0 Members and 2 Guests are viewing this topic.
1. Wala po ba tayong backup routine and disaster recovery plan sa mga ganitong pangyayari? Dahil dalawang beses na tong nangyari, siguro panahon na para gumanit ng dedicated server.
Pero sa bargain price na maaring binabayad natin sa shared hosting, maaring walang ganitong backup service. Panahon na siguro para maghanap ng ibang host
2. Kung may abugado ka ng kinuha para ipaglaban ang nawalang impormasyon, bakit hindi natin saliksikin ang namamalaging privacy policy sa Pilipinas pagdating sa hosting services. Sa palagay ko, hindi basta basta pwedeng burahin ng web host "arbitrarily" ang nilalaman ng database dahil lamang may dumaing na indibidual. Tingnan mabuti ang kontrata kung mayroon confidentiality at disclosure clause. Sa aking kuro kuo, kailangan pa rin ng interception orders, warrants o ibang legal action para ibunyag sa third party o igawad ang motion para burahin lahat ang database.