My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: IORI™ on January 11, 2014, 02:38:52 PM

Title: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: IORI™ on January 11, 2014, 02:38:52 PM
nakakatulong ba ang gadget sa mga kabataan? o nakakasira ito sa pag aaral nila? karamihan sa mga computer shop halos puro kabataan ang nag lalaro .. sa lansangan naman hawak nila tab or smart phones .. pag dating sa spellings mali mali na sila .. pinatay ng mga gadgets ngayon ang pambansang laro na "sipa" .. parang yung kantang "video kills the radio stars" lang eh .. hehe

Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: caligula on January 11, 2014, 08:20:29 PM
These are signs of time. Change is always good. The key is moderation and parental control. Just like anything in these world, guns, smokes, booze; gadgets will always be there for the asking, it will be up to the people how to administer and limit them.

Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: HashtagMac on January 11, 2014, 10:15:53 PM
Generally, yes. Marami din naman naitutulong ang gadgets sa kabataan. Yun nga lang, marami din ito hindi magandang naidudulot. May pros and cons.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: jamesbond on January 12, 2014, 08:25:22 PM
yes.. Marami naman naitulong mga new gadgets.. Pero pansin ko nagsuffer ang english ng mga kabataan nowadays.. Penmanship isa pa yan...


Sent from my 007 iPhone using Tapatalk (http://tapatalk.com/m?id=1)
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: Troll Montero on January 14, 2014, 01:16:37 PM
oo naman, kase nga yung ibang school eh gamit na nila tablet imbes na books, e-books na, kase mas naeengganyo daw ang mga bata na mag basa kapag tablet... nakakasave pa sila nang puno...
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: pagedown on January 16, 2014, 10:57:13 AM
oo naman kaya lng dapat gamitin sa tama ang mga gadgets n yan...  :peace: :peace: :peace:
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: Tonying Bayawak on January 16, 2014, 11:10:17 AM
Dipende sa gamit, since i was 7 babad na ako sa computer at noong hindi pa kausuhan ng mga wikipedia my mother use to buy me encarta. I use to play also educational games like jumpstart, where in the world is carmen sandiego, clue finders, etc. I could say it's a great foundation upon my learning.

Another was my itouch na hindi ko iupgrade dahil sa jailbreak, i have a great reference for medical issues and curiousity.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: totoym on January 16, 2014, 11:17:56 AM
Nahahati ang pananaw ko kung dapat pa ba nila matutunan ang mga lumang pamamaraan o yakapin na nila ang makabanong panahon.

Halimbawa, ang lumang paraan ng pananaliksik, kelangan pa ba nila pumunta ng librarya para gawin ito o gamitin ang teknolohiya para sa madaling pananaliksik?

Ang mga kabataan na sa mga makabagong gaheto na naglalaro dapat pa ba nila matutunan ang mga laro sa kalsada? Maaring tumalas ang kanilang mga mata at utak pero nagkukulang sila sa kakayanang pisikal.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: Tonying Bayawak on January 16, 2014, 04:41:41 PM
Nahahati ang pananaw ko kung dapat pa ba nila matutunan ang mga lumang pamamaraan o yakapin na nila ang makabanong panahon.

Halimbawa, ang lumang paraan ng pananaliksik, kelangan pa ba nila pumunta ng librarya para gawin ito o gamitin ang teknolohiya para sa madaling pananaliksik?

Ang mga kabataan na sa mga makabagong gaheto na naglalaro dapat pa ba nila matutunan ang mga laro sa kalsada? Maaring tumalas ang kanilang mga mata at utak pero nagkukulang sila sa kakayanang pisikal.

Just to give info, kasi upon making researches and reports naranasan ko ito. We must take the fact na resources such as internet ay updated ngunit sa piling website lang ako umaasa. Mas madaling maintindihan ang inaaral hindi tulad ng libro na ikakalat mo sa mesa sa computer o gadget switch tab lang. Siguro kung gagawa ako ng essay o anumang walang copy paste baka 1-2 hours lang tapos na ako habang sa libro na sinubukan ko noon sa isang case presentation inabot ako ng 4 na oras at hindi ko mabilang kung ilang nakakalat na libro ang nakalagay. Maganda rin ang internet lalo na kung maghahabol tayo ng opinyon, tulad nito ngunit mas maaasahan ang usapang tao sa tao ngunit mas matrabaho ito. Sa libro maganda po ito lalo na kapag usapang pagtitipid. May kuryente kasi tayong ginagamit sa computer at wala na tayong magagawa sa oras na mawalan ng kuryente, hindi tulad ng libro na kahit sa tabi ng kandila may natututunan ka pa rin. Tungkol po sa pagpunta sa library o computer shop o kung saan man nakadipende nalang po ito sa tao at sa kakayanan niyang makabili ng gadget o libro. Sa paraan naman ng impormasyon maraming impormasyon ang ekslusibong mababasa sa parehong libro at internet.
Sa aking pong karanasan sa pag-aaral sa tingin ko po inirerekumenda ko pareho ito, dapat maging balanse ang tao upang mas maging malalim ang pagkakaintindi ng tao ukol sa isang kaalaman.

Sa paglalaro naman po ng mga kabataan ako'y kumakampi sa larong kalsada. Marahil naririnig na natin ito sa mga mayayamang bansa na mataas na ang bilang ng overweight/obese na kabataan. Ito ay dahil parte ng ehersisyo at kalusugan ng bata ang paglalaro ngunit napipigilan ito ng gadget, computer at maging ang takot sa kapaligiran.

Hindi ko po maitatangging isa ako sa nakaranas ng pagbabago, noong kabataan ko tuwing weekends lang ako pwedeng gumamit ng computer at pinigilan akong manood ng tv tuwing may pasok. Ikumpara ito sa marka ng highschool at college halos wala naman pong pagbabago dahil nanatili sa aking isipan ang disiplina.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: mindy on January 17, 2014, 09:37:07 PM
everything has it´s advantages and disadvantages so i agree with caligula, without moderation the advantages will just be useless. The youth should maximize the advantages technology has to offer but should also try to minimize the disadvantages it can cause them...nice topic
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: totoym on January 18, 2014, 09:19:38 AM
Just to give info, kasi upon making researches and reports naranasan ko ito. We must take the fact na resources such as internet ay updated ngunit sa piling website lang ako umaasa. Mas madaling maintindihan ang inaaral hindi tulad ng libro na ikakalat mo sa mesa sa computer o gadget switch tab lang. Siguro kung gagawa ako ng essay o anumang walang copy paste baka 1-2 hours lang tapos na ako habang sa libro na sinubukan ko noon sa isang case presentation inabot ako ng 4 na oras at hindi ko mabilang kung ilang nakakalat na libro ang nakalagay. Maganda rin ang internet lalo na kung maghahabol tayo ng opinyon, tulad nito ngunit mas maaasahan ang usapang tao sa tao ngunit mas matrabaho ito. Sa libro maganda po ito lalo na kapag usapang pagtitipid. May kuryente kasi tayong ginagamit sa computer at wala na tayong magagawa sa oras na mawalan ng kuryente, hindi tulad ng libro na kahit sa tabi ng kandila may natututunan ka pa rin. Tungkol po sa pagpunta sa library o computer shop o kung saan man nakadipende nalang po ito sa tao at sa kakayanan niyang makabili ng gadget o libro. Sa paraan naman ng impormasyon maraming impormasyon ang ekslusibong mababasa sa parehong libro at internet.
Sa aking pong karanasan sa pag-aaral sa tingin ko po inirerekumenda ko pareho ito, dapat maging balanse ang tao upang mas maging malalim ang pagkakaintindi ng tao ukol sa isang kaalaman.

Sa paglalaro naman po ng mga kabataan ako'y kumakampi sa larong kalsada. Marahil naririnig na natin ito sa mga mayayamang bansa na mataas na ang bilang ng overweight/obese na kabataan. Ito ay dahil parte ng ehersisyo at kalusugan ng bata ang paglalaro ngunit napipigilan ito ng gadget, computer at maging ang takot sa kapaligiran.

Hindi ko po maitatangging isa ako sa nakaranas ng pagbabago, noong kabataan ko tuwing weekends lang ako pwedeng gumamit ng computer at pinigilan akong manood ng tv tuwing may pasok. Ikumpara ito sa marka ng highschool at college halos wala naman pong pagbabago dahil nanatili sa aking isipan ang disiplina.

Maganda ang iyong obserbasyon. Pinagsasaluhan natin ang iyong pananaw sa mga bagay na iyan.

Gusto ko din lamang sabihin ang nakikita kong hindi magandang dulot ng pagsasaliksik sa internet. Maaring tama ang impormasyon na nakukuha pero ang pagiging madali ng pagkuha ng impormasyon ay maaring maging dis-adbentahe. Dahil sa bilis ng pagkuha, maaring hindi na mabasa o mapagaralan ng nagsasaliksik ang impormasyon(ctrl c, ctrl v). Siguro pedeng sabihin na hindi lahat ay ganito at dumedepende ito sa taong nagsasaliksik. Ngunit ang bilang ng mga kabataan na masusing nananaliksik ay mabibilang. Alam ko na naranasan mo din ang pananaliksik gamit ang makakapal na pahina ng ensayklopedya o maghanap nito sa librarya at kung naranasan mo ito paniguradong alam mo na dapat nating basahin ang impormasyon bago natin kopyahin.

Ang problemang ito ay wala sa pamamaraan ngunit sa taong gumagawa ng pananaliksik. Hindi ako kontra sa makabagong pamamaraan. Ito ay mabilis at mabisa. Nalulungkot lang ako sa naidudulot nito sa mga kabataan. Nababawasan ang kanilang paguusisa dahil sa isang pindot lang sa gaheto ay lumalabas na ang impormasyon na kelangan nila.

Nawala na ang mga araw na kelangan mo pumunta sa isang lugar para makita ang isang bagay. Lahat ng impormasyon ay maibibigay na sayo ng google.

Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: Denzx on February 12, 2014, 01:12:41 PM
i think Hindi, although aaminin ko na may ilang good and bad effects sa kabataan (lalo na sa bata) at sa lahat yung gadgets nowadays.

Para kasing hindi totoo na ang mga communication techs ngayon keep us connected. Masasabi ko nga that these things actually disconnects us from each other. Ngayon, man was able to bridge the distance by way of the Internet. Can you imagine, today, kahit nasa ibang continent ka, people from here can see you, hear you, talk to you. Its good, in a way na kahit malayo sila parang najan lang sila sa tabi natin. But it also tells us that: its ok kahit di ko kayo kasama, meron naman internet eh, skype YM.. so Ok lang na malayo ako. At kadalasan yan ang epekto sa atin -- we stay distant to the people we love kasi ok lang may internet naman. Kaya pag bday ng mommy mo at nasa Manila ka, ok lang di ka pumunta, tatawagan ko na lang si Mommy, pag graduation ni junior, ok lang di ako umuwi, mag skype na lang kami mamaya.

So in a sense, we tend 'disconnect' ourselves from the people we care because in our minds we think we can always be connected -- which is very wrong.

Kids nowadays we see them with these pads, playing games. In my time (90s po), we kids play games and sweat under the sun. We play together as a team. We lost games or battles together. We interact with somebody else who is human like me and my parents. kaya naman in a way, I understand at a very young age how be humane, how to make pakisama, how to play a role on a team. Unlike today you see kids with their heads down with a silly game on iPad and parents love it when they smash candies, or slice bananas, or stack some nasty blocks together.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: crashtest on February 23, 2014, 10:03:44 AM

Has a good & negative side but it definitely helps.
:)


Sent from my LT26ii using Tapatalk


Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: IORI™ on February 23, 2014, 10:50:19 AM
I like denzx answer .. perfect execution !!

sent from ... ahmmm .. .. .. sorry I forgot .. :D

Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: crashtest on February 24, 2014, 12:38:33 PM
One more thing. it makes the youth aware about modern technology. unlike old times.
:)

Sent from my LT26ii using Tapatalk


Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: edlovemina on May 24, 2014, 04:09:27 PM
nakaka tulong din ang mga gadgets at technology kasi nagiging responsable na sila sa mga gawaing bahay, magalang na sila sa pakikipag sagutan sa magulang, matalino na sa kaka dota at kakapanood ng porn,  tsaka di din sila nagiging bayolente sa kaka gamit ng gadget...
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: buratburger on May 26, 2014, 10:29:38 PM
Oo ang daling gumawa nang mga assignment dahil kahit sa cellphone nakakapagreserach.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: Prime™ on May 27, 2014, 04:36:18 AM
This is only my opinion, but to answer you, Oo naman. Pero I think meron din drawbacks. It's easier to spread good information and yet at the same time, just as easy or even easier to spread stupidity.

This is purely anecdotal pero I noticed, people in general are more jaded? Simple instances like in groceries, restaurants, most service oriented industries I encounter, there is definitely a change of attitude over the years. This is what I'm basing my observations on cause this is what I deal with on an almost daily basis. Yes it varies from people to people, pero there is something "off", I just couldn't quite figure it out.

Some of the things that you read online are so mean, demeaning and disgusting, you'd easily punch the face of whomever said that face to face. You know things like kung may nag sabi eh non eh ang kapal? Pero are we getting too desensitized to that, that what we usually consider abnormal becomes acceptable behavior?

I noticed people will easily go ballistic when an animal is being mistreated in a video pero kung tungkol sa tao, kung ano ano pa mababasa mo, kung hindi mang-aasar eh mantutuya pa. Yes there will be lip services comments like aww kawawa naman, and then meh. On to the next thing.

This isn't the case all the time, but I do notice that there is a trend of some sort pessimism and cynicism right there.

I visit this popular pinoy tech blog from time to time, and most of the time I try to avoid the comment section. More often than not it's full of know it all d*ck weeds with misguided superiority complex and sense of entitlement, nakakasuya basahin.

I wonder how drastic the changes are in human interaction in 20-100 years time?

The caricature case of a thousand friends on facebook, yet none on real life. I wonder what kind of effects that would do to society in general in as time goes by. Surely that can't be all good?

Anyway yung lang napapansin ko, pero as of now the good outweighs the bad tenfold, pero there is a price to pay if this trend continues.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: Ozone on May 27, 2014, 09:53:33 AM
In US, students are encourage to use the internet to do their homework. they are given a site wherein they could study. My nieces and nephew are using their tablets to do their homeworks.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: ¿m☺ÿ on May 28, 2014, 02:35:36 PM
Tingin ko nakakatulong naman ang mga gadget ang problema naaabuso lang ang paggamit kaya kung minsan hindi nagiging maganda ang resulta. Siguro it is up to us adult para turuan ang mga nakakabata sa atin, ang continue to keep reminding them the do's and don'ts if we know it.

Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: witherwind on June 05, 2014, 03:28:12 PM
Innovation is on a steady level primarily for the purpose of making things easier, however, taking some negative affinity with it.

If I am to cite the bad offerings of technology to children it might have been this:
1. Selfie
2. Selfie
3. Selfie

Basically, it's the downside of it. I really hate it when I see teenagers flaunting their faces, sometimes with casual wear or not-so-casual ones in social media. It feels like it will have a heavy bearing on them in the future (insecurities to other selfie takers, exploitations, exposure to bad people among others).

Addiction to technology usage and the above mentioned reason/s can be controlled somehow by parental control. But let's face it, the world is growing at a rapid rate.  ;D
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: mr_goblin on July 02, 2014, 03:27:33 PM
yes. mas madali na silang matuto.



"The Road of Excess leads to the Palace of Wisdom"
 - William Blake
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: acesnick on July 14, 2014, 10:12:52 AM
nakaktulong in a way kng may limit sila. depende na rin kng pano sila gagamitin. for security of course pro pg chat chat lng e makaksira ng buhay yan hehehe
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: uglymanoncampus on February 17, 2015, 07:23:06 AM
it depends how the youth is responsible in using the gadgets & how responsible parent are in guiding their children. pag walang enough guidance children may encounter things that are not appropriate for their age. kaya dapat di nawawala communication between children & parents. the children's actions & attitudes reflects how their parents are.  :think:
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: iceprince on February 17, 2015, 10:26:07 AM

There are always pros and con...

Personally, I consider it very helpful in many ways kagaya nang mga nabanggit...

Just limit lang siguro ang gamit lalo na kapag hindi masyadong importante...
 :peace: :peace: :peace:
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: naruto789544 on March 10, 2015, 11:45:19 AM
i agree that moderation is the key here...  also, because of technology, it is easier to communicate with them and as well monitor their whereabouts...  as we cannot control technology, then it is best that we use them to our advantage...
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: rodpau on March 11, 2015, 08:42:10 AM
Agree ako sa mga comments. May advantages at disadvantages. Ang isa sa advantage nito at para maging aware ang kabataan sa modern technology at para ma-access nila ng mabilis ang isang dambuhalang library na tawag nila ay Google. Hindi katulad noong panahon pahirapan ang paghiram ng books sa library. Negative result nito kumukonti na ang nagbabasa ng libro at nababawasan ang (physical) social activity ng mga bata. Pati nga mga larong bata noong araw tulad ng sipa, laban ng gagamba, syatong, etc, nawawala na kasi puro online na lahat.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: BieL on March 14, 2015, 01:53:02 PM
Nakakatulong din in a sense na mas mabilis na sila makakagawa ng assignments and projects and downside nya nga lang eh dahil sa dami ng games and apps na pwede pagka abalahan puro laro na lang sa gadget at di na sila nakakapag laro sa labas wherein madami ka pa mas pwedeng makilala at maging tunay na kaibigan
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: razorsharp on March 25, 2015, 10:13:31 AM
nakakatulong ba ang gadget sa mga kabataan? o nakakasira ito sa pag aaral nila? karamihan sa mga computer shop halos puro kabataan ang nag lalaro .. sa lansangan naman hawak nila tab or smart phones .. pag dating sa spellings mali mali na sila .. pinatay ng mga gadgets ngayon ang pambansang laro na "sipa" .. parang yung kantang "video kills the radio stars" lang eh .. hehe



well nakakatulong ba kay batman ang mga gadgets nya.

sometimes, pero kadalasan pabigat lang sa sinturon nya ang mga ito hehe.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: caligula on March 26, 2015, 04:25:25 AM
well nakakatulong ba kay batman ang mga gadgets nya.

sometimes, pero kadalasan pabigat lang sa sinturon nya ang mga ito hehe.

This made my day. That was hilarious.
JLA is contemplating to finally kick him out coz he's a fake superhero.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: razorsharp on March 26, 2015, 05:27:14 AM
This made my day. That was hilarious.
JLA is contemplating to finally kick him out coz he's a fake superhero.

he's a billionaire. f*ck the JLA then.

magre-retire nalang ako kung ako sya. a billionaire like him, bibili nalang ako ng controlling share ng apple, disney or google stocks then i'm set for life. di pa malalaglag yung pantalon ko sa bigat ng nasa sinturon ko.
Title: Social Media Marketing
Post by: Joss on March 30, 2015, 01:27:37 PM
Social media marketing has many benefits and it can communicate people strongly and also beneficial in online business and also connect people in sorting out many solutions.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: ruy santos on April 12, 2015, 10:44:42 PM
Sa akin, OO malaking bagay lalong lalo na kung gagamitin sa pag-aaral, grabe nung 90's talagang punta library, xerox ng books, typewriting words e ngayon sobrang dali na
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: charliehouse on April 13, 2015, 12:45:43 PM
Pros ng technology sa kabataan? Naging cheap at readily available ang information kung dati ay kailangan mong mag spend ng 10-12k per year para sa mga libro kung nag-aaral ka ng med, nursing, o engineering ngayon bibili na lang tayo ng phablet or tablet na worth 18k (or much cheaper) at pwede na natin itong ipalit sa mga libro natin for the rest of your student life. Just imagine the savings na makukuha natin. With regard to the issue sa kuryente, hindi naman talaga magastos sa kuryente ang mga gadgets kasi they are energy efficient na, hindi na sila kagaya ng mga crt monitors at crt t.v na lumalaklak talaga ng energy.

Cons, information overload, sa dami ng information hindi mo na alam kung ano ang papaniwalaan mo, may mga sources na taliwas at bangga sa isa't-isa. second, distractions, imbes na magbabasa ka gamit ang mga gadgets mo eh most of the time eh natutukso muna tayong mag-open ng social media, games at etc. third, overdependence masyado tayong nagiging dependent sa gadgets to the point na nagkakapalit na ang master at slave relationship ng owner at gadgets. Last, dahil sa readily available na ang mga information, patuloy na dumarami at nananaig ang cramming culture, ka keyso di umaalis ang information ay nagiging kampante tayo na such information will be available at anytime na pwede pa tayong gumawa ng ibang bagay bukod sa iienjoy at basahin ang information na ating hinahanap at ang resulta: we also as always read or do our tasks at the last hour yung tipong 1-2 hrs before the deadline, exam, o presentation.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: renegade_master on April 14, 2015, 10:34:50 AM
depende sa kabataan na gumagamit nito. kung sa may kabuluhan, nakakatulong ito pero kung sa walang kabuluhan ay hindi.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: joblow on April 22, 2015, 11:34:44 AM
Malaki ang tulong. Pag merong di maintindihan google lang. Madali ng makipagusap ngayon kahit nasa ibang lugar pa
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: 5y5t3m_cr45h on April 22, 2015, 11:44:11 AM
may maitutulong din naman ang mga gadgets sa kabataan ngayon... easy access to information... mapa google man o youtube... but the other side gadgets made them lazy... kung sa laro iba pa rin yung physical na tulad ng mga larong nakagisnan natin noon... ika nga nila kung sa pananaw natin ngayon ei laro lang sa kanila... sa kanila ei its life...

  :-\ :-\ :-\
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: kariyoka on May 05, 2015, 12:51:22 AM
ako aaminin ko nakakasira. HAHA.

Imbes na mag-aral ako for upcoming exams minsan magiinternet na lang ako.. HEHE..
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: river_ridge on May 21, 2015, 02:08:20 AM
Para sa akin dapat kontrolado ang oras. Marami ng mga report na tumataas ang ADHD incidences kasabay ng pagdami ng paggamit ng mga kabataan ng gadgets.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: razorsharp on May 21, 2015, 02:42:12 PM
one big help talaga: GOOOOOOOGLE.

nung 90s talaga wala pa yan, pagabihan sa library para lang mag-research. xerox, makinilya, etc... etc. ngayon di na halos ma-appreciate ng kabataan ang internet for homeworks kasi nakagisnan na nila e. super dali na, pero minsan tamad pa rin silang mag-homework.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: domingo1990 on May 22, 2015, 11:11:48 AM
nakakatulong sa pagresearch ang google at wikipedia sa mga gustong matuto pero sa mga tamad mas nakakatulong to dahil isang pindot lang sa cellphone basta may internet pde ka ng makakuha ng sagot
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: razorsharp on May 25, 2015, 10:06:33 PM
nakakatulong sa pagresearch ang google at wikipedia sa mga gustong matuto pero sa mga tamad mas nakakatulong to dahil isang pindot lang sa cellphone basta may internet pde ka ng makakuha ng sagot

oo, poocha kung tamad ka nga ring basahin yung sagot sa google pwede pang may magsalita para sa iyo e. ober katamaran na talaga ang pagho-homework nyan.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: Beyaya on June 10, 2015, 01:31:16 PM
Yes and no ang sagot ko dyan. Ibang-iba na yung kabataan ngayon because of gadgets. Nakakalimutan na yung classic larong pinoy na kinalakihan ng mga mas matatanda. puro cellphone na lang yung hawak o tablet. ni ayaw maglaro sa labas ng bahay. di nila naeexperience yung "childhood" na tinatawag natin.

pero yes, nakaktulong din naman. kasi may mga classic pinoy things na pwede ring gawin gamit ang gadgets. for example, yung game kung san ka pwede maglaro ng classic pinoy card games. pwede silang matuto mag-tongits, pusoy dos, lucky 9, at pekwa nang di nagsusugal. Ayun, classic pinoy games yung mga yun. 4 in 1 pa sa game na Baraha Tayo para sa mobile devices. Sana magkaroon pa ng maraming app na ganitong nagpo-promote ng sariling atin para yung mga kabataan, pamilyar sa classic pinoy games.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: kuneho on July 03, 2018, 01:00:13 PM
Sa totoo lang parehong nakakatulong at nakakasama. Nakakatulong dahil marami silang matutunan na maraming bagay lalo na sa Internet, ang problema naman nakaka addict na kung minsan di mo na alam kung anu ang mga pina panuod.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: erwinsta.cruz on July 09, 2018, 05:45:21 PM
Gadgets are good for everyone. Before only those who can afford can buy an encyclopedia and get the necessary info they need for a school project. Now just google something and information is readily available.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: Roneyocampo on July 31, 2018, 11:33:34 PM
Siguro depende na sa "paano" gamitin ng mga bata. Kung masyado na silang dependent na na sasacrifice ibang aspeto ng kabataan nila like social skills nila paano makipag interact sa tao mukang masama na yun. Pero pag engaging naman sya and my proper supervision ok lang. Nasa balance nlang din sguro tlaga

Sent from my ASUS_Z017D using Tapatalk

Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: X_rv on August 02, 2018, 12:30:17 AM
i think depende sa purpose ng gadget.. kung pang games lang medyo nakaka sira ng focus sa pag aaral. pero may gamit din na pang educational mga gadgets ngayon like for research.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: zzgundam on August 23, 2018, 05:09:28 PM
In moderation, yes.
Once kids begin using them for longer than 4 hours a day, no.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: walatubig1 on September 06, 2018, 06:16:49 PM
Mas dumame na tambay sa comp shop kaysa sa skul.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: naruto789544 on September 07, 2018, 02:36:24 AM
positive and negative for me... easier access to information but also tends to make children lax and lazier in doing researches...
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: jaime20 on September 07, 2018, 04:34:15 AM
nakakatulong , wag lang masosobrahan . in moderation lang ika nga
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: erwinsta.cruz on September 07, 2018, 07:25:09 PM
More access to information and more information at your disposal the better.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: walatubig1 on September 08, 2018, 10:50:59 AM
Kaya hindi ko binibigyan ang anak ko ng gadget para hindi masira mata nya. at wala akong pambili. hahaha   >:D
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: walatubig1 on September 11, 2018, 09:27:05 AM
dahil sa gadgets. unti unti nang naglalaho ang larong ff:

mataya
patintero
tumbang preso
luksong baka
luksong tinik
agawan base
tagutaguan
shatooooooooooooooo!   :'(
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: bigdidimak on September 11, 2018, 12:04:51 PM
If it’s for productivity like homework pwede siya makatulong. For fun, use moderately.


Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: walatubig1 on September 11, 2018, 03:50:46 PM
Puro gadgets nasisira agad mata ng bata. and distraction lang sa pag aaral. anak ng Pogi
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: notabot on September 19, 2018, 07:28:08 PM
dpnde..
kng wla parntal control mdmi sla mali n mgagawa
pro kng my prental control tataas general knwldge nla
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: jay_07new on September 21, 2018, 11:46:19 PM
Depende din kasi talaga yan sir sa tagal ng oras na gamit nila ang gadget.. kung para naman sa pag aaral e ok lang at least dina sila mahihirapan pa na pumunta ng shop.. tsaka nasa supervision din yan ng magulang dapat.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: lupin_001 on September 22, 2018, 02:12:14 AM
 kids have become extremely addicted to gadgets. Whether it is a 2 year old or a 7 year old or even a 10 months old baby, every kid of the so called new generation is hooked on to these gadgets. The points of concern for parents are many at this juncture. Harmful effects on the eyes, impaired brain development, lack of physical activity, lack of concentration levels, minimal social interaction are few of the most common worry areas for parents. Also in such situations, parents have little control over how the child is perceiving a particular content that is being displayed on the screen. Online channels like You tube and search engine giant like Google have millions of websites, videos, images etc that are circulated online. To save your children from an early age exposure to videos not suitable for them, it is best to not give them access to your phone and other gadgets in the house.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: shatter_dreamx on September 25, 2018, 04:52:54 AM
Hindi, iniiwasan ko mahabang oras pag gamit ng ipad/phone kay baby. max na yun 15mins to 30 per day para lang maaliw sya

Sent from my SM-N950F using Tapatalk

Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: witwiw15 on October 13, 2018, 04:38:26 PM
Balance lang talaga dapat. Yung bunso namin lagi kong sinasabihan na maghanap ng ibang mapaglilibangan like magdraw or learn a skill. Minsan mahirap kasi wala ka din maituro, but I think lahat kapag sobra talaga masama.  :brucelee1: :brucelee1:
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: ukurutsu on December 04, 2018, 08:43:43 PM
may 2 ko pamangkin magkaiba nangyari, yung isa gadgets sinisisi kaya hirap matuto magsalita maayos habang yung isa naman sa kakanuod youtube sa phone naging magaling sa english. haha
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: Bob4217 on January 23, 2019, 07:28:11 AM
Parang hindi kasi sa tingin ko nalululong sila sa mga social media. May mga anak ako ang hirap ipahiwalay sa kanila mga gadget nila. Sa mga nag papayo na dapat ipa moderate lang sa mga bata yung paggamit sa tingin ko e mga walang anak hehehe. Di nila alam gano kahirap sabihan ng paulit ulit mga bata na wag dalasan pag gamit ng mga gadgets nila.
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: bobothewiseman on January 24, 2019, 05:48:36 PM
Ang brain development ng bata early on, napakabilis. As the child is growing, kailangan ng stimulation, and the main one would be environmental. Environment would include touch, social human interaction, movement, nature. 'Yon ang nawawala pag nagga-gadget sila
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: tchaivansky on February 16, 2019, 01:05:56 AM
If used properly and with moderation, makakatulong sa mga bata ang mga gadgets pero it would be best talaga kung monitored ng parents yung usage ng mga anak nila
Title: Re: nakakatulong ba ang mga gadgets ngayon sa mga kabataan?
Post by: yrk0ugm on July 28, 2019, 11:39:17 PM
Nakakatulong siya pero dapat matutunan ng bata lumabas labas. Magiging mundo niya yung mga gadgets niya saka nga ginagawa niya dun kung panay computer lang sila.
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2024, SimplePortal