My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • liboglang: Verns
    November 04, 2022, 10:15:12 PM
  • liboglang: Verns
    November 04, 2022, 10:15:42 PM
  • blink: Dalagita
    November 05, 2022, 05:25:37 PM
  • kropek: Misis nyang si joy
    November 06, 2022, 09:30:01 PM
  • aien17: Car model
    November 07, 2022, 07:35:52 AM
  • Sebede444: Telegram group
    November 08, 2022, 04:50:51 PM
  • abatekagigsters: Family reyes
    November 09, 2022, 10:06:17 AM
  • hurricane007: Bahay ni kuya
    November 13, 2022, 09:51:50 AM
  • uploaderkiddie: Teatro
    November 13, 2022, 04:10:20 PM
  • uploaderkiddie: Teatro
    November 13, 2022, 04:10:37 PM
  • pangga123456: Ang pagkalulong ni angela
    November 15, 2022, 10:31:32 PM
  • Tepen1234: Bantay ng Computer Shop
    November 18, 2022, 09:34:20 AM
  • stkushinta: Dagat
    November 18, 2022, 10:42:23 PM
  • etopak_tukmol: Pustahan
    November 19, 2022, 02:51:25 PM
  • zehcle: Ang sarap kasi
    November 21, 2022, 12:51:28 AM
  • SkilledSilverTongue: kamusta? its been 6yrs huling post ko dito. buti na open ko pa account ko.
    November 21, 2022, 04:12:32 PM
  • S h o t A ®: House of joy
    November 24, 2022, 05:20:25 AM
  • mekeni: Madilim
    November 26, 2022, 08:55:34 AM
  • jhokere: Dentist Angela
    November 27, 2022, 01:01:05 AM
  • mekeni: Lando
    November 28, 2022, 02:27:41 AM

Good Times with Mico

mico · 78 · 32996

0 Members and 4 Guests are viewing this topic.

Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #15 on: September 18, 2014, 03:58:37 PM
@Schy , @ladyvirus01 , @Ravendelle  thanks sa pag advice. :D


Here's our next Sender, Titled:




"HASHTAG KALERQUI"


Dear Mico,

Gusto ko lang i-share ang kakaiba kong experience sa nag add saken sa FB, nagconfirm ako ng friend request sa FB bilang hindi naman ako supladong nilalang. Kahit sino inaacept ko basta ang tanging requirement ko lang ay (1) May mutual friends kami kahit isa lang. (2) Hindi giraffe ang profile picture. (3) Hindi picture ni Naruto. (4) Hindi picture ng anti-aging cream.  (5) Hindi picture ng magjowa na puro glitters at puso ang background. (6) Hindi picture ng six cleavage. Dahil hindi naman yun makakatulong para maging active ang six life ko.

Hanggang sa naging friend ko nga si "kuyang espasol".



At ayun nga Dear Mico, siya na mismo ang nag unfriend saken after nun. Tama po kaya ang ginawa ko?


- MR. CONFUSED

Post Merge: September 18, 2014, 04:08:06 PM
Dear Mr. CONFUSED,

Paulit ulit kong binasa ang name mo sa Dulo, Lalaki ka pala! emegesh!


Pero eto talaga ang sasabihin ko.

-Unang una para kay Koya Espasol, ang hapdi sa mata ng message nya. Yung feeling na parang napatitig ka sa may nagwewelding na bakal. Ganun.

-Pangalawa, medyo hinahangaan Ko siya dun sa part na “triCycle koH” dahil medyo napakahardworking nyang tao and at a very young age may sarili na ciang wheels. Kaya may karapatan ciang ipagmalaki at iemphasize ng dalawang beses sa chat na “triCycle NYAH" yan.

- Pangatlo, ask mo si Koya, totoo ba na basta tricycle driver, sweet lovaaah? For verification lang naman ito.

- Pang-apat, what makes his tricycle different from any other tricycle in the world? Pag naconvince ka nya, sige sakay ka.

- Panglima, alas diyes na ng gabi ang message ni koya at balak kapa nyang sunduin ng tricycle nya? Tapos ano? Dadalhin ka sa isang bodega at doon nya bababuyin ang pagkatao mo? Wag na kamo cia mag-explain. Nakakatakot cia.

- Panghuli, anong gusto nyang ipaglaban at may pagpalit pa cia ng picture na nalalaman? Feeling ba nya magttwerking ka na mala Miley Cyrus pag nakita mo ang abs nya? Kung ako yan Hampasin ko yan ng wrecking ball!


- Mico
« Last Edit: September 18, 2014, 04:08:06 PM by mico »


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


My Board

Re: Good Times with Mico
« Reply #15 on: September 18, 2014, 03:58:37 PM »

Offline Heathcliff

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • ~Venus Praetorian~
    • POTW1
    • PTFM
Reply #16 on: September 18, 2014, 04:19:16 PM
Mico Dear....

Brokeback pala ang storyang yan kapatid!

Hahaha! Yang si Kuyang EspaSoul... Parang si Mang Kanor lang...

... Asus! Very shortlived naman ang usapan nila... Hmnnn...

Ito lang masasabi ko kay Mr. Confused,


Alam mo Bata, tandaan mo ha dito sa net... Maraming weird na nilalang. Wag naman basta basta mabilis ang isip
Mag isip ng ganun sa kapwa aba e kahit naman giraffe ang pic e malay mo naman e napakagandang swan nyan? Siguro kaya ganun e gusto lang nila ingatan ang privacy nila... As for the face cream na fezlak... Aba tandaan mo....ang babae, dapat in aappreciate yan nde lang sa ganda ng katawan mukha at utak.... Mas matutuwa kami kung bibigyan nyo ng emphasis ang bawat WRINKLES at STRETChMarKS namin as a sign  of Maturity, of achievement at strength ng pagiging babae namin.... As for the cleavage...alangan naman kayo magladlad ng cleavage ?! Aba! We have that endowments might as well flaunt and exploit it noh! (..... With style and finesse of course....!) What's the problem with that....?! Aber....?


:... Shotgun grin:


... However , may point ka bata... Na unfriend si kuya espasoul... Kapag sa una pa lang ay ganyan na.... Flush him into the toilet bowl agad! Wiz ka na mag isip... Delete na agad yan!

Ingatan ang alindog! Kahit lalaki ka... Aba! Maraming lalaki na den sa ngayon ang nagagahasa ng wala sa oras.

Cute ka ba? O e di lalo kang mag ingat bata! At baka.... Mabongga bongga ka... Payong Ateng lang yan ... Aight!


Bumobonnga pa ren Kami! Ever...!


Hihi...


~VenusChururut~


« Last Edit: September 18, 2014, 04:20:56 PM by Schy »

~  Amor Gignit Amorem. ~


Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #17 on: September 19, 2014, 05:44:47 AM
THE SUPER MANHID “CHEESY BAKED MAC” EDITION

Dear Mico,

Gusto ko lang i share sa inyo ang first and siguro will also be the last na experience ko sa pagluluto. Ipinanganak ako para kumain lang at hindi para tumambay sa kusina para maghiwa ng sibuyas at green bell pepper. Buong buhay ko ako lagi ang ipinagluluto. Ako, tagalamon lang with matching reklamo pa. Hanggang sa isang araw, may kung ano atang fairy dust na may kasamang paprika at vetsin ang ibnudbod mula sa kalangitan at naisipan ko na lang magluto ng “ultimate cheesy baked mac”. Maraming maraming salamat kay pareng google para sa dakilang procedure at ingridients kaya napasugod agad ako sa grocery para mamili.

At yun na nga, nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak habang naghihiwa ng sibuyas. ilang beses mapaso sa kawali dahil mas manipis pa sa panyo yung potholder namin, maya’t mayang pinopause ang youtube video dahil hindi ako makahabol sa instruction habang hawak ang timer dahil baka naovercook na yung macaroni, tumakbo sa suking tindahan dahil “Pork cubes, nasaan ka??!” maya’t mayang tinitikman yung sauce kung may lasa na ba o ano, hanggang sa parang isang baso na ata ang nainom ko. Hanggang sa bigla na lang nagliwanag yung oven namin at humuni ang mga ibon sa langit nang bumungad ang aking “ultimate cheesy baked mac with inspiration and power of love.” Hanggang sa natikman na nga nila ang pinaghirapan kong lutuin.

Ang sarap lang sa pakiramdam kapag pinagluluto mo yung mga taong mahal mo. Lalo pa kapag kitang kita mong nasarapan sila ng sobra. Yung yayakapain ka talaga nila tapos mapapatambling sila sa sobrang sarap ng luto mo.

Kung anu-ano na tuloy yung mga pinlano kong lutuin para sa mga susunod na araw hanggang sa umabot sa puntong gusto ko na agad magtayo ng restaurant, ganyan. Ang awesome ko kasi. At siyempre tinikman ko din yung niluto ko kung talagang masarap nga. At hindi nga ako nagkamali…binobola lang nila ako. Mahal lang talaga nila ako at ayaw nila akong masaktan. Manhid yung baked mac ko. Walang lasa, Maganda lang ang itsura.  Ayoko na magluto huhu.

- Mr. Feeling Chef


Post Merge: September 20, 2014, 03:54:34 AM
Share ko lang ang sagot ko ky Mr. Feeling Chef.

Dear Mr. Feeling Chef,

Sa hinabahaba ng kwento mo sa niluto mong Bakemac, may pa restaurant restaurant ka pang nalalaman, eh hindi din pala masarap sa huli. Bwahahaha!!!  :suka3: :suka3: :suka3:

Payo lang brader, my kasabihan nga na try and try until you die! este succeed pala, at practice! practice! practice! try mong lumapit at magtanong sa mga professionals, baka sakaling matulungan ka at alamin mo bakit walang lasa ang bakemac mo. Sa Chef or sa Cook ka magtanong at hindi sa Waiter, bala mas lumala pa problema mo.

Yun lang!  :suka3:

-Mico

« Last Edit: September 20, 2014, 03:54:34 AM by mico »


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


My Board

Re: Good Times with Mico
« Reply #17 on: September 19, 2014, 05:44:47 AM »

Offline spidey

  • Chix and Tsonx
  • Certified Member 3
  • *
  • FHM - Former Hero Member
    • PTFM
Reply #18 on: September 20, 2014, 06:17:32 PM
dito baka masagot ito. ???

Dear Mico,

Pag sinabi bang sagutin mo yan ng - in a 100 sentences...
kailangan ba talaga ay 100... hindi ba pwede 99.9  ???

yours truly spidey :))


"ang addict sa  PT.. maski i rehab addict pa din.."


Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #19 on: September 20, 2014, 06:54:43 PM
Dear Brader Spidey,

Congrats! Kung si @Cathrina ang unang humingi ng Advice thru SB, ikaw naman ang unang naglakas loob na directly humingi ng advice dito sa Thread ng hindi dumadaan sa PM, ahihihihi!  :suka3: :suka3: :suka3: Nakers! bagay nga kayong dalawa, sana yan na ang simula ng inyong "Forever"....  :))

Ang haba pala ng intro, bueno regarding sa tanong mo brader kung kelangan ba na "saktong 100 sentences ang isulat pag sinabing 100 at hindi pwedeng 99.9 lang?", magandang tanong yan Brader, at ang masasabi ko lang eh Pwede naman! unang una para sa mga addict sa math, kapag ni round off yan ay 100 nadin! Medyo hindi ko lang magets papano kaya yung .9 na sentence? nalimutan lang kaya ung period sa dulo? pero as long as 5 and above yang point na yan, eh pwedeng pwede!Ma ok ng kinulang keysa lumampas,  Parang relasyon din yan, may limitasyon. Hindi mo pwedeng ibigay lahat dahil minsan kahit anong gawin mo, may mga bagay na sadyang hanggang doon na lang dahil kapag patuloy mo pang pinilit, baka dumating lang sa puntong masayang lang ang laman o masayang lang ang mga sentence.

- Mico


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


My Board

Re: Good Times with Mico
« Reply #19 on: September 20, 2014, 06:54:43 PM »

Offline Ravendelle

  • Venus
  • Certified Member 1
  • *
  • I am Raven. Love me or hate me, choose.
Reply #20 on: September 20, 2014, 09:24:10 PM
Dear Mr.Feeling Chef,

Sa tingin ko mahal k lng nila talaga kaya sinabi nila n masarap ang luto mo.pero sabi nga,

Practice makes perfect, but nobody is perfect, so why practice?

Yaan mo,ipagdadasal ko n lng ang pangarap mo na restaurant.


Venus Raven


Sent from my iPhone using Tapatalk
"Cor meum semper erit tuum." - Corvus Albinus, The Key to Erebus by Emma V. Leech



Offline spidey

  • Chix and Tsonx
  • Certified Member 3
  • *
  • FHM - Former Hero Member
    • PTFM
Reply #21 on: September 20, 2014, 10:20:40 PM
brader sorry di ko nabasa ang rules mo :-[ :))

anyway salamat sa iyong napakagandang payo... now alam na ni Cath na ang pata ko ay ibibigay ko sa kanya hangang 99.9, tira lang ako ng kaunti sa akin :)) :)) :))


"ang addict sa  PT.. maski i rehab addict pa din.."


Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #22 on: September 21, 2014, 05:40:10 PM
brader sorry di ko nabasa ang rules mo :-[ :))

anyway salamat sa iyong napakagandang payo... now alam na ni Cath na ang pata ko ay ibibigay ko sa kanya hangang 99.9, tira lang ako ng kaunti sa akin :)) :)) :))

Lols :)) Aus lang brader Spidey, mabuti yan ng maengganyo ang iba na wag ng mag PM lols.

@Ravendelle thanks sa maganda mong advice, tawa much lols, sagad sa pagka direct lols


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


Offline Ravendelle

  • Venus
  • Certified Member 1
  • *
  • I am Raven. Love me or hate me, choose.
Reply #23 on: September 21, 2014, 05:46:45 PM
Brader spidey,

Try mo wag tapusin ung last line ng png 100 n sentence.mgging 99.9 un.yan ung cnasabi n ALMOST BUT NOT QUITE.

Venus Raven


Sent from my iPhone using Tapatalk
"Cor meum semper erit tuum." - Corvus Albinus, The Key to Erebus by Emma V. Leech



Offline lovemarie

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 4
  • *
  • ~Venus Mallows~
Reply #24 on: September 21, 2014, 10:42:33 PM
Dear Mico,

Pag malungkot ako nandyan sya para sa akin. Pag may problema ako nandyan rin sya. Pag magulo ang aking buhay nandyan pa rin sya. Sa tingin mo bakit kaya??? Hindi kaya sya malas sa buhay ko? Hehe...

Lovemarie
« Last Edit: September 21, 2014, 10:54:49 PM by lovemarie »


Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #25 on: September 21, 2014, 11:14:01 PM
Dear Sis @lovemarie ni Brader @jamesbond ,

Kung ipapa Fenghui at ipapatawas natin ang LoveLife mo malamang sa alamang, yan ang lumabas sa sa tawas. Ang tanong Chinese ka ba or siya Sis? :)) kung hindi naman, eh nasa right track ka, sabi nga nila: Pumili ka ng lalaki yung alam mong palaging andiyan para sa’yo at hinding hindi ka iiwan. Piliin mo yung guy na alam mong araw-araw mong mararamdaman kung gaano ka kaimportante sakanya at gaano ka kahalaga para hindi ka niya iwanan.

Pilliin mo yung lalaking palagi kang kakamustahin kung okay ka lang ba, kung kumain kana ba, kung na saan ka, kung may problema ka ba. Hindi yung lalaking wala ng ginawa kundi pabayaan ka lang. Pumili ka din ng lalaking yung araw-araw kang tatawagan, itetext, ichachat, susunduin ka sa bahay. Yayain kang kumain sa labas kapag nagugutom ka.

Piliin mo yung lalaking hindi niya hahayaang malungkot ka o makitang umiiyak. Yung kapag nagtampo ka lalambingin o susuyuin kana kaagad niya para hindi na tumagal yung away niyong dalawa.

Ngayon sis Lovemarie, kung ipipilit mo padin ang 'Feng Shui" eh hindi totoong yan ang malas, eto ang mga pwede mong iconsider: Humanap ng may Rooster Sign. ‘Coz the Cock will make You happy. Umiwas sa pandak this year, malas ang nuno sa feng shui. malas din ang magkatapat ang dalawang pintuan… dahil pagpasok mo, palabas ka na ulit. Malas ang pagsusuot ng checkered na blouse at shirt.. baka patungan ka ng handa. Kung mataba si Boylet wag pagsuotin ng Violet na terno, baka mapagkamalang Kasama mo si Barney, mapaaway pa kayo, kung hunk naman si Boylet, go lang!

Ayan sis, Sana ay naliwanagan ka.

-Mico
« Last Edit: September 21, 2014, 11:16:04 PM by mico »


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


Offline lovemarie

  • Elite Certified Member
  • Certified Member 4
  • *
  • ~Venus Mallows~
Reply #26 on: September 22, 2014, 08:20:58 AM
Awww kasama talaga sa mention si 007? Ahaha..

Hmmmm....good point yang sinabi mo na dapat ung lalaking walang sawa iparamdam ang presence nila kahit sa small gestures like pangangamusta.

Pero pinaka wagas ay yang last part ng advice mo waaahhh dami ko tawa hahaha...

Salamat mico ah...balik ako dito para kulitin ka pa hehe..


Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #27 on: September 22, 2014, 08:10:20 PM
Dear Meeco,

I'm pure Chinese, and I really have a hard time expressing my self in English, so please bear with me, here's my sad experience:




"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


Offline Ravendelle

  • Venus
  • Certified Member 1
  • *
  • I am Raven. Love me or hate me, choose.
Reply #28 on: September 22, 2014, 08:21:52 PM

Dear Meeco,

I'm pure Chinese, and I really have a hard time expressing my self in English, so please bear with me, here's my sad experience:




Dear Tropical Depression,

Hindi ko alam kung anong signal k at hindi nmin maintindihan mga pinagsasabi mo.  Sana naisip mo isama si pareng google translate ng mejo maliwanagan nmn kmi sa nagdidilim nmin n paningin sa iyong liham.
Anyway,kung ano man yan,sabihin mo s kanya,


從我破碎的心臟底部
這裡還有一兩件事,我想你知道
你是我的初戀,你是我的真愛
從初吻到最後的觸摸
我愛你

謝謝


金星烏鴉



Sent from my iPhone using Tapatalk
"Cor meum semper erit tuum." - Corvus Albinus, The Key to Erebus by Emma V. Leech



Offline jamesbond

Reply #29 on: September 23, 2014, 07:19:48 AM
dear brader....

itatanong ko lang sana kung magkasundo ba ang parehong maputi ang skin complexion? maputi ako at maputi naman si gf... di ba sabi sa kanta ni tata paul mcartney na ebony and ivory dapat? saka paano naman yung nag-iingat ka sa mga ginagawa mo para hindi mo sya masaktan sa anumang bagay, oo, nagawa ko kasi ang isang bagay na ikinabahala nya dati, usap kami sabi ko sorry and next time di ko na gagawin, naging mabait naman po ako kaso kung sa akin naman ginawa ang ganun ano naman ba ang maipapayo mo naman sa akin? tama ba na kausapin ko din sya? eh kung palitan ko na lang kaya? ano masasabi mo? Oo, papalitan ko na lang ang tanong ko baka magalit sya...

007


My Board

Good Times with Mico
« Reply #29 on: September 23, 2014, 07:19:48 AM »

 


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2022, SimplePortal