0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
wow architect pala ang may pananagutan sa lahat. ngayon ko lang nalaman iyon
yun ang sabi sa post ni suicideking e. technically, arki daw may pananagutan sa lahat. aba'y di na pala kailangan ng mga engineers e. yey
@suicideking binasa ko lang uli yung post mo. nabanggit mo talaga na "technically, arkitekto ang may pananagutan sa lahat". kung iintindihin ko siya mabuti, dahil may "technically", ano meaning nun? technically, yes. pero actually, no? kasi ang may pananagutan sa struct, e struc, elec e elec, etc etc. pero OVERALL, architect ang may pananagutan, tama ba? dahil kayo ang nagiging "Construction Supervisor / Manager", kayo ang nag e ensure na lahat ng plans or designs ng mga engineers (at ng iba pang arki) e na co comply?
@suicidekingso pag mapapatayo ng bahay, mas advisable na kumuha ako ng Arki para maging Site Engineer or Supervisor kasi mas maiintindihan niyo kung paano maisakatuparan ang mga nasa plano?
@suicideking tanong ko lang uli, sa bahay, ano ba madalas na ireklamo sa arki? kasi sabi mo nga, pag sa mga biga o poste, civil/struc. pag sanitary, ung mga tubo, and so on. so ano yung mga madalas mo na ma encounter na "issue" na siguradong pang arki talaga.
I'm an architect.Let me explain some basic points regarding your querries. A simple example, say you (as a client) want to build your house.First of all, tama ka, dapat may "collaboration" (or cooperation) talaga between these professionals. Now, magpapagawa ka ng bahay di ba? hindi naman pwedeng lalapit ka agad sa isang electrical engr. para gawin ang electrical lines kasi nga wala pang plano. ganun din sa civil engr, paano sila magde-design ng mga poste kung ang hawak mo pa lang e ang titulo ng lupa nyo di ba?so you will primarily go to an architect to "design and plan" your house according to your needs.after that, kapag plantsado na ang plano at design ng bahay mo, that's the time na papasok na sa eksena ang ibang ehinyero. you can have your own to suggest, pero usually lalo na sa mga design firms e kumpleto na may engineers na rin sila for the purpose of proper coordination.now regarding the "liabilities"...madalas nauungkat lang naman ito kapag may masamang nangyari (huwag naman sana). tama ka, structural engr. liable sa structural components, electrical engr. sa electrical and so on. for a certain number of years ba kamo? I'm not in particular sa "years" na iyan lalo na sa ibang propesyon aside from mine. to answer the question, yes of course meron kaming pananagutan. pero how many years?maybe sa electrical may limit, kasi sa wear and tear ng materiales. the same as the structural, pag luma na talaga ang building, hindi na sagutin. sa amin naman, bilang ako ang "overall" designer ng bahay mo, kung bumagsak ang bahay mo sagutin ko pa rin yan dahil ako ang may design nyan. of course kasali si structural engr kung doon ang cause.technically, kaming mga arkitekto ang may pananagutan sa lahat. parte kasi ng design namin ang mga poste na gawa ng civil, ang mga ilaw at kable na gawa ng electrical at mga tubo na galing sa sanitary. that's why it is our job to insure that proper design is being followed and applied on site.ilang taon ang pananagutan ng isang arkitekto?para sa akin lifetime. kung ang mga cable wire na gawa ng electrical e nauupod (wear and tear), kung ang mga poste at bakal e rumurupok, ang design namin e permanente na dyan. sabi nga ng aking guro noon, hangga't naroon ang pirma mo sa mga plano, sagutin mo ito.of course kapag may binago na sa "original" plans mo, hindi mo na sagutin yan.
bakal, concreto, pagcocompute ng pera, scheduling at pag oautocad drafting lang naman ang alam ng civil engr. wala naman sa course outline nila sa kolehiyo yang mga yan..Yung iba natututo na rin mag 3d modelling at rendering kasi syempre di maiwasang naiinggit sa gawain ng pang arkitekto.
ayos! pag dumating yung oras na di na aso at pusa ang mga arkis at engineers e uunlad na siguro ang Pinas hehehemag open forum siguro ung PICE saka UAP para ma clarify ung mga points, tapos ma delineate ang mga responsibilities. sama na yung PRC. mag close door ung mga top honchos. brain storming, hindi away. tapos kung ano ang mapagkasunduan e mag pirmahan hehehe.
Industrial engineering student po ako... ano po ba ang pag kakaiba nito sa civil engg?
here's the basic difference...civil engineers designs structures such as buildings, roads, bridges, plants etc... industrial engineers designs and implement methods mostly for industrial plants to make it more efficient... it is more applied science for systems...