Academics > Medical Department

acid reflux HEART BURN

(1/3) > >>

nick726:
need advice po about acid reflux... what causes acid reflux... do's and don't and mga food good for a person that experiencing acid reflux..

my natural remedy po ba para dito??

fireman9927:
meron di  ako acid reflux..try mo researd GERD..bawal mahiga after kumain..bawal citrus...bawal tomatoes..etc

SkilledSilverTongue:
eto ang sakit ko nitong mga nakaraang araw... umiinom ako ng gaviscon after kumain at naka tayu or steady lang ako after kumain. ang experience ko pa sa sakit na to ay nag papalpitate ung hearth ko.. daig ko pa naka limang inom ng cobra... anyway iwas na lng sa fatty foods at chocolates... exercise is a must

Heathcliff:


Try to limit your food intake wag biglaan  sa isang meal.  You can eat  multiple times in between meals small portions lang. So as not to feel bloated afterwards. Avoid fatty foods,  mga soda drinks at kung acidic ka na talaga iwas sa mga super alat ,alcohol at overly spicy foods.

Available over the counter meds try mo mga antacid, Pepto Bismol,  Maalox or Alka Seltzer. Try mo din Omeprazole nakaka relieve din yun.





frankiko:
Common complaint ng mga empleyado, especially ung mga may graveyard shifts.

Konting kaalaman:

Ang sikmura natin ay natural na gumagawa ng acid. Ito ang nagsisilbing panunaw natin sa ating mga pagkain. Pero minsan sumosobra ang ginagawang acid ng ating sikmura at ito ay nagdudulot ng mga sintomas ng hyperacidity at gastroesophageal reflux (GER).

Protektado mula sa acid ang ating sikmura, kaya kahit may acid sa loob nito, hindi sumasakit. Ang esophagus o lalamunan, hindi protektado mula rito. Pag sobra ang acid sa sikmura, pwede syang umabot sa lalamunan.

Ang kahabaan ng ating lalamunan ay magmumula sa likod ng bibig, dadan sa likod ng puso at nakakabit sa sikmura. Kaya depende sa tindi ng reflux o pag-apaw ng acid ang mga symptoms. Kung hanggang dugtungan lamang ng sikmura at lalamunan, parte ng sikmura lamang ang idinadaing na masakit. Kung mas mataas pa, maaaring maramdaman ang gumuguhit na kirot sa dibdib. Ito ang heartburn na tinatawag.

Ang mga maaaring dahilan?

Mga pagkain, inumin at bisyo na nakapagpapataas ng acid sa sikmura... tulad halimbawa ng paninigarilyo at pag-inom ng alak, mga inumin at pagkain na mayroong caffeine, mga pagkain mahirap tunawin katulad ng mga matataba at mamantika, at maaanghang na pagkain.

Stress. Kasama ang puyat, hindi pagkain sa oras o tuluyang hindi pagkain, over-eating. Sobra at kawalan ng paghahanda sa pagsabak sa strenuous activities. At mental at emotional stress. Hehe.

Mga maaaring lunas?

Bukod sa pagbabawas o pag-iwas sa mga nabanggit na dahilan, may mga gamot na maaaring inumin oara mabawasan ang symptoms ng hyoeracidity at/o ng GER.

1. Antacids. Aluminun hydroxide + Magnesium hydroxide ang karaniwang ginagamit. Neutralization ng acid ang trabaho nya. So yung acid na nasa sikmura babawasan nya. Mga common brand names: Maalox, Gaviscon, Kremil, Almag...

2. H2 blockers. Ranitidine, cimetidine ang karaniwang ginagamit. Basically, babarahan nya ung pagtatagpo at pagniniig ng H2 (histamine 2) at ng cells sa sikmura na gumagawa ng acid.. so hindi n sya makakapaglabas ng acid.

3. Proton pump inhibitor. Tulad ng omeprazole, esomeprazole, lansoprazole, pantoprazole. Ang proton sa acid ng sikmura ay H+. Sabi nga sa pangalan ng gamot, proton pump inhibitor, pipigilan nya na ilabas ng cells ng stomach ung H+ para hindi sila mgkita ng Cl- (chloride ion) sa loob ng sikmura.. so hindi mabubuo ang HCl (hydrochloric acid).

Komplikasyon?
Pag hindi nagawan ng paraang mabawasan o mapigilan ang hyperacidity maaari itong mauwi sa mga sumusunod: gastritis, esophagitis, or worse gastric ulcers..

Sana may naitulong, at sana naintindihan ang mga naipaliwanag.

If symptoms persist (please) consult your doctor. Or better yet, for more information (don't hesitate to), ask your doctor. :-)

 :peace:

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

Go to full version