Good Times with Mico (The Return... of The Comback... eeerrr after the Pandemic) Presents.....
"THE 3 LAWS OF MOTION NA MEDYO PA-DEEP"
Dear Mico,
Itago mo nalang ako sa pangalang "Ms. Newton" ako po ay isang grade 10 student at kasalukuyang namumroblema sa aking Physics Lesson at sumabay pa po ang biglang pag ghosting sa akin ng boyfriend ko... Hindi naman po totally ghosting pero lagie nya na po akong iniiwasan lalo po at wala pa din po kaming face to face class at bagamat sa kabilang kalye lang po ang bahay nila ay naging parang LDR na po kami simula nung online ang mga klase, umiwas po siya matapos nya pong malaman na wala po akong netflix at puro nood lang po ako sa "bilibili" at loklok...
Iniisip ko po na tuluyan ng mag move on sa kanya pero isa pa pong iniisip ko ay ang problema ko sa Physics subject, sana po ay mapayuhan mo po ako Dear Mico.
Yours Truly,
Ms. Newton
* * *
Dear Ms. Newton,
Sa totoo lang ay matagal na panahon akong in hiatus lalo at dumating ang pandemya, wala din akong maipayong maganda sa totoo lang, subalit, ngunit, dadapwat, medyo malungkot ang site ay humingi ulit ako ng payo sa butihin nating kaibigan na Mekaniko upang sagutin ang payo mo, sa kanya ang mga kredito:
THE 3 LAWS OF MOTION NA MEDYO PA-DEEP
Sabi nga dun sa isang pa-deep na quote, “We should love, not fall in love because everything that falls get broken.” Kaya dapat, we should rise from it. Lahat ng taong nafafall nasasaktan. Masyado kasing malakas ang gravity at hindi sapat ang air resistance para makontrol mo yung nararamdaman mo para sa isang tao. Yun nga lang, minsan nababawasan ang sakit dahil may sumasalo. Kaya ang nangyayari, yung sumalo ang mas nasasaktan dahil sa impact. Pero wala ng mas sasakit pa kapag sinalo ka nga pero sa huli bibitawan ka din. Yung tipong may bwelo pa yung pagkakahagis sa'yo. Nagmukha kang flyer ampota. Pa-Fall
1st LAW OF MOTION: LAW OF INERTIA
“In order for the motion of an object to change, a force must act upon it.”
Hindi ka makakaalis sa kinatatayuan mo kung hindi ka mag-eeffort. Kung gusto mong magmove-on, kelangan mo ng matindi-tinding sapak para matauhan. Hindi ka na mahal nun gago!
2nd LAW OF MOTION: LAW OF ACCELERATION
"The greater the mass (of the object being accelerated) the greater the amount of force needed (to accelerate the object).”
Hindi mo kayang kalimutan ang isang taong naging malaking parte ng buhay mo. But getting-over with it is directly proportional sa laki at tindi ng pagmamahal na inilaan mo.
3rd LAW OF MOTION: LAW OF INTERACTION
“For every action, there is an equal and opposite reaction.”
Kahit anong hila ang gawin mo, itutulak ka lang din niya palayo. Kasi nga, di ka na niya mahal. Pero lahat ng pagmamahal, gaano man kaliit o kaseryoso, masusuklian at masusuklian pa rin yan. Yun nga lang, baka sa ibang tao naman.
Oh ayan Ms. Newton, sana ay naliwanagan ka na oh di kaya'y lalong naguluhan sa pinayo ko!
Hanggang sa muli,
Mico