My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • liboglang: Verns
    November 04, 2022, 10:15:12 PM
  • liboglang: Verns
    November 04, 2022, 10:15:42 PM
  • blink: Dalagita
    November 05, 2022, 05:25:37 PM
  • kropek: Misis nyang si joy
    November 06, 2022, 09:30:01 PM
  • aien17: Car model
    November 07, 2022, 07:35:52 AM
  • Sebede444: Telegram group
    November 08, 2022, 04:50:51 PM
  • abatekagigsters: Family reyes
    November 09, 2022, 10:06:17 AM
  • hurricane007: Bahay ni kuya
    November 13, 2022, 09:51:50 AM
  • uploaderkiddie: Teatro
    November 13, 2022, 04:10:20 PM
  • uploaderkiddie: Teatro
    November 13, 2022, 04:10:37 PM
  • pangga123456: Ang pagkalulong ni angela
    November 15, 2022, 10:31:32 PM
  • Tepen1234: Bantay ng Computer Shop
    November 18, 2022, 09:34:20 AM
  • stkushinta: Dagat
    November 18, 2022, 10:42:23 PM
  • etopak_tukmol: Pustahan
    November 19, 2022, 02:51:25 PM
  • zehcle: Ang sarap kasi
    November 21, 2022, 12:51:28 AM
  • SkilledSilverTongue: kamusta? its been 6yrs huling post ko dito. buti na open ko pa account ko.
    November 21, 2022, 04:12:32 PM
  • S h o t A ®: House of joy
    November 24, 2022, 05:20:25 AM
  • mekeni: Madilim
    November 26, 2022, 08:55:34 AM
  • jhokere: Dentist Angela
    November 27, 2022, 01:01:05 AM
  • mekeni: Lando
    November 28, 2022, 02:27:41 AM

Good Times with Mico

mico · 78 · 32998

0 Members and 4 Guests are viewing this topic.

Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
on: September 15, 2014, 11:56:21 PM
For a change, I try ko lang gumawa ng thread na mala "love notes", "love Radio" "Dear MOR.." etc ang theme. Just for fun lang, and lahat ng forumers ay welcome na magbigay ng advice, sana make it as funny as possible pero andun padin ung purpose.

And oh yes, re sa title, credit nalang dun sa lumang Radio segment na "Good times with.. " I forgot the name of the DJ eh, nevermind, basta cia na yun. bwahahahaha.

This thread is also open sa mga forumers na gusto mag share or mag ask ng advice, fee free to PM, and I will post it as "anonymous" or we will make another codename, plus we will make it as funny as possible para lang paalis stress.

If wala tayong makuhang share, I'll look for those na di familiar sa iba and same sa radio source, minor edits, and proper credits nalang.

So now, prepare your advice guys, and since this will be the first post, credit muna kay Sir Israel, na ayaw magpamember dito sa kanya galing itong letter.

P.S: Tama ba ang thread ko?! if my mali pa move nalang solomots!

Thanks Sis @Schy  , Doc @ladyvirus01  for this briliant idea, maiba lang :)) Sana mag advice hindi lang yung mga Mars, lalo na yung mga Diyosa ng Venus dito, let's face it, iba mag advice pag galing sa mga chicks :))




Post Merge: September 15, 2014, 11:58:53 PM

Dear Mico,

Alam mo yung feeling na parang hindi mo na alam ang hiwagang nangyayari sa daigdig? Yung tipong parang bigla na lang nag-iba ang alignment ng buwan at mga bituin sa langit pati ang guhit ng betlogs mo dahil bigla na lang nagparamdam si crush at tinext ka ng,

"Labas tayo minsan." na may napakacute na emoticon sa dulo na talaga namang tumunaw sa pagkatao ko ng buong-buo.

Kung sasaliksikin kong mabuti ang nais ipahiwatig ng txt niya, nangangahulugan lamang ito na handa na niyang ihandog ang kanyang sarili sa akin para sa isang “ultimate romantic date ever” hanggang sa tuluyan na niyang isuko ang hiyas ng kanyang pagkababae. Parang ganun Dear Mico.

Hindi ko din alam kung bakit pero hindi yun usual na scenario sa pagitan naming dalawa. Sa lahat-lahat ng ginawa niyang pangsiseenzoned at pandededma sa akin, nabalewala ang lahat ng yun dahil bukas loob kong tinanggap ang kanyang imbitasyon.

At napatxt na nga ako ng, " I do." Dear Mico.

Ito na ang simula ng aming “forever”.

——

Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Malayo pa lang kita ko na yung ngiti niya. Nakikita ko na rin ang “forever” naming dalawa. At nung magkasama na kami, bigla niyang hinawakan ang kamay ko, sabay sabing, “May pupuntahan lang tayo saglit.”

Kinilig ako dun Dear Mico.

Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na nasa orientation ng “networking” na sinasalihan niya, pinagbebentahan ako ng sabon at herbal tea.

And she was like, ”Maraming buhay ang binago ng networking na ito. Yung magfifishball sa amin sumali dito, ngayon Executive Fishball Vendor na. So amazing di ba? Kaya ano pang hinihintay mo? Isangla mo na ang iphone mo, pati takip ng kaldero niyo isama mo na rin. For sure yayaman ka dito!"

And I was Like....



« Last Edit: September 26, 2014, 04:42:17 PM by mico »


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


My Board

Good Times with Mico
« on: September 15, 2014, 11:56:21 PM »

Offline Ravendelle

  • Venus
  • Certified Member 1
  • *
  • I am Raven. Love me or hate me, choose.
Reply #1 on: September 15, 2014, 11:59:32 PM
Susmaryosep.kala ko nmn anong forever.parang alam ko na.dami ko tawa pramis.mga 20.anyway,kaloka yan.mauubos oras mo jan sa networking.peace.


Sent from my iPhone using Tapatalk
« Last Edit: September 16, 2014, 12:03:01 AM by Ravendelle »
"Cor meum semper erit tuum." - Corvus Albinus, The Key to Erebus by Emma V. Leech



Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #2 on: September 16, 2014, 12:24:22 AM
Susmaryosep.kala ko nmn anong forever.parang alam ko na.dami ko tawa pramis.mga 20.anyway,kaloka yan.mauubos oras mo jan sa networking.peace.


Sent from my iPhone using Tapatalk

Bwahahaha :)) :)) Natawa ka sis?  ok yang advice mo direct to the point! at congrats sa first comment. wahahahaha.

OT:

Para kay Dear Kuya, eh ikaw naman kasi Kuya, Konting landi akala mo date na pupuntahan nyo. Yun pala irerecruit ka lang sa networking. #YanAngNapalaMo #FriendZonelevel99 ka tuloy.

Anyways kuya, lague naman tayong my choice and parang sa pelikula lang yan lague my two elements na umaali aligid sa'tin so pwede mong gawin and advice ko sa'yo, move on dude! maging lesson na sa'yo yang networking tactic na yan. dami pang chickababes jan na no need ka mag seminar.

On the otherhand kung yung isang "element" ang papakinggan mo at for sure eh my negative thoughts dito, ikaw bahala, just don't forget na ang Karma eh kung di man now showing eh Cming soon.

Try mo maka get even, manguntsaba ka ng friends mo sabihin mo kay malanding Girl na super interested ka at magsasama ka pa ng 2 recruits, mga "bigtime" and gustong gusto ng pinapakain sa fine dining, bayaan mo siyang gumastos, then after ng agreement, magrason at wag ng magparamdam. Sweet revenge? (joke lang) bawal sundin :)) :)) :))


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


My Board

Re: Good Times with Mico
« Reply #2 on: September 16, 2014, 12:24:22 AM »

Offline Heathcliff

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • ~Venus Praetorian~
    • POTW1
    • PTFM
Reply #3 on: September 16, 2014, 12:44:44 AM


NICE !  ... Katuwa naman ay!!

Sige karirin naten ang thread na toh!

Kudos to you MicMic!


~  Amor Gignit Amorem. ~


Offline ladyvirus01

Reply #4 on: September 16, 2014, 01:04:45 AM
Good job micolit pero hindi pa ako makaka reply abd comment ha hihi ayaw umandar system ko (^_~)


Sent from my iPhone using Tapatalk
Every thought you produce, anything you say, any action you do, it bears your personality.



My Board

Re: Good Times with Mico
« Reply #4 on: September 16, 2014, 01:04:45 AM »

Online Cathrina

Reply #5 on: September 16, 2014, 03:59:17 AM
Wahahaha nde ko matiis eh na mapacomment :))
Pati pa takip ng kaldero lang hiya naman oh  >:D
Haha nyc brader mic and thanks napatawa mo ako..
Halukayin ko muna diary ko ha hihi


Offline ThrashMetal

  • Certified Member 1
  • *
  • ang superhero na pwedeng arkilahin...
Reply #6 on: September 16, 2014, 11:15:22 AM
Hahaha langyang mga nagnenetworking yan. Ang lalakas sa salestalk. XD

Sent from my mom's iPad using Tapatalk



Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #7 on: September 16, 2014, 12:03:15 PM
Alright, Salamat sa nagmessage  :suka3: habang ineedit ko ung message bago i post, mag rerepost ulit ako ng letter galing ulit kay sir Israel na mechanic. Ang title ng ating next sender ay....


"Bukas Nalang Kita Lalandiin"

Dear Mico,

Habang inaasikaso ko ang pagkuha ng medical requirements sa isang clinical laboratory, biglang umikot yung leeg ko 450 degress pakanan ng naramdaman kong parang may napakagandang creation ni God sa likuran ko. At hindi nga ako nagkamali. Almost 20 meters ang layo niya sa akin. Tipong andami-dami pang naglalakad, nakikipagsiksikan, at nakaharang sa pagitan namin pero parang may kung anong supernatural force na hinawi ang lahat ng tao sa paligid at nagzoom-in directly ang mala-puppy kong eyes sa kanya. And everything went slow mo’. Crush-at-first-sight na ito. Ganyan katindi yung landi-meter sa upper-right corner ng betlogs ko.

Naisip ko, baka ito na yung last day ng pag-aasikaso ng medical requirements ko sa Manila at baka ito na rin yung huling beses na makita ko siya kaya dapat makapagninja moves na ako at makuha ko man lang yung buong pangalan niya. Madali na siyang iadd sa FB pag nagkataon. Doon ko na lang siya lalandiin with dignity.

Iniwan ko yung pila ko para pasimpleng lumapit sa kanya at sinamantala ko ang dami ng tao para hindi niya ako mahalata. Inch by inch, i’m moving closer. Dahan-dahan. Ng biglang,

"Hoy. lalaking nakablue, ikaw na yung next". Tinawag ako ng nurse dahil ako na daw yung sunod. Parang nagfastforward bigla yung oras na parang hinigit ako palayo sa kanya. Sa puntong yon ng buhay ko, parang pinaghihiwalay na agad kami ng tadhana. Kaya wala akong nagawa.

Pagkatapos non, nagproceed naman ako sa may cashier lane. Saktong nagbabayad na siya sa cashier ng dumating ako. Nagliwanag yung mga mata ko pointing directly sa ID niya na medyo nililipad-lipad ng hangin ng electricfan pero ang tanging nakita ko lang ay ang bwisit na barcode sa ID niya. Hanggang natapos siya sa pagbabayad habang ako ay nakapila pa rin. Tangina talaga yung barcode sa ID niya.

Hindi ko na siya nakita after dun sa cashier. Medyo tapos na ako kaya naupo ako saglit para ayusin yung laman ng binder ko nang biglang may nilipad na form sa ilalim ng upuan ko. Inabot ko yun gamit ang paa ko dahil tinatamad akong yumuko. Baka dumungaw na naman yung cleavage ng pwet ko dahil low-rise yung pantalon ko. Pag kuha ko nung medical form, hindi pala yun sa akin.

"Hey. Sa akin yan. Thank you.", sabay kuha, sabay sibat. Shet, yun pala yung crush ko. Nanginig yung kalamnan ko at tuluyang bumugalwak yung pintig ng pagmamahal sa puso ko. "Tang-inuhhh. Nakita ko yung pangalan niya!!!! Nakuha ko yung pinakamahalagang impormasyon sa buhay niyaaaaa!!!"

From then, hindi ko na siya nakita. At umuwi na rin ako pa-Batangas. Siguro, nakauwi na din siya. Pero atleast nakuha ko yung buong pangalan niya. Saktong may wifi sa bus, pero hindi ako makaconnect. Binuksan ko yung mobile data ko pero hindi talaga ako makaconnect. Pagdating ng bahay, ginapang ko ang kisame namin papunta sa laptop ko, sabay bukas ng FB. Tnype ko yung pangalan niya. Walang hinga-hinga. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko nun sabay pindot ng “search icon”.

Drum roll please*

"Sorry, we couldn’t find any results for this search."

Inulit kong itype,

Drum roll please*

"Sorry, we couldn’t find any results for this search."

Inulit-ulit ko hanggang sa inulit-inulit ko hanggang sa nalusaw ako.

At diyan nagtatapos ang aming masalimuot na love story. Paalam, oh mundong kay lupit. Bakit.

Hanggang Dito nalang Mico,

- "Lalaking naka Blue"   :( :( :(


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


Offline spidey

  • Chix and Tsonx
  • Certified Member 3
  • *
  • FHM - Former Hero Member
    • PTFM
Reply #8 on: September 16, 2014, 04:16:50 PM
 :)) :)) ang galing pwede mo din gayahin si tia dely o kaya yun kay helen vela or si inday badiday sa mga payong iyong bibitiwan... >:D

in fairness sabi ng mga bading ayus ang idea mo brader... tatanong din ako pag mayproblema ako sa aking sweet :))


"ang addict sa  PT.. maski i rehab addict pa din.."


Offline Heathcliff

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • ~Venus Praetorian~
    • POTW1
    • PTFM
Reply #9 on: September 16, 2014, 04:25:14 PM


Mico,

... Pakisabi kay Mr. Blue... Wag kase ganun pigilan den nya minsan ang ninja ng ninja kung saan saan noh?

Tsk. Sayang tuloy ang effort ng mga fingers nya napadudot ng ganun ganun lang sa keyboard ng laptop nyang ginapang pa nya sa kisame ng kanilang bahay....

Tsaka, next time kase dapat ask na lang agad ng name... In a polite way... Baket naman kase kelangan pa daanin sa subtle moves ng ninja ninja na yan...

Yan tuloy... Naunsyami ang lahat.

Hahaha!


~~~


Parekoy !  Alam mo bang.... Ito ang kauna unahang thread na binasa ko sa harap ng bidet....?!

Pag upo ko tuloy... Hot water nabuksan ko. Boom panes!

Wahahaha!


Ipagpatuloy naten toh.  Napapa ngiti mo kami... Pramis!



~  Amor Gignit Amorem. ~


Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #10 on: September 16, 2014, 05:03:43 PM
:)) :)) ang galing pwede mo din gayahin si tia dely o kaya yun kay helen vela or si inday badiday sa mga payong iyong bibitiwan... >:D

in fairness sabi ng mga bading ayus ang idea mo brader... tatanong din ako pag mayproblema ako sa aking sweet :))

Bwahahaha! Brader Spidey, Gue tanong ka lang brader at pwede mo ding bigyan ng payo ang mga sender natin :))



Mico,

... Pakisabi kay Mr. Blue... Wag kase ganun pigilan den nya minsan ang ninja ng ninja kung saan saan noh? ....

Thanks sa pagdaan ulet dito parekoy, sabi ko naman sa'yo idea mo 'toh, inapply ko lang :)) , makakarating kay Mr. Blue yang payo mo, maige eto una mong nakita at na boom panes ka :))


...Hanggang Dito nalang Mico,

- "Lalaking naka Blue"   :( :( :(

At para naman sa'yo lalaking naka Blue, sorry at late ang sagot ko:

Sana ay nabasa mo ang Advice ng isa sa mga Diyosa ng Venus na si @Schy  , wag ng magpaka torpido at gawing career ang pagiging Ninja, my advanced level ang pag nininja at para maintindihan mo eh antayin natin na mapadpad dito ang hari ng mga ninja na si @fayt at baka maturuan ka nya ng advance ninja moves.

At isa pa Brader, sabi nga ni Pap jack: Sabi ni Papa Jack, "lahat ng kaldero ay may nakalaan na takip - bawat isa sa atin ay may nakalaan na tao na magmamahal sa atin" Ang tanong Eh bakit may mga tao pa ring tumandang dalaga at binata? Ano sila mga kawali?

May point dba? pero kung gagawing nating sample ung minsang kumakalat sa post sa Facebook sabi nga:

Si Freddie Aguilar 61, yung jowa niya 16.
Si Bossing Vic 59, yung jowa niya 25.
Si Madame Auring 61, yung boylet niya 17.

Kaya Chill ka lang Brader. Tulad mo Baka di pa pinapanganak yung taong nakalaan para sa kanila. Hindi sila kawali. Late lang sila lumandi.


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


Offline Ravendelle

  • Venus
  • Certified Member 1
  • *
  • I am Raven. Love me or hate me, choose.
Reply #11 on: September 16, 2014, 07:01:46 PM
Malay mo mr.blue maging kasama mo cya sa trabaho.


Sent from my iPhone using Tapatalk
"Cor meum semper erit tuum." - Corvus Albinus, The Key to Erebus by Emma V. Leech



Offline mico

  • PT Author
  • Certified Member 1
  • *
  • Whoever tells the best story wins.
Reply #12 on: September 17, 2014, 02:26:49 PM
Mukhang Mabigat ang Problema ni "Mr. Nice Guy" about Texting in Public. Eto ang kanyang Message:

Dear Mico,

Itago mo nalang ako sa pangalang "Mr. Nice Guy", Una sa lahat, I wanna thank you for creating this thread and More Power sa mga Staff ng PinoyTambay, alam ko na hindi basta basta ang mag maintain ng ganitong forum, bagamat hindi ako active dito sa Forum ay enjoy na enjoy naman akong magbasa dahil dito nawawala ang stress ko kahit pa nasa bahay lang or nasa Office ako.

Meron lang akong maliit na Problema Dear Mico, wag nyo sanang pagtatawanan ang concern ko. Ako ay nagtatrabaho at bumibyahe araw araw at sumasakay ng Van papasok at Pauwi galing sa trabaho. At dahil mahigit isang oras ang byahe ko Dear Mico, Yun nadin ang time namin ng Girlfriend ko para mag usap at magkamustahan habang nasa byahe. Subalit nitong mga nakaraang mga byahe ko, medyo naging madalang na ang pag papalitan namin ng text, nasabi ko kasi sa kanya ang problema sa Byahe ko dear Mico. Madalas kasi na sweet sweetan kami sa palitan ng text at may mga times pa na nag lalandian kame at pinag uusapan ung mga nakalipas namin na "sekscapades" dear Mico.

At Eto na nga ang problema na, napansin ko kasi na minsan may nag tatawanan at angpaparining na katabi ko or ung nasa likuran ko sa Van Dear Mico, nung una diko pinapansin, kaso napapadalas pala na lague nalang may nakikibasa ng text ko na katabi ko, Ewan ko ba dear Mico, sobrang nakakainis pero hindi naman ako yung tipo ng tao na gagawa ng eksena, simula nung araw na yon, para walang gulo, tinitiis ko nalang na wag mag text habang nasa byahe, hanggang sa naging simula na nga ito ng pagtatalo namin ng GF ko Dear Mico, pinaliwanag ko ang sitwasko sa byahe pero parang ayaw nya tanggapin, ano ba kaya pwede kong gawin Dear Mico. Thanks at sana Mabigyan mo ko ng magandang Payo.

- Mr. Nice Guy



Post Merge: September 17, 2014, 02:32:45 PM
Dear Mr. Nice Guy, Mukhang SOBRANG LAKI nga nga problema mo! Juice Ko Pineapple Juice! Hayaan mo, humingi tayo ng tulong sa mga Batikang Ninja dito sa PT at Eto ang ating mga impormasyong nakalap:



NINJA MOVES KAPAG BINABASA NG KATABI MO ANG TXT MO.



Option #1. I-nose bleed. Magtxt in different language.

"Cad j’ai vraiment tong prochain. n’a rien fait, mais lire txt moi. Je vois à quel point il tong comprendre ce que je dis. So, ano? Hindi mo naintindihan no? "


Option #2.  Pagbantaan with matching landi. Magtxt ng,

"Sige, basahin mo pa txt ko. Hahalikan kita jan." Warning: Tingnan muna kung cute ang katabi bago ito gawin. Applicable lang kay crush.



Option #3. Patayin sa nerbyos at paranoia.

"Inay. Naibili niyo po ba ako ng gamot sa tigdas? Tinubuan na po ako sa leeg. txtback"


Option #4. Habang nagbabas ang txt ang katabi mo, agad buksan ang camera at iswitch ito into front face sabay selfie para kasama din siya.

"Pare. Tawagin mo ang tropa. Ito yung picture nung katabi ko na kanina pang nagbabasa ng txt ko. Pakitambangan sa kanto."


Option #5. Magtxt ng isang orasyon.

"Ecce Crucemdomine fugite fortis ad verce vincit leo di tribujuda david aleluya aleluya aleluya." At dahil binasa mo ang isang orasyon, mababangga ka ng 10 wheeler truck pagkababa mo ng jeep. Ingat!


Option #6.  Ibigay ang cellphone sa kanya ng walang bitterness.

"Oh Ate. Para hindi ka na mahirapan, Eto na yung cellphone. Anjan lahat sa inbox ang gusto mong basahin. Ikaw na din magreply sa katxt ko. Bente pesos oh. Kaw na din magpaload. Paexpire na din kase unli ko. Asa gallery din nga pala yung mga six scandal ko. Browse browse mo din sana ha pag tapos ka na magbasa. Eto yung atm card at credit card ko. Yung susi ng bahay nasa paso. Ano pang gusto mong pakielaman?”
« Last Edit: September 17, 2014, 02:32:45 PM by mico »


"Ignorance of the law excuses no man - from practicing it. "


Offline ladyvirus01

Reply #13 on: September 17, 2014, 02:56:55 PM
Dear Mico pa advice kay Mr. Nice guy



Dear Mr. Nice guy
.... Ito lang masaabi ko sa mga tumatawa sau habang ikay nakasakay ng van, ako ba pingtatawanan nio? Hindi yong driver po!
Then pag tumawa sila ulit habang ikay ngttxt sa gf naker maki join ka na lang kong ano man pingtatawanan nila okey atleast magataka sila then im sure titigil yan db? Or else may sapi talaga mga yan hihi para habang tumatawa ka nattxt mo ang syutah mo para hindi na kau magkagalit intact pa tin communication nio... Hope maka help payo.....

Ang inyong lingkod "the smiling venus babes"


Sent from my iPhone using Tapatalk
« Last Edit: September 17, 2014, 03:23:25 PM by ladyvirus01 »
Every thought you produce, anything you say, any action you do, it bears your personality.



Offline Heathcliff

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • ~Venus Praetorian~
    • POTW1
    • PTFM
Reply #14 on: September 17, 2014, 04:43:10 PM
Hi There Sir Mico!

Ito advice ko dyan kay Mr. Nice Guy...

Alam mo kase dapat naman kung importante talaga sayo gf mo take time to give an extra effort para magkaron kayo ng quality time... Tsaka, alam mo yang pagte  text sa sasakyan...masama yan sa eyes ... Sige ka baka biglang kumambyo ang Van e mahipan ng ligaw na hangin ang mata mo... Dokleng abot mo nyan...

Infairness ... Hilig ko magbasa sa sasakyan din... After a few years saka ko lang napansin nde pantay eyeballs ko... Nyahaha! Sabi nga ng ex ko noon e... Banlag daw ako hehehe! (.... Potek sya pramis! Hihi...)

Saka nde mo maiiwasan meron makabasang iba sa text mo.... Shoulder to shoulder ba naman ang pagitan e... Saka lam mo naman... Mga pasahero saten... Kundi nangni Ninja move na chanzing at boso.... Usyoso naman... Kaya yan! Pati text mo kay gf.. Nadale!

Payong Ate lang... Kapag naman may seksi pic si gf... Wag mo muna i view ! Lekat...,! Baka ma boom panes ka naman sige ka!

And lastly....

Ang gf po... Nasa priority yan.. Well, nde man sya ang una.. But atleast... Make every moment with her special... Do something about giving an extra time para sa kanya... Okay?

O heto para naman..ganahan ka magtext sa gf mo.... Ng FOR HER EYES ONLY lang ...

Mainspire  ka sana ng ma matang ito..

Hehehe...





PS:  pahapyaw lang ang tingin .. Wag masyado titigan...

Baka lumitaw mga Silhoutte ng mga yan...

Mwah !


Nakatingin lang din sayo,


~Venus Schy~


« Last Edit: September 17, 2014, 09:33:57 PM by Schy »

~  Amor Gignit Amorem. ~


My Board

Good Times with Mico
« Reply #14 on: September 17, 2014, 04:43:10 PM »

 


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2022, SimplePortal