My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • Earl143: angela
    March 21, 2024, 05:12:40 PM
  • ungg0y: stephen
    March 24, 2024, 12:22:52 AM
  • makoylets: Laman sa laman
    March 24, 2024, 03:14:11 AM
  • Janzo: Mia
    March 24, 2024, 04:35:21 AM
  • bull28: Maling nangyari
    March 24, 2024, 04:33:14 PM
  • arkanghel_06: tita malou repost
    March 26, 2024, 10:31:37 AM
  • arkanghel_06: tita malou
    March 26, 2024, 10:31:51 AM
  • Itaplenga: My wife gone wild
    March 26, 2024, 08:36:11 PM
  • Beast: Tagalog
    March 27, 2024, 12:11:19 AM
  • Beast: Tagalog
    March 27, 2024, 12:11:38 AM
  • Beast: Tagalog
    March 27, 2024, 12:12:52 AM
  • bull28: Maybila
    March 28, 2024, 04:55:35 PM
  • bull28: Justin
    March 28, 2024, 04:58:34 PM
  • neil2103: True confession
    April 02, 2024, 04:18:19 AM
  • reneb15ph: Round
    April 06, 2024, 03:18:10 AM
  • huenly: Alexxa
    April 08, 2024, 12:30:15 AM
  • Criss22: Brylle
    April 11, 2024, 07:15:37 AM
  • etopak_tukmol: Mang dencio
    April 22, 2024, 07:49:29 AM
  • Itaplenga: Ang usapan
    April 22, 2024, 08:46:16 PM
  • ahw..: tagalog
    April 23, 2024, 02:02:52 PM

Istoryahang Pagibig (Personal Love Stories)

monde8 · 15 · 5404

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline monde8

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Batang Selda
on: February 05, 2014, 11:47:44 PM
Mga ka PT lets share our personal love stories sa thread na ito.

For sure most of us here ay nagkaron na ng experience na magmahal at magkaron ng karelasyon. Yung iba nga baka nangolekta pa ng mga gf or bf. Kwento natin lahat dito kahit paunti unti lang para yung mga kabataang susunod sa yapak natin ay may matutunan mula sa mga naging relationships natin.

Paano at kailan kayo nagkakilala?

Paano mo siya dineskartehan or paano ka dineskartehan?

Gaano katagal ka sinagot or gaano katagal bago mo sinagot?

Ano mga bagay na na enjoy niyo together?

Problems that you encountered?

Ano kinahinatnan ng relationship, nagkatuluyan ba or nauwi sa lahat?

Most importantly, ano mga natutunan mo from your relationship?

Mamayang kaunti umpisahan ko na mag share. Esep esep pa muna kung ano uunahin ko.

Share na din kayo mga ka PT. Lahat tayo one way or another may maibabahagi sa topic na to.
« Last Edit: February 05, 2014, 11:49:22 PM by monde8 »

Sabi ng isang may crush sakin hindi daw ako gwapo, malakas lang ang dating.


My Board

Istoryahang Pagibig (Personal Love Stories)
« on: February 05, 2014, 11:47:44 PM »

Offline jamesbond

Reply #1 on: February 06, 2014, 12:35:17 AM
wow! Nice thread you got here sir... Its 12:33am and its about time for me to sleep... I just passed by to check this topic... I'll be back with my answers for sure... james bond will return...


Sent from my 007 iPhone using Tapatalk


Offline monde8

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Batang Selda
Reply #2 on: February 06, 2014, 12:43:39 AM
Umpisahan ko na. Para hindi ako mahirapan sa progression ng mga ishe-share ko, umpisahan ko mula sa una kong minahal hanggang umabot ako sa pinaka present.

Simula palang nung grade 5 ay classmate ko na si Mary Anne. Bata palang ay kitang kita na ang taglay niyang ganda. Cute, maputi, cool personality, at lutang na lutang ang aura niya kumpara sa iba kong mga kaklaseng babae. Ang nakakatuwa pa ay pareho kami ng paboritong koponan sa PBA kaya kahit pano ay same interest kami na napag uusapan.

Mula grade 5 palang crush ko na siya pero kulang pa ako noon sa self confidence at siyempre totoy pa kaya torpe torpe pa. Hindi ko agad siya niligawan pero talaga namang tinitibok siya ng puso ko at kapag unang beses ko siya nasisilayan sa umaga ay parang umiinit ang tiyan ko at may mga lumilipad na butterflies.

Pagdating ng grade 6 school year 97-98 at umpisa ng buwan ng Disyembre ay napag alaman ko sa mga kaibigan niya na crush daw pala niya ko. Hindi ako makapaniwala. Ang ultimate crush ko eh crush din ako. Wow hanep pare. Jackpot.

Nung nalaman ko yun ay nagkaron na ko ng kumpiyansa na siya na ang magiging first love ko. Napapakanta kanta pa nga yata ako ng "first love first love never dahahays". Ang problema, hindi ako marunong manligaw. Alam niyo na first time.

A day before our Christmas party sa school ay nag stay behind kami ng mga ibang kaklase ko para magdecorate ng class room for the party kinabukasan. Thats when I thought of a move para maging gf ko siya. Sumimple akong bumili ng stationary habang bumibili kami ng mga gagamitin to decorate our class room. Then habang busy sila mag decorate ng class room ay busy naman ako sa library na magsulat ng love letter. Yun ang kauna unahang love letter na sinulat ko. Sinulat ko dun na simula grade 5 palang ay deads na deads na ko sa kanya. Na sa bawat paggising ko ay siya ang dahilang kung bakit ganado ako bumangon at pumasok sa eskwela. Sinabi ko rin na minsan habang nagkaklase kami ay super busy ako na tumitig lang sa kanya at iadmire ang taglay niyang kagandahan. At siyempre ang ending ng sulat ay ipinaalam ko sa kanya na ako ang magiging pinakamasayang tao sa balat ng universe kung papayag siya na maging gf ko.

Nung araw na yun ay hinatid ko siya sa bahay nila. When the time came for us to bid our goodbyes sa harap ng gate ng bahay nila ay binigay ko sa kanya ang sulat.

Eto na Christmas Party na, Dec 19, 1998. Excited at kabado ko sa posibleng isasagot niya. I was hoping for the best but at the same time also expecting for the worst. Nung patapos na ang party at bigayan na ng exchange gift ay may inabot siya saking sulat. Ang ganda nung stationary na ginamit niya at ang bango bango pa.

Binuksan ko ang sulat at binasa. Ang dami niyang sinabi at halos lahat doon ay nagdala ng ngiti sa aking mga labi. Pinaka importante sa lahat, sinagot niya ako sa sulat na yon. Yes, may gelpren nako.

Dahil mag bf at gf na kami ay lagi na kaming sabay kumain kapag recess, kapag uwian na hindi pa agad kami lumalabas ng campus and always making excuses to our parents na may gagawin pa sa school para mas matagal kami na makapag hang out with each other. Pagdating ng gabi lagi kami magkausap sa phone. Ang sarap palang umibig. Nung first monthsary namin, nagcelebrate kami kasama ang ilang closer friends namin at kumain kami sa Tropical Hut.

More on pa sweet pa sweet lang relationship namin. Hanggang cheeks niya nga lang ako pinapayagan na halikan siya.

Dumating ang isang araw na ayokong dumating, bakasyon. Usually gustong gusto ng mga bata kapag magbabakasyon na pero ako ayoko. Ayoko magbakasyon because that would mean na hindi ko siya araw araw na makikita.

Nung unang dalawang linggo ng bakasyon ay araw araw kami magkausap sa phone. Pagdating ng third week ng bakasyon, nagulat ako ng sabihin ng maid na sumagot ng telepono na wala daw si Mary Anne sa bahay. Ang kaso, dinig na dinig ko si Mary Anne na nagsabi sa maid na wala daw siya sa bahay. fall, whats that all about? Ang labo men.

Simula noon hindi ko na ulit siya nakausap sa phone. Isang beses pumunta ko sa bahay nila para dalawin at makausap siya. Kaso pagdating palang sa gate ay biglang kinabahan ako at hindi ko magawang pindutin ang doorbell. Nag stay nalang ako sa tapat ng gate nila and hoped na sana may lumabas at tanungin kung sino ako at ano ginagawa ko sa tapat ng bahay nila at dun ko na sana sasabihin ang dahilan kung bakit nga ako andun. Sumapit ang gabi, walang lumabas ng bahay nila. Umuwi nalang ako. Habang naglalakad pauwi, ayun tumulo na luha ko. Could it be, could this be my first heart break?

Nagpalamig nalang muna ko. Hinintay ko nalang ang pasukan para magkita kami. Dumating ang pasukan pero hindi ko siya nakita. 2nd day of school wala padin siya. 3rd day of school sa wakas nasilayan kong muli ang kanyang ganda. Pang hapon na schedule na pala siya kaya hindi ko siya nakikita.

Nagkatinginan kami mula sa malayo. Nginitian ko siya. Siya naman parang nagpretend na hindi ako nakita at umiwas para hindi kami magkasalubong. Again nawalan nanaman ako ng lakas ng loob para sundan siya at kausapin. Nasaktan ako. Bakit ganun. Wala akong clue kung bakit bigla nalang siyang umiwas sakin, huhuhu.

Next move ko ay ginawa ko after a week ng iwasan encounter namin. Ang ginawa ko naman ay inabangan ko sa labas ng school ang uwian ng mga panghapon. Ang dami nang estudyanteng naglabasan pero hindi ko pa siya nakikita. Worried ako na baka nakalabas na siya at hindi ko lang napansin. Bad trip naman kung ganun. After a few minutes, my heart sank with what I saw. Lumabas siya ng gate at may kasama siyang lalakeng matangkad at maputi. Magka holding hands sila at ang lagkit ng mga tinginan at ang sweet ng mga ngitian. Gusto kong tumakbo papalapit sa kanila kaso naduwag ako dahil ang tangkad nung kasama niya samantalang nung mga panahon yun eh ako yata pinakamaliit na lalake sa mga kaklase ko.

Hindi ko kinaya kaya sumakay nalang ako ng jeep at umuwi na. I considered us done. Its over. Hindi nako humingi ng explanation sa kanya kung ano nangyari and why did it have to end like that. Nag move on nalang nako at iniwasan siya. Kahit nakikita or nakakasalubong ko siya sa campus ay pareho nalang kaming nagiiwasan.

Nagpansinan kami uli nung 3rd year high school na, 2 years after our break up. I never asked for an explanation. We didn't become close friends either, nagpapansinan lang every now and then.

I figured that we were too young to have a serious and lasting relationship nung mga panahon yun. Considered it as puppy love and tamang laro laro lang.

A few years back nagkita kami nung nagka reunion kami ng mga batch mates ko. As usual asaran ng very light at kumakanta kanta pa sila ng "muling ibalik". Tawa lang kami. Nung medyo may amats na sa inuman ay nagkausap kami. Nag sorry siya sa kung ano man nangyari samin noon. Mga bata pa daw kasi kami. I said naman na wala na yun. There goes our closure.

Sa ngayon friends kami sa facebook. She already has 2 kids na magkaiba ang ama. Unang nakabuntis sa kanya, iniwan siya. Yung pangalawa, kasal sila pero sa mga posts niya ay it seems that they are having problems. Kawawa naman first love ko. Good thing is I see that she's strongly facing her challenges naman . As for me, happily married with a son and second baby is on the way in a few months.

Hanggang dito nalang muna. Sorry napahaba yata. Sarap din magkwento at mag reminisce. I hope na naaliw kayo sa kwento ko and kayo din aliwin niyo din kami sa mga personal love stories niyo ha.
« Last Edit: February 06, 2014, 02:22:42 AM by monde8 »

Sabi ng isang may crush sakin hindi daw ako gwapo, malakas lang ang dating.


My Board

Re: Istoryahang Pagibig (Personal Love Stories)
« Reply #2 on: February 06, 2014, 12:43:39 AM »

Offline jamesbond

Reply #3 on: February 06, 2014, 05:21:42 AM
nice share sir... wow! ang ganda ng story mo sir, i don"t usually read stories especially when it comes to love pero dito napabasa mo ako... and i had a great time reading yours.. Thanks!


Sent from my 007 iPhone using Tapatalk


Offline monde8

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Batang Selda
Reply #4 on: February 06, 2014, 05:37:14 AM
Haha salamats. Medyo napasarap sa pagkwento. I'll try to recall din yung sa mga ibang relationships ko and will share it here. Hope to hear from our other ka PTs too.

Sabi ng isang may crush sakin hindi daw ako gwapo, malakas lang ang dating.


My Board

Re: Istoryahang Pagibig (Personal Love Stories)
« Reply #4 on: February 06, 2014, 05:37:14 AM »

Offline jamesbond

Reply #5 on: February 07, 2014, 11:19:30 PM

this really happened to me, although these were not my first loves but its worth a penny...

Paano at kailan kayo nagkakilala?
I was a freshman in college and I had a 4th yr. HS steady gf whom I only got to see every Sunday masses only since she's studying in Bulacan and I'm in Katipunan. I belong to a block section and my classmates at first thought I'm a snobbish type of a person because I have chinky eyes but when they came to know me, hayun, riot na! There is this one girl in our barkada, she stands 5'4" and her name is Arce. She is a beauty, white skin and most of all, dimpled. I get to get along with her like most of the guys but she was always persistent and sticky wherever or whatever I do. I knew based on her ways that this girl is falling for me despite my none assertiveness to her gestures. I just played along as being a close friend to her. In our section, di maiwasan eh, there were other factions. Lahat naman ng classmates ko kinakausap ko and I want it that way. Just being friendly. So dun sa isang group, there is a lady there in the name of Jopay, balbon sya, maharot and oozing with six appeal. Siya ang kabatuhan ko ng biruan sa kanilang grupo. She would always call me 'boyfriend", na when my other classmates would hear that, hayun, they would tease us na as if it was true. Jopay loved the idea and she told me just to play along with her nasty idea. I told her that its not a good idea and that let others know that it was only a joke. And she replied, "Basta! Boyfriend kita!"... I just laughed it off and turned my back, shook my head and moved towards my barkada.   

Paano mo siya dineskartehan or paano ka dineskartehan?
As school days went by, Arce and I got closer to each other. She was very intelligent and always topping the class academic subjects. She thought me the ins and outs of our main subjects. One day while we were discussing one subject matter. She looked so sad. So I asked her what's wrong and anything I can do to help her. She just shook her head in silence, embraced my arm and leaned her head over my shoulder. "Gago ka kasi, manhid ka, mahal na kita nuon pa lang, bakit ba ang tingin mo lagi sa paligid mo.. kay Jopay, kay Anna? ako itong lagi mong kasama ah..." she said. I told her that I have a girlfriend back home and we see each other every Sundays, etc. She replied, "O, anung pakialam ko sa girlfriend mo, iba naman sya at iba naman ako... Akin ka naman lunes hanggang Sabado, so mas lamang ako kesa sa kanya, at solo mo naman ako at wala kang kaagaw sa akin.."

Gaano katagal ka sinagot or gaano katagal bago mo sinagot?
Her statement alone made me felt uneasy. I will be betraying my gf of one year. Damn. But hey, my manly pride got the better of me and so I turned to her and kissed her forehead and that's it. We're ON. One thing I didn't tell her was that I never told her that I love her back. I just told her this, "Ok, we are into this relationship not because we loved each other for we are not really sure about this but we have to do this because its the right thing to do at this very moment..". Then we were locked in a passionate kiss.
 
Ano mga bagay na na enjoy niyo together?
We enjoyed being together. We enjoyed doing six and after which I would wake up seeing her study our lessons. She would teach me everything about our assignments and all. I would return the favor by teaching her various sixual pleasures she couldn't have imagined before. We would dine out every now and then. We do get serious when its examination week.

Problems that you encountered?
Jealousy. She's irritated when she asked me questions every Monday morning. She couldn't helped asking me what my other gf and I did yesterday. When I told her what transpired she would stand up and leave me. Our school foundation came with merry booths all over the campus. I invited Arce for us to go and have a look at different booths but she declined and pointing to her hand held notes. Upon hearing this, Jopay, who was sitting at Arce's back stood up, grabbed my hand and pulled me in a rush. Jopay said "Halika boyfriend, dali!" We went straight to the campus still holding my hand. There is this marriage booth and without further funfare, we were 'married' by a 'priest'. After the 'ceremony', the 'priest' told me, "You may now kiss the bride, James". I told Jopay discreetly, "Hahaha, hoy Jopay wala sa script ito ha.... tara na at balik na tayo sa room natin".. she replied by saying "James, maraming nanunuod sa atin ngayon, ipapahiya mo ba ako dito?". So I looked around us and she was right. So I positioned myself to plant a gentle kiss on her cheek but she grabbed my head instead and she kissed me in my lips. She didn't let go of that moment, not letting go, she opened her mouth and pushed her tongue inside my mouth. French kiss.I thought we were making out at that very moment. Oh boy, she's a good kisser. We left the booth and head towards our classroom. While walking, her arm is locked with mine and told me, "O paano na yan, kasal na tayo paano mo ngayon ipapaliwanag kay Arce yan..." .."Wala naman dapat ipaliwanag at biruan at laro lang naman yung kanina." I replied. "Sinong niloko mo? hahaha... sarap na sarap ka din sa halikan natin kanina tapos parang may matigas pa dyan sa harapan mo hahaha.." she chided me. When we've reached our classroom upstairs, Arce walked towards us and slapped my face.

Ano kinahinatnan ng relationship, nagkatuluyan ba or nauwi sa lahat?
After the semester ended, Arce and I called it quits because of so many jealous and nagging matters of which I am guilty of. Jopay and I became an item for two months while the not so mentioned lady in the name of Anna also became my girlfriend for another 4 months or so.

Most importantly, ano mga natutunan mo from your relationship?
That it is bad to play with somebody's heart if you were really not into it in the first place. But I still wonder as to why I was to be blamed in a failed relationship. I have been very vocal about my existing relationship with them but to no avail. They still want my attention and yet I was the one being tagged as the culprit when things got sour. I guess I have to take it all on me just to spare them from any embarrassment.   


Offline monde8

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Batang Selda
Reply #6 on: February 07, 2014, 11:37:11 PM
Nice share [user]jamesbond[/user]. Based on the descriptions, Jopay's my kind of girl hahaha.

In fairness nakakaaliw nga basahin personal love stories. Para maiba naman at hindi laging yung mga sa adults section binabasa. LOL

Sabi ng isang may crush sakin hindi daw ako gwapo, malakas lang ang dating.


Offline jamesbond

Reply #7 on: February 07, 2014, 11:43:27 PM

Nice share [user]jamesbond[/user]. Based on the descriptions, Jopay's my kind of girl hahaha.

In fairness nakakaaliw nga basahin personal love stories. Para maiba naman at hindi laging yung mga sa adults section binabasa. LOL

thanks sir.. I've tried not to deliver it with much six in mind.. kung lalagyan ko pa eh naku hahahaha... Nasa general section kasi tayo...


Sent from my 007 iPhone using Tapatalk


Offline monde8

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Batang Selda
Reply #8 on: February 07, 2014, 11:46:09 PM
Naku yan nga din pinaghahandaan ko sa mga iba ko pang ipoposts kaya hindi rin agad ako makapag update. Isipan ko pa ng magandang banat na nakakaaliw kahit walang masyadong detail sa jombagan moments.

Sabi ng isang may crush sakin hindi daw ako gwapo, malakas lang ang dating.


Offline jamesbond

Reply #9 on: February 07, 2014, 11:53:53 PM
Naku yan nga din pinaghahandaan ko sa mga iba ko pang ipoposts kaya hindi rin agad ako makapag update. Isipan ko pa ng magandang banat na nakakaaliw kahit walang masyadong detail sa jombagan moments.

yup.... I agree with you.... I have so many stories to tell also, those above siguro mga first part lang ng adventures ko... Marami pa hahahaha....yan kasi ang medyo applicable sa  age bracket ng average age of forumers natin.. Kaya yan muna ang sinulat ko para dito... And when I say, james bond will return, i mean it... Hahaha.... Thank you sir for the space you have provided for me...


Sent from my 007 iPhone using Tapatalko


Offline jamesbond

Reply #10 on: February 11, 2014, 08:23:26 AM
i'm writing my next contribution... Hopefully i finished it soon.. I'm just too busy...


Sent from my 007 iPhone using Tapatalk


Offline jamesbond

Reply #11 on: February 24, 2014, 12:30:53 AM


this started a couple of years ago.....

Paano at kailan kayo nagkakilala?
I was sent by my company somewhere in a European country for an official business. It was my second business trip there. And for the second time I was fetched in the airport by Antonio, my handler. He would pick me up and would drive me to my assigned hotel. Palibhasa pinoy ako kailangan kong makibagay sa mga nakakasama ko. Mahirap mag-isa sa lupang hindi ko kabisado. So I asked Antonio if we can have some drinks sa gabi at sa makalawa pa naman ang official function ko. He said yes and he will be there right in my hotel door by the evening. So I waited. It was around 6:30pm when he picked me up and he invited me first sa kanilang family house. When we got there, isa isa nyang pinakilala sa akin ang family members nya. He introduced to me his younger sister, Nellie, ang ganda nya, long black hair na straight, tangos ng ilong and she's only 19 then. She stands at a stunning 5'8" at talaga namang parang dinrowing ang figure nya. To my big surprise, she works as a part time model and a student at the same time. Na-meet ko din mga parents ni Antonio while endless pastas and breads ang dinner namin. Lengya, di ata uso ang water or soda sa lugar nila at puro red wine ang drinks.   

Paano mo siya dineskartehan or paano ka dineskartehan?
After dinner, ayaw ko ng umalis kina Antonio at talagang gusto ko pang makita si Nellie. Kaso nahihiya naman ako at naalangan at matangkad sya kaysa sa akin. So mayamaya lang nag-aya na ako na umalis na kami ni Antonio at iinom nga kami, pinigilan kami ng father nila and instead sinama nila ako sa may di kalayuan sa kanilang house, may gathering ng mga tao duon at may festivities. So duon kami uminom at naki saya. Hindi ko naman maintindihan ang kanilang lenguahe kaya sagad ang english ko. "i will leave you James to my sister, Nellie, ok?.. don't worry she will not leave you, she will take care of you...in our country, we play a good host to our visitors..." sabi ni Antonio. Nakaupo lang kami sa long table ni Nellie gawing likod. Kwentuhan kami ni Nellie. Kapag nauubos na ang laman ng beer mug ko ay kinukuha ito agad at sinasalinan ng father nila.Sabi ko sa sarili ko, "Ok dito ah, tama nga pala, they play good host sa mga katulad ko, aba sa Maynila bahala na ako dito ah hehehe"... Mahirap din kakwentuhan si Nellie, barok ako sa languange nila at barok din sya mag-english, but somehow we've managed to understand each others' point of views. Red wine ang iniinom nya at strawberries ang pulutan nya samantalang ako lamb chops na parang mechado ang luto. Iba ang music nila, nagkakasayahan ang mga tao, accordion ata hawak nung isang matandang lalaki duon at kantahan sila ng kantahan na di ko naman naiintindihan. Sabi ko kay Nellie kung bakit strawberries ang kinakain nya, she told me na it brings out the flavor daw sa red wine. Aba okay din naman ang isang ito ano at alam nya ang tasting ng wine. Ganito pala dito, namnam ang bawat sip ng wine. Gandang tignan ng face ni Nellie, palibhasa bata pa at panay ang ngiti at tawa sa mga sinasabi ko. Di ko lang alam kung naiintindihan pa ba ako nito or what. Nung nakakarami na sya ng wine, nasabi ko sa sarili ko na ano kaya ang meron at nag-aalis ng sapatos ang isang ito. Naghintay ako kung tatayo ba sya or what, wala naman akong nakitang dagat na malapit duon para maglakad sya ng walang sapatos sa buhanginan. Basta pinatong lang nya mga paa nya sa sapatos sa sahig. So tuloy naman ako sa kwento ko. Tawanan kami until naramdaman ko na kinikiskis nya ang paa nya sa legs ko. At first i thought baka may pusa sa ilalim ng mesa pero alam ko paa nya yun. Dahil wide reader naman ako, alam kong isang flirting gesture yun sa mga foreign countries.

Gaano katagal ka sinagot or gaano katagal bago mo sinagot?
So nung maramdaman ko ang gesture na yun, I immediately stood up and whispered in her ear na I have to go and I invited her to come with me. She obliged and we left the festivities without others knowing it. We flagged down a cab  and on to my hotel. Once inside my room, we freshened up and we had six the whole night. Inaasahan ko na paggising ko sa umaga na wala na sya sa tabi ko and usual naman yun at customary sa mga foreign countries pero laking gulat ko ng pagmulat ko ng aking mga mata na she was wearing my long sleeves without undies na nakatingin sa akin, smiling. I can not ask her the question na "o bat andito ka pa".. but rather i asked her if she's hungry. We fixed ourselves and went to the nearby cozy cafe ala alfresco sa tabing kalsada. Kwento na naman ang James pero bigla nya akong hinawakan sa kamay ko at tinanong, "I like you, do you like me?... We have different worlds but I know I will get to know you much better... you speak by heart and not all men carry themselves like you do...". Para akong tumama sa lotto sabi ko sa sarili ko. "Oh please James, say that you like me too?"..I didn't respond by words but I kissed her lips as my answer. The people that were looking at us chanted the words "amore! amore!"
 
Ano mga bagay na na enjoy niyo together?
Enjoy ako sa kanya kasi parang malaking bata ang kasama ko palagi. She would invite me sa kanilang house at pinagluluto pa ako ng mother nila. Parang Filipina din ang style nilang mag-anak. Hospitable. Ako na din ang nahihiya kay Antonio kasi naasiwa ako na nakikita nya akong hinahalikan ng sister nya. Bibili kami ng gelato sa store at share kami sa iisang cone. No doubt, malupit sa kama si Nellie. Alam nya kung paano ako tatagal at kung kailan ako pabibilisin. Makita ko lang ang maamong mukha nya sa kama talaga namang tatawagin ko ang lahat ng santo na alam ko.

Problems that you encountered?
Marami kaming naging problema. Kadalasan puro time sa isa't isa ang pinagaawayan namin. Long distance relationship din kami kasi laging one or two months lang ako sa bansa nila. Feeling nya kasi parausan ko lang daw sya. I tried proposing to her early last year but each time na mag-try ako laging may problema kami. Nag-aaway. I guess she's not ready yet to settle down mainly because of her age and her career as well.

Ano kinahinatnan ng relationship, nagkatuluyan ba or nauwi sa lahat?
Naging madalang na ang aming communications. Last time na magawi ako sa kanilang lugar eh wala naman sya duon sa bansa nila. I should know because of his brother Antonio na handler ko duon. Dumadalaw pa din ako sa house nila and meet her parents. Ganun pa din naman ang pakikitungo nila sa akin but sadly hindi kami mag-abot ni Nellie, Kapag nalaman ni Nellie na dumalaw ako sa house nila tatawag yan sa akin just to thank me and kumustahin na din ako. So laging ganun. Hanggang sa dumalang na ng dumalang ang aming communications. Alam ko na at her age marami na siyang nami-meet na guys.

Most importantly, ano mga natutunan mo from your relationship?
Lumawak pa lalo ang understanding ko sa isang relationship na ang partner ko ay isang foreigner. Maraming cultural differences that we have to consider. Communication is one and the other is the culture and traditions they have. Masaya lang din ako and I have no regrets kasi hindi naman lahat ng lalaking pinoy ay may experience na ganito. Btw, Nellie called me up late last year just to say hello to me, I just gave her my sweet replies but deep inside me I have no more feelings for her kasi occupied na masyado ang attention ko sa aking work and sa isang Filipina.


Offline monde8

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Batang Selda
Reply #12 on: March 14, 2014, 12:10:36 AM
Update lang natin ang thread:

Nung 3rd year high school ako ay lumipat kami ng bahay. Sa nilipatan namin ay nabighani ako sa ganda ng isa sa mga kapitbahay namin, si Crissy. Same age lang kami ni Crissy pero medyo dalagang dalaga na ichura niya. Nung una ko siyang nakita akala ko college na siya. Dug dug dug sabi ng tibok ng puso ko with matching pag init ng tiyan na para bang may mga butterflies na nagliliparan. Love at first sight.

May pagkasuplada siya kaya nahirapan ako na kilalalinin siya. Eventually ay nasanay na din siya sakin kung kaya nadadalaw dalaw ko na siya sa kanila. Ang madalas kong gawin ay abangan siya sa kanto kapag mga oras na alam kong pauwi na siya galing ng school. Tapos ay sabay kami lalakad papunta sa bahay nila, papasukin niya ko, then hanggang gabi magkasama na kami. Andun ako sa kanila habang naglalabas siya, gumagawa ng assignment, at kung anu ano pa. We became major hangout buddies. Looking back, isa yun sa mga pinaka decorated times of my life when I felt so in love. Mahal na mahal ko talaga siya.

What's confusing though is kahit na madalas kaming magkasama and close naman kami, hindi niya ko sinasagot. Dalawang beses pa nga niya kong binasted pero tinuloy ko lang ang panliligaw. My big break came nung pinalipat siya ng school ng parents niya. Naging schoolmates kami. Hindi lang schoolmates kundi classmates pa. Ayos mas madalas ko na siyang makakasama.

Sabay pumasok, sabay mag recess, sabay umuwi, sabay gumawa ng assignment, halos magkasama talaga kami buong araw. Ngunit hindi araw araw ay pasko. There came a time na naging close sila ng best friend ko. After a few months ay naging sila. OMG I didn't see that coming.

Mga three months din naging sila bago sila nag break. All the while na habang mag on sila ay hindi kami nagpapansinan ng best friend ko at pati si Crissy kahit minsan sinusubukan na kausapin ako ay di ko rin siya pinapansin. Kahit nung break na sila ay di ko padin pinapansin silang dalawa. Until one day na nakita ko si Crissy na mag isa at mukhang malungkot. I approached her and asked kung ano problema. She slowly looked me in the eye, bursted to tears, and hugged me. Habang magkayakap kami ay nilapit niya bibig niya sa tenga ko at bumulong na "I'm sorry". Dialog time...

Crissy: I'm sorry....huhuhu
Monde: Its okay. Kalimutan mo na. I forgive you.
Crissy: I'm really sorry. Hindi ko ginustong saktan ka.
Monde: Wag mo nang isipin. Its all in the past.
Crissy: I love you. Ang tanga ko na hindi ko agad natanggap sa sarili ko na ikaw talaga ang mahal ko. I only realized na sayo ko magiging masaya nung naramadan kong namimiss kita habang kami ng best friend mo. Sa mga huling pagsasama namin, I was with him but I really wished that I was rather with you. Kaya kami nag break. I love you so much.
Monde: I love you too Crissy. Mula noon hanggang ngayon. Walang nagbago. Mahal na mahal kita.

So ayun after almost 2 years since the day I met her and courted her, naging kami. We had a good run with our relationship until the time na when we were about to enroll sa college, nag migrate ang family niya to the US. LDR ang naging peg and it didn't work out.

One of the best memories of my life padin.

I wanna make you smile whenever your sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I want to do is grow old with you

I'll miss you, kiss you, give you my coat when you are cold
Need you, feed you, I'll even let you hold the remote control.

Wala lang, theme song namin.

Sabi ng isang may crush sakin hindi daw ako gwapo, malakas lang ang dating.


Offline Troll Montero

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Hello
Reply #13 on: March 20, 2014, 07:57:27 PM

Paano at kailan kayo nagkakilala?

-Nakita ko siyang umiiyak sa may hagdanan ng LRT Libertad Station.. Pinagmamasdan ko siya, tapos sabay sinabihan ba naman ako nang "ano tinitingin tingin mo dyan ha, ngayon ka lang ba nakakita nang cute na umiiyak?"   sinagot ko siya ng "hindi miss ngayon lang ako nakakita nang alupihan na papalapit sa cute na umiiyak".. ayun nagtatalon at tumitili.. hanggang sa nagtama ang mga ngiti namin...

Paano mo siya dineskartehan or paano ka dineskartehan?

naging magkaibigan kame, nokia 3210 pa ang cp ko that time siya naman motorola. ang text nun ay hindi pa unlimited.. dinaan ko sa joke syempre...

Gaano katagal ka sinagot or gaano katagal bago mo sinagot?

naku 3 try ako nag pahayag nang saloobin ng damdamin bago naging kame.. 2 beses niya ako tinanggihan.. alam ko mahal niya ako kase lang may kirot pa daw sa past relationship niya kaya niya ako tinatanggihan nung una.. nadaan ko sa kulit kaya naging kame.. lol

Ano mga bagay na na enjoy niyo together?

S-E-X, eating each other i mean eating together, tapos swak palagi ang humor ko sa kanya, palagi niyang gets..


Problems that you encountered?

naku may asawa siya haha kasal sa iba...

Ano kinahinatnan ng relationship, nagkatuluyan ba or nauwi sa lahat?

......................

Most importantly, ano mga natutunan mo from your relationship?

natuto akong umibig muli lol

Mamayang kaunti umpisahan ko na mag share. Esep esep pa muna kung ano uunahin ko.

Share na din kayo mga ka PT. Lahat tayo one way or another may maibabahagi sa topic na to.

 :lr: :lr: :lr: :lr: :lr: :lr: :lr: :lr: :lr: :lr: :lr: :lr: :lr: :lr: :lr: :lr:
O... Ohhhhh... Ohhhhhhhhhh....


Offline jamesbond

Reply #14 on: April 05, 2014, 04:48:45 PM
hmmmm.... Nakakalimutan ko ang thread na ito ah... Cge i'll try na makauwi ng pinas next week (holy week) para makasulat ulitm...


Sent from my 007 iPhone using Tapatalk


My Board

Re: Istoryahang Pagibig (Personal Love Stories)
« Reply #14 on: April 05, 2014, 04:48:45 PM »

 


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2024, SimplePortal