May tanong po ako sa mga OFW nating kababayan, lalo na po sa mga kalalakihan...
pag umuuwi ba kayo ng pinas, (at may nakasix kayong ibang babae habang nakadestino) nagpapacheck up ba muna kayo bago sumiping kay misis?
Kung hindi po, pano kayo nakasisiguro na hindi kayo nahawaan at hindi mo mahahawaan si misis? (ang condom po kasi ay hindi proteksyon sa HIV, at may mga std na nakukuha thru oral six).
Ano pong proteksyon ang ginagamit nyo?
Kung oo po, saan po kayo madalas magpacheck up?
Dito po ba sa Pinas o sa pinanggalingan nyong bansa?
Mas mae-encourage ba kayong magpatest kung kayo mismo ang pupuntahan sa hotel kung nasaan kayo?
Nagsusurvey po kasi kami. Pinaplano po kasi naming magbigay ng 10% discount for check up and testing sa lahat ng OFW, basta may proof ng pagka OFW at kakarating lang ng pinas. Makakatulong po ba ito sa inyo? at makakatulong ba ito na hindi mahawaan ang misis?
Sa paanong paraan pa po ba kami makakatulong para mag-improve ang sixual health ng mga OFW? Tumataas na po kasi talaga ang bilang ng mga STD cases ng OFW sa Pinas. At kahit sa hindi OFW, napakabilis na ng pagkalat ng HIV. at nakakabahala na ang iba ay parang hindi nag aalala kung may std sila o wala kahit nakikipagsix sila sa mga six worker sa ibang bansa...
Meron po ba kayong suggestions? Pag-aaralan po namin kung papano namin matutugunan ang inyong pangangailangan.
Sana po ay masagot ninyo ang mga tanong namin. maraming salamat po!