ka PT. Nakakatuwa na isang taon na ang nadagdag sa ating pinagsamahan. Kahit di ako gaano ka active sa forums, ang PT ang aking nagsisilbing tambayan para makapag relax after a long days work. Dito ko rin nakilala ang ilang mga kaibigan na nakakakulitan at nakakasama sa katuwaan, sana darating ang panahon na magkikita kita tayo in person. Maraming maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng PT family, kay Sir Adi at Madam Dimple at sa lahat ng admins and moderator. I look forward to many more years ng pakikipagtambay sainyong lahat. God bless and more power.
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: x on March 28, 2014, 06:20:57 PM
congrats sa PT! sa mga admins, mods at lahat ng member!

looking forward for another more years to come
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: mr_jeng on March 30, 2014, 04:34:22 PM
....How long has it been since I visited this place? A sense of longing kicks in. Having had the honor of being an admin of this site way way way back is definitely one of the things that I would treasure in my life. I had the pleasure of meeting friends because of this site. My experience with them would be forever in my heart. Although, I have moved on, I can't help but see myself visiting once and awhile to see how everything is. Even after trying times, I am proud and happy to see that the site has always been a phoenix.

Happy Anniversary PT!! Awesome at its greatness.  -mr_jeng
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: mico on March 30, 2014, 06:10:06 PM
From the "Old" PT to the "New" PT, I'm just an ordinary reader from the start. The main reason I joined here at first is to follow the story that I'm reading since dito unang nag uupdate yung author. Then na engganyo akong mag comment na din, plus yung ibang site na pinupuntahan at tinatambayan ko before ay mga mga internal problem like, inactive admins, madaming posers at mga magnanakaw ng stories mostly pa galing d2. Honestly nagustuhan ko dito is yung interaction at pagiging active ng mga admins and mods plus the fact na alam mong hindi nila isinasantabi ang mga issues na kailangan ng pansin.

Not a long time ago na nag decide ako mag start magsulat and dito ko pinost ang mga original stories ko and mas naengganyo pa ko after those heart warming comments ng mga readers. Until nakabuo na ko ng series of stories na dito ko lang inuupdate.

Na enjoy kona din makipag interact at makisali sa iba't ibang treads pati na din sa shoutbacks. Without PT siguro I can say na bored ang buhay ko sa work everyday at malaking tulong talaga sakin ang forum na ito.


More power and Happy Anniversary Guys, A salute to all the admins and mods of this forum, lalo na yung times na need ma reboot and site na ito from scratch... I am a web developer pero siguro If it happens to my site tatamarin nako mag start ulit. But you showed the courage that nothng is impossible as long as you are determined to work on something out of nothng. Kudos!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: djomay on March 31, 2014, 09:35:40 PM
Happy Anniversary PT... ang masasabi ko lang nag enjoy ako dito sa bahay natin, kau lang hindi ko pa ma explore ng husto ang bahay natin... Mabuhay!!! ;D
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: leonel_aztig on April 01, 2014, 12:06:31 PM
hehehe super late n pagbati sa inyomga k pt medyo nging bc aq s work kya ngayonlng ulit aq nka bisita :book1:
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: edlovemina on April 05, 2014, 11:36:11 PM
happy anniversary PT

kahit di ko na ma retrieve ang old account ko sa pinoy tambay group...starting new again ako pagkatapos ng matagal na panahon...  :D :D :D :D :D :D :D :D :D :D
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Mark Yap T. on April 11, 2014, 09:55:22 AM
Congrats to all the members and admin and to sir adidas...

More stability,fun and excitement etc.. to the forum,God Bless..
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Cathrina on April 13, 2014, 01:24:47 AM
Happy 1 year pt kahit late na ako medjo nacomplicated kasi situation ko for a month..atleast nakabalik na sa pag ol..
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: swiperfox70 on April 13, 2014, 10:13:56 PM
Happy Anniversary mga ka-PT, specially to the founder, & admin of PT.

I enjoy very much of the stories told of our esteemed writers, specially those novel-types.

Thank you very much and hope for more anniversaries to come.
 ;) :D ;D :-* ::) :'( :)) :think: :peace: :hi1: :bye: :book1:
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: redninja on April 14, 2014, 10:00:10 AM
 :hi1:Huli man ng kaunti,,, HAPPY ANNIVARSARY sa lahat ng Ka PT!!! More POWER sa Admin at sa lahat ng mga patuloy na tumatangkilik ditto.... :-* :-*
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: ravagerphp on April 14, 2014, 03:50:59 PM
 :-* Thank you sa lahat ng bumubuo ng PT from admin, staffs and members and lurkers.
Sana ay patuloy nyong maipatuloy ang inyong magandang. Happy aniv again at sana ay ma sundan p ito ng marami.
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: fayt on April 14, 2014, 07:11:49 PM
:-* Thank you sa lahat ng bumubuo ng PT from admin, staffs and members and lurkers.
Sana ay patuloy nyong maipatuloy ang inyong magandang. Happy aniv again at sana ay ma sundan p ito ng marami.

salamat sa pagdaan dito sa area na to ng PT....

hope to see your post sa ibat ibang thread

welcome dito....
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: naruto on April 15, 2014, 04:16:58 PM
happy 1st year anniversary to all PT!!! tnx to all the admin and moderator that bring PT back!!! congrats and more power!!!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: marinero on April 20, 2014, 11:17:49 AM
Happy 1st year anniversary to OLOPAS!!!!

 :hi1: :hi1: :hi1: :bye: :bye: :bye: :brucelee1: :brucelee1: :brucelee1:
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: chris090910 on April 20, 2014, 10:37:43 PM
Happy Anniversary PT :)

Thank you sa lahat ng bumubuo ng PT from admin, staffs, members and lurkers. It's good to be part of this online community. Nawa ay di kayo magsawa sa pagsuporta.

Looking forward for more more more years to come. Mabuhay....
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Rizal on April 23, 2014, 03:57:43 PM
Happy Anniversary PT :D Mabuhay ang lahat ng bumubuo at lahat ng miembro! Magdiwang tayong lahat!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: knightmare on May 20, 2014, 07:05:35 PM
Congratulation for PT for making its 1st year anniversary!!!  :hi1:

Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: scythecorleone on May 24, 2014, 03:26:37 AM
Happy anniversary PT! Its been a year na pala

Sa lahat po ng bumubuo ng Pinoy Tambay ...

Maraming maraming salamat po!!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Cyber Tambay on May 30, 2014, 06:43:37 AM
Mula noon, hanggang ngayon. Nawala man minsan and pinoytambay, patuloy pa rin bumabangon at gumaganda! More power!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: nhokie on June 02, 2014, 02:03:38 AM
Congrats PT,, 2008 pa nung sumali ako.. grabe ang tagal na din nito.... eto nging libangan ko sa abroad... salamat PT
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: jnlabra on June 08, 2014, 06:20:04 PM
hello mga ka PT...its been 4yrs nung huli akong dumalaw d2.. :'( :'(may ngbago na pala d2

hihihih


back to zero ulit ako.. :book1:
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: xyborgzzz on June 17, 2014, 06:57:35 PM
Congratulations po sa lahat ng bumubuo at mga ka PT. It's a pleasure to be here and glad we reach a milestone of this community site. Sana po tatagal at marami pa ang papasok dito bilang members. Maraming Salamat po!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Kiminobu Kogure on July 11, 2014, 02:44:28 PM
kay tagal kong nawala... at ngayon ako ay nagbalik, nais kong batiin ang lahat ng bumubuo ng PT.

mabuhay kayo at ipagpatuloy natin ito.. maraming salamat sa ilang taong pagsasama, ilang reset man ng server ang nakalipas.
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: bigstick on July 15, 2014, 06:46:09 PM
happy anniversary sa PT.

sa mga nagshashare ng post lalo na sa tagalog section and scandals section maraming maraming salamat sa inyo. kayo ang bumubuhay sa dugo ko sa bawat pagkakataon na nakakadalaw ako sa site. huwag sana kayong magsawa sa kakashare ng mga post at sana madagdagan pa kayo.
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Yoru™ on July 31, 2014, 09:55:51 AM
akala ko 7 or 8 years na ang PT? well, Congrats PT. thanks for all the memories, ya'll!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: jarilla on September 27, 2014, 09:48:14 AM
happy happy anniversarry mga ka PT.salamat sa pag accept sa akin sa group na ito.
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: chinkeebabe on November 20, 2014, 12:58:49 PM
namiss ko to.. ninang admin dimplez... ndi ko na ba pwede maretrieve and badges ko... :P hahahaa! :P start from scratch na naman aketch... nakakatuwang isipin sa nagdaang panahon at taon, eto at nakatayo parin ang nag iisang tambayan ng bayan... :D i would say... more power to all the staff, admins, co admin at sa lahat ng bumubuo ng pinoytambay... maraming masasayang alaala ang naidulot ng forum site na ito.. and for that pinoytambayan will always be a great part of me... love you all... :)
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: dimple on November 21, 2014, 06:53:02 AM
namiss ko to.. ninang admin dimplez... ndi ko na ba pwede maretrieve and badges ko... :P hahahaa! :P start from scratch na naman aketch... nakakatuwang isipin sa nagdaang panahon at taon, eto at nakatayo parin ang nag iisang tambayan ng bayan... :D i would say... more power to all the staff, admins, co admin at sa lahat ng bumubuo ng pinoytambay... maraming masasayang alaala ang naidulot ng forum site na ito.. and for that pinoytambayan will always be a great part of me... love you all... :)

Welcome back Izzapot!!! awwwww good to see u around... once a PT will Always be a PT... madali mo naman mababawi mga badge mo ikaw pa masipag!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: chinkeebabe on November 24, 2014, 02:04:06 PM
Welcome back Izzapot!!! awwwww good to see u around... once a PT will Always be a PT... madali mo naman mababawi mga badge mo ikaw pa masipag!

thankies ninang dimpz.. mejo kinalawang na sa forum site... hahhaah! :) pero will try to make it up here... mag hahakot na ako ulit ng members.. hahaha! :P
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: thugzmalupit on February 22, 2015, 05:54:02 PM
Happy Anniversary mga ungaz hahahahaha!  :suka3: :suka3: :suka3: :peace: :peace: :peace:
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Cathrina on March 18, 2015, 05:12:38 PM
Yeyyy another year,happy anniversary Pt and to all members,admins and staff...more years to come!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: 5y5t3m_cr45h on March 18, 2015, 05:40:41 PM
happy anniversary mga ka PT  :-X :-X :-X

silip lng kahit di na masyado active  8) 8) 8)
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: dimple on April 01, 2015, 05:27:44 AM
 :-XYESSSS ANOTHER YEAR FOR ALL OF US!!! :-X

sa dami man ng issues andyan pa din ang tawanan, biruan at higit sa lahat samahan di matatapatan!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Cheznna on September 05, 2015, 02:18:50 PM
 ^-^ :-* :-[
Happy anniversary saten!!

Napakamemorable ng site na to kasi dito ako natutong magsulat, ng mga kwento at ng kung ano ano pa!

More power sateng lahat!!!

Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: jamesbond on March 16, 2016, 09:07:33 PM
(http://s9.postimg.org/q9s86xda7/images.jpg) (http://postimage.org/)

aba eh magpapalista ulit ako sa 3rd anniversary ng PT... andito pa din naman ang jamesbond.... for some its their 3rd but for me.. uhmm... kelan nga ba tayo nagkasama boss PT... hahaha... let's not count the years we've been through together.. don't count the countless times you've made a person happy.. if you do, you might get tired of counting... kaya chill lang ha... o sya... kampay muna ng isang boteng beer... HAPPY ANNIVERSARY!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Razz on March 16, 2016, 09:16:19 PM
aba makiki Happy Anniversary na rin ako sa PT tumagal na rin pala ako dito!!! kampai!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: bohica on March 17, 2016, 12:00:50 AM
Happy 3rd Anniversary Greetings to all Officers and Members!

(http://hatnpatch.com/zencart/images/ST-1108.jpg)

Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Cathrina on March 17, 2016, 12:28:25 AM
Wow!time passes so quickly more years to count!happy 3rd year anniversary pt..3 year na tayong Mag on  :D...
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: ladyvirus01 on March 17, 2016, 01:36:18 AM
Happy Happy 3rd Anniversary to all of you guys we are glad and appreciated much for supporting PT, maraming salamat sa inyong lahat muahhhhh

(http://uploads.tapatalk-cdn.com/20160316/eca26db52b353b5ef1cf44c1fb9cb8ed.jpg)


Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: carlo1225 on March 19, 2016, 03:52:44 PM
hapPThird Anniversary!!!

 :-X :-X :-X

 ::) ::) ::)

 :D :D :D

hapPINOYTAMBAYnniversary!!!
 :peace: :peace: :peace:
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: fayt on March 21, 2016, 11:40:46 AM
Happy 3rd year Anniversary to All..

Maraming salamat sa mga member na hindi bumitaw at patuloy sa pagsuporta sa ating tambayan..

Para sa inyo po to..

Cheers!!!!!!!!
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Heathcliff on March 21, 2016, 12:25:56 PM


another year, another chapter fulfilled! Hoping for more rewarding and glorious anniversaries to come...Happy Birthday to our HOME!

God Bless US all and More Power to PINOYTAMBAY! :-X :-X :-X




Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: 5y5t3m_cr45h on March 21, 2016, 01:46:49 PM
oiii!! ikatlong yugto na pla ang tambayan natin  :-X :-X

happy 3rd anniversary kaPT!!!

daan lang muna si ako mejo busy na talaga di na maka adik masyado  :head: :head: :head:
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: ovhell on March 24, 2016, 10:51:27 PM
on and off man gawa sa personal life issues... the best tambayan ko pa din to..

happy anniv mga ka PT..
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: arthas™ on March 25, 2016, 12:01:06 AM
Happy 3rd year and counting sa lahat! Enjoy enjoy lang.  :-X
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: pinuno on March 25, 2016, 01:20:44 AM
Happy anniversarry mga ka tambay!Hoping for more years of tambay here..
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Lauren_Nataraki on May 19, 2016, 11:06:30 AM
Naninibago ako sa aking muling pagbabalik. Higit 4 o 5 na taon na din mulA nung mapabilang ako sa tambayang ito. Na noong una'y akala ko pampalipas oras lang. Pero nang magtagal, nakakilala ako ng mga kaibigan, mga kapamilya na sa oras ng pangungulila ay naging karamay at kasama. Nailathala ko ang mga kwento ng pantasya ko sa noo'y alay ko sa isang kagrupo din natin dito. Hindi ko din napansin na noo'y naging sobrang aktibo na ako sa pagpapahayag ng mga tunay na kwento ng ligaya at pagmamahal, maging ng mga pantasya at iba pang nilalaman ng mapaglarong isipan. At biglang nawala ang tambayan. hindi lang minsan. Parang ang hirap magsimula ulit, pero eto nanaman ako. Salamat sa inyo mga katambay. Sayang nga lang at pati store house ko ng mga kwento at pantasya ko ay nawala na rin. Pero alam kong sa tamang panahon at diskarte, makakabalik at makakabahagi din ako sa ating lahat. Long live this site! :'(   
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: poovie on July 10, 2016, 12:30:53 AM
Great Thing I love it, Chapeau!
 ;)
And go on.
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: al_faris on September 25, 2016, 06:11:07 AM
 :penge:i :DHappy Anniversary mga katambay, ang tambayang binabalik balikan! :sipol:
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: anbu013 on September 30, 2016, 03:08:08 AM
Ang Tagal ko na din palang member dito..wahahaha!! nabago lang ang url pero pareho pa din ang nilalaman congrats po sa admin / grupo ng site na to!! More power po! :-X :-X :-X :-X :-X :-X :-X :-X
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: KurtEMC on November 16, 2016, 01:52:02 AM
Bago lang ako dito pero happy anniversary mga ka pt ^_^
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: xerxes14 on November 18, 2016, 12:17:40 PM
 Happy Anniversary PT! Sarap talaga dito at hindi nakaka bored. More years to come!


Sent from my iPad using Tapatalk
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: sweetcouple02 on November 18, 2016, 04:46:12 PM
Happy anniversary PT eto ang naging bhay q para mas lumawak ang aking kaisipan, naging tambyan s mga oras ng pagkabagot at naging sandigan s panahon ng pagiisa...sana mas humaba pa ang samahan ntn mga katambay muli maraming salamat at maligayang anibersayo s tambayan!

Sent from my C2005 using Tapatalk

Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Yoru™ on February 07, 2017, 09:56:58 PM
Miss ko na kayo, ano na ba nangyari sa PT? mag 10 years anniversary na. sa mga current admins huwag niyo po pababayaan ang PT please. nandito po ang legacy namin. Taong grasa, Nimrod, mga otaku, ate Nerizza, ate Dark Phoenix miss ko na kayo? ano na nangyari sa inyo?
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: retrovans on August 25, 2017, 08:00:14 AM
Happy Anniversary.....pasensya na po at ngayon lang ako bumati....laging busy sa work....napapadaan pa rin dito paminsan minsan....nagbabasa at naglilibang.....mabuhay po.... sana nga po ay magtagal po ng mahabang panahon habang tayong lahat ay nabubuhay hehehe.....
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Puswak63 on March 12, 2018, 06:46:20 PM
Malapit naman bday ni pt.its nice we still alive :suka3: :suka3:
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: 5y5t3m_cr45h on March 24, 2018, 04:50:05 AM
another year . . . another celebration . . . tumamlay man andito pa rin ang paboritong tambayan . . . cheers for the years to come . . . .
Title: Re: PT ANNIVERSARY GUEST BOOK!!
Post by: Marksidian on March 26, 2018, 12:04:05 AM
HAPPY ANNIVERSARY For all members who stay here longer than me, I admire you for being here. For the new members please enjoy. Hope the Moderator Will plana party or a gathering of new and old acquaintances and it will set on a weekend like Saturday coz I'll come for sure. See You soon everyone.
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2024, SimplePortal